Share

CHAPTER 13

WALA sa sarili at panay ang tango ko lang habang nagkukwentuhan si Aragon at ang mga kaibigan niya. Sinasakyan ko na lang iyon sa pamamagitan nang pagtango-tango ko at pag-ngiti ko ng peke sa kanila. Hindi kasi talaga ako sanay na maraming kasama at maingay. Hindi ko na rin gustong kumilala ng iba. Nadala na kasi ako sa mga naging kaibigan ko noon. Sa una lang masaya, sa una lang sila concern sa’yo pero ang totoo, iiwan ka rin nila sa huli kapag nakuha na nila ang loob mo. Walang totoong kaibigan, si Aragon lang ang kilala kong may malasakit sa akin at nanatili sa tabi ko.

Mas okay sana kung si Aragon lang ang dumating. Siya lang naman ang gusto kong kasama at kausap. Bakit kasama pa si Luna?

Nakasalampak na upo kami sa sahig na nakabilog sa center table at kumakain ng mga prutas na hiniwa-hiwa nila sa maliliit na pieces. Panay ang sulyap ko kay Luna, panay rin kasi ang dikit niya kay Aragon. Si Aragon naman parang ayos lang sa kanya, parang gustong-gusto pa niyang dumidikit si Lun
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status