SamanthaHay buhay...Malalim akong napabuntong-hininga.Araw ng sabado and another long boring day for me. As usual, wala na naman s'ya. Hindi ko alam kung saang lupalop na naman pumunta.Halos hindi na kaming dalawa nagkikitaan sa loob ng Unit n'ya sa ilang linggong nakalipas na mga araw. Hindi rin nagpaparamdam sa akin. Kahit tadtarin ko ng text messages at tawag. Wala pa rin! Nabubwesit lang lalo ako sa kanya. Kaso ang lintik kong puso hindi pa rin tumitigil at hinahanap-hanap pa rin s'ya.Si Kuya Damian na personal driver n'ya ang naghahatid sundo sa akin sa eskwelahan. Though hindi s'ya nakakalimot lutuan ako ng pagkain bago siya umalis ng bahay, still, nakakabwesit siya.Hanggang kailan ba ako magtitiis? Hanggang kailan magiging ganito ang takbo ng buhay ko? Kaya ko pa ba?Argh...!Kaagad kong binato ang notebook ko. Hindi ako makapag concentrate magreview sa nalalapit naming exam kakaisip sa kanya. Bwesit talaga! Akala ko madali lang. Ang hirap pala pagsabayin ang pag-aaral tap
May isang luhang umalpas sa mga mata ko ang kaagad kong pinalis at pinagkakalas ang kanyang braso. Ngunit hinigpitan n'ya pa lalo ang pagyakap sa akin. Ayaw n'ya akong pakawalan.Hindi ako tumigil. "W-Wayne hindi na ako makahinga." mahinang sabi ko sa kanya. Naramdaman kong dahan-dahan lumuwag ang mga brasong nakapulupot sa akin. Kaagad akong lumayo sa kanya at nakangiting hinarap s'ya."Kararating mo lang ba? Kumain ka na?" tanong ko sa kanya habang panay iwas sa mapanuring mga mata n'yang nakatitig sa akin. "Wait lang at maghahain...""Sam..." tawag n'ya sa akin sabay abot sa kamay ko at hinatak ako palapit sa kanya.Hindi ako makaalpas sa mahigpit n'yang hawak sa kamay ko. Kaagad n'yang hinawakan ang baba ko saka itinaas paharap sa kanya para magtama ang paningin namin. Umiwas ako pero binaling n'ya muli ang mukha ko.I smiled at him.He heaved out a deep sighs. "Umiyak ka ba?" nag-aalalang tanong n'ya sa akin.Hindi ko maipaliwanag ang nakikita ko sa kanyang mga matang nakatunghay
SamanthaAno ba! Magsitigil nga muna kayo d'yan sa loob at baka may biglang sumakay. 'Di na kayo maubos-ubos.Makailang ulit akong malalim na bumuntong-hininga habang pinapahid ang mga luhang panay ang patak sa aking mga mata.Pagdating ko ng ground floor ay nando'n na kaagad ang kotse ni Sheeva, nag-aantay.Bakit parang ang bilis naman nila?Nagtataka ko pang tanong sa aking sarili. Binilisan ko na ang paglalakad. Nginitian ko si Kuya Guard ng batiin n'ya ako at pinagbuksan ng glass door.Pagkalabas ko, lumapit ako kaagad sa kanila at pinagbuksan ako ng pinto. Pumasok ako sa back seat ng kotse ni Sheeva.Nakakunot-noo'ng isa-isa ko silang tiningnan pagkaupo ko doon. Pawang mga nakangiti sa akin at hindi ko makita ang pag-aalala sa kanilang mukha.Katabi ko sa back seat sina Criezel at Bea. Sa driver seat naman nakaupo si Sheeva at katabi si Rose. Kaagad pinaandar ni Sheeva ang kotse at nilisan ang lugar.Nasa kasagsagan na kami ng byahe ay hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta.
