SamanthaPagkatapos naming manood ng sine, nagwindow shopping naman kami ni Ate. Pumasok kami ng Department Store. Pansamantala kong nakalimutan ang estrangherong gumugulo sa isip ko.Ang dami kong nakikitang magaganda pero ni isa wala akong kinuha. Hanggang hawak at tingin lang ako. Wala naman akong pera para do'n. Nagtitipid ako lalo't wala pa naman akong trabaho. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya. Kung ano-anong pinangbibili n'ya. Nagulat pa ako ng sabihin n'yang para lahat 'yon sa akin. Tinitigan ko s'ya ng nagtatanong kong mga mata. Seryoso ba s'ya? Ayaw kong maniwala at baka pinaprank lang naman ako. Masakit kaya umasa.She chuckled. Hinarap n'ya ako saka nagpaliwanag. Halos mapatili pa ako sa subrang tuwa ng marinig ko ang mga sinabi n'ya. Hindi ko na napigilan pa ang sariling yakapin s'ya.Pambawi n'ya daw sa ilang araw na pang-iiwan n'ya sa akin sa bahay. Kung alam ko lang na ganito na s'ya bumawi ngayon, kahit araw-arawin n'ya na akong iwan ng bahay. Okey lang sa akin. I
Sinamaan ko s'ya ng tingin kaya tumigil din s'ya sa pagtawa. Bigla s'yang sumeryoso."Hayaan mo na Sam. Di naman na tayo pinababayad pa sa malaking utang natin sa Pamilya nila no'ng naaksidente si Inay. Ang importante nakapagtapos ako. May matinong trabaho. Si Itay 'di na masyadong nahihirapan sa trabaho. At ikaw makakapag-aral din dito sa Maynila. Kaya hayaan mo na si Miguel sa kakasingil n'ya. Di ko naman alam na s'ya talaga gumastos sa pag-aaral ko. T'saka, maniwala ka naman do'n kay Señorito JM. Isa din 'yong sinungaling. Hayaan mo sila.""Nakakairita lang kasi. Bakit bukod tangi kang sinisingil? T'saka Ate napapansin ko noon si Señorito JM 'yong cellphone n'ya laging nakatutok sa'yo. Hindi kaya.... may gusto sa'yo 'yon at kinukuhanan ka ng mga stolen shots?""Ha? Kailan 'yon nangyari? Ba't ngayon mo lang sinabi?"Umalis s'ya sa tabi ko. Dumiretso ng ref. at kinuha ang isang pitsel na puno ng malamig na tubig. Uminom s'ya do'n. Nilagay sa ibabaw ng lababo at tiningnan ang niluluto.
SamanthaKinabukasan ay nagkatipon-tipon na naman kaming magkakaibigan kasama ang mga asawa't anak ng mga ito sa burol. Kung saan madalas naming tambayan noong mga bata pa kami.Nagbaon kaming mga lulutuin na pagkain at doon na namin naisipan magluto. Nagvolunteer naman ang mga asawa ng mga kaibigan ko na ang mga ito na magluluto. Ang mga tsikiting naman ng mga ito, as usual, ang iingay na naglalaro ng habulan at taguan.Maghapon kaming nagkuwentuhan at sinariwa sa aming mga alaala ang nakaraan sa burol na iyon. May malaking puno din doon malapit sa kubo na hanggang ngayon ay naroroon pa, pati na ang pinag-ukitan namin noon ng mga pangalan ng mga crush namin sa skwelahan. I smirked at the memory."Kumusta na kaya si Jeffrey? Dati patay na patay ka pa 'don Veron. Nakaukit pa kaya 'yong pangalan no'n sa puso mo este sa puno?" Kantyaw kong tanong dito.Nakita kong lumingon sa gawi namin ang boyfriend nitong si Mark. Siguro narinig ang sinabi ko na ikinapula naman ng pisngi ng kaibigan ko.
"No'ng mga bata pa kami ni Fernan napagkasunduan na namin na ipapakasal ang anak namin pagdating ng panahon kung sakaling magkaanak siya ng babae at sa'kin naman ay lalaki. No'ng nakaraang linggo, nang dumating sila dito, napag-usapan ulit namin 'yong tungkol doon ng magkita kami."Ngumiwi ako. "E, hindi naman po lalaki ang anak n'yo Itay. Tsaka bakit n'yo po ipipilit na ipakasal kami, e, hindi naman namin gusto ang isa't-isa? Tsaka isa pa po bunso ako. Dapat si Ate muna ikasal bago ako.""Lalaki 'yong mga anak n'ya, babae naman 'yong akin. Tsaka walang anak na babae si Fernan at Isme. Gusto nila isa sa anak ko maging manugang nila. Total nandito ka naman na at gusto ka nila para sa anak nila, kaya napagpasyahan ko na ikaw na lang ipakasal. At isa pa naniniwala sila na mapapatino mo ang barumbado nilang bunsong anak. Nakita nila dati na kaya mong makipagsagutan kay Miguel. Sumasakit ang ulo ng mag-asawang 'yong do'n. Kung sino-sinong babae ang bigla na lang sumusulpot sa mansyon."Duh?
