Share

Unwanted Mate (Tagalog)
Unwanted Mate (Tagalog)
Author: Lunabaaabe

PROLOGUE

Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Copyright Lunabaaabe 2021

Warning: Some chapters might contain mature theme, strong language and adult scene that is not suited for young audiences. Read at your own risk!

****

“Shen, sigurado ka bang ayaw mong magluto tayo, I could buy you cake? It's your 18th,” tanong ni Aunt Lana.

She's living far from here, that made her visit me at times. Dati ay nakatira pa ako kasama sila, ngunit ‘di rin nagtagal ay nagdesisyon silang ilayo ako at itago upang hindi mahanap ng kaaway ng aming pamilya.

I am living in the middle of a deep forest, isolated, secluded and undiscovered place. 

I was like Rapunzel. Nakakulong sa mataas na tower at naghihintay kung kailan makakatapak sa lupa.

I grew up in here since when I was 13. Hinahatiran lamang ako ni Auntie ng mga kakailanganin ko rito, at ‘di ako kailanman hinayaang lumabas mag-isa para pumunta sa bayan. 

Why? To keep me safe.

Hindi nila hinayaang makisalamuha ako sa ibang tao. They say, the lesser the people know me, the safer. 

I am not in jail but feels like caged in my whole life. 

I couldn't blame Auntie for this cause I know she was just protecting me, but it hurts a lot that my father never contacted me to know if I'm okay, or even greeted me on my birthdays. 

A tear drop escaped my eyes. 

“No, Auntie. I'm okay, sayang lang iyon, tayo lang naman ang naririto.”

“Sana'y hindi sumasama ang loob mo at magtanim ng galit sa daddy mo, he just want you safe. Ikaw na lamang at ang nakababata mong kapatid ang mayroon siya.”

“Pero sana lang Auntie, maalala man lang niya ako kahit isang beses sa isang taon. Gusto ko man lang sana siyang makausap p-pero it's okay, I understand. I will always understand.”

“Your dad is so lucky to have a daughter like you.”

“I hope he know it too,” Aunt Lana hugged me and after that we just spend time to talk lot of things and how life is going. 

It's the best day for me, to stay inside that house with a person I could talk to and I didn't expect that it can also be the worst day for me. 

Why do it have to be on my birthday? 

Bigla kaming nabahala ng sunod-sunod na kalabog ang narinig namin mula sa labas. 

The atmosphere changes. The air becomes more tensed. Tila nagsasabing may panganib na nagbabadya para sa amin ni Auntie at hindi nga ako nagkamali. 

In just one snap, nabasag ang salaming bintana sa living room at sunod-sunod na pumasok roon ang mga bampira?

"Nasundan nila tayo," my heart pounded inside my chest. I don't know what to do, how to react. Is this my end? I couldn't imagine that my birthday could be also my death anniversary someday. 

Narinig ko ang pagkasa ng baril ni Auntie habang ako ay nanatili sa tabi niya at tinitigan ang mga bampirang nanlilisik ang mga matang nakatitig sa amin. 

This is my first time to encounter creatures like them. May idea ako sa kanila because of Aunt Lana's story but this is the first time I saw one, in actual and not just in picture or movies.

“Shen, sa likod lang kita.”

“P-pero Auntie--”

“Makinig ka na lang and when I said run, you run fast okay? You need to get out of this house.”

“Auntie--”

“Huwag na matigas ang ulo!”

Natahimik na lamang ako at 'di na nakapagsalita lalo na ng mabils na sumugod ang mga bampira sa direksyon namin ni Auntie. 

I screamed when some of them tried to reach for me, but Auntie didn't let them.

“Lana! Shen!” Nabuhayan ako ng loob ng makita si Uncle na nagsisimula nang makipaglaban sa mga sumusugod sa amin. 

“Lana! Iligtas mo si Shen bilis! Ilayo mo siya rito!”

“Pa'no ka?!”

“Kaya ko na 'to!”

“No! run Shenlo, run now!”

“A-auntie!”

“I said run!” Nataranta ako at walang nagawa kundi ang tumakbo papalabas, gamit ang likurang pintuan ngunit di ko inakalang may nakaabang sa akin roon, napahiyaw ako sa sakit ng maramdaman ang matalas na kuko nitong bumaon sa braso ko. 

