Share

Chapter 16 (Part 2)

Hinilot ko ang aking sentido. Kung ano-ano pang negative thoughts ang nagsipagsulputan na pumasok sa isip ko. Tiningnan ko ang suot kong high heels. Padabog ko itong tinanggal sa aking paa. Napaigik pa ako ng muli kong maramdaman ang subrang sakit ng aking mga paa at buong katawan. Bakit kanina wala man lang akong sakit na maramdaman? Puro init. Kilig. Nagliliparang paru-paru at kulisap sa loob ng aking tiyan. Kinikiliti ang bawat sistema ko sa mainit na haplos at halik sa akin ng damuhong na 'yon.

Aw! D***g ko pa habang dahan-dahan na naglakad palapit sa bathtub. Naupo ako sa gilid no'n. Naiinis ako sa sarili ko sa padalos-dalos kong pasya. Dapat makailang ulit ko muna pinag-isipan ang ginawa kong pagtakas. Kulang 'yong planong ginawa ko. Hindi sulido. Tuloy mas malala pa sa delubyo ang nangyayari ngayon sa akin. Lahat ng napuntahan ko puro kapahamakan ang hatid sa akin. Puro na lang ako takas. Bakit ba hindi ko sila kayang harapin? Pero kakayanin ko nga ba talaga sila kung haharapin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status