Share

Chapter 9

NAKATUTOK sa telebisyon si Maristela habang nagbabalat ng orange, wala siyang pasok ngayon sa Classique kaya nasa condo unit lang muna siya. Nagkukulong siya sa kuwarto kanina pero paulit-ulit na tumatakbo sa utak niya ang mga nangyari sa Tagaytay kaya lumabas siya para aliwin ang sarili.

"Patay ang magnobyo na nakatira sa isang apartment sa Quezon City dahil sa arsenic poisoning. Ayon sa mga kapitbahay ay maging sila ay nakadama ng ilang sintomas na lason ngunit tanging ang magnobyo lang ang hindi naagapan." Nabitin ang pagsubo niya ng slice ng orange dahil sa balita. Lumitaw sa screen ang statement ng city health office na nagsasabing may contaminant and linya ng tubig sa baranggay at pinayuhan ang mga nakatira doon na huwag iinom ng tubig na galing sa gripo.

Napaisip si Maristela, kung water contaminant ay bakit ang magnobyo lang ang malalang tinamaan? The neighbors survived but not those two. Pagtingin niya sa cellphone ay may tawag mula sa kanyang ama.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status