"Happy Birthday, Sam." narining kong bati sa akin ni Luigi.Nakakunot-noo pa rin na kaagad akong napatingala sa kanya. Hindi ko inaasahan ang kanyang sumunod na ginawa. Kaagad nanlaki ang aking mga mata ng gawaran n'ya ako ng mabilis na halik malapit sa gilid ng mga labi ko at malalaking hakbang na naglakad palabas ng Restaurant. He... kissed me! Naitulos ako sa aking kinatatayuan habang nasundan na lamang s'ya ng tingin. Bigla akong kinilabutan sa ginawa n'ya.Damn... Bakit n'ya ginawa 'yon?Malakas na tikhim ni Cait ang nagpabalik sa aking huwisyo. Nagtatanong na mga mata ang sumalubong sa akin."So, birthday girl, care to tell us kung anong ibig sabihin ng aming nakita?" nakapamaywang pang tanong sa akin ni Cait.I rolled my eyes. "Magkano ang ginastos n'yo sa paandar n'yong 'to?" iginala ko ang aking paningin muli sa loob. "Tapos nag-rent pa talaga kayo...""Sus.. umiiwas." umiiling na putol n'ya sa akin. Napangiti ako. "Hindi kami ang gumastos, si Kuya. Tsaka matagal na namin 'ton
THIRD POVCAITLIN"P-Pangit ba ako? K-Kapalit-palit ba ako? Sabihin n'yo sa akin!" umiiyak na tanong sa amin ni Sam.Kanina pa s'ya umiiyak. Simula ng matikman n'ya 'yong alak hindi na namin mapigilan pa s'yang huminto. Kapag hindi na binibigyan ni Rose, nagagalit na at s'ya na ang kusang pumupunta ng counter.Isa ding mga pasaway ang mga kaibigan ko. Halo-halo ng inumin ang pinainom, tuloy bangag na itong isa at kung ano-ano ng sinasabi. Nababaliw na ata. Umiiyak habang tumatawa.Hindi ko akalain na ganun kalalim at kalaki ng problema n'ya. Wala naman kasing kinukwento sa amin. Kung hindi ko pa kinulit ng kinulit si Kuya hindi ko malalaman ang totoo. Inakala namin dahil sa pambubully sa kanya ni Monique at iba pang mga estudyante. Hindi pala. Mas malala!Hindi rin namin inaasahan na may asawa na s'ya. Ang sinabi lang n'ya sa amin dati tumakas s'ya sa arranged marriage n'ya sa probinsya kaya napadpad s'ya dito sa Manila.Halos madurog ang puso ko ng e-kwento n'yang pumasok s'yang waitr
Antok, pagod, sakit ng ulo at subrang hilo ang nararamdaman ko habang nasa kasagsagan kami ng byahe pauwi ng Taguig sakay ng kotse ni Sheeva. Si Cait ang driver namin katabi si Sheeva sa unahan. Kami namang apat sa likod. Kapwa mga tulog na ang mga katabi ko. Sinandal ko ang aking ulo sa upuan habang nakapikit ang aking mga mata. Kanina pa ako nag-iisip kung anong nangyari. Ang natatandaan ko lang humingi pa akong isang Margarita. Hindi ko alam kung nakarami ba akong nainom or ano at ganito ang nararamdaman ko. Ang bigat ng ulo ko. Para pa akong nasusuka.Maya-maya huminto ang sasakyan. Kaagad akong napadilat."Sh*t... ang sakit talaga." d***g ko habang sapo ang ulo ko."Okey ka lang ba Sam?""Kaya mo ba? Hatid ka namin sa Unit n'yo."Sabay pang tanong sa akin nina Cait and Sheeva habang nag-aalalang nakatitig sa akin."'Wag na. Kaya ko na. Ingat kayo sa pag-uwi ah. Salamat ulit sa...""Naku, basta ikaw. Kanina ka pa kakapasalamat. Nakakaumay na oy." sabi ni Cait.I chuckled. "Basta s
SamanthaHaist... nakakahiya! Bakit ko ginawa 'yon? Kung ano-ano pang mga pinagsasabi ko sa kanya. Hindi talaga ako nag-iisip. Bwesit talaga... Kasalanan 'to lahat ng alak!Kasalukuyan akong nasa balcony. Nakasalampak ng upo sa sahig paharap sa sun lounger chair. Nagrereview para sa exam namin pero ang utak ko hindi makapag-concentrate kakaisip sa nangyari kagabi.Nagsuka ng nagsuka lang naman ako ng walang humpay sa harapan n'ya. At ang masaklap sa lapag pa! Napakabalahura ko talaga! Nakakahiya, s'ya pa ang naglinis. Tapos 'yong mga sinabi ko pa sa kanya...Haist..!Kaagad kong nasapo ng dalawa kong kamay ang ulo ko.Ano ba kasi ang pumasok sa utak ko at walang preno akong nagdadadaldal ng kung ano-ano sa kanya?Ganun ba talaga, kapag nakainom lumalakas ang loob? Pakiramdam ko kasi hindi ako ang nagsisisigaw at nagsususuntok sa kanya kagabi."Babe, masakit pa rin ba ang ulo mo?" narinig kong nag-aalalang tanong sa akin ni Wayne mula sa aking lik
Nagpalipat-lipat ang mata ko sa isang tangkay na pulang rosas na inaabot n'ya at sa mukha nito. Napakunot-noo pa ako ng hindi ko makilala ang kanyang mukha. Hindi naman ito 'yong mga kagrupo ni Luigi na nagbibigay dati sa akin ng bulaklak.Kaagad nitong hinawakan ang kamay ko at nilagay doon ang pulang rosas sabay alis.Natitigilan na nasundan ko na lamang ng tingin ang papalayong lalaki.Teka... kanino na naman ba 'to galing?Nagtatakang pinagpatuloy ko ang paglalakad papasok ng Campus ng tatlong babae naman ang humarang sa akin at nakangiting inaabot ang tatlong tangkay ng pulang rosas."Pinapabigay lang po sayo Ms. Samantha." sabay-sabay nilang sabi sa akin at kaagad akong tinalikuran matapos ko itong abutin.Matagal kong tinitigan ang mga bulaklak na nasa kamay ko. Nagtataka ako kung sino na naman bang lalaki ang nagpapabigay nito sa akin.Malalim akong napabuntong-hininga at nagkibit balikat na lang.Pagdating ko sa kanto, lumiko ako. Kaagad