Share

Chapter 5: Skeleton In The Closet

Steven's P.O.V 

Squeak! Squeak! Ang ingay ng aming mga sapatos ang nagpupuno sa aming court, lunch break na pero 'andito parin kami nag pa-practice. Habang ang coach namin ay iniisa-isa ang pang-sesermon sa amin.. "Anong nangyari sa 'yo Manalo? Bakit ang lamya mo, hindi ka naman ganiyan kanina ah?" I sigh, bakas ang galit sa kaniyang mukha habang kwinekwestyon ang mga baguhang manlalaro. Napatigil ako sa practice ng makaramdam ako ng pagod, "Gutom na ako," i tap my tummy when i heard the growl.

"Isa ka pa Ebans! Ayos naman ang laro mo kanina bakit bigla kang lumamya," sigaw nito. My name is Steven Evans not Ebans, its just that he really can't pronounce it properly. Buntong hininga akong napakamot ng ulo walang kagana ganang napayuko na lang ako. Nakakainis naman 'to alam niya namang napapagod rin kami't nagugutom sermon pa nang sermon, nakakayamot ka naman coach!

"Mister Ebans are you wid me!?" Pucha anong wid? "Yes coach," bagot na tugon ko. Ano kayang masarap na ulam sa cafeteria, sana meron pang adobo mabilis pa naman 'yun maubos nakakainis naman mas nauna pang kumain sina Christ kesa sakin. Ano ba 'yan ang tagal ng sermon! "Ebans," kumain na kaya siya? "Ebans!" Siguro kumain na 'yun anong oras na rin. 

"Evans," natauhan ako sa biglaang pagsiko sa akin ng kung nino akmang magagalit na ako ng biglang narinig ko ang sigaw ni coach. "Isa pa Ebans kung hindi ka makikinig mapapaiwan ka nanaman dito!" Shit! Nakakahiya namumula na ang mukha ni coach habang ang ibang manlalaro ay nakayuko at pilit pinipigilan ang kanilang tawa. 

"Sorry coach.." Naman oh! Gutom na nga ako possible pa atang mapaiwan, "Ano ba Ebans! Ikaw ang hinihintay ng lahat sa finals huwag kang pa lamya lamya.." Mababakas ang pagkabahala sa mukha ni coach, kamot ulo na lang akong napayuko. Nakakahiya naman,

"Buong araw kayong mag-eensayo ayusin niyo ang laro at mga galaw niyo, lalo ka na Ebans." Ha! Anong buong araw pucha finals nanamin. 

"Pero coach finals namin ngayon-" 

"Take special exam Mister Ebans, masyadong maraming reklamo ayusin mo muna ang laro mo at baka mag iba ang isip ko." Takte naman oh! Pangatlong special exam ko na ito, alam ko namang gamay ko na ang laro ramdam 'ko ngang MVP nanaman ako. Takte aasarin nanaman ako nina SaylorMoon na kako MVP ako sa laro pero bagsak naman grades ko, nakakainis ka coach! Hanggang sa pag tanda ko dadalhin ko itong sama ng loob ko sa 'yo...

"5 minutes break! Pagkatapos balik nanaman sa pag-eensayo, kung sino sa tingin ko ang hindi na babae kung kumilos may one hour break!" Minsan ang lakas din nang trip nitong matandang 'to, "Steven." Agad nakuha ng aking atensyon ang pagtawag sa akin ng isang first year, kunot-noo akong nagtataka sa kaniyang ginawa. Naguguluhan pa ako nung una ngunit nung inulit niya ang kaniyang pagbigay ay walang nagawang tinanggap ko ito, "Salamat.." Walang pag-aalinlangan kong kinuha ang inabot niyang energy drink at agad na ininom ito, "Ahh! Nakakapagod sobra. Salamat ah." Tinapik ko ng marahan ang kaniyang braso nagpapahiwatig ng pasasalamat.

Pinunasan ko ang aking labi gamit ang likod ng aking palad ng biglang nadako ang aking paningin sa first year. Agad naman itong namula at nahihiyang tumango habang hawak ang kaliwa niyang kamay ang kaniyang batok, kunot-noo akong nagtaka sa kaniyang naging reaksyon ng biglang may ediyang pumasok sa akin. Tangina? 'Huwag mong sabihing? "Ah- Steven," napaatras ako sa biglaang pagtawag nito. Tangina hindi naman ako judgemental pero lagpas ulo ang kaba ko, "O-oh?" Inamo nauutal pa. 

