Share

Chapter 26

HINDI ko alam kung bakit imbes na mahiya dahil pinagtitinginan kami ng mga empleyado ay parang proud na proud pa ako. Iyong tapang ng babaeng kaaway ko kanina biglang nawala, napalitan ng kahihiyan. Hindi niya alam kung paano tatakpan ang sarili niya. Punit kung punit talaga ang damit niya.

"Ano'ng kaguluhan ang pinaggagawa n'yong dalawa? Bakit kayo nagsabunutan sa banyo?" paasik na tanong Miss Minchin pagpasok pa lang naming tatlo sa loob ng opisina niya.

Nag-react agad ang isa.

"Kasalanan niya itong lahat, Ma'am Chavez. Siya ang nanguna. She hit me first!" Marahil kung sawa lang ang babaeng ito, matagal na akong nilamon sa sobrang inis. Kitang-kita ko iyon sa hitsura niya.

"Wow, ha? Ikaw nga itong unang nagwisik sa akin ng alcohol sa mukha. Kung sa 'yo ko kaya gawin 'yon? Tingnan natin kung hindi manggigil."

"Well, kasalanan mo 'yon! Kinakausap ka nang maayos, bastos ka sumagot. Baguhan ka lang dito, attitude ka kaagad!"

Napapantastikuhan pa akong natawa. "Excuse me? Sa pagkakaala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status