Share

Chapter 34: Missing

Kirsten Encarlight

"Good morning, class!"

Nagsimula na ang klase ngayon sa buong eskwelahan. Ngayong araw na din matatapos ang Intramurals.

Sa mga nakaraang araw ay wala pa ring nagbago. Wala nang balak umuwi si Trixie sa dorm namin at tanging kami na lang ni Raijin ang nasa room namin. Nasanay na rin akong mag-isa doon dahil madalas ay wala ito sa kwarto.

Si Jacob naman ay naroon pa rin sa headquarters. Ilang beses na kaming gumawa ng paraan para magsabi ito nang tungkol sa mga kaalyansa nito ngunit hindi pa rin ito nagpatinag at ayaw pa rin nitong magsalita.

Sa mga nakalipas ding mga araw ay hindi na talaga nawala sa isip nang lahat yung ibinalita ni Trixie sa mga estudyante na inagaw ko kuno ang boyfriend niya. Nagbago ang lahat nang dahil lang doon. Madalas kaming nagkikita sa cafeteria ngunit hindi nagpapansinan. Kasa-kasama na rin nito yung mga babae na minsang nang-away sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status