"Hindi ba't single ka-" pucha! Sinasabi ko ka nga ba! "Hindi! Hindi ako pumapatol sa mga ganyan pre, may moral at dignidad akong iniingatan. Hanap ka na lang ng iba." Lakas ng amats nito kinilabutan ako pakiramdam 'ko naubusan ako ng hangin sa kaniyang ginawa. Tinapik ko nang malakas ang d****b ko ng maramdaman ko ang kalabog nito, 'tanginamo wag mong susubukang kumalabog pa.

"Ha?" Napabalik ang atensyon ko sa kaniya ng marinig ko ang kaniyang pagtataka, "Anong ha? Halaman?" Pabalang na sagot ko, adik ba 'to? Talaga naman may nakaligtaan pa atang adik ang mga police. "What do you mean?" Gago lang? Tintigan ko siya na para bang hindi ako makapaniwala sa kaniyang sinabi, at ang mokong talagang pinanindigan ang kaniyang mukhang nagtataka. 

"Why did you over react man?" Pabulong niyang tanong na saktong kaming dalawa lang ang makakarinig, "Nang jo-joke time ka ba, ah! Baka nahiya ka. Ha! Alam kong gwapo ako tol pero hindi ako pumapatol sa ganiyan. Sa iba ka na lang.." Hard pass sa 'yo tol, baka matapos ang lahi namin nang dahil sa'yo..

Unti-unti na akong umaatras papalayo sa kaniya, nakakatakot ka tol. Pero ang mokong hindi parin nilulubayan ang mga titig ko ang kaninang naguguluhan niyang mukha ay napalitan nang marahang pagkatawa. "Man you're weird sometimes. I was pertaining to your friend, ka-i-bi-gan." Napatigil ako sa pag-atras ng marinig ko ang kaniyang sinabi, hindi ba ako? Huminga ako ng malalim ng mawala ang kaba ko, tangina malapit akong mahimatay dun ah? Lakas ba naman ng amats nito... Pero gagi hindi maipagkakailang nakakahiya 'yun!

"Ehrm! Oh tapos?" Pinag-krus ko ang aking braso at taas noo ko siyang tinitigan pilit nilalabanan ang hiya, Tanga! Bobo! Gutom ka na talaga Steven. "Just like what am i saying, hindi ba't single kaibigan mo?" Kaibigan lang pala, akala ko ako. 

"Oo, bakit type mo?" Alam ko na binabalak nito mag-papareto 'to "Yeah, i kinda like her style-" Style-style.. "Sus! 'Wag ka don m*****a 'yun masama ang ugali, high maintenance, maarte akala mo naman ikinaganda niya, tsaka mapili sa tao 'yun kaya sinasabi ko sa 'yo, huwag mo nang subukan pa."

Akala ko naman kung ano, maybalak pa ata itong manligaw kay SaylorMoon. 'Wag nang sumubok toy at baka ikaw ay masaktan lamang, "Huh? Pero hindi naman siya ganyan ah, i mean she's different from what you said." Lakas na talaga ang tama nito, "Yan na nga ba ang sinasabi nilang love is blind, hayaan mo tol isisingit ko ang pangalan mo sa usapan namin ni SaylorMoon kung sakali mang mag-uusap kami hehehe." 

Nagbibiro kong tinapik ang kaniyang braso at pilit pinapagaan ang aming usapan. Pambawi ko lang 'yan sa bigay niyang energy drink, pero alam ko namang wala parin 'tong pag-asa. Mas lalong natawa ang mokong sa aking inasta, "Man i don't like Saylor, i mean she's beautiful and hot but man no offence, but she's rude as hell." Kunot-noo ko siyang tinitigan pilit prinoproseso ang kaniyang mga sinabi, at nang makuha ko ito ay pinandilata ko siya. Traydor!

Sige subukan mong bigkasin ang pangalan niya at magkakaalam tayo rito, "The other friend of yours, her name's Veronica right?" Parang may kampanang umingay sa aking tenga. Inamo nagawa pang mag english, hindi ko namalayang gumalaw ang aking kamay na para bang meron itong buhay at agad na hinampas ang walang laman na plastic bottle sa ulo nito.

