Share

Chapter 4

ABALANG-abala si Marci sa pagnguya ng ensaymada nang may humila ng upuan sa harap niya at naki-share sa lamesa ng walang paalam. Aalis na sana siya nang mapagtantong si Seig pala ang intruder sa puwesto niya. Maliwanag sa coffee shop kaya kitang kita niya ang abot-taingang ngiti nito.

“Are you okay?” tanong niya habang ninanamnam ang makesong tinapay. Ito na ang pinakamasarap ng ensaymada na natikman niya.

“Yeah! I’m cool. Kailan ulit ang appointment mo sa doktor?”

Nabitin sa ere ang tinidor na may ensaymada at tiningnan niya si Seig. “Bakit?” May napansin siyang kakaiba sa mukha nito, parang gumaguwapo ito sa paningin niya. Ipinilig niya ang kanyang ulo, baka naghahalusinasyon lang siya dala ng pain killer na iniinom niya.

“I just wanted to make sure that you’re wound will heal so soon. Saan mo ba nakuha ‘yan?” She can sense a hint of concern from his voice.

“Sabog ka ba? Hindi ka naman ganyan ka-concern sa’kin dati ah! O, kumain ka. Gutom lang ‘yan.” Itinulak niya ang platito ng ensaymada rito at humigop naman siya ng kape.

“Hindi ba ako puwedeng magbago?” Hinati nito ang ensaymada gamit ang tinidor, tinusok iyon at isinubo. Why did he used the same fork! Inagaw niya ang tinidor sa kamay ni Seig at inihagis sa malapit na basurahan. Nasisiguro niyang wala siyang nadamang kahit anong kuryente nang magdikit ang kamay nila ng binata, hindi siya naniniwala sa sparks. Hindi pa siya nagkakanobyo, flings at dating lang ang pinapasukan niya. Bakit napasok sa isip mo ang pakikipagrelasyon sa mga oras na ito? Focus Maristela! Tumuwid siya ng upo ngunit hindi siya makatingin ng diretso kay Seig. Ask him about Zircon! Tumikhim siya.

“Sir Seig-”

“I prefer Seig. I want you to call me by my first name.” Umalpas na naman ang magandang ngiti sa mga labi nito.

“Segundo.”

“No. Not that name. Just Seig.” Kinuha naman nito ang tasa ng black coffee at uminom roon.

“What are you acting like this?” Umiling si Marci. Nonsense na tanong iyon. “Never mind. Have you heard of Zircon?”

“Why are you wearing that kind of glasses? It doesn’t suit you.” Inabot nito ang kanyang salamin kaya napaatras siya. Parang may nagkakarerang kabayo sa d****b niya at hindi thrilling iyon para sa kanya, bigla siyang nakadama ng takot dahil may kakaiba siyang nararamdaman. The feeling that she never felt before.

“Tapos na ang break ko.” Tumayo siya at iniwan si Seig, sa peripheral vision niya ay nakangiti pa rin ito. That man is getting weirder and weirder every day. Hindi siya gumamit ng elevator pagbaba dahil nasu-suffocate siya sa maliliit na espasyo. Isang love song ang pumalinlang sa paligid at ang magkakapareha ay pumunta sa dance floor para sa slow dance. Hindi pa man siya nakakapasok sa loob ng counter ay may bumulong sa kanya na nakapagpatindig ng balahibo niya.

"Care to dance?”

Hinarap niya ang nagmamay-a*i ng boses na iyon. His green eyes can melt a million hearts but not hers and his ginger hair is messy but still looks good. He is not the only foreigner here but his presence is outstanding, you can mistaken him as a prince from a fairytale story but he’s not. Bakat ang matipunong katawan nito sa suot na fitted blue shirt na tinernuhan ng kulay kremang pantalon.

