We have arrived at a great, vibrant flower field where a lot of workers have arrived to start the harvest. The workers are expertly gathering the flowers and putting them in baskets. They are very proficient and move swiftly. It looks like they're having a good time while they work. The air is filled with the sweet scent of the flowers, and the sun is shining brightly down on us. Nang biglang mawala sa paningin ko si Aragon, mukha akong tanga na pina-ikot-ikot ang ulo ko para lang makita kung nasaan siya at nang masilayan kung saan direksyon siya nandoon, bahagya akong ngumiti. The hell, bakit ko ba hinahanap ang presensya ng bwisit na lalaking ‘to. Aragon was sitting on the grass. May bag na nakapatong sa binti niya. Mga ilang segundo ko siguro siya tinitigan, ewan ko ba sa mga mata kong ito, siguro kailangan ko na magpatingin dahil ‘yung mata ko hindi na sumusunod sa akin. Meron na ‘atang pagtingin kay Aragon. Palitan ko na lang nang bagong mata. "Aragon, take Olive on a walk ar
“Buti naman.” Naisagot ko na lang. Wala na akong ma-topic, e. “What about you. Do you have a lot of friends?” He asked. “Well, dati marami.” Sabi ko bago inubos ang kape na iniinom ko. “Pero ngayon, kahit isa wala na akong itinuturing na kaibigan.” “Alam ko kung bakit.” Aniya. Masama ko siyang tinitigan. “Alam ko ang sasabihin mo. Kasi troublemaker ako, ganun?” “Ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako.” Aniya, parang inosente. “Alam mo, masaya magkaroon ng kaibigan. Kaibigan na kasama mo sa mga bagay na may sense, o halaga, hindi kaibigan na kasama sa gimmic at party-party. I didn’t like complicated person and complicated situation.” “Edi, ayaw mo pala sa akin?” Tinapunan niya ako ng mabilis na tingin at bahagyang tumawa. “Medyo.” Pinandilatan ko siya. “You! Bwisit ka talaga!” “Oh, huwag kang mag-eskandalo rito.” Pigil niya na para bang mas iniinis ako. “Kaya wala kang kaibigan. Dragon ka kasi, ang bilis mo magalit para kang nag-aapoy.” Pumikit ako kasabay niyon ang paghugot ko ng
“MY god, Olive!” Bumungad na naman ang malakas at galit na boses ni Mommy. “Saan ka ba nanggaling?” “Mom-” “Alam mo ba kung gaano kami nag-alala sa’yo, huh?” Humawak pa si Mommy sa sintido niya na parang pinipigilan ang sarili na ilabas ang galit. “Ang sabi ng Kuya Aragon mo sa amin ay umalis ka daw sa cafe at iniwan sila doon. Tinanong ka niya kung alam mo ang pauwi at dahil nga lumaki kang mayabang at ayaw magpatalo, sumagot ka ng oo. So, he expected na nakauwi ka na. Pero dumating na siya, wala ka pa rin!” Tiningnan ko muna si Aragon na katabi ni Ninang at saka huminga ng malalim. “Mom. Listen to me first, okay? Don’t panic. Hindi ako napahamak, malaki na ako at alam ko ang ginagawa ko-” “No, you don’t know what you’re doing.” Umiling-iling si Mommy, tanda na kontra siya sa mga sinabi ko. “Huwag kang umakto na kaya mo ang sarili mo. Paano kung napahamak ka? Paano kung hindi ka nakita ni Aragon-” Aragon. Aragon na naman. Hindi siya super hero. Kainis! I smiled at them. Sye
Ikatlong araw na ngayon at kahit pa paano ay may pagbabago sa kalagayan ni Mom. Responsive na siya dahil sa tuwing kakausapin ko siya iginagalaw niya ang kanyang daliri. Si Dad naman, wala pa rin sa sarili niya. Mas napuruhan siguro sa aksidenteng nangyari kaya ganoon. Dumating ang mga pulis at sinabing normal na aksidente lang daw ang nangyari. Nawalan ng preno ang sasakyan at ibinangga ni Dad sa poste para walang ibang madamay. Kaya lubos akong humahanga sa mga magulang ko, e. In the end, they still care about other people. “Olive.” Nilingon ko ang taong tumawag sa akin mula sa likuran. “Tita. Kayo po pala.” Ngumiti si Tita Doris at nilapitan ako sabay hawi ng buhok ko na parang naglalambing sa akin. “How are your parents doing?” She asked in calm, comforting tones. Pinalitan ko nang matamis na ngiti iyon at sumagot. “Ayos lang po. Ang sabi ng Doktor magiging maayos sila after ilang days.” Sagot ko kay Tita. “Nasaan po pala si Tito Nelson? Bakit hindi mo siya kasama?” Kapagk