Inamo sapul! "Aw!" Rinig ang pitik ng plastic na bote sa paghampas sa kaniya, napatingin ang ibang players sa pinanggagalingan ng ingay at nang makitang hindi naman ito seryoso ay agad naman silang bumalik sa kani-kanilang ginagawa. "Mas lalong huwag na huwag mong subukan! Sinasabi ko sa 'yo tigil-tigilan mo 'yang pag-eelosyon mo. Ha! Tumalikod ka nga!" Agad namang nagulat ang first year sa hindi inaasahang pagsigaw ko nito, parang tuta naman itong sumunod at tumalikod. 

Agad kong binasa at sinaulo ang kaniyang apelido, "Fernandez, sinasabi ko saiyo Fernandez ayusin mo muna ang laro mo bago ka mag elosyon ng mga ganyang bagay.." Siraulong batang 'to trip pa ata ang kaibigan ko, kamot ulo itong tumalikod at naglakad patungo sa bleachers, akmang uupo rin ako ng biglang pumito ang aming coach.

"Break is done! Balik sa mga pwesto, ten minutes or less na ensayo, kung hindi na kayo mahinhin kung kumilos may one hour break!" Sigaw nito, naman oh! Hindi manlang ako nakaupo, agad hinanap ng aking mga mata si Fernandez. Inamo, sinasabi ko sa 'yo dalawa na kayo ni coach ang merong nakatanim na sama ng loob dito sa akin. Prrrt! Ang tunog ng pinto ang siyang hudyat ng pagsisimula ng aming ensayo.

Agad bumalik ang aking sigla ng dumapo ang bola sa sahig ng court na nagdudulot ng ingay, agad namang sumunod ang aking katawan. Isa-isa kaming nagpakitang gilas sa aming mga galaw, dribble, travel, then shoot! Three points, agad naman akong naengganyo sa laro ng hindi namamalayan. Sa kalagitnaan ng aking pag-eensayo hindi paman nag aanim na minuto ay biglang pumito si coach, Prrt! "Ebans one hour break!" Yes! Sa wakas, agad hinanap ng aking mata ang manlalarong may pangalang Fernandez.

At hindi ko namalayang nasa likod ko lang ito at naghihintay sa kaniyang torno, agad ko namang tinapik ang kaniyang braso at pabirong binulungan ito. "That's how you play kid.." Agad akong nagmartsa papuntang bleachers at kinuha ang iba kong gamit at nang matapos ay pabiro akong naglakad na para bang nanalo ng kung ano papalabas sa aming court.

"Ahh! Sa wakas," agad na inunat ko ang aking katawan nang makaaramdam ako ng pananakit. 'Wala na masyadong mga estudyante, siguro start na ng klase. Agad ko namang sinilip ang oras gamit ang aking smart phone, pasado tanghali na may pagkain pa kaya? Agad naman akong naglakad patungo sa cafeteria, buti na lang at hindi gaano ka layo ang court at ng cafeteria, siguro mga isang kanta ni Bruno Mars ang kaya tsaka mo maabot ang counter ng cafeteria.

"Grabe ang lala non noh?"

"What will happen to the image of our school?!"

"Pagod na siguro 'yun o baka dala ng pressure kasi diba sobrang sipag at talino non,"

"Hindi, alam kong may mas malalim na dahilan pa 'yun. Nakita mo 'yung leeg niya namamaga na at namumula pa."

"Omg! That was so traumatic, hindi ko na alam kung paano ako makakatulog nito."

Samot-saring usapan ng mga estudyante ang aking narinig, akala ko ba klase na? Bakit dumarami nanaman ang mga estudyanteng naglalakad sa hallway. Hindi ko mapigilang hindi mapansin ang kanilang malakas na usapan, paulit-ulit ang kanilang mga sinasabi at sa tingin ko ay pare-pareho ang kanilang mga tinutukoy, baka galing kanonood ng role play? Ani nito'y nakakatakot at nakakabahala raw ang nangyari.

Pilit na binalewala ko ito dahil wala na akong lakas na makitanong at agad na tinahak ang pinto ng cafeteria, sa wakas. Ilang paghihirap pa ba ang kailangan kong maranasan, sa pagbukas ko ng pinto ay ang mukha ni Christ ang sumalubong sa akin, "Oh? Bakit ka ba nanghaharang sa pinto." Akmang lalagpasan ko na ito ng biglang pinigilan niya ako sa aking kaliwang braso, "Hinintay talaga kita sina Christoph ang nagsabing hintayin kita rito." Nauutal niyang tugon, nanginginig pa ito habang nagsasalita. 

Pag ito joke time nanaman sinasabi ko, talagang makakatikim 'tong lima sa akin. 

