“YOU'RE going to be a father, Aragon!”
May tumiling babae at hindi ako pwedeng magkamali. Kilalang-kilala ko ang matinis na boses na iyon. Si Luna nga ang tumitili, mukhang masayang-masaya siya habang may ina-annouce sa lahat. Ayoko sana makibalita pero dakilang chismosa ako, e. Kahit inaayos ko ang kabinet, kailangan ko maki-chismis.
“What?!” Parang hindi makapaniwala si Aragon.
“I'm pregnant, Aragon, and you're the father." Masayang balita ni Luna sa lahat.
Bago pa makapag-react ang lahat sa announcement ni Luna, sumabog na ang puso ko. My chest is tightening and I can't seem to take a deep breath. It's like there's a heavy load on me and I'm unable to inhale. Despite the situation, I don't feel joyous. I should be happy for them, but I'm not. I should be relieved na hindi ko na kailangan mag-isip sa kinikilos ni Aragon lately. Lalong hindi na niya guguluhin ang buhay ko. Titigilan na niya ang larong gusto niya.
“Then, I’m going to be a grandmother!” Makikita sa mga mata ni Ninang ang pagningning ng saya dahil sa balitang iyon.
"Hey, Olive!" Ninang Cherry called me when she noticed me standing on the stairs. "Come here, we have a double celebration for today!"
I went down the stairs. "What's the celebration for?" I asked. Kahit pa nga alam ko na kung ano ang gusto niyang sabihin. Narinig ko ang lahat.
“Una, ang promotion mo sa trabaho at ang pag-stay mo ulit rito sa hacienda, pangalawa, magkaka-apo na ako!” She exclaimed.
“Congrats! Ninang ako, ah.” Sabi ko na hindi pa rin tinatanggal ang ngiti sa mga labi. “Let’s celebrate!”
Ibinalita na nila sa lahat ang pagbubuntis ni Luna. Kumain kami ng sabay-sabay, maraming niluto dahil nga daw maraming kailangan i-celebrate sa araw na ito. Bigla akong napaisip kung tama bang bumalik ako dito sa hacienda? What is wrong with my heart? My emotional responses are killing me. I’m going insane!
Buong araw tahimik si Aragon, hindi ba siya masaya? Pero bakit? Alam kong mahal niya si Luna. Pwede ba, Olive. Tigilan muna ang pagiging marites, okay?
Nasa kalagitnaan ako nang pag-aayos ng mga gamit ko nang may kumatok sa pinto.
“Come in.” I responded.
Nilingon ko ang pumasok. It was Luna.
“Olive.” Tawag niya sa pangalan ko. “I told you to never come back here. Nasa Maynila ka na, bakit ba kasi bumalik ka pa?” Madiin ang pagbigkas niya sa bawat salitang binitawan niya.
Tumayo ako at nilapitan siya. “Si Ninang at Ninong ang may gustong bumalik ako.”
“Sinungaling!” Singhal niya sa akin. “Hindi ako naniniwala. Alam kong may binabalak ka dahil hanggang ngayon hindi mo matanggap na sa akin may gusto si Aragon. You’re just a little sister to him.”
Huminga ako ng malalim bago magsalita. “Hindi naman kita pinipilit na paniwalaan ako, e.”
Nakakairita na talaga ang babaeng ‘to. Kung ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga gamit ko baka tapos na ako ngayon kaysa mag-aksaya ng oras sa pakikipag-usap sa baliw na babaeng ito.
“Bakit ba ang lakas ng loob mo bumalik? Hindi pa ba sapat na dalawang beses nanganib ang buhay ni Aragon nang dahil sa’yo?” Pag-aakusa niya sa akin.
“You’re pregnant, Luna. Kaysa inuubos mo ang oras mo sa akin, bakit hindi ka na lang magpahinga para sa baby mo? You’re going to be a mother, huwag kang paranoid.” Tugon ko para tigilan na niya ako.
