Share

CHAPTER FOUR

Ang matayog at mahabang hagdan ay walang pinagbago, maski ang kulay niyon at ang disenyo ay walang naging pagbabago sa nakalipas na taon. Even the antique vase ay naroon pa rin sa gilid ng hagdan. Pero hindi niya na masyadong pinansin ang lahat. What matters to her right now is to get her son away from him. Mali na ma-punta pa sila dito at maibalik. Mali na naririto sila. At lalong mali na magkasama pa sila ni Greg. Maling-mali na makita nito ang anak niya dahil hinding-hindi siya papayag na mapunta ang anak niya sa lalaking iyon. She heard some laughters. And it came outside the living room. Dahan-dahan niyang binuksan ang screen door at saka lumabas. Bumigat ang dibdib niya when she saw her son Greene laughing while his papa is

lifting him in the air. May butil nang luha ang nag-landas sa pisngi niya. Kung sana sa ibang pagkakataon ay masisiyahan siya sa nakikita pero iba ngayon. Takot ang nararamdaman niya. Lalo pa't napakaraming armadong lalaki ang nagkalat sa paligid. Noon pa man, napakadaming bodyguard na ni Greg. Hindi niya alam kung ano pa ang illegal na ginagawa nito para magkaroon ito ng ganoong dami ng mga tauhan upang protektahan ito.

 It's not safe to me and my son to stay here. Nagma-martsang lumapit siya sa dalawa at mabilis na kinuha si Greene sa mga kamay nito.

“Hey!” halos takbuhin niya ang mga ito makalapit lamang agad siya. Nag-iisip na siya ng mmga paraan paano sila tatakas ni Greene lalo at ang daming nagkalat na armadong mga kalalakihan sa paligid.

Tandang-tanda pa niya ang maliit na lagusan sa likod bahay. Bakanteng lote ang labas niyon at kasunod ay kalsada palabas ng village. Nasisiguro niya na kung doon sila dadaan ni Greene ay makakapara agad siya ng Taxi na dadaan doon o kaya naman ay makakahingi ng saklolo sa kung sino mang motorista na daraan doon. Sa ngayon, kailangan niyang mabawi si Greene at saka na niya iisipin ang iba pang plano. Maaari naman niyang lapitan ang mga dati niyang kaibigan dito sa Pilipinas at nasisiguro naman niya na hindi tatanggi ang mga iyon sa ka-unting tulong na hihingiin niya para lamang makalayo silang mag-ina.  

Kinarga niya agad si Greene pagka-kita niya at tinalikuran ang ama nito. Pero mabilis itong nakahabol sa kanila at humarang sa daraanan niya. Ang malaking bulto nito ang nagpahinto sa kanya. 

“Where do you think you going? At kasama pa ang anak natin.”

“Anak ko!

Madiing saad niya. Hindi niya gustong angkinin nito ang anak niya. He smirked. “Anak ko rin siya. Hindi mo naman siya magagawa ng sarili mo lang. Kaya anak ko din siya,”

mariing sabi nito sa kanya. Sandaling uminit ang pisngi niya dahil sa sinabi nito.

“Aalis na kami. Babalik kami sa Manitoba.”

She said with finality. Walang dahilan para manatili sila dito. May sarili na silang buhay malayo dito. She saw his eyes darken with madness. 

“At sinong nagsabi sayo na pwede kayong umalis?”

He asked dangerously.

Nagkaroon ng biking sa lalamunan niya. Totoong sumisidhi pa rin ang takot niya lalo't ganitong seryoso ito. Pero hindi na siya katulad ng dati. She won't let him manipulate her life again. Sila ng anak niya. Matapang na sinalubong niya ang tingin nito. 

”Ako!”

Mas dumilim ang mukha nito. “At sino rin ang nagsabi sayo na pu-pwede mo kaming i-kulong at piniliting manatili dito?”  Bakas ang pinipigil na galit.

Napa-igik siya nang hawakan siya ng mahigpit nito sa braso. “I've waited for so long. At sa tingin mo hahayaan ko kayong umalis? Think again milady. Think again.”

She knew him very well. Wala itong gusto na hindi nakukuha sa kahit na anong paraan. Ini-waksi niya ang braso at hinarap ito sa matapang na paraan. 

“Nagpapatawa ka. At sino ka para pigilan kami? I won't let you to dragged me and my son to your selfish life! Hindi ko hahayaang mamulat ang anak ko sa mundong ikaw ang nasusunod. May sarili kaming buhay at hindi ka kasama doon!”

Gumuhit sa mukha nito ang sakit ng mga salitang binigkas niya. Nagsisisi man pero huli na. Hindi na niya binawi ang alin mang nasabi niya. Sawa na siya. Pagod na pagod na. Mas tumibay ang depensa niya na hinding-hindi siya nito mapipilit. Pero unti-unting naglalaho iyon lalo pa't nababasa niya sa mga mata nito ang pinipigilang galit. 

“Kapag sinabi kong hindi kayo aalis. Hindi! Matuto kang makinig dahil kung ipagpipilitan mo ang gusto mo. May isang bagay kang pagsisihan.”

Napalunok siya dahil sa sinabi nito.

Niyakap din niya ng mahigpit si Greene.

“P-Pakawalan mo na kami please,”

nawala ang tapang niya. Alam niyang kahit magmatapang pa siya ay hinding hindi magbabago ang desisyon nito. He will remain his decision untouched.

Lumikot si Greene at pilit na humaharap sa ama. 

P-Pa-Pa.” Totoong nagulat siya nang unang bigkasin nito ay papa. Iniumang nito ang braso at pilit na sumasama sa amang nakatayo sa harapan niya ay seryoso ang mukha. Dahan-dahang lumapit pa ito lalo sa kanila. Akala niya'y kakargahin nito si Greene pero dinampian lang niya ito ng halik sa noo. 

“Be good to your mom big boy okay. Papa will be very busy today.”

He said to her son. And Greene giggled when his papa kissed his temple again.

Nang sa kanya na ito tumingin. “Stay here! Tinatamad na akong sumunod ng sumunod sa lahat ng mga pinupuntahan mo. Nakakapagod nang tanawin ka sa malayo so stay here!”

Kumunot ang noo niya. Anong ibig nitong sabihin? Is he always been with her all along? Hindi impossible lalo pa't espiya niya si patty sa bahay niyong mag ina. Akmang magsasalita pa siya. 

“No more any words. Baka nakakalimutan mo. I owned you because you’re still my wife. And as my wife you will stay with me. Only with me.”

Galit na sinundan niya ito. “It’s stop me being your wife nang piliin mong i-lihim sa akin ang mga dapat ay alam ko. So, stop telling me that I am still your wife when in the first place I never been your wife.”

Tinalikuran niya si Gregory habang bitbit niya si Greene. Pinili niyang tumalikod agad upang hindi nito makita ang luhang sunod-sunod na pumatak sa mga mata niya. Greg stops as her husband as well nang mas piliin nitong mag-sinungaling kaysa ang sabihin ang katotohanan sa kanya. Katotohanang kahit masakit ay pipiliin niyang tanggapin kaysa ang manatiling bulag at walang alam.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status