“Shenlo!” I heard Auntie's voice coming for me, at mabilis niyang binaril ang may hawak sa'kin, her dress was already stained with blood, and I noticed she's crying. Unti-unti na ring bumuhos ang luha ko. 

Bakit pakiramdam ko, ngayon din mismo...mawawala sila sa akin?

“Auntie anong nangyari?”

“We need to hurry, kailangan mong makalayo, halika na...Halika na Shen,” ramdam ko ang nanginginig na kamay niya. 

“Auntie...”

“Your Uncle is dead Shen, so please cooperate, hindi kita makakayang protektahan ng todo, kaya please help yourself and I will try my best to keep you alive, now let's go!” Nanigas ako sandali sa sinabi niya bago ako nakabawi at mabilis kaming tumakbo habang pilit ko pa ring pinoproseso sa isip ko ang binalita niya, Uncle is gone?

Alam ko kung bakit hinahabol kami ng mga bampira, at ako ang pakay nila. Nadadamay lamang sila Auntie dahil pinoprotektahan nila ako and I just can't believe Uncle died just to save me and Aunt Lana. Why?

‘Di namin inaasahan ni Auntie na mas marami pa pala ang nagaabang sa amin sa bukana ng gubat. 

Mas lalo akong nilukob ng kaba. 

Hindi namin sila kakayanin! Anong laban ng dalawang ordinaryong tao sa kumpol ng mga bampira? Ni hindi ko nga masundan ang kilos at galaw nila! 

“Shenlo no matter what please live.”

“Auntie pati ba naman ikaw?” hindi ko na mapigilang hindi maiyak. 

“Please Shen, and please always remember that I love you, para na kitang anak Shenlo. So live and find your sister, your dad. Bumalik ka sa kanila.”

“Y-yes Auntie I promised. But please, don't die!” isang malungkot na ngiti ang pinakita niya sa akin. 

“Sa kabilang bahagi nito, may daan doon papalabas dito. Derederetsuhin mo lamang iyon at makakarating ka sa kabilang bayan hindi ka magagawang atakihin roon dahil mas matao ro'n kaysa rito. Hindi sila basta-basta umaatake sa mataong lugar. Susugod ako sa kanila at kapag nagsimula na akong tumakbo at kunin ang attention nila tumakbo ka na, naiintindihan mo ba ako Shenlo?”

“Yes Auntie,” Tatango-tango habang umiiyak na sabi ko. 

“Good girl,” Muli niya akong niyakap at nagsimula nang tumalikod sa akin. Nang tumakbo siya ay nakuha nito ang attention ng mga bampira nagkaroon ako ng pagkakataon na makatakbo sa kabilang daan, I never look back. Lalo na nang marinig ko ang malakas na palahaw ni Auntie. Nanghihina man ay ‘di ko na ginawa pang lumingon. I need to make it, para matupad ang pangako ko sa kaniyang mabubuhay ako, baka rin kasi pag lumingon pa ako ay hindi ko na magawa pang tumakbo mula sa kinaroroonan ko. 

Iyak lamang ako ng iyak habang tumatakbo ngunit ‘di ko naisip na maabutan at maabutan nila ako. 

Tumigil ako, handa nang tanggapin ang kapalarang hanggang dito na lamang ang buhay ko.. 

I faced them, and I know hatred was all over my face. 

I hate them, I hate their kind. 

Pumikit ako at hinintay na lamang ang gagawin nila sa ‘kin. Until a sharp things dug on my flesh that made me screamed in pain and anger. Kasabay noon ang biglaang pag-ikot ng aking paningin at unti-unting panlalabo ng mga mata ko.

I can't feel myself anymore.

Tila namanhid ang buo kong katawan at bumagsak nang wala man lang naramdaman. My eyes remained open but I can feel my heartbeat slowly fading. 

Nag f-flashback lahat-lahat ng naging alaala ko simula ng bata pa ako. And right before I drowned in nothingness, I feel my eyes shed tears as my last breath escape my lips.

Bigla akong nagising mula sa pagkakatulog habol ang hininga na tila nanggaling mula sa pagkakalunod. 

