Share

Kabanata 55 Escape

Lumapit si Caleb kay Mr. Dennis Hernandez upang ipahiwatig na umalis na muna at bigyan ng oras si Maddie upang makapag-isip. Nakaunawa naman ang matanda.

“Maddison, sana ay magkaroon ng puwang sa puso mo ang pagpapatawad sa amin ng iyong ina. Mahal ka namin.”

Tumaas ang dalawang kilay niya. “Mahal? May mahal bang iniiwan? Huwag na po kayong magsinungaling, parehas ninyo akong hindi mahal. Ang mahal ninyo ay ang mga sarili ninyo. Ang mahalaga sa inyo ay ang pansarili ninyong kaligayahan. Hindi ako bata para bolahin ninyo pa.”

“Anak, naiintindihan kita kung bakit ganyang ang reaksyon mo. Babalik ako sa ibang araw. Mag-usap tayong muli sa ibang panahon. Sana ay bigyan mo ako ng pagkakataon na maging ama sa’yo. Hayaan mo akong punuan ang naging pagkukulang ko.”

Tumalikod na siya at kinuha ang remote upang hawiin ang kurtina sa bintanang salamin ng kanyang opisina. Tanaw na tanaw niya ang buong syudad. Huminga siya ng malalim. Nabuksan ang pinto. Akala niya ay lumabas na si Mr. Hernandez,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status