Share

Unexpected Arrangement
Unexpected Arrangement
Author: nevertofadingstars

Kabanata 1

Erina

"Look, I am telling you that I mean no harm. I am just asking about it." Iritang sabi ko sa staff nitong night bar na siyang namamahala sa monitoring room.

"I just want to find the father of my child. Come on, you are helping a fatherless child find his father!" Dagdag ko.

Sinubukan ko na lumuha para mas maging epektibo ang drama ko pero ayaw naman tumulo. Tanging inis at galit kasi ang nararamdaman ko ngayon—sa sarili ko.

I am so stupid for not even knowing the father of my child. Sino ba kasi ang nilalang na naka-one night stand ko? I didn't even expect that I would be pregnant. Ang tanga tanga ko talaga!

"Ma'am, this is really confidential. Plus, it is not our fault that you don't know the father of your child," ani ng babae roon na kung makatingin ay akala mo santa siya.

"That is why I am asking for help." Mataas na ang tono ng boses ko. "Seriously? You are just going to show me the hallway to the VIP room. Gusto ko lang naman makita kung sino ang lalaking nagdala sa akin doon."

"Ma'am, impossible po kasi talaga ang sinasabi ninyo." Nagkakamot sa ulo na saad ng lalaki habang nakaharap sa monitor.

"Anong impossible?" Naiinis na sabi ko. "Gusto mo ba na hiwain ko pa ang tyan ko para makita mo na totoo ang sinasabi ko?"

"Ma'am, hindi po 'yon. Impossible po na makapunta kayo sa VIP room at ang sinasabi niyo na magising kayo roon,” sagot nito.

"At bakit?" Tumaas ang kilay ko. "Totoo naman ang sinasabi ko."

"Si Sir Jacob lang po kasi ang pwedeng makapunta roon."

"Jacob, who is Jacob?"

"Siya po ang may-ari ng bar na ito," sagot nito.

"Oh, really?" Napakurap na sagot ko. "You mean, siya ang tatay ng anak ko?"

Narinig ko ang tawa ng mga staff.

"At anong nakakatawa?" Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanila.

"Ma'am, impossible po talaga kaya umalis na lang po kayo."

"Impossible? Then, check it! Hindi niyo pa nga nakikita, ‘e! Paano niyo malalaman na nagsasabi ako ng totoo kung ayaw niyong tingnan?"

"Ma'am, hindi nga po pwede kasi mahigpit po ang utos ni Sir Jacob na huwag ipakita ang CCTV footages sa VIP floor at saka kahit mamilit kayo ay wala naman kaming access," paliwanag nito. "Si Sir Jacob lang po ang may alam ng passcode para makita ang mga footages sa VIP floor."

"The hell!" Inis na sabi ko. "Bakit ngayon mo lang sinabi? Kanina pa ako nauubusan ng hininga sa'yo."

"Hala, Ma'am, masama po 'yan. May bata pa naman sa loob ng tyan niyo," sabi nito na tila nang-aasar pa.

"Peste." Bulong ko. "Ang sarap niyong sakalin. Nasaan ba yang Jacob na 'yan? Siya na lang ang kakausapin ko."

"Ma'am, you need an appointment to see Sir Jacob," sabi ng babae sa gilid. Ang dami-dami nila roon pero mga wala namang kwenta! "Pero mahaba po ang listahan kaya baka sa susunod na taon na po kayo ma-schedule."

Mas lalo akong nairita sa nalaman ko. Sino ba ang Jacob na 'yan? Bakit ba masyado siyang VIP?

Bakit din ba kasi hindi ko man lang inalam kung kanino ang nakipagtalik? But as if I would know, I was really drunk that night. Ang dami ko ring mga kinausap na lalaki kaya hindi ko alam kung sino ba sa kanila. Hindi ko na rin alam kung ano ba ang nangyari. Basta nagising na lang ako sa kwarto na wala ng damit. Tapos may iniwan na lang na pera iyong kung sino mang lalaki. Akala niya yata ay call girl ako.

Damn it! Hindi nag-iwan ng calling card o anuman. I was also embarrassed to even think about it. Gusto ko nalang maglaho na parang bula nang araw na iyon kaya umalis na ako agad.

I didn't even think I would come back here after two months—not until I learned that I am pregnant.

"How about you tell him that I am carrying his child?" ani ko. "Tell him it is urgent or I am going to announce to the whole world that he is an irresponsible father."

