Share

Chapter 16 (Part 1)

Samantha

Hindi ako makahuma sa biglang paghapit n'ya sa aking baywang. Nangudngud pa ang mukha ko sa dibdib n'ya. Hindi ko inaasahan ang ginawa n'ya. Nanginig ang katawan ko sa biglang init na sumalakay sa akin ng mapadikit ako sa hubad n'yang katawan. Natigilan ako. Strange. Bakit parang... familiar..? Iwinaksi ko ang aking naisip. Baka napaparanoid lang ata ako.

Napahawak ako kaagad ng mahigpit sa kanyang braso. Parang bakal sa tigas.

Nag-dyi-dyim ba s'ya?

Napatitig ako sa dibdib n'ya. Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong hawakan ito. Napakislot pa ako ng maramdaman ko ang init ng kanyang balat. Nilalagnat ba s'ya?

Naramdaman kong hinapit n'ya pa ako lalo. Nanlaki ang mata ko ng may maramdaman akong parang tumutusok sa aking puson. Napalunok ako ng mapagtanto ko kung ano 'yon. Galit na nag-angat ako ng tingin sa kanya. Ngunit kaagad din akong natigilan ng makita ko ang nakangiti n'ya pang mga matang sumalubong sa akin. Napatitig ako sa kanyang mukha. Matagal. Animo'y kinakabisad
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status