“I know it’s you. I remember your face.” Tulad nang nauna nilang pagtatagpo ay mahihimigan agad ang Russian accent nito. “My name is Aquina.” Inilahad nito ang palad at tinanggap naman niya ang pakikipagkamay nito. Nagtaka siya kung bakit nawala ang trace niya sa lalaki gayong nasisiguro naman niya na dumikit ang tracker sa balat nito.

“Good evening, sir. But as you can see, I’m still on my shift,” polite na tanggi niya sa alok nito.

May posibilidad na alam na ni Aquina ang tungkol sa kanya kaya tinanggal nito ang tracker. Hindi niya inaasahan ang muli nilang pagkikita at sa pagsulpot ng lalaking ito sa Classique ay nasisiguro niyang may ginagawang transaksiyon sa Aquina sa isa sa mga tao rito.

“Oh, that’s a shame. Can I order a cognac?” Umupo ito sa stool at tuluyan na siyang pumasok sa loob ng counter. “Hi, bro!” Bati ni Aquina kay Cane, nag-high five naman ang dalawa. Ibinigay na niya rito ang inumin. “Is Kristof here? I’m meeting him tonight.”

“Inside his office,” sagot niya.

“Are you sure you don’t want to dance?” pangungulit pa nito.

“I’m sure sir,” nakangiting sagot niya rito.

“Okay, but I’m sure that next time you will. See you later.” Paalam nito at umakyat na sa ikatlong palapag patungo sa opisina ni Kristof. May inilagay siyang recorder sa bawat sulok ng night club kasama na rin sa mga offices. Naka-live feed ang recorder sa earbud niya kaya maririnig niya ang bawat transaksiyon sa loob ng opisina, sa ngayon ay kailangan niyang i-connect ang earbud niya mula sa server ng headquarters.

Pumasok siya sa comfort room at inutusan si Lily na i-connect rin sa kanya ang recorder mula sa opisina ni Kristof. Pumasok siya sa isang cubicle, ini-lock ang pinto, ibinaba ang toilet lid at naupo roon. Maya-maya pa ay may mga boses na siyang naririnig.

“How’s business?” Boses iyon ni Aquina.

“Good. We need to see one of our clients tomorrow at twelve noon,” sagot ni Kristof at binanggit ang pangalan ng restaurant na pagdadausan ng meeting.

“What about Seig?”

“He’s perfect. I need you to deliver this papers to our Pangasinan client after our meeting tomorrow,” utos ni Kristof.

“Noted. You have a new girl here, right?” Siya ang tinutukoy ni Aquina.”She’s a pretty girl.”

“Yeah. But, there’s something about her that I don’t like.” Doon nagulat si Marci sa sinabi ni Kristof, kailanman ay hindi siya nito pinakitaan ng pagkadisgusto.

“Okay. I’ll be downstairs, partying.” Narinig niya ang pagbukas at sara ng pinto. Wala nang ingay na narinig mula sa loob ng opisina. Hanggang sa may static sound na nagmula roon.

“I know you’re listening, sweetheart.” Biglang nakadama ng kaba si Marci dahil sa sinabi ng binata. “You can’t get away with this right? Why don’t you come up here, Marci.” Mabilis na lumabas ng cr ang dalaga at nagtungo sa opisina ni Kristof. Pagbukas pa lang niya ng pinto ay sinalubong na siya nito hawak ang rock glass na may lamang alak. Ibinigay nito sa kanya at inumin at tinanggap naman niya iyon. Mula sa ilalim ng lamesa ay may kinuha si Kritof, iyon ay ang recorder. Nanatili siyang nakatayo ang alerto.

“You’re not being careful Marci or whoever you are.” Ibinagsak ng binata ang aparato at inapakan iyon hanggang sa madurog. “Kahit sirain ko pa ‘yan ay alam kong may back up ka.” Lumapit sa kanya si Kristof at hinaplos ang pisngi niya. “Come on, loosen up. You can drink it.”

“Why would I?”

“Walang lason ‘yan.” Kinuha nito sa kanya ang alak at inisang lagok iyon. “See? Alam mo naman kung ano ang pinasukan mo ‘di ba? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?”