Saka lamang kumalma ang katawan ko ng maramdaman ang sinag ng araw na tumatama sa gilid ng mukha ko. 

I woke up on the same room, kung saan unang beses din akong nagising mula sa pagkasawi. 

I am about to move when the door creaked, niluwa noon ang lalaking, unang beses ko rin nakita ng magmulat ang mga mata ko. 

Wearing the same cold expression of his face and eyes. 

“Hage.”

“Nightmare again?”

“A-as usual,” He walk towards my direction as he took off his shirt revealing how good his body is. Mabilis akong napaiwas ng tingin. He used his shirt to dry my sweats. Napatitig na lang ako sa seryoso niyang mukha habang ginagawa 'yon.

"Go and take a bath, pupunta tayo sa mansion. I'll introduce you to my family." Nabigla ako sa sinabi niya, ngunit ‘di na ako naka-react dahil derederetso na siyang lumabas, napatitig na lamang ako sa likod niya. 

Well, he's Hage Frost, the man I owed my life with. In my whole life, maybe meeting him is the best thing, for the reason that someone recognized my existence now, gave me an identity and someone who recognizes what I did and what I am going to do. 

Tulad ng sinabi niya ay naligo na muna ako at nagbihis, pagbaba ko ay nakaabang na siya sa akin. 

1 year ago, he was cold to me up until now, ngunit kahit gano'n ay maayos naman ang pagsasama namin, but it doesn't matter to me now, I just need to marry him and after that I will get the chance to find my sister. 

Dinala niya ako sa isang napakalaking mansion. 

Nanatili akong tahimik habang nakasunod sa kaniya.

The whole place looks so elegant. This is a palace.

I remember our house, hindi iyon nalalayo rito, kumusta na kaya 'yon? Gustong-gusto ko nang makabalik. 

"Son, I didn't know you were coming?"

"Dad,"

"Is this your mate?"

"Yes."

"May I know your name hija?"

"I'm Shen, Sir. Shenlo Rizen Mcdemort." tila nabigla siya sa sinabi ko at sumeryosong muli ang mukha. 

"Hage, In my office now." maautoridad na utos nito at naiwan ako sa salas nila ng nangangapa sa dapat kong gawin. 

Naghintay pa ako roon ng ilang minuto at nakita ko na ring bumababa si Hage. 

He stares at me with his cold eyes. 

I felt conscious that's why I choose to look down.

'Why did it have to be you?'

Narinig ko ang boses niya sa isip ko. Gusto ko magtanong pero hindi ko alam ang nararapat na salita.

"Mamayang gabi, ikakasal na tayo." Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi niya.

"H-ha?"

"Maghanda ka na,” tipid na sagot lang niya habang hindi pa rin maproseso sa isip ko ang sinabi niya. Wala akong nagawa kundi ang sumunod at hintaying mangyari ang kasal. At hindi ko alam na talagang kinagabihan nga ng araw na'yon kinasal kaming dalawa.

Gusto kong maging masaya, pero...

"Hage, is this our room?"

"Yours, not mine," bigla akong naguluhan.

"Kasal na tayo diba?"

"Yes, not necessarily means we'll sleep together." Biglang kumunot ang noo ko. He started to take off his suit as he stares at me. 

‘Di nagtagal ay biglaan na lang niyang sinabunot ang kamay niya sa sarili niyang buhok at naglakad papalayo. Hindi nakalagpas sa paningin ko ang galit na nakita ko sa mga mata niyang pinagtaka ko. 

Bakit? Para saan?

Limang araw. 

Limang araw na akong nag-iisa sa bahay na ito. Asking where is he? Iniwan na ba niya ako?

"Woman, get up!" Napabalikwas ako ng bangon ng makita siya sa gilid ng kama ko. I was so damn happy kaya naman agad akong napayakap sa kaniya ngunit nagulat na lang ako nang marahas niyang kalasin ang braso kong nakayakap sa kaniya at malakas akong itinulak.

“Don't you ever touch me, you make me feel sick."

Pain crept on my chest. 

What the fuck is happening? 

He may be cold at me before but he's not harsh in his words. 

He's a man of few words back then, what happened now? He's confusing me. 

"What happened Hage? Why are you being so heartless to me? I'm your wife."

