Share

Under the Enemy's Kiss
Under the Enemy's Kiss
Author: Velvet Summers

Chapter 1

CAN you please get a grip of yourself?! Ilang beses mo nang nabigyan ng maling orders ang mga customer?! Are you even listening to what they want to drink?!” gigil na sabi ni Seig sa bago niyang empleyadong si Marci. Ito ang bagong bartender ng exclusive night club na pagmamay-ari niya kasama ang dalawang pang kaibigan na sina Cane at Kristof. Hinila niya si Marci sa staff room bago pinagalitan. Hindi naman makatingin ng diretso ang babae sa kaniya. Higit pa sa limang beses itong nagkamali sa pagtitimpla ng cocktails at iyon ang unang pagkakataon na may narinig siyang complaint mula sa mga customers.

Binigyan niya si Marci ng benefit of doubt dahil may gusto siyang malaman tungkol rito at maganda naman ang feedback ng dalawa niyang kaibigan sa babae. Mas malaki pa sa mukha nito ang suot na salamin sa mata at dinaig pa ang isang teenager dahil sa suot na braces. Noong una ay nag-request pa kung puwedeng hanggang sakong ang skirt bilang uniform, hindi siya pumayag kaya binigyan niya ito ng black pants. Habang nagte-training ang babae ay maayos naman ang trabaho nito. Kung kailan naging regular ay saka naman nagkakaproblema.

“H-hindi ko sinasadya. Nalito lang ako, Sir,” nakatungong sagot ni Marci. Marami silang customer ngayon gabi dahil Friday night, maraming naglalabas ng stress at nag-e-enjoy dahil simula na ng weekend. Buhay na buhay ang kalye kung nasaan sila dahil hindi lang naman ang Classique ang establisyimentong naroon.

Huminga ng malalim si Seig upang kalmahin ang sarili.

“Sa dishwashing station ka na muna. Kami na ni Cane ang bahala sa bar,” gigil pa ring sambit niya. Bartender rin sa Cane at siya muna ang mag-a-assist rito. Nauna siyang lumabas ng staff room at dumiretso sa nag-uumapaw na bar counter.

“Anong nangyari?” curious na tanong ni Cane.

“Ano bang ginagawa ng babaeng ‘yon dito? Maraming nasasayang na alak at pati customers natin, baka mawala rin! Did you really train her? I'm not questioning your skills. Baka kailangan pa niya ng mas in-depth training.” Pumalatak siya habang kinakalog ang shaker.

“She’s alert. Alam kong focused naman siya sa trabaho pero lately parang bothered siya. Baka may problema sa bahay?” I-s-i-nerve na ni Cane ang Brown Derby cocktail sa babae. It was a classic drink with five ingredients— bourbon, freshly squeezed grapefruit, honey, ice, added with grapefruit peel for garnishing. “Maybe you should talk to her. Baka may pinoproblema lang.”

Tinanggal muna ni Seig sa isipan ang problema kay Marci at itinutok ang atensiyon sa trabaho. Ang mahalaga sa mga oras na ito ay matapos ang gabi na walang aberya. May kakaiba siyang nararamdaman sa babaeng iyon at sa tingin niya ay isa itong malaking pagsubok sa kaniya. He can’t afford to lose everything to that woman.

Tatlong taon nang namamayagpag ang Classique, ang pangalan ng club nila. Class A ang target market ng kanilang business at nai-feature na rin sa iba’t ibang magazines at TV shows ang bar. May tatlong palapag ang gusali at may mezzanine floor sa pagitan. Malawak ang area ng club kaya maaari silang tumanggap hanggang sa limang daang bisita. Sa ikatlong palapag ay naroon ang opisina nila at mga private rooms kung saan nila inaa-accommodate ang VIP members ng club. Sa mezzanine ay mayroong maliit na coffee shop para sa mga gustong magpalipas ng hang-over.

Hotel and Restaurant Management graduate sina Seig at Cane habang si Kristof naman ay may degree na business management. Matagal nilang pinaghandaan ang magiging business at masasabi niyang successful business owners na silang tatlo sa edad ng dalawampu’t walo. Sabay-sabay silang lumaki at nagkaisip. Hanggang sa pagtanda nila ay sila pa rin ang magkakasama.