I LAZILY got up from my bed when I heard someone knocking and calling me at the door. Balak ko sanang baliwalain na lang iyong kumakatok at pilitin ang sariling matulog pero alam kong hindi rin naman ako tatantanan nito kahit magbingi-bingihan pa ako. Mas lalo lang nila akong kukulitin. Binuksan ko ang pinto ng silid na inuukupa ko at bumungad ang nakangiting mukha ni Ninang Cherry sa akin. Pinalitan ko iyon ng pilit na ngiti. Kahit alam ko sa sarili kong hindi ko pa kayang maging masaya pero kailangan. “Good morning, Ninang.” Bati ko sa kalmadong boses habang sinusuklay ko ang aking buhok gamit ang mga daliri ko at umaaktong kagigising lang. “Olive. Sumabay ka na sa amin mag-breakfast sa baba.” Bakas ang pag-aalala sa boses ni Ninang. “Kahit ngayon lang. Sabayan mo kami kumain.” “Salamat, Ninang. Pero hindi pa ako gutom. Gusto ko pa matulog-” “You're not sleeping. You've been up all night.” Pigil ni Ninang sa sasabihin ko. “Ang sabi mo sa amin last time, maayos ka na. Pero ba
WALA sa sarili at panay ang tango ko lang habang nagkukwentuhan si Aragon at ang mga kaibigan niya. Sinasakyan ko na lang iyon sa pamamagitan nang pagtango-tango ko at pag-ngiti ko ng peke sa kanila. Hindi kasi talaga ako sanay na maraming kasama at maingay. Hindi ko na rin gustong kumilala ng iba. Nadala na kasi ako sa mga naging kaibigan ko noon. Sa una lang masaya, sa una lang sila concern sa’yo pero ang totoo, iiwan ka rin nila sa huli kapag nakuha na nila ang loob mo. Walang totoong kaibigan, si Aragon lang ang kilala kong may malasakit sa akin at nanatili sa tabi ko. Mas okay sana kung si Aragon lang ang dumating. Siya lang naman ang gusto kong kasama at kausap. Bakit kasama pa si Luna? Nakasalampak na upo kami sa sahig na nakabilog sa center table at kumakain ng mga prutas na hiniwa-hiwa nila sa maliliit na pieces. Panay ang sulyap ko kay Luna, panay rin kasi ang dikit niya kay Aragon. Si Aragon naman parang ayos lang sa kanya, parang gustong-gusto pa niyang dumidikit si Lun
Nasaan sila? Ibig sabihin, hindi sila umuwi kagabi? “Baka po sinusulit nila ang pagdalaw sa Maynila-” “Hi, Mom.” Napatigil ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Aragon... Lumapit si Aragon kay Ninang at nagmano siya. Automatikong napaharap siya sa akin. Shit! Bakit ba ako nakakaramdam ng kaba? Haler, si Aragon lang naman ‘to! “Oh, Anak. Nasaan ang mga kaibigan mo?” Kapagkuwan ay tanong ni Ninang kay Aragon kaya naalis ang tingin nito sa akin. Buti naman, akala ko matutunaw na ako, e! Ako naman ang tumingin sa kanya habang nagpapaliwanag kay Ninang. Pinakinggan ko talaga ang mga sasabihin niya, subukan lang niyang sabihin kay Ninang ang nangyari kagabi at sa akin niya isisi lahat. Hmp! Magkakasubukan kami. “Olive?” “Olive?!” “Po?” Napakurap-kurap ako nang lumakas ang pagtawag ni Ninang sa akin. “Are you okay?” Nakakunot ang noong tanong ni Ninang. “A-ayos lang po ako.” Umiling-iling si Ninang. “Hindi ka maayos. Palagi kang tulala.” Nginitian ko si Ni
“OLIVE?” “Olive?!” Biglang may umakbay sa akin kaya muntikan na akong mapasigaw sa gulat. Kunot-noo kong inalam kung sino ang pangahas na katabi ko. Bigla akong natauhan nang makitang si Christian iyon. Akala ko guni-guni ko lang na may tumatawag sa akin. Nakita ko na naman ang playboy na ‘to. Hays. “Anong ginagawa mo dito? Panira ka ng moment.” Pagrereklamo ko. Magkasama kami ni Aragon kanina pero nagpaalam siya na may pupuntahan lang daw siya saglit. Namamasyal kami ngayon sa malawak na dagat na malapit lang rin sa bahay nila Aragon. Ang sabi niya gagawa daw kami ng kubo at manonood ng fireworks para mag-celebrate ng Niyugyugan Festival at ang venue ay sa dagat. “Kailan mo ba ako sasagutin?” Mapang-asar na tanong nito. Hindi ko pinansin ang sinabi ng mokong na ‘to. Napairap ako sa hangin. “Ano ba! Ang bigat-bigat ng braso mo! Alisin mo nga iyan!” Malakas na ipiniksi ko ang braso niya na naka-akbay sa balikat ko at naiinis na naglakad palapit sa tubig. “Hindi mo ba tatanung