“I know you recognized the word confidentiality,” matigas niyang saad.

“Yeah. I know you like Seig but why would you put up that kind of thing inside my office. Kung kailangan mo ng tulong sa kaibigan kong iyon ay dapat nagsabi ka agad.” Ngumiti si Kristof na siyang ikinagulo ng utak niya. “If you want to know if he has a girlfriend, wala. He’s available. You want me to set up a date for you two?”

“H-ha? Akala mo may gusto ako kay Seig?” Itinuro pa ni Marci ang sarili. Na-mislead siya sa mga sinabi ni Kristof, akala niya ay nasira na ang cover niya. Mas mabuti na rin an pagkamalan siyang may gusto sa kaibigan nito kaysa naman malaman nito ang totoo.

“Nakita ko kayo kanina sa coffee shop.” Tumawa ang lalaki at pinisil pa ang pisngi niya. Kristof can make any woman swoon and also he’s a head turner because he’s handsome and sophisticated. Ngunit hindi siya papaloko sa hitsura lalo na kay Seig dahil isa sa mga ito ang target niya.

“Hey!” Sabay silang lumingon ni Kristof nang bumukas ang pinto at bumulaga si Seig. Kunot na kunot ang noo nito habang nagpapalipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa. “What’s happening here? What are you doing?”

“She’s just reporting something to me.” Si Kristof ang sumagot. “May bagong cocktail recipe si Marci na gustong ipatikim sa akin.”

“What? Marci, walang alam si Kristof sa pagtitimpla ng alak. I’m the expert here, bakit hindi ako ang konsultahin mo?” Daig pa ni Seig ang batang walang kalaro.

“Wala ka kanina kaya kay Sir Kristof ako pumunta.” Pagsakay na lang niya sa ginawang excuse ni Kristof. Wala na siyang masabi pa kaya lumabas na si Maristela at bumalik sa bar, kasunod naman niya si Seig.

“So, where’s the cocktail?” Mukhang hindi siya nito titigilan hangga’t hindi niya ipinapatikim rito ang ‘new recipe,’ kumuha na lang siya ng iba’t ibang alak tsaka ipinaghalo halo iyon at ibinigay sa binata. Itinaas pa ni Seig ang baso bago inisang lagok iyon. Sunud-sunod naman ang pag-ubo ng binata nang maubos ang alak, namumula na ito at humingi sa kanya ng kahit anong juice. Agad naman niya itong binigyan.

“Woah! What was that?” Komento nito nang maubos ang pineapple juice. Tumikhim pa si Seig bago nagsalita. “Well, it’s okay but you need to work on that.”

“Are you still busy?” Pareho pa silang lumingon ni Seig sa nagsalita. Naroon pa rin pala si Aquina.

“Anong oras ang labas mo? I can wait.” At hindi na siya nagulat nang magsalita ito ng tagalog.

“She’s busy. Do you mind?” Naging spokeperson niya bigla si Seig! “Dito siya natutulog kaya hindi mo siya puwedeng dalhin kahit saan. Who are you by the way?” Pinagkrus ng binata ang dalawang braso nito na parang ini-intimidate si Aquina.

“Hindi mo ako naaalala? I’m Aquina Jonovich, we hanged out last last week.” Nakipagkamay si Aquina at tinanggap naman iyon ni Seig.

“I don’t remember. Now, maraming babae rito and please spare Marci.” Nginitian siya ni Seig bago ito bumalik sa opisina nito.

“What’s wrong with him?” tanong ni Aquina.

“Spare Marci!” Pahabol pa ni Seig at tuluyang umakyat ng hagdan.

Kailangan niyang kilalaning mabuti si Aquina dahil ito ang susi upang makita niya si Zircon. Isang malaking tulong sa kanya ang pagkakaroon ng interes sa kanya ni Aquina, hindi siya mahihirapan na lapitan ito ngunit nariyan si Seig. Base sa pakikitungo ng binata sa lalaki ay ayaw nito kay Aquina. Sa tingin niya ay mas makabubuti kung sa labas sila magkaroon ng ugnayan ni Aquina.