"Limang segundo pag ito biro-" 

"Hello, Oh? Andito na si Steven. Sigurado ka? Steven si Veronica nasa Clinic sinugod matapos-" Si Nica? Anong nangyari sa kaniya? Parang nawala ang gutom at pagod ko at agad na dumiretso patungo sa school clinic. Hindi ko na pinatapos ang sinabi ni Christ alam 'kong nagsasabi siya ng totoo base sa kaniyang reaksyon at takot, at alam 'kong hindi nila makakayang gawing biro ang kalagayan ng isang taong malapit sa akin, dahil hindi nila kakayanin.

Nasa huling hallway na ako nakikita ko na ang karatula ng school clinic, akmang liliko na ako nang biglang hindi ko inaasahang may sumalubong sa akin, shaks! Wrong timing naman oh. "Ba't nag mamadali ka, saan ka pupunta?" Irritable niyang tanong, ang lakas talaga. Nakuha pang masindak ako, "Sa Clinic, pupuntahan ko si Nica." Diretso kong sagot, nagmamadali ako ano ba.

"Oh-" natigilan siya at tinitigan ako na para bang nagulat sa aking sinabi, ang kaninang irritable niyang mukha ay napalitan ng pagkadismaya, unti-unting gumilid ito at napayuko na para bang natauhan sa aking sinabi. Wala akong panahon sa drama ngayon Ava, akmang lalagpasan ko na ito ng pinigilan niya ang aking braso.

"Hindi ka pa kumakain, baka mas lalo kang manghina siguradong dalawa na kayo ng kaibigan mo ang nakahiga sa clinic mamaya..." Walang buhay ang kaniyang mga mata, napalunok ako nang maramdaman ang lamig ng kaniyang dala. Walang buhay pero ramdam ko ang pagmamalasakit sa kaniyang sinabi.

"Kailangan ko munang makita si Nica. Makakapaghintay ako pero ang kalagayan niya hindi." Alam kong galit ka pero sana alam mo kung saan ka lulugar, agad kong binawi ang aking braso. Lakad-takbo ang ginawa ko patungo sa silid ng clinic nang maabot ko ang pintuan ng clinic ay agad ko itong pinihit at bumungad sa akin ang mukha niyang mala-anghel na mahimbing na natutulog "Nica."

Nakahinga ako ng maluwag nang masaksihang maayos ang kaniyang kalagayan, grabe ang kaba ko akala ko kung anong nangyari sa 'yo, abala ako sa pagkilatis sa kaniya nang biglang may boses ang nagsalita sa aking harapan.

"You're so stinky, talagang nature mo na ang pagtakbo at pagwalang bahala sa sarili mo?" Pangungutyang bungad sa akin ni Saylor. 

Hindi ko pinansin ang sinabi nito at para bang napako ang aking mga mata sa babaeng mahimbing na natutulog sa kama. "Anong nangyari sa kaniya?" Nagaalalang tanong ko, rinig ko ang malakas na buntong hininga nito at agad na sumeryoso. "There was an incident happened in the main building and it was tragic, and it causes to her hemophobia to trigger." 

Para bang nakahinga ako nang maluwag sa kaniyang sinabi, akala ko kung ano nang nangyari sa kaniya. Alam kong takot sa dugo si Nica, noon pa kaya hanggat maaari iniiwasan namin siyang makakita ng dugo. Pero agad namang kumunot ang aking noo nang maintindihan ang kaniyang sinabi, "Anong nangyari sa main building?"

Agad niya akong tinitigan at tinaasan nang kilay, sinuri ako mula-ulo hanggang paa at unti-unting tumango na para bang may nakuha siyang sagot sa kaniyang sariling tanong.

"Someone jumped from the main building, it happened thirty minutes ago. It was traumatizing for some students his blood and eyes scattered on the pavement, and Veronica saw it. After the police got the body of the student Veronica passed out so we send her to the clinic, and until now she's still unconscious." Diretsong sagot nito.

Napatahimik ako sa kaniyang sinabi, ang kaninang sigla ko ay napalitan nang takot. Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa kaniyang sinabi, ang kaninang pagod at panginginig ko ay muling bumalik. 'Klaro ang pandinig ko. Ngunit ang utak at isip ko ang hindi matanggap sa kaniyang sinabi. Hindi maari, may ideyang pumapasok sa aking isipan pero sana mali ito.

