Share

Chapter 58

NAALIMPUNGATAN ako sa sunud-sunod na ring ng telepono. Nasa tabi lang pala ng ulunan ko. Doon sa kuwarto ni France.

Matagal bago ko nasagot dahil nagdadalawang-isip pa ako. Baka isa na naman 'to sa mga ex ni France na manggugulo. Hay nako! Mang-aaway na talaga ako.

"H-Hello?" Pero sa huli ay sinagot ko pa rin. Maigi nang malaman ko kung may iba pa siyang babae maliban sa akin. Malilintikan talaga siya sa akin.

"Who's this? Nasaan ang kapatid ko?"

Ngunit boses ng lalaki ang narinig ko. Arogante.

Napalunok ako. Kapatid? Si Blue Eyes pa lang ang nakikilala kong kapatid ni France.

At sa tono ng pananalita ng lalaki alam ko nang hindi ito si Blue Eyes. Iba ang timbre ng boses nito, medyo soft kumpara rito ngunit halatang may pagkamasungit.

"G-Girlfriend niya 'to. Nasa shower room pa siya eh," kiming tugon ko.

"Katukin mo. Sabihin mo urgent. Ayoko nang pinaghihintay ako."

Nanlaki ang butas ng ilong ko. Aba. Ang bossy nito ah.

"Ano ba 'yong sasabihin mo? Puwede namang ako na ang magsabi." Pi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status