“Is he your boyfriend?” Curious na tanong ng lalaki.

“Hindi. Bakit?”

“He sounds so jealous. By the way, here’s my number.” Isinulat nito sa tissue ang cellphone number nito at ibinigay sa kanya. “Hindi na ako magtatagal, I have something to do. Good night!” Paalam nito at itinabi naman niya ang tissue paper sa bulsa ng pantalon niya. Pinadalhan niya ng mensahe si Lily at ipina-trace ang numero na ibinigay sa kanya ni Aquina. Nagpasalamat siya dahil hindi siya ginambala ni Seig sa oras ng trabaho hanggang dumating ang oras ng pag-uwi.

“Hatid na kita?” Sinabayan si Maristela ng binata palabas ng club.

“No, thanks.” Nang matanggap niya ang location ni Aquina na sa Bel-Air Subdivision ito nakatira at napagdesisyunan niyang doon dumiretso pagkatapos ng trabaho. She needed to confirm something. Hindi niya pinansin si Seig na kasabay niya sa paglalakad patungo sa parking area at nang marating ang kotse ay agad siyang sumakay at ini-lock ang mga pinto. Hindi nga siya nagkamali nang katukin ng binata ang bintana ng sasakyan. Ibinaba naman niya ng kaunti ang binata upang marinig ang sasabihin nito.

“I didn’t know that you have a car.”

“Yeah, I have.” Lumang model ng BMW ang gamit niya ngunit bulletproof din ito at may mga secret compartments para sa mga baril at armas. “Kailangan ko nang umalis, bye!” Paalam niya sa binata at pinatakbo ang sasakyan. Nang makalayo sa club ay tumabi siya upang tawagan si Aquina. Tatlo ang gamit niyang cellphone; isa para sa trabaho na naglalaman ng mga importanteng dokumento at impormasyon, ang ikalawa ay para sa personal niyang gamit at ang ikatlo para kay Marci. Sa ngayon ay ang cellphone ni Marci ang gamit niya. Kahit iba-iba ang cellphone niya, ang lahat ng ito ang encrypted upang walang kumalat na anumang impormasyon kung sakaling mapunta ito sa hindi mabubuting kamay. Nag-ring ang cellphone nito at may sumagot.

“Hello?” Medyo groggy pa ang boses nito at malamang ay natutulog pa dahil alas-cuatro pa lang ng madaling araw.

“Hi! I’m sorry nagising ba kita? This is Marci from Classique.” Pinasigla niya ang boses upang lumabas naman ang enthusiasm na gusto niyang tawagan ang lalaki.

“Oh! Kagigising ko lang, hindi ko alam na tatawag ka agad. Pauwi ka na?” Naging alerto ang boses ni Aquina.

“Yes, can I come over? Or can we meet for breakfast?” Pina-sweet naman niya ang boses, sanay na siya sa mga ganitong pagpapanggap.

“I-I’ll pick you up and we can have breakfast here.” Bigla itong nataranta.

“May dala akong sasakyan. I can’t leave it here.”

“Okay, I’ll send you my address and I’ll be cooking. This is a surprise dear! See you later!” Nang matapos ang kanilang pag-uusap ay may natanggap na text message si Maristela, isang address. Pinagkumapara niya ang address na ibinigay sa kanya ni Aquina at sa report na ipinadala ni Lily.

Iisang subdivision ngunit magkaiba na street at house number at sa mga oras na ito ay naroon si Aquina sa address pina-tracked niya kay Lily. Ni-reply-an niya ang lalaki na papunta na siya roon pero kailangan muna niyang umuwi.

Pagdating sa bahay ay bigla siyang nakaramdam ng antok, she set an alarm after fifteen minutes. Ilang gabi na rin siyang walang tulog.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status