Share

CHAPTER THREE

Shane opened her eyes. Asul na kisame ang namulatan niya. Pakiramdam niya pagod na pagod siya. Ang mga talukap ng kanyang mga mata ay gusto ulit mag-sara. Ang likod niya ay gusto ulit mahiga sa komportableng kama.

Kama? Mabilis na inayos niya ang takbo ng kanyang utak. Pilit ina-alala ang huling nangyari sa kanya. Ang huling natatandaan niya ay hinahanap niya si Greene. Dahil nawawala ito. Nilibot na niya halos ang buong park pero hindi niya ito makita. Binundol muli ng takot ang puso niya. Nasaan ba siya? Paano niya hahanapin ang anak niya?

Akma siyang bababa sa kama nang mapuna ang suot niya. 

Red see-through lingerie? Kanino ito? Wala siyang matandaan na may ganoon siyang damit pantulog. Mahilig siya sa pajamas kaya hindi niya alam kung kanino ang damit na suot niya. Halo-halo na ang takot sa puso niya. Takot para sa anak niya at takot para sa kanyang sarili. Ngayon siya naniniwalang na-kidnap nga siya. Iginala niya ang paningin sa paligid. Maluwang ang kwarto. Kompleto sa modernong kagamitan. Hindi siya pamilyar sa lugar pero pakiramdam niya ay nakita na niya ang silid na ito. Pakiramdam niya ay minsan na niyang napuntahan ang lugar at pinamalagian ng maraming panahon.

Dinama niya ang ulo niya. Bago siya nawalan ng malay-tao ay tila siya nahilo matapos niyang may maamoy na kakaibang amoy at doon na nga nagsimulang magdilim ang lahat sa kanya.

May iba't-ibang klase ng figurines ang naka-display sa bawat sulok ng kwarto. Mga miniature house at kung anu ano pa. Ang mga hitsura ng mga iyon ay tila inaakit siya. Maganda at detalyado ang pagkakagawa. Wala siyang oras para usisain ang mga bagay na yon. What she concerned more is kung nasaan siya. At nasaan nag anak niya. If this one of the ransom kidnapping. Wala siyang maii-bayad. Wala siyang maii-bigay na pera. So she needs to think wisely. Kailangan siya ni Greene. Kailangan siya ng anak niya. At lalong kailangan niya ito. She can't live without her son.

Nasa may pinto na siya nang mapadako ang mga mata niya sa head board ng kama. At umakyat ‘yon ilang pulgada pa. From there, she saw her face. Smiling at the camera. Wearing a simple white dress. At sa gilid niya. A man who prominently stood up beside her. Smiling genuinely. Love and happiness are visible to his eyes. He's wearing a simple white long sleeve polo. His arms possessively wrapped around her.

Do you Gregory Sevilla Lopez accept Shane Anson Montalvo as your lawfully wedded wife?”

Tanong ng judge kay Greg. Si Judge Arnisto Velasco. Ninong naman ni Greg.

Hindi magarbo ang kasal nila. Isang simpleng kasalan lamang sa huwes. Wala ring maraming tao. Kung di isang pares lang na pareho nilang matalik na kaibigan ang saksi sa kasalang nagaganap. Tutol ang mga magulang niya kaya hindi siya umaasa na darating ang mga ito. But Greg promise her a church wedding sa oras na maka-graduate silang dalawa. For now, masaya sila na matatali na sila sa isa't isa. Sa legal na paraan.

I do.”

She heard Greg "I do” Bakit kahit alam na niya ang sasabihin nito ay bilyon-bilyong kaba pa rin ang nararamdaman niya. And when the Judge finally asked her. It's always been the same. I do.

Her biggest mistake. Hindi na niya kailangan tanungin ang sarili niya ng paulit-ulit. It's now obviously where she is. At mas dumoble na ang takot niya. Kung may pinakanakakatakot na nilalang sa mundo. Si Gregory iyon. A man she used to love before. Ang lalaking pinagalayan niya ng lahat sa kanya. Ang lalaking pinagkatiwalaan niya. At ang lalaking handang pumatay. Pinahid niya ang luhang tumulo sa mga mata niya. Matapang na siya. Hindi na siya mahina. Pinatapang siya ng panahong nagiisa siya. Mga panahong sarili lang niya ang kinakapitan niya. Bahagya pa siyang napaigtad ng bumukas ang pinto at pumasok doon ang isang babae.

“Patty?”

Gulat na bulaslas niya. “Anong ginagawa mo dito?” Bagkus na sagutin siya pumasok ito sa loob at nilapag ang bihisan niya. O mas tamang sabihing bagong bihisan niya. 

”Ate, maligo na po kayo. Nakahanda na ang almusal.”

“Sumagot ka! Tinatanong kita!”

Sabi niya sa galit na boses.

Napayuko ito. Bakas dito ang takot sa kanya. “Sorry po Ate. Hindi ko naman gustong lokohin ka. Napag—”

“That's it! Kasabwat ka niya”Nanggigigil niyang sabi.

“Ate hindi sa ganoon —”

Pinatahimik niya ito. Hindi na niya gustong marinig ano man ang magiging paliwanag nito sa kanya. Ang laki ng tiwalang binigay niya dito pero sa huli ay hindi niya pa rin pala dapat ito pinagkatiwalaan pa.

Gagawin talaga ni Greg ang lahat. I-kulong lang siya muli sa marumi at nakakasal na buhay nito. Pero hindi na siya papayag. Hindi siya papayag na pati ang anak niya ay madamay dito. “Si Greene?  Narito din ba siya?”

Nililinga niya ang paligid iniisip kung may bagay ba doon na makakapagturo sa kanya kung saang lupalop siya ng mundo naroroon. Hinintay naman niyang sumagot si Patty.

Nag-aalala na siya sa anak niya. Baka iyak na ito ng iyak dahil wala siya. “Safe po si Greene Ate. N-Narito din po siya.”

Tumakbo siya sa pintuan. ”Ok po si Greene hindi siya naiyak. Nasa baba po siya. Naglalaro, kasama ang Papa niya.”

Kasama ang Papa niya.

Kasama ang Papa niya.

Kasama  ang Papa niya.

She get froze after she heard what Patty said. Paulit-ulit iyon sa isip niya na parang sirang plaka. Hindi niya lalo maintindihan sa sarili niya kung makakapag-isip pa ba siya ng paraan kung paano muling makaka-layo sa asawa niya. Gregory lives only in her memories. Hindi na sa reyalidad ng buhay niya. Nang iwanan niya ito ay pinanindigan na niya ang desisyong hinding-hindi na siya babalik dito kahit na kailan pa man.

Narinig niya muli si Patty. Telling her that Greene is okay and doing fine with his father.

No, It can't be. Binabangungot lamang siya. Magigising din siya. Hindi totoo ang lahat ng  ito. She shake her head two times then she open her eyes. Pilit pa rin niyang kinakalog ang isip dahil baka isa lamang iyon masamang panaginip at dala lamang ng mga pagod na pinagdaanan niya ng mga nakakaraang araw. Pero nanatiling ganoon pa rin ang lahat. Hindi nagbago, naroroon pa rin siya sa lugar na sinumpa niyang hinding-hindi na niya itatapak muli ang kanyang mga paa. Another nightmare.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status