Gustong-gusto ko na umalis at balewalain na lang ang babaeng ‘to pero ayokong magmukhang mahina sa harapan niya, ayoko rin isipin niya na guilty ako kaya iniiwasan ko siya, ‘di ba?
“Kailangan mo-” Hindi ko natapos ang dapat sasabihin ko nang hawakan ako ni Luna sa braso. Ramdam ko ang mahigpit niyang pagkakahawak sa aking braso, balak ba niyang putulan ako ng mga organs?
“Huwag mo susubukang sirain ang pamilya ko.” She warn me.
I shrugged. “Praning ka na. You need to rest.” Binawi ko ang aking braso mula sa pagkakahawak niya at saka ngumiti sa kanya. “Leave, now. I want to rest too.”
Marunong na akong magtimpi ngayon, ayokong ako na naman ang lumabas, o makita nilang masama pag pumatol ako kay Luna. Kaya tatanggapin ko na lang ang lahat ng sinasabi niya sa akin. Nagpatuloy na lang ako sa pag-aayos upang kalimutan ang naging banggaan namin ni Luna.
Pagkatapos ay kinontak ko si Jamie ang isa sa mga naging kaibigan ko sa Maynila.
“Hello?” Sabay naming bati sa isa’t-isa.
“Napatawag ka?” She asked.
“Can you do me a favor?”
Bumuntong hininga ang nasa kabilang linya. “What is it?”
“Babalik na lang ulit ako diyan sa Maynila, mag-usap tayo.” Tugon ko sa kabilang linya.
Siguro kailangan ko muna umiwas ulit sa lahat para hindi na ako makadagdag pa sa iisipin ni Luna. Mamaya niyan ako pa ang maging dahilan ng stress niya. Ako na naman ang sisihin niya. Kinalimutan at binaon ko na sa lupa ang naging ugali ko noon pero may iilan pa rin sa kanila ang hindi naniniwala at hindi ko sila masisisi.
***
“OLIVE, hanggang kailan ka ba magmumumok diyan? Ang kilala kong Olive Perez, matapang at may paninindigan sa kung ano ang tama. Hihiga ka na lang ba diyan? Hahayaan mo silang paratangan ka ng mali?” Anang sabi ng kaibigan ni Olive na si Serrana.
Olive rolled her eyes. Sino pa nga ba ang maniniwala sa kanya? Matapos niyang makagawa ng kasalanan at pasakitin ang ulo ng mga taong nasa paligid niya, meron pa kayang maniniwala sa mga sasabihin niya?
Even if she did a million good deeds and helped countless people, she would still be known as a troublemaker. Nothing she did was good, only bad. She caused headaches and harm to others, and she will always be known for it.
Sa halip na sagutin ang kaibigan na nakatayo sa paanan ng kama, nagtalukbong siya ng unan sa mukha. She doesn't want to talk about what happened, and she wants peace of mind. No one can understand her but herself. Pagod na rin naman siyang ipaliwanag ang sarili niya sa iba dahil kahit anong paliwanag ang gawin niya, sa huli, siya pa rin naman ang mali.
At least here, she can't cause any more harm to anyone. No one.
"Olive-"
Napamulagta si Olive at napatingin sa gawi ni Serrana na nakatingin rin naman sa kanya at natigil sa pagsasalita nang dahil sa malakas na galabog na nagmumula sa gate mula sa labas ng bahay niya. Sabay silang tumakbo ng kaibigan sa labas upang alamin kung sino ang gumagawa ng ingay.
Malalaki ang matang napatigalgal siya ng makita kung sino ang pangahas na gumagawa ng ingay sa labas ng gate niya.
“Aragon…” She whispered his name.
Nandito ba siya dahil naniniwala siya sa akin? No. Baka nandito siya upang husgahan rin ako.
Malalaki ang hakbang na lumapit ang binata sa gawi niya habang nakabakas ang galit sa mukha nito at mahigpit na hinawakan ang pulsuhan niya at madilim ang tingin sa mga mata niya.
