Share

Kabanata 92 Slave

“Tiyak na maiinggit ka lalo dahil napakagawapo ng asawa ko.” Nakakapit si Emaline sa braso ng lalaki. Proud na proud ito.

“Derrick Ruiz?” ulit ni Kaye. Nanlalaki ang mata nito at napatingin sa kinaroroonan ni Maddie. Tinalikuran nito ang pinsan.

Napansin ni Maddie na halos tumakbo ang kaibigan palapit sa kanya. “Nakikita mo ba ‘yung lalaking nakatayo malapit sa chocolate fountain? ‘Yung matangkad na naka-blue polo shirt.”

Alam niyang si Derrick ang tinutukoy nito ngunit patay malisya siya. Tsaka na niya ipagsasabi sa iba kapag natiyak niyang si Noah nga ito. “Sino? Ang daming nakatayong lalaki doon. Kilala ko ba ang lalaking sinasabi mo?”

“Kahawig siya ni Noah. Kamukha talaga maliban sa buhok at peklat sa kilay. Asawa daw siya ng pinsan ko na nakatira dati sa probinsya.”

“Oh, may asawa na pala. Kung wala sana, pwede kong ipalit kay Noah,” biro niya.

Muli niyang sinuyod ang umpok ng tao sa itinuturo ni Kaye ngunit wala na doon si Derrick.

“Pinsan? Sinong pinsan? Anong pangalan?”

“Emali
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status