Share

Chapter 17

Malamig na simoy na hangin at mapayapang kapaligiran. Malapit na ang paglubog ng araw at nakasilong kami sa ilalim ng puno, sa gilid ng ilog. 

Hindi ko alam kung saang lugar ito, pero maganda ang tanawin, maging ang kalangitan ay maaliwalas at ang unti-unting paglubog ng araw.

"Palagi ka bang andito?" Nakangiting tanong ko at tumingin sa kaniya.

"Hindi, ngayon nga lang ako nakapunta rito," sagot nito matapos ibato sa ilog ang batong hawak niya. 

"Totoo? Pero bakit dito tayo pumunta?" Tanong kong muli at kumuha ng bato, ginaya ko ang ginawa niya kanina.

Masaya rin pa lang gawin ang bagay na ito. Ang akala ko dati keme lang ng mga nasa ilog ang pagbato. Magaan pala sa pakiramdam.

"Ay teka, magpatutog tayo." Masigla kong saad at kinuha ang phone sa bag. Gusto ko sanang magpicture kasama siya, pero sayang lang. Hindi kasi pwede, hindi siya makikita sa camera.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status