"You brought her there?" tanong ni Ryan."Yes," tipid namang sagot ni Vin sabay tungga niya ng hawak na beer at unti-unting sumilay ang matamis na ngiti sa sa kanyang mukha."Tatlo na pala tayong may access sa lugar na 'yon," sabi ni Ryan na tila may kung ano sa boses."You sound odd again, may problema ba? Ano naman kung tatlo na tayong may access do'n? Bakit may masama ba?" tanong ni Vin na may pagtataka."Wala naman... masaya nga ako that you brought a girl there," sagot ni Ryan sabay tingin sa malayo."Kilala kita, alam ko ang tono ng boses mo kapag may problema ka, kaya sabihin mo na kung ano man 'yang bumabagabag sa isipan mo," sabi ni Vin na tila pinaaamin ito."I'm just thinking, paano ba kasi kayo naging magkakilala ni Ma'am Cally sa ganoong iglap lang," curious na sabi ni Ryan kaya naman napabuga si Vin ng hangin."Nasabi ko na sa 'yo no'n at napag-usapan na natin 'to hindi ba? Sabihin mo nga ang totoo sa 'kin. What's bothering you??" tanong ni Vin sa kanyang kaibigan."H'wa
Kasalukuyan sapo ni Vin ang kanyang ulo habang nakaupo sa ibabaw ng kama sa loob ng kanyang silid. Hindi niya lubos maisip na ganu'n siya kadaling nawala sa sarili.Napadako ang tingin niya sa pinto nang bigla itong magbukas at bumungad sa kanya ang seryosong mukha ni Ryan at kaagad siya nitong nilapitan."I brought her to her home," imporma ni Ryan."What did she say?" tanong ni Vin."Wala siyang sinabi, kinausap ko na rin siya na h'wag na siyang magpapakita sa 'yo ulit kung ayaw niya nang maulit pa ang nangyari and she promised that you won't see her again," sagot ni Ryan na ikinahinga naman ng maluwag nito."I can't believe that I lost my control easily," bulalas ni Vin sabay napahilamos gamit ang kanyang dalawang palad."I think you should see your doctor and ask for consultation," suhestyon ni Ryan ngunit umiling lang si Vin."Sobrang tagal na panahon na Ryan simula nang huli akong magpatingin and I thought everything was okay," dismayadong namang sabi ni Vin para sa sarili.Bumu
_One Week Later_"Vin requested to adjust your wedding date, may importante lang daw siyang aasikasuhin," imporma ni Frederico sa apo.Tahimik lang na nag-ta-type sa harap ng laptop si Cally habang kasalukuyan silang nasa may garden at nagpapahangin. Ngunit sa katunayan masama ang loob niya sa binata dahil matapos nang gabing nagtapat siya rito ay 'yun na rin ang huli nila naging pagkikita.Kahit text o tawag ay hindi man lang ito nagpaparamdam sa kanya at may isang linggo na rin simula nang huli silang magkitang dalawa."Cally, narinig mo ba 'ko?" kunot noong tanong ni Fredrico dahil parang wala siyang kausap."Yeah, I heard you," tipid na sagot ni Cally habang patuloy lang siya sa kanyang ginagawa."May problema ba kayo ni Vin, hija? Nag-away ba kayo?" tanong muli ng matanda ngunit umiling lamang ito."No, we didn't fight, wala lang akong balita sa kanya," sagot ni Cally sabay huminto na muna siya at isinara ang kanyang laptop saka niya hinarap ang kanyang Lolo.Napaawang naman ang
Tumigil sila sa tapat ng malaking lumang mansion, nagtaka si Cally nang may makita siyang mga mga construction workers na tila ni-re-renovate ang buong lugar."It looks like they are renovating the whole mansion," wala sa loob na sabi ni Cally habang nakatanaw sa mga trabahador."Muka nga Ma'am," pagsangayon ni Ryan.Bumaba na sila buhat ng sasakyan at nilapitan ang isang lalaking nagtatrabaho at abala sa paghahalo ng semento para itanong kung nasaan si Vin."Boss, nandito ba si Vin?" tanong ni Ryan sa lalaki kaya napaangat ng tingin ang mga ito sa kanila."Ah, si Sir Vin po ba, nasa loob po siya," sagot ng isang lalaki kaya tinanguan na lamang nila ito.Dire-diretsong na silang pumasok sa loob at bumungad sa kanila ang maganda at malinis na interior na halatang kaaayos lang. Ang mga gamit ay nakatakip pa ng mga puting tela pero ang mga mata ni Cally ay tanging si Vin lang ang hinahanap.Sakto namang pababa na ng hagdanan si Vin habang may hawak na laptop. Nakatutok ang atensyon niya
