"LUKE! Luke, naman!"
Umigkas si Luke sa hawak ni Ethan at umiling dito. "Hindi. Tuwing nandya ka, lumalapit si Rex at nagkukunwaring may gusto sa akin kahit wala naman."
"Oh?" Umingos si Ethan. "'Wag kang magkakagusto do'n. Sinungaling 'yon. Tara na."
"Hindi mo ba naiintindihan ang ibig sabihin no'n, Ethan?" Hinarap ni Luke ang kaibigan at pinanlisikan ito ng mga mata.
"Mapagmantala sya. 'Yon." Naglapit ang kilay ni Ethan. "'Wag kang maniniwala kapag inuuto ka niya, Luke. May sa demonyo ang lalaking 'yon. Ramdam ko. Kapag nasa malapit siya nanginginig ang sikmura ko."
Napahilamos ng palad si Luke. 'Ikaw naman ay manhid.'
"Luke, hindi ko rin maintindihan kung bakit siya ganiyan." Huminga nang malalim si Ethan at buong kaseryosohan na nangako. "Hindi ko na siya papansinin. Kaya 'wag ka na magalit at mag-aalala pa. Hininto din siya, siguro mga next week!"
Inilibot ni Luke ang tingin sa kawalan. Napapagod siyang umili
"SHE'S into cooking, kahit pa hindi naman talaga siya gifted sa aspetong iyon." Felix stared at his Momma lovingly. "Nilulunok nalang namin ang tutong niluto niyang cake na para bang cookies 'yon." Napabungisngis si Luke habang ini-imagine iyon. Mukha ngang gagawin iyon ni Felix para sa kaniyang lola. "You know, hindi ka talaga papasa bilang Logan." Naumid si Luke. Sumimangot siya na siyang dahilan kung bakit bumunghalit ng tawa si Felix. "You must take this as a compliment, Luke!" "Bakit naman?" Idinuyan ni Luke ang sarili. May maliit na playground para sa mga apo ang bahay ng lola ni Felix. Tuwing reunion at pasko ay nandito nagtitipon ang kanilang buong mag-anak. Mukhang madalas din si Logan dito dati. Sinabi kasi ni Felix na dito natutulog ang kaibigan kapag may naganap na namang gulo sa bahay nito. Nagpasalamat si Luke sa Diyos dahil may kaibigang gaya ni Felix si Logan. Kung wala ito noong panahong iyon, kanino kaya
NAKAKAPANIBAGO ang magbalik muli sa maiingay na lugar gaya ng isang bar. Para kay Luke, isang memorable na gabi ang pagkakataong ito. Ito ay mabibilang sa iilang panahon na nakapasok siya sa ganitong eksena.Mas maganda sana kung hindi siya napaggigitnaan ng dalawang lalaking nagpapalakasan ng boses sa kaniyang bawat tainga."Luke, I don't really know him. Bakit siya umaarteng ganiyan?" Rex leaned closer to him. "Order everything you like and just point me. Ako magbabayad, okay?""Luke, kita mo? Hindi niya raw alam! Anong ibinubulong-bulong mo sa kaibigan ko? Hindi ka niyan papaniwalaan dahil lang sa pera mo! Oh, dinala na kita dito para maalala mo pero nagmamaang-maangan ka parin talaga?""As I've said, I'm courting Luke. Stop being such a lunatic, Ethan.""Lunatic?" Umusok ang ilong ni Ethan. Tumayo ito mula sa pagkakalagak sa silya. "Sinabi ko na sa 'yong huwag mo akong iniingles kapag galit ako, e!"Napahilamos ng pal
MALAYONG malayo ang ipinagkaiba ng kanina lang ay party at itong pag-uusap ni Luke at Ethan. Tahimik at halos walang tao sa daan. Maagang nagsara ang club dahil may suntukan na naganap ilang minuto lang matapos lumikha si Ethan ng ingay. Rex paid for the damage Ethan has made. The guy left without a single glance at them."Ethan, gusto kong maintindihan ang lahat." Napahawak si Luke sa ulo at napailing na lamang. Tila ang dami pa niyang hindi alam sa mga taong nakapalibot sa kaniya. Lahat may kaniya-kaniyang sikreto. "Totoo ba 'yong sinabi ni Rex?"Niyakap ni Ethan ang sarili at sumagot. "Oo. Totoo 'yon."Nag-init ang mga mata ni Luke. Hindi niya namalayang ito pala ang pinakamahirap na tanong sa lahat. "Nitong taon na naging magkaibigan tayo… alin doon sa mga sinabi mo ang totoo?""Luke! Luke…" Sinabunutan ni Ethan ang sarili. "Luke, hindi ko gustong magsinungaling, okay? Takot lang ako na baka talikuran mo ako oras na malaman
