Share

Chapter 35-CM RAIDER

PAGKALIPAS nang isang dekada ng paghihintay ni CM ay sa wakas bumukas din ang dahon ng pinto ng banyo. Niluwa mula roon ang dalagang hinihintay niya kanina pa. Nakatapis lang ng maikling tuwalya si Nathalie.

Laglag ang mga panga ni CM habang nakatingin kay Nathalie habang naglalakad ito palabas mula sa loob ng banyo. Hindi niya rin magawang kumurap man lang tila kapag ginawa niyon ay bigla na lang maging invisible sa paningin niya ang dalaga, nakatitig lamang siya sa magandang tanawin na nakatayo roon halos dalawang dipa lang ang distansiya ang nasa kanilang pagitan ni Nathalie. Hindi niya rin magawang pigilan ang kanyang sarili na di pasadahan ng tingin ang dalaga mula ulo hanggang paa.

Napakakinis at mala porselana ang kaputian ni Nathalie, hanggang sa napako ang tingin niya sa dibdib banda ng dalaga. Wala siyang bukang bibig sa kagandahan taglay nito. Napakaganda ni Nathalie, idagdag pa ang maamong mukha nito. Bigla siyang natauhan ng marinig niya ang malakas na boses
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status