“A-ano ba ang ginagawa mo dito?” Tanong niya at ipiniksi ang kamay ng binata na nakahawak sa pulsuhan niya sabay talikod sapagkat hindi niya kayang harapin ang binata. “Anong kailangan mo?”
“Olive.” Panimula nito. “Kahit ngayon lang magsabi ka naman ng totoo. Sagutin mo nga ako. Buntis ka ba?”
Humarap siya kay Aragon at natigilan siya ng makita ang napaka-guwapong mukha ng binata. Ang lapit ng mukha nito sa mukha niya at naaamoy niya ang mabangong halimuyak na dala ng binata sa ilong niya. Shit! Ano ba, Olive! Maghulos-dili ka nga!
Pero hindi siya nagpadala, o nagpa-apekto sa atraksyon na nararamdaman niya sa binata. Kailangan niyang magmatigas dahil ayaw niyang malaman nito ang katotohanan. Marami na siyang nasaktang tao at ayaw niyang madagdagan na naman iyon ng dahil sa kanya. Masyado pang komplikado ang lahat.
She force herself not to feel anything.
“Look, Aragon.” Segunda niya. “Kung buntis man ako, wala ka nang pakialam sa bagay na iyon. For fuck sake, Kuya Aragon! Umalis ka na at bumalik kay Luna. Gusto ko ng peace of mind, so please. Just leave.” Pinagdiinan niya pa ang pagtawag ng ‘Kuya’ sa binata.
“Liar!” Tumaas na rin ang boses ng binata. “I know you're pregnant with my child. I'm sure I'm the father of that wonderful child.”
Mapaklang tumawa si Olive at sinalubong ang galit na tingin ni Aragon. “Paano ka nakakasigurado, aber? Bakit? Akala mo ba, sa mahabang panahon, ikaw lang ang lalaking nagustuhan ko, huh?”
May dumaang estrangherong emosyon sa mga mata nito na kaagad rin namang nawala. “As far as I know, there hasn't been any other man in your life and heart since you and I first met. Ako lang ang lalaking pinagnasaan mo.” May ngisi na nakaplasta sa mga labi nito. “Ako lang naman ang lalaking nakauna sa’yo.”
Tama si Aragon, tama ang binata na wala siyang pinapasok sa puso niya. Mula noon at hanggang ngayon, ito pa rin naman ang tinitibok ng puso niya.
Pinatatag ni Olive ang tindig niya sa harapan ng binata kahit ang totoo ay malapit na bumuwag ang tuhod niya sa panginginig. Hinanap ng mga mata niya ang kaibigan na si Serrana upang humingi sana ng tulong rito, subalit wala na ito. Fuck! Bakit ngayon pa ako iniwan ng magaling kong kaibigan? Alam niya sa sariling mahina siya pagdating kay Aragon. Kaya kailangan niyang gumawa nang paraan upang hindi ipagpilitan ng binata na ang ipinagbubuntis niya ay anak nito.
“Sumama ka sa akin.” Maawtoridad na sabi ng binata bago walang sere-seremonyang hinila siya ng binata sa braso at kahit anong pagpupumiglas niya ay hindi siya nito pinakinggan, o binitawan.
“Kuya Aragon, ano ba?!” She yelled. “Let go of me!”
Bago pa siya tuluyang makapasok ng sasakyan ni Aragon, may panyo na tumakip sa ilong niya at ng may kakaiba siyang maamoy sa panyo, unti-unting nanghina ang buong katawan niya kasabay ng pagkahilo na nararamdaman niya. Bago pa siya tuluyang mawalan ng malay, may matitipunong bisig na yumakap at sumalo sa kanya.