IT WAS a stormy morning when Felix noticed a change in Logan. Hindi niya alam kung kailan ito nagsimula—takot din siyang magtanong dahil baka murahin siya nito sa kaniyang ginawang kasalanan noong isang araw.If Felix looked back on it further, it would be, yesterday. He tapped his chin and thought, 'Yes, iyon nga ang araw na nag-umpisa ang mokong na ito sa pagiging balisa.'"Logan!" Kinalabit ni Felix ang balikat ng kaibigan. Mabilis namang lumipad ng Espanya ang kaluluwa nito dahil sa pagkabigla."The fuck!" impit na sigaw ni Logan, "What?"'Iyan.' Napailing si Felix. 'Iyan ang mali sa 'yo.'Sa kakaunting ingay ay nagugulat agad ito. Para bang ito ang may sala at hindi siya. Siguro nga ay may nagawa itong mali noong gabing iyon. Hindi naman siya alam kung paano tatanungin si Luke nang hindi naiilang ang binata.Mas mainam na tanungin si Logan. Kaso kahit ito mismo ay hindi nagsasalita.'Logan won't even tal
NAUWI sa tahimik na tanghalian ang muling pagkikita ni Ethan at Rex. Muling natagpuan ni Luke ang sarili na napapagitnaan. Ngayon, mas lalo niyang kinaiinisan ang dalawa. Masyadong guilty si Ethan, si Rex naman ay nagpapakamanhid! The latter won't even glance on his friend.Patapos na ang klase subalit ang problema ng dalawa ay nagsisimula pa lamang. Gusto pang dumagdag ng mga ito sa cramming na kanilang ginagawa.Ibinaba ni Luke ang kubyertos na kaniyang hawak. "Rex, puwede ba tayong mag-usap?"Malawak ang ngiti ni Rex habang tumatayo. Umasim ang ekspresyon ni Ethan pero nauna pa itong umalis. "Dito na kayo mag-usap. Alis na ako."Bagsak ang balikat na umalis ang kaibigan ni Luke. Sinundan niya ito ng tingin bago nag-umpisang magsalita. "Gusto ka niya, gusto mo siya—para sa'n pa ba 'to, ha, Rex?""I want him to grow, Luke." Hindi man lang kumurap ang lalaki. Tinipon nito ang mga gamit na plato sa harapan at inilaga
HINDI excited si Luke sa magaganap na tutoring mamayang gabi. Hindi. Hindi siya gagaya sa iba d'yan na kinikilig sa simpleng posibilidad na 'yon. Hindi siya ganoon."Anong oras na, Ethan?" Hindi napigilan ni Luke ang mapatanong.Asar na inalis ni Ethan ang libro sa mukha saka siya binalingan. "Hindi ba't kasasabi ko palang ng 11:45?""Grabe, pala, ano." Napakamot ng ulo si Luke. "Ang bagal ng oras sa mundo."Umusok ang ilong ni Ethan. Malungkot nitong dinuro ang mga papel sa kanilang harapan. "Gusto mo ba talagang bumilis ang oras? Sa dami niyang mga gagawin natin!""Woah!" Pinag-ekis ni Luke ang braso. Mukhang kakaiba ang inis na ito ni Ethan. May ibang pinanggagalingan. Hindi naman ito nagagalit nang basta-basta maliban nalang kung si Rex ang pinag-uusapan. "Kalimutan mo muna siya saglit, okay?""Sinong nag-iisip sa kaniya?" Dumila ito. Inabot ni Ethan ang baunang tubig. "Bakit ka ba nagmamadali?""Sino? Ako?" N
"LANDER, 'di ba sinabi kong ilayo mo sa 'kin ang asong 'yan?" Felix was grumpy when he woke up from his nap. Paanong hindi? Lander broke his sweet dreams all because of a small puppy. Hindi nito alam kung saan ilalagay ang asong na-rescue sa daan. Isa itong maliit na aspin. Bulag pa ang isang mata. Hindi maamoy ang aso dahil ipinaligo na ito ni Lander. Gayunpaman, ayaw pa rin ni Felix dito.Maingay kasi ang asong iyon."How can I have my sleep back kung 'di matigil 'yang kakatahol niya?"Lander had the audacity to pet the dog with so much care in front of him. Gusto siyang bigwasan ni Felix dahil sa inis. "Really, Felix, makakaya mong itapon nalang ang kyut na kyut na asong ito?""You barf—""Hindi ko aakalaing ganiyan ka pala. Just a small puppy, pero gusto mong itapon dahil lang sa tulog mo." Lander even looked hurt. This big, dumb asshole. "Hey, kung ayaw mo, edi 'wag! I'll find a nice lady to care for him, right, buddy
HINDI man lang natinag si Logan matapos ang nangyari. Nanatili itong propesyunal habang nagtuturo sa kaniya. Halos matunaw ang atay ni Luke dahil sa pagkadismaya.Walang indikasyon na naalarma ito dahil sa nangyari kanina.Lunok ang dilang nagpatuloy si Luke sa pakikinig. Karamihan sa sinasabi ni Logan ay naiintindihan niya subalit ang iba ay hindi. Hindi na siya nag-abala pang magtanong sa takot na baka isipin ni Logan na mahina siya sa pag-iisip. Ang hindi niya alam, kanina pa inoobserbahan ni Logan ang kaniyang ekspresyon. Binigla siya nito ng isang problem. Ilang segundo iyong tinitigan ni Luke bago sumuko. "Uh, hindi ko alam 'to.""Itinuro ko 'yan sa 'yo kanina—" Mariin siyang tinitigan ni Logan. "Sabihin mo, gets mo ba talaga 'yong in-explain ko?"Nauwi sa pagpilipit ng damit ang mga kamay ni Luke habang interesanteng tinititigan ang panulat na hawak ni Logan. "Uh, nakalimutan ko 'yong formula.""Luke, don't hesitate