Share

Kabanata 26.2

“Kung sakali mang makita mo na naman siya o kung may ipapadeliver siya sayo. Tawagan mo kami. Huwag mo muna siyang pupuntahan, hintayin mo kami para masundan ka namin.” wika rin ni Warren saka niya iniabot ang calling card niya. Mabilis namang tumango ang lalaki.

“Makakaasa po kayo,” sagot nito.

“Sige na, umalis ka na.” mabilis na umalis ang lalaki.

Habang nag-uusap sila na magpipinsan ay may lalaki namang nakamasid sa kanila. Nakangisi lang ito at pinapanuod ang magpipinsan. Subdivision ang kinaroroonan ng bahay ng mga Sandejas pero malaya siyang nakakagalaw sa loob dahil hindi mo naman siya pagdududahan sa paraan ng pananamit niya.

Aakalain mo lang na isa siyang residente dun.

Naghahumming pa siya nang lampasan niya ang bahay ng mga Sandejas. Alam niyang ipapahanap siya ng mga ito pero kahit na anong gawin ng mga Sandejas, hindi nila malalaman kung sino siya.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Monique.

“Kuya naman, huwag mo naman pairalin ang galit mo. Alam ko naman
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status