“MISS Olive, bumalik ka rito!”Umalingawngaw sa buong ground ng school ang isang napakalakas na sigaw dahilan para kumaripas ako nang takbo. Habang tumatakbo, bigla akong bumangga sa kung sino kaya napahinto ako sapagkat nalaglag ang hawak kong walis tambo. Akmang sisinghalan ko ang epal na nakabangga ko ng mapagtanto kong student officer pala iyon.Dali-dali kong pinulot ang walis tambo at saka umakto ng normal at naglakad ng normal na para bang wala akong ginawang kaguluhan ngayong araw na ito. Pagkatapos, nagpatuloy ako sa pagtakbo ng malagpasan ko ang student officer na walang kamuwang-muwang sa ginawa ko. Luminga-linga muna ako sa paligid para maghanap ng ibang daraanan. Dahil kapag dineretso ko lang, siguradong marami ang nakaabang at mahaharang ako ng dalawang guard.Maya-maya pa, nakakita ako ng isang silid at pagpihit ko ng doorknob biglang bumukas ang pinto. Sa sobrang pagkataranta mabilis akong pumasok sa loob.Nakahinga ako ng maluwag nang makitang walang ibang tao sa sili
NAPAHIKAB ako sa malakas at napakalamig na hangin. Pagtingin ko sa aking suot na relo, alas otso na pala ng gabi, subalit wala pa rin sina mommy at daddy. Kasalukuyan akong nasa rooftop ng bahay namin habang nagpapalipas ng oras at naghihintay na dumating ang mga magulang ko mula sa business travel. Maya-maya, umupo ako sa sahig at sumandal sa dingding, pagkatapos ay inilabas ko ang malaking album na naglalaman ng mga larawan namin mag pamilya na madalas kong silipin pag namimiss ko ang aking mommy at daddy. “Olive?” Nang marinig ko ang pagtawag ni Yaya Lena sa akin ay mabilis pa sa alas-kwatro akong tumayo upang salubungin siya. “Yaya Lena! Nandiyan na po ba sila mom and dad?” Eksaherang tanong ko habang may ngiting nakaplasta sa aking mga labi. Sabik akong muling makita sila at makasama kahit sa ngayong buong gabi lang, sapat na. “Anak, Olive.” Lumapit si Yaya Lena sa akin at hinaplos ang aking buhok, bago muling nagsalita. “Tumawag ang iyong mommy at daddy, mayroon daw silang b
I had no clue of my destination, so I just kept on walking until I spotted a convenience store and quickly headed in that direction. Subalit hindi natuloy ang pagpasok ko sa loob nang makarinig ako ng batang umiiyak sa gilid ng eskenita at mukhang hindi ito nag-iisa, may sariling isip ang mga paa kong nagtungo sa gawing ingay na naririnig ko. “Huwag po! Kailangan ko po ang perang ito..” Pagsusumamo ng bata. “Ibigay muna! Kung ayaw mong masaktan pa.” “Oo nga bata, magsimula ka na lang ulit. Ibigay muna kasi, pag ako nagalit pa babangasan kita sa mukha. Itong nagugutom na ‘ko! Bilisan mo!” “Huwag po! Kailangan po ng nanay ko ang perang ito..” Kumukulo ang dugo ko sa aking nakikita, inaagawan ng mga kalalakihan ang batang lalaki ng pera na mukhang kinita nito mula sa panlilimos. Hindi ko kayang tumayo lang rito at walang gawin, ayoko sa lahat ay makakakita ng mga inaapi. “Hoy! Mga bakla, ano iyan?” Singhal ko upang tumigil ang mga ito. Masamang bumaling ang mga ito sa kinaroroonan