"The students says that it maybe because of pressure, or problems... But i feel like those were not the real reason," dagdag nito. Beat! Parang may humampas sa aking d****b sa kaniyang sinabi, unti-unting nang nanginginig ang aking kalamnan habang ang atensyon ko ay nasa babaeng nasa aking harapan.

"I mean, its so unsual. His neck was swollen," alam ko kung saan ang kahinatnan nang kaniyang sasabihin. Pilit kong pinipigilan ang aking sarili kahit ramdam ko na ang nginig ay pilit ko parin itong pinipigilan. "Like some insect bite it.. Or maybe it wasn't an insect." Unti-unti nang umiinit ang aking katawan ramdam ko ang pawis na tumatagaktak sa aking noo. Gusto kong patigilin si Saylor sa kaniyang susunod na sasabihin pero naduduwag ako.

"It's like a vam-" 

"Excuse me, may nagpapaabot para kay Steven Evans." Agad naputol ang sanang sasabihin ni Saylor nang biglang may estudyanteng pumasok sa pinto, maybitbit na dalawang plastic na may lamang pagkain. "Kanino galing?" Mataray na tanong ni Saylor. "Hindi ko po alam, pinapaabot lang sakin sa canteen." Kabadong sagot nito, agad ko itong nilapitan at walang nagawang tinanggap ito.

"Thank you po, aalis na ako." Pamamaalam nito, tango lang ang itinugon ko at agad naman itong nagmartsa palabas. Saktong pagbukas ko ng plastic ay agad namang kumulo ang aking tyan sa amoy nang pagkain. "You can eat near Nica's bed. There's a little table attached on it." Malditang tugon ni Saylor, typical na mahiyaing ipakita ang kaniyang pagaalala. 

Dahil unti-unti ko nanamang nararamdaman ang gutom ay agad ko namang sinunod ang sinabi ni Saylor. Nanginginig parin ang aking katawan pero hindi maipagkakailang nakahinga ako nang maluwang, naduduwag parin ako. 

Alam ko namang dadating ang panahon na mangyayari ang kinakatakot ko, pero sana darating 'yun sa mga panahon handa na ako. 

Magulo parin ang isip ko hanggang ngayon. Dahil sa sobrang pagod hindi ko na namamalayang kumakain na pala ako, ang tamis at alat nang ulam ang nagpupuno sa aking tyan. Mmm! Sarap.

"May damit palang kasama 'to?" Agad nakuha nang aking pansin ang nagtatakang mukha ni Saylor habang hawak-hawak ang isa pang plastic namay lamang white t-shirt at pantalon. Agad akong nabulunan nang may biglang sumagi sa aking isipan, na siyang dahilan nang pagkuha ko sa atensyon ni Saylor.

Dali-dali kong kinuha ang plastic na hawak-hawak ni Saylor. Naman oh! Ramdam ko ang titig ni Saylor pero pilit ko itong iniiwasan, alam kong matalino si Saylor at kadalasang tama sa kaniyang hinala. "You're so tense Steven." May bahid na pananakot niyang sabi, natawa ito nang maramdamang naapektohan ako sa kaniyang sinabi.

"Don't be scared Steven, i wouldn't meddle with your secrets." Ramdam ko ang sinseredad sa kaniyang sinabi, nagulat ako sa biglaang pag-iba nang ugali ni Saylor, hindi naman siya ganito. Agad ko siyang tinitigan at agad naman itong umiwas nang tingin. 

"Ehrm! I'll just go outside. Please keep an eye of her." Hindi niya na ako hinintay pang magsalita at agarang  nagmartsa ito palabas ng silid. Dumapo naman ang paningin ko sa hawak kong plastic na may lamang damit. Napabuntong hininga ako at agad nagpatuloy sa aking pagkain, 'kailan ka ba matututo. Hindi ka talaga nadadala kahit kailan. 

Pagkatapos nang ilang minuto ay agad ko namang natapos ang aking pagkain, lumilipad na ang aking utak. Parang may sariling buhay ang aking katawan at agad na nagbihis ng damit sa banyo ng clinic. Pagkatapos ay agad naman akong bumalik sa gilid ng higaan ni Nica, patuloy na sinusuri ang kaniyang mukhang natutulog. 

Ang payapa niyang mukha ang nagbibigay ginhawa sa akin. Natakot ako akala ko kung anong malubhang nangyari sa 'yo, likas na iyakin kapanaman. Napabuntong hininga ako at agad na lumipat sa kaniyang paanan at duon isinubsob ko ang aking mukha habang ang atensyon ko ay nasa kaniya. 