Nagpaalam muna siya kay Cane. Kailangan niyang pumunta sa coffee shop. Dinaanan muna niya ang staff room at Nakita sa maliit na siwang ng pinto si Marci may kausap sa telepono. Hindi abot sa inner area ng club ang malakas na musika mula sa dancefloor kaya dinig na dinig niya ang boses ni Marci.

“Do I really have to do this? Nagdadalawang-isip na nga ako na si Seig nga ang target natin! He’s really arrogant, Aquarius! Okay, fine. I’ll be professional pero sisiguraduhin kong magsisisi siya sa oras na malaman ko na siya ang prospect natin.” Ibinaba na ni Marci ang cellphone at isinilid iyon sa bulsa ng pantalon.

Agad lumayo sa pinto at pumasok sa six-person elevator at pinindot ang buton papuntang mezzanine floor. Bigla siyang napaisip sa narinig mula kay Marci. May itinatago ba ang babae o sadyang weirdo lang? Pumasok siya sa coffee shop at hiningi sa barista ang listahan ng mga kakailanganing materials at ingredients para sa susunod na linggo.

INIS na inis si Marcela o Marci habang naghuhugas ng mga cocktail glasses sa kusina. Maristela ang tunay niyang pangalan ngunit kailangan niyang maging si Marcela Catapang sa panahong ito. Okay lang naman sa kaniya ang assignment na ibinigay sa kaniya ni Aquarius ngunit ang magsuot at magmukhang nerd at katawa-tawa sa marami ay hindi niya gusto, lalo na kung si Segundo Arevalo o Seig ang isa sa mga boss niya.

Isa siya sa mga miyembro ng Scorpion Secret Agency at dinadala ang codename na Virgo.

Target nila ngayon ang isa sa mga drug lord na hindi lang ilegal na droga ang negosyo kundi nagbebenta rin ng mga confidential information na nakukuha nito sa mga prominenteng tao o kaya sa isang sangay ng gobyerno upang gamitin sa pamba-blackmail at sa mga maling gawain.

Ang mga impormasyong nakakalap ng mga ito ay siyang nagiging dahilan upang magpatuloy ang drug business at narito siya upang hanapin ang isa sa mga drug lords na iyon.

Nabasag sa kamay ni Marci ang hawak na cocktail glass dahil sa pagkakadiin niya roon. Hindi niya ininda ang natamong sugat dahil sa panggigigil kay Seig. Ito na ang pinakamayabang at pinakawalang pusong tao na nakilala niya. May pagka-terror ito sa mga empleyado at tinaguriang perfectionist. Ito ang pinaka-stiff sa tatlong magkakaibigan. Naaalala pa niya ang araw na nag-apply siya para sa posisyong bartender…

“You’re not here for some marketing scam?” pagkaklaro ni Seig habang tinitingnan ang folder na ibinigay niya na naglalamang kanyang resume.

“No. Mag-a-apply ako bilang bartender,” sagot niya. Mapagkakamalan nga siya nitong scammer dahil sa suot niya— isang maroon na dress na may mahabang manggas at hanggang sakong ang haba. Hapit iyon sa baywang at straight cut hanggang ibaba. Kailangan niyang magsuot ng mahabang damit upang itago ang dalawang pulgadang pulang scorpion na naka-tattoo sa gilid ng kanang hita niya. Madali siyang makikilala ng mga kaaway kung makikita ang markang iyon.

Ngayon ay nagsisisi siya kung bakit doon pa niyang ipinalagay ang tattoo.

Nakatirintas ang mahaba at itim niyang buhok na pinakulayan pa niya ng blonde noong una. Balik sa raven black ang kulay ng buhok dahil hindi akma sa disguise niya ang kulay na iyon. At ang pinakamasaklap sa lahat ay ang braces na nakakabit sa ngipin niya na tinernuhan pa ng malaking salamin sa mata. Sa gilid ng salamin ay may napakaliit ng spy camera na nagta-transfer ng data sa headquarters, doon nila kinukuha ang mga facial structures ng taong nakakasalamuha niya at ikinokompara ang mga collected data pictures ng mga target.

“I see.” Binasa ni Seig ang nilalaman ng resume.

Siya ngayon si Marcela Catapang, graduate sa isang bartending school, nag-train sa cruise ship at bumalik sa Pilipinas dahil mayroon “daw” siyang seasickness kaya hindi nakatagal sa barko.

“What’s with the outfit?” aroganteng tanong nito habang pinapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

“I’m from a very conservative family, Sir,” inis na sagot niya.