"Tanggap mo 'kong ganito? Hindi ka ba natatakot?" tanong ni Vin habang nakatingin siya sa kamay niyang hawak pa rin nito."You're the first man that accepted all my flaws, aside from my grandpa, and now, why would I stay away from you just because you have a mental illness?" tanong din ni Cally na parang hindi ito big deal sa kanya."Natatakot akong masaktan kita," sagot ni Vin na tila fustrated sabay napahilamos gamit ang isa niyang palad."Dahil lang natatakot ka, lalayo ka na? How about your promises? Wala ka na bang balak tuparin?" magkakasunod na tanong muli ni Cally habang naniningkit ang kanyang mga matang nakatingin dito.Hindi makapagsalita si Vin dahil ayon talaga ang balak niya, ang lumayo. Ngunit dahil sa nangyayari ngayon mukang malabo nang magawa niya 'yon dahil ito na mismo ang pumipigil sa kanya."Tama nga ako, you're planning to distance yourself from me. Kung kailan hulog na 'ko sa 'yo saka ka lalayo sa 'kin? Patawa ka," sabi ni Cally sabay mapaklang tumawa.Huminga
"Gagabihin kayo sa pag-uwi," paalala ni Vin."Kaya nga, aalis na rin naman ako. Inalam ko lang talaga kung nasaang lulapalop ka bang nagpupupunta," sabi ni Cally dito sabay irap."Nagtatampo ka pa rin sa 'kin? Pinaliwanag ko naman kung bakit wala akong paramdam," sabi ng binata nang irapan siya nito."Hindi mo maiaalis sa 'kin ang mainis, balak mo pa atang i-ghost ako," singhal ng dalaga na ikinatawa nito ng pagak."Wala akong balak i-ghost ka at kung hindi man kita pakasalan, sasabihin ko naman," tila nangaasar na sabi ni Vin kaya sinamaan siya nito ng tingin."Gusto mo ako na mag-cancel para hindi ka na mahirapan?" sarkastikong ganti ni Cally na ikinaawang ng bibig nito."Nagbibiro lang naman ako, masiyado ka." Biglang bawi nito."Oh siya aalis na kami, nakakahiya kay Ryan baka naiinip na 'yon. Day off niya inabala ko lang siya para samahan ako papunta rito," paalam na ni Cally at akmang tatalikod na sana siya nang hawakan ni Vin ang kamay niya at ayon na naman ang pamilyar na pakira
"Ma'am Cally, nandito po si Sir Vin," imporma ng isang maid na si Gemai nang papasukin niya ito sa kanyang silid."Sabihin mo susunod na 'ko pakihintay niya na lang kamo ako sa living room," utos niya sa maid na ikinatango lang nito at lumabas na.Kasalukuyang siyang nakaharap sa malaking salamin habang pinagmamasdan ang sarili, naalala niya bigla ang sinabi nang secretary niya na nag-glow siya na parang isang bulaklak na bagong bukadkad.Ibang-iba na nga siya simula nang makilala niya si Vin, unti-unti na rin siyang natututo makitungo ng maayos sa iba hindi gaya noong palagi na lang siyang galit.Nang masigurado niyang maayos na ang kanyang itsura ay agad na siyang naglakad palabas ng silid at tumungo pababa sa living room na kinaroroonan ni Vin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay na tawagin itong boyfriend o 'di kaya'y nobyo dahil pakiramdam niya ay nabibilisan siya pangyayari pero anong magagawa niya kung damdamin niya na ang nagdidikta.Pababa pa lang siya ng hagdanan nang
"Ang tagal mo namang lumabas," inip na sabi ni Cally kay Vin na kalalabas lang ng mansion."May pinagusapan pa kami saglit ng Lolo mo," rason ni Vin kaya napabuga na lang ito ng hangin."Umalis na tayo," yakag na ni Cally kaya pinagbuksan na siya ni Vin ng pinto ng sasakyan sa tabi ng driver's seat ngunit papasok pa lang siya nang mapagtanto niyang iba na naman pala ang kulay ng sasakyang dala nito."Hindi naman halatang fan ka ng brand ng Lamborghini, 'no? Kasi iba na naman ang kulay nito, kulay green," puna ni Cally."Collectibles ko kasi sila, bata pa lang ako mahilig na talaga 'ko sa cars," sabi ni Vin na parang isa lamang iyong mga laruan sa kanya."Every day ka bang papalit-palit kung anong magustuhan mo gamitin?" curious na tanong ni Cally na ikinatango nito."Yes, depende sa mood," simpleng sagot nito."Ibang klase, may gintong kutsara ka na sa bibig since birth. Akalain mong nagpanggap ka lang na mahirap noong una makalapit lang sa 'kin," tila manghang sabi ni Cally na pagak n