'Kahit anong mangyari poprotektahan  kita, kahit pa sa mga taong malalapit sa 'yo. Pangako 'yan habang buhay Nica. 

"Steven," napakunot ang noo ko nang may biglang naramdam akong may kung sinong tumawag sa aking pangalan, "Steven." Sinundan naman ito nang paghawak sa aking braso, unti-unti na akong kinikilabutan. "Steven," unti-unti nang lumalakas ang kaniyang boses natatakot akong lingunin ito, wala akong ibang kasama kundi ako lang at si Nica. Akmang magpapanggap akong tulog nang biglang sumigaw ito. "Steven get up!" 

"Ahh!" Nagulat na sigaw ko, agad akong huminga nang malalim na para bang nauubusan ako ng hangin. Ang irretableng mukha ni Saylor ang bumungad sa akin, nakatulog ako. Agad kong nilibot ang aking paningin at nang makitang ako lang at si Saylor ang nakakita ay agad naibsan ang aking hiya, 'panaginip lang pala. 

"Its already afternoon, ihahatid natin si Veronica sa kanilang bahay." Puno nang autoridad niyang sabi, makalipas nang ilang segundo ay agad akong tumayo at tinignan ang kalagayan ni Nica, tulog parin siya hanggag ngayon. Agad namang may nurse ang pumagitna at inayos ang higaan ni Veronica, "I called her mom, i told her about Veronica's situation so she sends nurses to take care of her." Aniya.

Ang bilis naman ng oras, hindi ko namalayang nakatulog ako. Agad kong kinapa ang aking bulsa at nang maalalang wala akong dalang ibang gamit ay agad kong natampal ang aking noo. Shacks naman oh! Kailangan ko pa atang pumunta ng court, papagalitan nanaman ako nito ni coach. Argh! Nakakainis naman, bahala na. Akmang aalis ako ng biglang nagsalita muli si Saylor.

"Someone sends your things. Your training is already done, suspended ang class after what happened." Biglang bumalik sa akin ang kwinento ni Saylor, kahit hindi ko man nakita ay ramdam kong karumaldumal 'yun, bigla namang nanindig ang aking balahibo. 

"Magkita na lang tayo sa bahay ni Nica." Pamamaalam nito, agad naman itong sinundan ng mga nurse at isang stretcher lift, kahit hapon na makikitang mahimbing parin ang kaniyang pagtulog. Pagod na pagod ah?

Nang makitang tuluyan na nilang nalisan ang silid ng clinic ay agad ko namang dinampot ang aking gamit na nasa kabilang dako ng silid. Iniisa-isa ko ang paginspeksyon sa aking gamit, 'baka merong kulang. 

Nang makampante ay agad akong tumungo sa parking lot ng school, dederetso ako sa bahay ng mga Rodriguez. Hihintayin 'kong magkamalay ang kanilang anak tsaka ako uuwing kampante. Akmang papasok na ako sa aking sasakyan nang biglang tumunog ang aking cellphone na nagpapahiwatig ng may mensahe. 

-Please take care. 

Hindi naka rehistro ang pangalan ng sender, numero lang ang nakalagay pero ramdam ko kung sino ang nagpadala nito. 'Iiwas ako hanggang sa abot ng aking makakaya, sana'y ikaw rin, agad kong ini-off ang aking cellphone at pilit binalewala ang text nito. Unti-unti na namang lumilipad ang aking isip, marami na namang tanong at hinala ang naglalaro sa aking isipan. 

Lalong-lalo na ang insidenteng nangyari kanina, bakit unti-unti na silang nagpapakita. Anong balak nila, hindi naba sila natatakot? 

Hindi ko na napansin ang paligid ng biglang may kotseng humarurot sa akin, bigla naman akong natauhan. 'Muntik na! Agad ko namang sinuri ang paligid at nang mapagtanong nasa harap na pala ako ng bahay ng mga Rodriguez ay napabuntong-hiniga ako. 

Agad namang bumukas ang magarbong gate ng mga Rodriguez, dahan-dahan ko namang minaneho ang aking sasakyan papasok sa kanilang mala-hardin nilang tahanan. Kahit sa labas palang ng kanilang bahay ay kusa na itong sumisigaw ng yaman at kapangyarihan. Bata palang ako ay parati na akong pumupunta sa bahay ng mga Rodriguez, hindi lang dahil kay Nica kundinarin sa payapang aking nararamdaman sa kanilang bahay...

