Share

CHAPTER 14

     "LUKE! Pakilabas naman nito sa likod. Sumisikip lang lalo ang daan dito."

Mabilis na kumilos si Luke. Tumayo siya mula sa pag-aayos ng condiments at nagpunta sa kusina ng burger shop. Hindi magkandaugaga ang mga taong nagtatrabaho. Ilang oras pa bago ang kanilang off kung kaya ganoon na lang ang pagiging bibo ng mga trabahante. 'Bakit hindi? Uwian na.'

"Ito na ho ba lahat?" Tinipon ni Luke ang supot ng mga basura. Hindi na niya hihintayin pang matapos ang oras sa trabaho para itapon ito. Sisikip lamang ang espasyo sa kusina. Halos magkabanggaan na ang dalawang tao sa loob nito. Lalo naman kapag pumasok ang mga server. Ang iilang balde at supot ng basura sa silid ay takaw lugar sa mga taong ga-ipo-ipo kung kumilos.

"`Yan na, bata."

Mag-isang kinarga ni Luke ang tatlong supot ng basura pati na ang isang balde. Ang laman ng mga ito ay karton at plastik mula sa stock na dumating kaninang umaga. Dapat ay itinapon na ito ng naunang pumasok na ka

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status