Share

Kabanata 5

Erina

Halata siguro ang pagbabago ng mood ko dahil kanina pa tanong nang tanong si Jacob kung ayos lang ba ako. Sa sobrang ulit niya ay naririndi na ako ngunit ayoko naman na sungitan siya at makipagtalo dahil baka bigla na lang sabihin ng bibig ko na siya ang dahilan—-ang babaeng nagtext sa phone niya ang dahilan kung bakit wala ako sa mood.

Sino ba naman ako para sabihin sa kanya ang bagay na ‘yon? We’re just in an unexpected arrangement—and I also didn’t expect that I would feel a pang in my chest upon reading that message.

Naguluhan ako sa sarili ko. Hindi naman pwedeng dahil gusto ko na siya agad. It’s so easy. Gusto ko na ba siya agad? I don’t know…baka dahil sa siya nga ang ama ng anak ko. That’s it. Wala nang iba—tama!

Hindi pa ako tapos sa pag momonologo ko nang biglang may tumabig sa braso ko. Pag-angat ko ng tingin ay si Candice.

“Ooops, sorry. Paharang-harang ka kasi.” She crossed her arms while glaring at me. Hindi ko mawari kung paano ang pinakamatalik na kaibigan ko ay siyang kinamumuhian ko na ngayon.

“Kung nakita mo na pala ako ay bakit hindi ka na lang umiwas?” Naiinis na sagot ko.

“Bakit naman ako iiwas? Nasa teritoryo kita kaya dapat lang na ikaw ang mag-adjust.”

Ngumuso ako. “Teritoryo? Etong lugar na ito…?” Lumingon ako sa paligid. Tama naman siya dahil nasa kumpanya kami ng pamilya ni Aaron—na pamilya ng magiging asawa ko.

Bahagya akong natawa. “Ah, ganun ba? Akala ko ba ay nagkakilala na tayo ulit. Nakalimutan mo ba na magiging asawa na ako ni Jacob? What about you? Nobyo mo pa lang naman si Aaron, tama ba kaya mas may karapatan yata ako.”

“Hah! Ikaw lang ba?” Pinakita niya sa akin ang singsing niya. “Magiging asawa rin ako ni Aaron kaya pareho lang tayo. Huwag kang magmayabang.”

“Hindi naman…” sarkastiko na saad ko. “Hindi ko naman na kailangan pang ipagyabang na mas nanalo ako sa’yo. Jacob vs Aaron?” Tumawa ako at hindi tinuloy ang sasabihin.

“What?” Nanlinsik ang mga mata ni Candice.

“Nothing. If you’ll excuse me, I need to see—-ahhh!” Napasigaw ako nang bigla nyang hilain ang buhok ko. 

“You fucking bitch! Hindi mo alam kung gaano katagal ko na gustong gawin sa’yo ‘yan!”

“Candice, let me go!” sabi ko habang hatak niya ang buhok ko. Biglang naglabasan ang mga staff sa opisina para tingnan kung ano ang nangyayari pero ni isa ay walang umawat dahil sa takot na lamang nila siguro kay Candice.

“Ano ba!” sigaw ko habang tinutulak pa siya. 

I don’t want to fight with her but she’s making it hard for me. Gusto ko na lang matahimik ang buhay ko. Ano pa bang gusto niya kung nasa kanya na si Aaron?

“I cannot believe you were my friend,” hindi napigilan na saad ko. Puno ng hinanakit. “All this time, Candice…you’re just a fraud?”

“It’s your fault, not mine!” pag-amin niya. “I hate everything about you! I hate how you’re always the beautiful one, smart one—what about me?”

My jaw dropped. “Candice…it’s not—aaaah!” She pulled my hair again. Sa sobrang inis ko ay buong lakas na tinulak ko siya kaya naman ay sumalampak siya sa sa sahig.

“Ouch! Aaah!” She started crying and screaming like a baby having tantrums. Hindi makapaniwala na tiningnan ko siya. 

Sakto naman na dumating ang kanyang mother-in-law, si Donya Leticia. She gave us exchanging looks before checking Candice.

“Oh, god. What did you do to my daughter-in-law?” Agad niya akong sinugod at hinampas. “Do you know that she’s pregnant? Paano na lang kapag may nangyaring masama sa apo ko? You wench!” She was about to slap me when I blocked her hand.

Nanlaki ang mata niya. “And who gave you the right to do that to me—”

“I did.” Jacob.

Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang boses niya. Lumapit siya sa akin at tiningnan ang mukha ko.

He cursed under his breath when he saw the cut in my eyebrow. Inayos niya ang buhok ko bago tingnan si Donya Leticia.

“Didn’t we talk about this already? That no one…no one…” May diin sa mga salita niya. “Can lay a hand on my wife…”

“She started it first,” si Candice na nasa lapag pa rin. Hawak ang kanyang puson. “If my baby dies, you’ll regret it.”

“What’s happening here?” Aaron was sweating, it seemed like he ran from wherever he was a while ago just to check up on Candice. “Love, what’s happening?”

Tinuro ako ni Candice. “Tinulak niya ako.”

“What is this, Erina?” Galit na saad ni Aaron. “What the hell are you doing with your girlfriend, brother? Look what she had done to my fiance.”

“She’s not the one who started it,” Jacob firmly said, holding my hand. “You’re the one who should talk to your fiancee for what she had done to my fiancee. Bakit kasi hinahayaan mo na makawala ang babaeng ‘yan?”

“What did you say?” Umigting ang panga ni Aaron. “So it’s my fault now…? Ako na naman ba ang mali?”

“Yes.” Walang preno na saad ni Jacob na mas nagpagalit kay Aaron. “Why ask me? You know you’re the one who’s always wrong.”

Aaron scowled. “Ah, right…’cause you’re the one who’s always right? Fuck it.”

“Why? Can’t accept the—--” Aaron punched Jacob in the face.

Nanlaki ang mata ko. “Jacob!” 

It’s already too late as they started punching each other. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. 

“Jacob! No, stop!” I shouted. “Can someone make them stop?”

No one is making them stop—not even the staff and Donya Leticia as if this is just nothing. I heard from Aaron how he always fights with Jacob, but I didn’t think it would be like this. Now they’re pinning each other on the ground—para akong nanunuod ng wrestling.

“Make them stop!” utos ko kay Donya Leticia at Candice pero ni isa sa kanila ay walang tumayo.

“This is your fault so make them,” si Candice na nakahawak kay Donya Leticia.

“Call the guards!” utos ko sa mga staff. “Now! Oh, god!” Napasigaw ako nang malakas na tinulak ni Aaron si Jacob dahilan para bumangga ito sa glass wall. 

“Jacob!” Agad na tumakbo ako para iharang ang sarili ko sa akmang pagsuntok muli ni Aaron. 

Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Aaron ngunit huli na ang lahat dahil tumama na sa pisngi ko ang suntok niya, dahilan upang bumagsak ako sa bisig ni Jacob at tuluyang mawalan ng malay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status