SamanthaMagbubukang liwayway pa lamang ay hindi na magkandaugaga ang Inay sa paghahanda ng pagkain, dahil sa darating na bisita naming mag-asawang Del Carpio. Nagpasabi itong alas diyes pupunta ng bahay, kaya maagang naghanda si Inay para sa tanghalian. Ala sais pa lang kanina ay naalimpungatan ako sa mga katok at tawag ni Itay sa labas ng pintuan ng aking kwarto. Ngunit 'di ko s'ya pinagbuksan at nagtalukbong lang ako ng kumot. Inaantok pa ako.Maya-maya narinig ko ang mga yabag nito paalis sa aking pintuan. Muli akong nakatulog.Ang sakit ng aking ulo at buong katawan. Tinanghali na ako ng gising. Pagbaba ko dumiretso ako ng kusina. Naabutan kong halos patapos na ang Inay sa pagluluto.Ngumiti s'ya pagkakita sa akin. "Gising ka na pala, Nak. Mag-almusal ka na d'yan. Lutuin mo pagkatapos 'yong kare-kareng Baka, ah. 'Yon na lang ang hindi ko niluto. Mas masarap 'yong luto mo kaysa sa'kin, kaya naisip kong ikaw na lang magluto no'n."Tinatamad na hinatak ko ang upuan. Pasalampak akong
Nakakunot noo'ng tiningnan n'ya ako. "Third eye? What's the connect of that with your giggles?"I rolled my eyes. "What giggles you were saying." patay malisya kong sabi."I saw you giggling while staring at me eating. And staring is rude."Ano daw? "Rude? Ako? You really have a third eye."He smirked. "Is it your first time seeing a man eating like a hungry wolf?"Inabot n'ya ang pitsel at nagsalin ng tubig sa baso. Nakatitig pa rin ang mata n'ya sa'kin habang umiinom.Inirapan ko s'ya.He smirked back at me. Dahan-dahan nitong binaba ang baso. "I told you Tay Philip, amoy pa lang ang sarap na. It's really taste good." wika nito kay Itay pero sa akin nakatutok ang mga mata."Marami pang tirang naka marinade na iihawing manok at baboy. Kung gusto mo magbaon ka pagluwas mo ng Maynila mamaya.""Hindi ko po tatanggihan 'yan.""Sige mamaya, mag-iihaw ako ulit bago ka bumyahe para mainit pang baunin mo."Nilingon n'ya ang Itay at nginitian."Hindi mo na ba hihintahin umuwi dito ang kapatid
SamanthaMy chest thudded loudly. Kanina pa ako naglalakad pabalik-balik sa loob ng kwarto ko. I became uncomfortable with my decision.It's now or never Samantha!Pangungumbinsi ko pa sa aking sarili. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung tama ang gagawin ko. Nakapagpasya na ako sa gagawin kong plano pero bigla din nagbago ang isip ko.Ano ba!Napahilamos ako ng aking mukha. Umupo ako sa gilid ng kama. Gagawin ko ba? Hindi? Pero dapat lang diba? Ayaw ko sa kanya. Sagrado pa ang kasal. Hindi ako magiging masaya sa kanya. Maghihiwalay lang kami. Ayaw ko ng divorce.Sh*t! Bakit ganito ang pumapasok sa utak ko? Wala sa sariling napasabunot ako sa aking buhok. Pabagsak akong humiga sa kama. Hindi ako makuntento. Nagwala ako. Pinagsusuntok at sipa ko ang ibabaw ng kama habang nakahiga. Makailang ulit pa akong nagpagulong-gulong sa ibabaw. T'ngna. Malapit na akong mabaliw. Nang mapagod tumigil na ako sa paggulong. Pakiramdam ko umiikot ang kwarto ko. Argh..!"Lord, patawarin n'yo po ako s
THIRD PERSON POVJM (MANSION)Kasalukuyan akong nasa library at hinahanda ang mga dokumentong dadalhin ko paluwas ng Manila ng marining ko ang mahinang pagtawag sa akin ni Mom. Kaagad akong nag-angat ng tingin sa kanya. Bahagya s'yang nakasilip sa labas ng pintuan ng library. Nag-aalangan pumasok. Akala siguro busy ako.I smiled at her. "Mom."She stared at me. "Anong oras ba ang alis mo." tanong n'ya sa akin habang niluluwagan ang bukas ng pinto. Dahan-dahan s'yang naglakad papasok. Huminto sa harap mismo ng mesa ko.I checked my wristwatch. It's five o'clock. "I'm leaving soon Mom."She heaved a deep sigh. Laglag ang mga balikat na bahagya pa akong tinalikuran.Napangiti ako sa naging reaksyon n'ya. Alam kong mamimiss lang n'ya ako kaya ganito s'ya ngayon sa akin. Lagi naman. Kahit doon sa Manila sa tuwing dinadalaw ko sila ni Dad. Umiiyak lagi kapag aalis na ako. Kahit kay Migz ganun din. Siguro gano'n lang talaga ang mga Ina? Masyadong maalalahanin. Ginagawa kaming bata. Akala mo n