"Yes, which I wish you're not." my eyes welled tears after I heard that. May kung anong bumara sa lalamunan ko, at biglaang bumigat ang dibdib ko. 

"What's wrong? May problema ba tayo?"

"Bullshit! This marriage is a fucking bullshit! I can't stand with it anymore! I can't stand to be with you!" He pointed me out that made me stepped back a bit.

Confusion filled my eyes. 

"Hage,"

"You know what?! I quit! This is really not what I want! I don't want you! You hear me? You should have died. I should have let you! I should have accepted that fucking punishment! Cause no matter what I do! I can never accept you!" bakas ang galit sa mukha niya.

"I d-don't understand..."

"I used you,” Napaangat ang tingin ko sa kaniya.

"I fucking used you to take over the throne."

"W-what?" mas lalong naging malamig ang tingin niya sa ‘kin na nanuot sa sistema ko. 

"I just fucking used you and now I am here to kill you and I'll kill your sister after."

"Why did you have to do this?" Umiiyak na tanong ko, kasabay ng panghihina ng mga tuhod ko.

"Cause your fucking father killed my mom, I can't stand to be with someone, to be with the daughter of that fucking hunter." 

"N-no that's not true!"

"It's true! Unang kita ko pa lang sa ‘yo alam ko na, kinailangan ko lang buhayin ka para maging hari ako! Kahit kating-kati na akong patayin ka! But now! I quit, kaya kong talikuran lahat mamatay ka lang!" Mabilis niya akong sinakal at walang-awang binato sa padir sa likuran niya. 

I screamed in pain as my back smashed against the wall. I hardly cough as I could taste my own blood inside my mouth. Nanginig ang buong katawan ko at pinilit pa ring tumayo. 

Ngayon mas naging malinaw sa ‘kin ang sinabi niya. 

He knew me. 

He makes me live again.

Pinakisamahan ng isang taon.

Kasi akala ko dahil sa ako ang mate niya.

Pero 'yon pala, dahil gagamitin niya ako, kailangan niya ako para maging hari siya.

Kaso di niya makayang makasama ako ng mas matagal pa. 

Dahil anak ako ng hunter na pumatay sa mommy niya. 

At ngayon tatalikuran niya lahat mapatay lang ako at makapaghiganti sa pagkawala ng mommy niya. 

Dahil sa naisip na 'yon ay sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko kasabay ng pagdakip niya sa damit ko para iangat ako sa ere at makasalubong ko ang nagniningas niyang mga mata. 

His crimson deep, cold and dangerous eyes. 

He's a devil. 

And I can't believe I've fallen for a devil like him. That was the biggest mistake I've ever had in my life. 

To love him. 

Na kahit nasasaktan na ako. Siya pa rin.

I let out my sobs as I compose myself. Nilalabanan ang mapanganib na titig niya. I could see his veins, in his neck. Like he's still controlling his own self.

"I regret giving you your second life to live. And this is my way to redeem." mas lalo akong napaiyak ng makita ang paglabas ng mga pangil niya. 

He was about to suck my neck when his face stopped inch away from my skin as his nose touched my jaw. 

He was breathing so hard. 

Napasigaw ako ng malakas niyang suntukin ang padir sa gilid ng mukha ko. I felt so weak. I felt pain and it was too much to bear. 

"Putangina bakit ikaw pa?!" He screamed as he walked away from me,  he brushed his hair harshly and I still can see from here that he's furious.

"Umalis ka na,” I was stilled when I heard that. It was almost a whisper. Nagtitimpi, at nagbabanta.

"H-hage."

"Umalis ka na at 'wag na 'wag ka nang magpapakita pa."

"Hage...m-mahal kita."

"Putangina umalis ka na dahil mapapatay na talaga kita! Hindi kita kailanman minahal at wala akong pakialam sa nararamdaman mo kaya kung mahal mo pa ang buhay mo at ang kapatid mo umalis ka na!"

I cried harder staring at his face full of rage.

Wala akong nagawa kundi mabilis na tumakbo papalayo roon. 

Papalayo sa lalaking minahal ko ng buong-buo.

****

L U N A

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Kaycee Marie
nice intro...
goodnovel comment avatar
GirlinPink
Ang skit naman! Nakakainisnka hageeee ginagalit mo ako!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status