Pero siguro totoo nga ang kasabihang, Walang bagay ang purong perpekto, sapagkat lahat nang ito'y may kaakibat na sekreto. At mapapatunayan ko 'yun hanggat sa nakikita 'kong matayog at kusa paring sumisigaw nang kapangyarihan ang bahay ng mga Rodriguez. Ang bahay na aking itinuring na perpekto, ngunit hindi pala masusukat ang kagandahan ng bahay sa estraktura lamang. 

Habang tinitignan ko ang bahay ng mga Rodriguez ay may biglang ala-ala ang pumasok sa akin, napabuntong hininga ako, pilit iniiwasan ang pangyayaring 'yun. 'Hindi maipagkakailang may parte parin sa akin na sana hindi ko na lang nalaman 'yun. 

"Hijo! Welcome back." Puno nang galak na bungad sa akin ni Doc. Rodriguez, ina ni Veronica. "Thank you tita, nakakahiya namang ngayon pa lang uli ako nakabalik dito." Tugon ko, "It's okay hijo, i understand." Aniya.

"Steven, thank you for taking care of Nica. Saylor mentioned it to me." Bigla namang sumulpot sa kung saan si Gov. Fernando, ama ni Nica. "Tungkulin ko po 'yun tito, no need to thank me." Tumawa ito nang marinig ang aking sinabi, makalipas ng ilang segundo ay nagsalita muli ang ginang, "You can go upstairs hijo, Saylor is already there. Susunod na lang kami." Aniya, tumango ako at ngumiti ng bahagya na nagpapakita ng pasasalamat.

Agad naman akong nagmartsa sa kanilang magarbong hagdan, walang buhay akong nagtungo sa silid ni Nica. At nang makitang hindi ito naka sara ay akmang papasok na ako ng biglang nakuha ng aking atensyon ang tulalang si Saylor. Pansin ko na ang unti-unting pagbabago ng kaniyang ugali, kahit hindi man nito sabihin ay ramdam kong kaharap ko ang Saylor na nakilala ko noong gradeschool. Habang tintignan ko siya'y napagtanto 'kong bumabalik nanaman ang babaeng nakasuot ng maskara.

Agad naman itong tumingin sa aking gawi nang naramdamang may sumusuri sa kaniya, "Is she alright?" Palusot ko. Tinarayan lang ako at agad bumalik ang kaniyang atensyon sa natutulog na si Nica, nang biglang makita naming unti-unti nang dumidilat ang kaniyang mata ay tuluyan na akong napasigaw. "She's awake!" Walang pag-aalinlangan akong tumakbo pababa sa kanilang hagdan.

Ang ingay ng aking kalampag ang bumalot sa kanilang payapang tahanan, parang merong humahabol sa akin sa ingay ng aking pagtakbo, nang maabot ko ang kusina ng kanilang tahanan ay hindi naman ako nabigong makita ang pamilya ni Nica, agad ko namang nakuha ang kanilang atensyon na siya namang ikinataka nila kung bakit ako hinihingal. "She's awake," pagkatapos kong sabihin ang katagang iyon ay lakad-takbo ang kanilang ginawa patungo sa silid ni Nica. 

Akmang susunod na ako nang biglang dumako ang aking paningin sa kakababa lang na si Saylor. Kunot noo ko siyang tinitigan, "Uuwi na ako, may kailangan pa akong gawin." Parang multong umalis kaagad ito, kahit naman anong sabihin niya wala naman akong magagawa. 

I sigh, unti-unti na akong naglakad pabalik sa silid ni Nica nang biglang tumunog ang aking cellphone. Mensahe galing kay dad.

-Be home early.

Walang ibang context kundi 'yan lang, may konting kaba nanaman akong naramdaman. Alam ko na kung saan ang patutunguhan nito mamaya, napabuntong hininga na lang ako at tuluyang naglakad patungo sa kwarto ni Nica. Nang marating ko ang silid ni Nica ay nakakapagtataka ang kaniyang pagiging tahimik, makikita ang kaniyang ina na nakikipag-usap sa isang nurse habang ang ama naman nito'y nakaupo malapit sa kaniya.

Anong nangyari sa inyong dalawa ni Saylor. "Steven, come here." Tawag sa akin ni Gov. Fernando, hindi naman ako nag dalawang isip na tumungo sa gawi nito. Agad ko namang nginitian ang tahimik na si Nica, malamig ang kaniyang titig hindi ko ito masabayan, dahil ba ito sa pagod? O dahil sa nangyari kanina. "Ayos ka na ba?" Tipid na ngiti at tango lang ang kaniyang itinugon.