“Is it okay for you to wear skirts as part of a uniform?”

“No. I prefer long dress or pants,” nakangiting sagot ni Marci ngunit sa loob niya ay itinatago ang pagkaasar.

“Okay.” Ibinalik ni Sieg sa kanya ang folder. “We really need a bartender. You can start your one-week training tomorrow.” Parang no choice pa ito kaya siya tinanggap.

Umalis siya ng opisina at naghanda para sa training hindi sa bar kundi sa misyon. Nagpalit siya ng gym clothes at nag-exercise sa mini-gym sa loob ng kanyang condo unit.

“Marci!” May humawak sa kamay niya. “Anong nangyari sa’yo?” Si Kristal iyon, isa sa mga service crew.

Ang tubig sa sink ay nahaluan na ng dugo, medyo mahaba ang hiwa sa kanyang palad. Si Kristal na ang nag-abalang maghugas ng sugat niya. Hinila siya nito papunta sa staff room at kinuha ang first-aid kit sa banyo.

“Dapat talaga kumuha na si Seig ng electric dishwasher.” Palatak ni Kristal habang nilalagyan ng Betadine ang sugat niya. Siya naman ay nakatitig lang dito habang naupo sa isang bean bag. Si Kristal ang pinaka-approachable sa kaniya kahit hindi niya ito kinakausap.

Pinapanatili niya ang professionalism. Hanggang maaari ay hindi siya nakipaglapit sa mga katrabaho dahil ayaw niyang magtiwala.

May posibilidad na isa sa mga ito ang leader ng sindikato. Sa pagkakaalam niya ay pinsan ni Seig si Kristal kaya ito lang ang malakas ang loob na sabihan ang lalaki ng kung anu-ano. Habang nagse-serve ng mga drinks kanina ay sinadya niyang ibigay ang maling order dahil kailangan niya ng mahabang oras upang i-scan at ipadala kay Lily ang mga mukhang nakikita niya. Naghahanap sila ng traces ng mga gumagamit ng droga.

“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong nito.

“Oo, salamat.” Ang sugat na iyon ay parang kagat ng langgam na lang para kay Marci. Mas malala pang mga pinsala ang inaabot niya sa tuwing may susuungin siyang misyon. Mula sa tama ng bala hanggang sa pagkabali ng buto ay naranasan na niya. Ang mga sugat na natatamo ay pinipilit niyang pagalingin sapagkat ayaw niyang magkaroon ng peklat ang balat. Palagi rin siyang pumupunta sa kanyang dermatologist at nagpapa-full body scrub bilang reward sa mga natatapos niyang assignment o kaya pampa-relax kapag inaabot siya ng stress.

“Ire-report ko ito kay Seig,” matigas na sabi ni Kristal. Kinuha ang isa niyang kamay at dinala siya papunta sa opisina ng lalaki.

Inabutan nila si Seig na may kinakausap sa telepono. Naghintay pa sila ng limang minuto bago natapos ang tawag.

“Yes?” tanong nito sa kanila? “Why are you here? Maraming customer sa ibaba, mas kailangan kayo roon.”

“We need a dishwasher, not a human dishwasher.” Si Kristal ang sumagot.

“Why? Mas malinis kapag tao mismo ang naghuhugas.”

“Nasugatan kanina si Marci dahil sa nabasag na cocktail glass.” Itinaas ni Kristal ang kamay niyang may benda para ipakita kay Seig.

“What?” Lumapit si Seig sa kanila at tiningnan ang nasugatang palad. “Nakabasag ka? You are a walking disaster, Marci.”

Akala niya ay concerned na ito sa kanya. Ngunit mas mahalaga pa pala rito ang isang baso.

“Kahit saan kita ilagay, pumapalpak ka. Ganoon ka ba kalampa para mabasag ang baso na ‘yon?” exasperated na tanong nito.

“Kuya Seig!” awat ni Kristal sa pinsan.

“Get out, Kristal.” mariing utos ni Seig sa babae. May nais pang sabihin si Kristal ngunit hindi na naituloy. Padabog na itong lumabas at ibinagsak pa ang pinto.

“You are so rude.” Hindi na nakatiis si Marci. Nangangati na ang kamay niyang ng suntok sa sikmura.

“What?”

