Share

Chapter 5

ZIRCON opened the door of the car and get in. Nasa driver's seat si Logan, ang kanyang assistant. Nilingon niya ang bahay kung saan nakatira si Maristela, ang tao magpapabagsak sa kanya. Kilala niya ang babae mula ulo hanggang paa, paanong hindi, mula pagkabata nito ay nakasubaybay na siya rito. It would really be nice kung makilala rin siya ng dalaga. Hindi alam ni Maristela na nakatutok siya sa bawat kilos nito at lagi siyang one-step forward laban rito.

"Where's my ring?" tanong niya kay Logan. Sumilip ito sa rearview mirror.

"Waiting for you."

Mayroon silang bagong business deal katumabas ang ilang milyon para lang sa isang antique ring. Ipapahanap niya ang singsing sa isa sa mga tauhan niya para i-smuggle sa US kung saan naroon ang buyer.

"We need to hurry up, I don't have enough time."

"Aquina just sent me a report that Maristela contacted him. Bibisitahin raw siya ni Maristela," report ni Logan sa kanya. Inabot niya ang itim na attache case sa tabi at binuksan iyon. Isinuot niya ang pulang full face mask at ikinabit ang voice changer device sa leeg.

Matapos ang limang minuto ay narating nila ang condo unit ni Logan kung saan naghihintay ang tauhan niya na siyang kumuha ng singsing sa Mongolia. Inayos niya ang paborito niyang pulang blazer nang sumakay sa elevator.

They entered the room and the ring was waiting for them, sitting on a velvet cloth. Logan handed Zircon a white gloves and a loupe- a small monocular magnification device. Ginagamit ang loupe ng mga jewellers to inspect the genuineness of a certain gem stone. Umupo siya sa stool at itinapat ang singsing sa ring light. Sumilip siya sa loupe para tingnan ang bato ng singsing.

Bright blue na may kaunting violet and tear-drop shaped Tanzanite. Ang pinakamahal at pinaka-rare ng gemstone sa buong mundo. Bukod sa presyo ay may historial value ang singsing dahil ito ang nawawalang singsing ng isang Chinese Empress. The traders lost it in transit in Silk Road, an ancient trade route that connects the Western World with Asia and Middle East. The ring was supposed to be a gift from a Sheikh in Middle East.

"Impressive," usal niya. Tinanguan niya ang babaeng magdadala ng singsing sa US. Isa itong socialite at binayaran niya ito ng malaki para dalhin just to deliver the goods. May tatlo siyang tauhan na sasama rito to secure the ring. May nakakabit ring tracker sa katawan nito at kung naisin man nitong itakas ang singsing ay sa hukay ang punta nito. Well, she didn't know the actual value of the ring, she doesn't have to know. Ayon rito, basta mabayaran ito ng malaki ay okay na. Pinatawagan niya kay Logan ang buyer ng singsing para kumpirmahin rito na paparating na ang order nito.

The buyer just deposited the downpayment and Logan confirmed it. Pumasok ito sa Swiss account niya. Sinabihan niya ang mga tauhan na pumunta na sa airport. Kailangan na rin niyang umalis.

Sinenyasan niya si Logan na ihatid na siya sa bahay.

Kilala ang network niya pagdating sa underground business. Maraming negosyante at pulitikong nakikipag-transaksyon sa kanya mula sa simpleng pagkuha ng mga paintings hanggang sa smuggling ng mga antiques. At ang latest niya produkto niya ay ang LSD, a psychedelic drug na patok sa mga kabataang miyembro ng alta-sosyedad.

Nang pagbuksan siya ni Logan ng pinto ng sasakyan ay tumunog ang cellphone nito. He answered the call and set it on loud speaker. The caller was one of his lead men in Cambodia.

"We have a snitcher." Walang paligoy-ligoy na sabi ng nasa kabilang linya. Tumiim ang bagang niya dahil dito. Snitcher and tawag nila sa carrier ng mga smuggled goods na itinatakas ang mga produkto, in short, ninanakawan sila. "Our gold bracelet from Tang Dynasty is missing."

"P*****a!" sigaw niya sa lalaki. Huminga siya ng malalim para i-compose ang sarili. Hindi siya nababahalang kausapin ito dahil may nakakabit pa ang voice changer sa leeg niya. "I assumed that there's a tracker on that snitch." Hindi rin niya hinuhubad ang maskara.

"We lost track of him when he landed in India," balisa-balisa ang tono nito dahil alam nito na kapag hindi mahahanap ang bracelet ay talagang malilintikan ang buong grupo nito.

"Then what the fuck are you waiting for?! Find him!" Iritadong tinapos niya ang tawag at tiningnan si Logan. "Nasaan ang profile ng snitch?" Pinasakay muna siya nito sa sasakyan bago ibinigay sa kanya ang tablet kung saan nakikita sa screen ang profile ng lalaki.

Nathaniel "Nato" Guzman. Filipino. Pang-apat na job order na ang pagdadala nito ng gold bracelet sa kanya. Mukhang may alam na talaga ito sa kalakaran dahil nakuha na nitong magnakaw sa kanya. That piece of jewelry cost lesser than the other goods that she's selling but it still, hindi siya papayag na maisahan.

"He has someone," sambit niya nang makita ang picture ng isang babae na ka-date nito sa isang restaurant. Mukhang nakalimutan ng tauhan niya na isiksik sa kokote ni Nato na kapag may ginawa itong hindi maganda ay malilintikan ito. May kaunting oras pa siya. Ayon sa profile ay may girlfriend si Nato na call center agent, graveyard shift, sa isang telcom sa Makati. It is five in the morning, marahil ay pauwi na ang babae.

Sa halip na dumiretso sila sa bahay ay pumunta sila sa tapat ng apartment kung saan nakatira ang babae. Nagbantay silang dalawa roon hanggang sa pumatak ang ala-singko y media, dumating na ang babae.

Bumaba ng sasakyan si Logan, kinatok nito ang pinto ng apartment at pinagbuksan ito ng babae. Ilang minutong nag-usap ang dalawa bago tuluyang lumabas ang babae at sumakay sa sasakyan, sa tabi niya. Aligaga ito.

"Kayo ho ang boss ng boyfriend ko?" alanganing tanong nito. The lady is average looking, maiksi ang buhok, balingkitan ang pangangatawan. Na-awkward yata sa kanya dahil may suot siyang maskara. "Okay lang ho ba siya? Ilang beses ko nang sinabihan na mag-iingat sa pagmamaneho." Nakalagay sa profile ni Nato na isa itong family driver.

"What's your name?" tanong niya rito. Hindi na siya nag-abala pang lingunin ang babae. Logan started driving.

"Maya ho."

"Maya, don't worry, pupuntahan ka ng boyfriend mo."

"Ho?"

"Uminom ka muna ng tubig para kumalma ka." Inabot niya ang bottled water sa dalaga at nanginginig naman itong uminom. In less an three minutes, Maya's consciousness drifted away. Dinala nila ito sa basement ng bahay niya. Maya was secured tightly in a chair, her mouth was sealed with duct tape. Pinakuhaan niya ng video ang babae at ipinadala sa tauhan niyang nasa India para ipakita kay Nato kapag nahanap na ito.

Iniwan na siya si Maya kay Logan. May dalawang oras na lang siya para maghanda sa kanyang special meeting. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status