Share

Chapter 15 (Part 2)

Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Uminit ang aking buong mukha sa pagkapahiya.

"Ahm...." mahinang nasambit ko.

Hindi ako makasagot. Sunod-sunod akong napalunok. Masyado akong apektado sa magandang ngiti n'ya sa akin ng mahuli n'ya akong harap-harapan na pinaglalawayan ang magandang katawan n'yang nakabalandra sa harapan ko.

He cleared his throat. "So who are you? What are you doing here inside my room?"

Kung sa ibang pagkakataon baka kiligin pa ako sa suwabe ng boses n'ya. Parang DJ sa Radio. Ang sarap sa tainga ang boses. Buong-buo. Lalaking-laki. Para akong kinikiliti.

"What? Speechless, baby?" nakangisi pang sabi n'ya at marahan na humakbang palapit sa akin ng hindi pa rin ako makatugon sa tanong n'ya.

Kinabahan ako bigla at kaagad na napatingin sa kanya. "I-I'm looking... l-looking for my... friends!" kandautal-utal ko pang sabi sa kanya.

Tumigil naman s'ya sa paghakbang palapit sa akin. Nakakunot noo'ng tinitigan n'ya ako. "Looking for your friends? Here? Inside my room?"
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status