“You’re so rude!” May nakita siyang isang champagne flute na may lamang alak. Kinuha niya iyon at itinapat sa mukha ni Seig. “Hindi aksidenteng nabasag ang baso kanina. I broke the glass because I wanted to.” Gamit ang naman ang walang pinsalang kamay ay hinawakan niya ang gitnang bahagi at pinisil hanggang sa mabasag sa kamay niya. Katulad ng kanang kamay ay nasugatan din ang kaliwa. Mahapdi ang alak sa sugat. “Sa susunod na pagsalitaan mo pa ako ng kung anu-ano, you’re dead,” bulong niya ngunit sigurado siyang rinig siya ng lalaki,

“Marci! Are you listening to me?” Pumalakpak pa si Seig sa tapat ng mukha niya.

Kung puwede lang niyang gawin ang iniisip ay nagawa na niya. Kailangan niyang magpigil.

“Pakiulit ng sinabi mo kanina.”

“You are so…” Hindi natapos ang sasabihin dahil may kumatok sa pinto at bumukas iyon.

“Sir Seig, Sir Cane needs you,” imporma ni Liz, isa ring service crew.

Tumango si Seig at iniwan siya.

Dahil sa inis ay inisang-lagok niya ang alak. Makakaganti rin siya kay Seig. Inusisa niya ang paligid kung may hidden camera. Nang wala siyang makita ay ini-lock niya ang pinto at umupo sa office chair ni Seig. Binuklat ang laptop, bumungad sa kaniya ang welcome screen na kinakailangan ng password upang ma-access ang laptop.

“Birthday… anniversary… surname…” Ayaw niyang mag-isip pa. Kinuha niya ang penlight sa bulsa at itinutok ang asul na liwanag sa keyboard. Mula sa ultraviolet light ay lumabas ang maraming finger print sa bawat letra ng keyboard. Kailangan talaga niyang mag-isip.

“What is the most valuable thing for Seig?” Tumipa siya sa keyboard.

Classique12613

Enter.

Napangiti siya nang sumalubong sa kaniya ang desktop ng laptop ni Seig. Ang numerong inilagay niya ay ang petsa kung kailan ang grand opening ng club. Nag-browse siya sa picture folder at inisa-isa ang mga litrato roon. Tumigil siya nang makita ang limang lalaki sa litrato. Tatlo roon ay sina Seig, Kristof at Cane. Kasama ng mga ito ang dalawang dayuhan na pamilyar sa kaniya.

“Lily, scan.” Marci commanded her desk jockey partner inside the headquarters.

Si Lily ay isang robot. Artificial Intelligent. Bawat agent na katulad niya ay may ka-partner na isang robot bilang desk jockey na gumagabay sa kanila. Sa pamamagitan ng camera sa salamin sa mata, maliit na earbud sa tainga at nano-microphone na nakadikit sa leeg niya ay nakakausap niya si Lily. Si Lily ang source of information niya. Ninety-nine percent accurate ang mga impormasyong ibinibinigay nito. Ito rin ang nagsisilbing mata at tainga niya sa kanyang mga misyon. Hindi basta-basta ang encryption ng mga robot sa headquarters kaya nakasisiguro silang wala ni anumanng impormasyon ang mali-leak.

“Done. They are identified, Virgo. The person wearing a gray tuxedo is one of our prisoners. He is Tomas Lee, drug lord from Taiwan. The other one is Aquina Jonovich. Isa siya sa mga middle-man ng White Collar Syndicate. Unknown pa rin ang location niya,” sagot ni Lily.

Kung gayon ay may kinalaman ang mga may-ari ng club sa sindikato. Sa mga nakalipas na araw ay naghanap siya ng mga ebidensiya tulad ng droga at mga dokumentong magpapatunay sa koneksiyon nina Seig sa sindikato ngunit wala siyang nakita. Maaaring maganda ang pagkakatago ng mga ebidensiyang kailangan niya. Tiningnan niya ang petsa kung kailan kinuha ang larawan. Last two weeks.

May isang folder na sinubukan niyang buksan ngunit kahit anong pilit niya ay hindi niya ma-access. Kukunin na sana niya ang USB stick sa bulsa nang marinig niya ang pagpihit ng doorknob. Agad siyang tumayo at lumayo sa mesa.

“What are you doing? Bakit nandito ka pa?” tanong ni Seig. “Get out.” Sinunod niya ito at lumabas ng opisina.

Sino kina Seig, Cane at Kristoff ang kasama sa sindikato?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status