"Mabuti," alam kong may dahilan ang pagiging tahimik mo pero hindi kita pipilitin. Kinagat ko ang dila ko nang makaramdam ako ng konting kirot, "Tito hindi na po ako magtatagal, masaya na ho akong makitang maayos na si Nica." Pamamaalam ko, "Pero masyado pang maaga iimbitahan pa sana kitang kumain ng hapunan-" pilit na pangungumbinsi nito, "Hindi na po tito hinahanap na rin ako ni dad. Sa susunod tito pupunta ako." Hindi parin kombinsido ang mukha ni Gov. Fernando akmang tututol nanaman ito nang biglang nagsalita ang ginang. 

"Let him go Fernando, you may go now Steven. I understand your concern and priorities hijo, and thank you so much for not leaving Nica." Aniya, tipid na ngiti lang ang itinugon ko. At sa huling pagkakataon ay muli kong sinulyapan ang tahimik ngunit malayong tingin na si Nica. "Aalis na po ako," huling pamamaalam ko. Hindi na ako nag-abala pang kunin ang atensyon ni Nica at agad naman akong naglakad palabas ng kanilang bahay. Nang marating ko ang aking sasakyan ay muli nanamang tumunog ang aking cellphone, napakagat ko ang aking labi nang makita ang numero ng tumatawag. 

Pilit ko itong binabalewala at agad nagmaneho patungo sa aming bahay, habang bumabyahe ang kulay kahel na langit ang nagbibigay liwanag sa syudad, hindi maipagkakailang maganda ang papalubog na araw pero nakakatakot naman kapag tuluyan nang nabalot ng dilim ang paligid. Nasa huling daan na ako, papuntang toktok ng syudad ang aming bahay.

Makalipas nang ilang minuto ay tuluyan ko nang narating ang aming tahanan. Huminga akong malalim saka bumaba sa aking sasakyan, home sweet home. "Sir Steven, hinihintay na po kayo ni Sir Evans sa hapag." One of our maids welcomed me, walang pagdadalawang isip akong nagtungo sa aming hapag. 

At hindi ko mapigilang matawa sa aking nasaksihan, "Ola Papa! Are we having a feast?" I greeted jokingly, my father immediately smiled as he saw me, "Sit down hijo come and join us." Her wife invited me, biglang nawala ang aking sigla at napalitan ng pagiging sarkastiko. I've always call her Mrs. Not Evans nor Tan, "Sit with us Steven." Said by my step-sister. "Oh! Cut the act. I know this is not the feast that i mean." I said directly, my father laugh while his second wife along with her daughter laugh awkwardly. Masyadong masakit kayo sa mata tignan, "Steven my boy! You really had no manners at all." Pabirong tugon ni dad, ngunit makalipas ang ilang segundo mabilis namang nag-iba ang ekspresyon nito, mababakas ang galit at pagkaseryoso ni dad.

Napalunok ako ng bahagya at pilit iniiwasan ang gawi nito, dahil sa pag iwas ko ay biglang dumapo ang aking paingin sa 'kunong kapatid' ko, Ava. "Oh well, you've already ruined the  moment boy," puno ng pagkadismayang tugon nito. Agad itong tumayo at pinunasan ang kaniyang labi gamit ang table napkin, "You want real feast boy. Then prepare the basement for us." He said mischievously, as expexted. 

I smiled. "Mi placer, Papa." I immediately excused myself and went to the basement, the lights of our gold theme house are giving me excitement, while the sound of piano is filling our house. Hmm, i missed this. As i reached the door of our basement my heart pumped, i laugh. How funny, i know all of my friends has skeleton in the closet. "But i guess mine is the worst," i whispered. Slowly i opened the doorknob of our basement and the smell of blood welcomed me. "Ahh! This is what you call Feast papa," i said as i felt someones behind my back.

"I know boy, you're truly has the blood of Malkavian." I felt a sudden goosebumps from the recognition of my father. He tap my shoulder and slowly entered in the basement along with Ava and his mom, i sigh. Just seeing my father and our bloddline, i know everyone would be scared towards me. Thats why this is the thing that i've always kept from everyone.

Im one of the Vampire Clan.

    -Sa susunod na kabanata-

GreySea

Please bear with my grammar and errors, im still new and learning. And feel free to comment, have a nice day. Love, GreySea

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status