Walang gumalaw sa kanila. Sa mga mata nila ay mukha na akong baliw. Oo, nababaliw na nga siguro ako dahil hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko sa batang ito. Hindi ko alam!

I wasn't ready for this. I know it is my fault for being irresponsible so I am taking responsibility now. I am looking for the father of this child because I do not know what to do.

Gusto ko lang sabihin sa kanya, whether he accepts it or not. Ayoko na itago ang bata tapos magsisi ako. I want to know, to take the risk. I came from a broken family and I didn't want the child to experience that.

Wala rin naman akong balak na patayin ang bata. Gusto ko lang ng tao na masasabihan nito. I haven't tell anyone about it. Sino naman ang sasabihan ko? Mag-isa lang naman ako.

"Ma'am, you should really leave," pamimilit ng lalaki.

"Fine. But I am going to come back and prove to you that I am telling the truth." I warned them all.

Lumabas na ako ng monitoring room at naglakad papunta sa lobby. Sinundan ako ng tingin ng staff at hinihintay yata na umalis na ako.

"I want to pee. Where's the comfort room?" tanong ko.

Tinuro niya ito tapos pumasok na ako. Sinilip ko hanggang sa makita na hindi na sila nakatingin tapos tumakbo ako papunta sa elevator. Sakto ay nakasabay ko ang janitor paakyat.

"Kuya, saan po ang opisina ni Sir Jacob?" tanong ko. "May appointment po."

"Ah, kasama po ba kayo sa mga interviewee?" tanong nito.

"Ah, oo," sabi ko kahit hindi ko naman alam kung anong meron. Pinindot niya ang floor 26.

The building has 38 floors. It is a hotel and at the same time company offices. I wasn't sure if he owned all of this, but the bar I went to before is in the Penthouse—the last floor. Bigla tuloy akong nagtaka kung bakit hindi sila naniniwala na galing ako doon. Sana pala hinanap ko na lang siya agad pagkatapos nang may mangyari sa amin para wala akong problema ngayon.

"Thank you, Kuya," sabi ko tapos lumabas na ng elevator.

Tahimik ang hallway kaya hindi ko alam kung saan ako pupunta. Sinilip ko ang mga kwarto tapos mukhang may mga meeting. Hindi ko alam kung saan ako papasok. Hindi ko rin kasi tanda ang mukha nitong Jacob. Hindi naman siguro sila pareho ng Jacob na kilala ko.

Naglalakad pa rin ako roon nang may biglang humatak sa akin na babae. "Ma'am, nako. Sinasabi ko na nga na pumunta kayo rito. Malalagot ako kay Sir Jacob. Ma'am, baba na po tayo."

"Malalagot ka talaga kasi hindi mo ako hinahayaan na makausap siya," ani ko. "And don't touch me, okay? Hindi naman ako gagawa ng gulo. Kakausapin ko lang siya."

"Ma'am, gulo na kaya itong ginagawa niyo ngayon." Naghilaan kaming dalawa dahil ayoko talagang magpa-awat sa kanya. Nandito na ako kaya dapat ko ng lubusin.

Saka gusto ko lang naman makita kung sino itong Jacob. Kinurot ko na ang babae saka ako tumakbo papunta sa dulong room na may nakalagay na executive.

Maaring dito siguro ang kanyang opisina pero bahala na kung hindi. Iikutin ko na sana ang doorknob nang biglang bumukas ang pinto kaya nasubsob ako sa matipunong dibdib ng isang matangkad na lalaki. Ang bango! Parang ang sarap kagatin.

Teka, ito ba si Jacob? Parang…parang siya pa yata ang Jacob na nasa isipan ko?

"Excuse me? What is happening here?" seryosong tanong ng lalaki.

Humiwalay na ako sa kanya bago pa kung ano ang mangyari. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang mabugaran ang perpektong mukha niya na tila ba inukit ng kung sino mang magaling na pintor.

"Jacob Cojuangco?" Ilang beses akong kumurap. Siya nga! He’s the half-brother of my ex-boyfriend! What a small world.

"Do I know you?" Nagsalubong ang kilay niya sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Ah, baka hindi na nga niya ako naaalala pa.

"Ah, not sure." Mabilis na sabi ko. Biglang nautal. Bakit kasi ang gwapo niya?

"I mean, not yet." Nilahad ko ang kamay ko sa kanya sabay malawak na ngumiti. "I’m Erina, your future wife.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status