When the bell for recess sounded, my classmates all began to make their way to the cafeteria. I stayed behind as I had no intention of joining them. The break period is still about an hour long. Hinintay kong makalabas ang lahat pero si Reyes mukhang walang balak lumabas kaya naman tumayo na ako para sana lumabas nang humarang siya sa daraanan ko at magkasiklop ang mga kamay niya na parang nahihiya at may gustong sabihin. “May kailangan ka?” Tanong ko agad sa kanya. “Sa-salamat pala kanina..” Anito. “No, problem.” Ngumiti siya na parang katulad ng isang anghel na walang kasalanan. “Pwede bang-” “Hindi pwede.” Direkta kong tugon. Alam ko may pagka-rude pero umiiwas na ako sa mga tao na kunwari ay makikipag-close. May trust issues na ako. Pagkasabi ko niyon, nilagpasan ko na siya ngunit pinigilan niya ako sa pamamagitan nang paghawak sa aking braso. “Pwedeng makipagkaibigan?” Nag-aalangan niyang tanong. “Kung.. Kung okay lang sa’yo.” “Ayoko ng kaibigan.” Diretso kong sagot. “Bak
I started packing my clothes and personal belongings with a smile on my lips. This is the happiest day of my life. I thought they would ignore my request. Walang ibang mahalaga para sa akin, kundi ang pamilya, buong pamilya at masayang pamilya tulad nito. Hindi talaga ako makapaghintay kung saan kami magbabakasyon ngayon. Kasalukuyan na kaming nasa byahe at halos ilang oras rin ang binuno sa byahe. Buti na lang hindi napagod si Dad. Niyogyog ko na ang balikat ni Mommy upang gisingin siya dahil itinigil na ni Daddy ang sasakyan sa isang tabi. Pagkabukas ko pa lamang sa binatana ng kotse sumalubong na ang malakas na hangin sa aking mukha at kasabay niyon ang huni ng mga ibon. Wow! Ang refreshing naman rito, kaya ipinalibot ko pa ang aking mga mata. Nakita ko ang iba’t-ibang klase ng mga bulaklak na malalago at magaganda. Para itong malaking harden, hindi lamang malaki, kundi sobrang lawak na taniman ng mga bulaklak. I was taken aback when someone blocked my sight of the magnificent su
“Ito na ba si Olive?” Manghang tanong sa akin ng isang medyo may edad na lalaki. Hinuha ko medyo may edad kumpara kay mommy at daddy.Siniko ko si mommy nang mahina sabay bulong. “Mommy, sino siya?”“Ang Ninong Recy mo...” Pabalik na bulong ni mommy bago ngumiti. “Kaya, pwede bang bumati ka at ngumiti.” Dagdag pa ni mommy.“Hello po! Ako nga po si Olive.” Sagot ko na may malaking ngiti sa aking mga labi. Ang hirap naman magpanggap na masayahin at pabibo. Hays!Naupo na kami sa sala at may mga pagkaing nakahain sa mesa tulad nang green tea, coffee, juice at sandwich. Alam na alam nila ang breakfast namin, ah. Ganito ang nakahain palagi sa mesa namin noong bata pa ako na sabay-sabay kami kumain nila mommy and daddy. Ngayon na lang ulit ‘to mangyayari pero ngayon, hindi na lang kaming tatlo kundi anim.“Kamusta naman kayo sa Manila? Ang tagal na rin pala noong huling punta ninyo rito. I heard you are often travelling to various countries to promote the Lala Olive Fragrance Corporation. Ho
“Olive?! Why did you do that?” Mahina ang boses na tanong ni mommy, pero maririnig ang diin sa boses nito. “Hanggang dito ba naman?” Humugot ako nang isang malalim na hininga, bago nagpaliwanag. “Mom, listen to me. Wala akong ginawang masama-” “My god, Olive! Anong walang ginawang masama? Sinaktan mo lang naman ‘yung anak nang ka-partnership natin, paano na lang ang agreement both parties kung iatras nila iyon?” “Mom! Pwede bang kahit ngayon lang? Kahit ngayon lang naman pakinggan mo ako!” I didn't intend to yell at Mommy so suddenly. I couldn't control myself because I didn't want her to accuse me and ignoring my explanation. I looked around and saw that there were a lot of eyes on us. Siguro sa isip-isip ng mga tao, bastos akong anak dahil nangangatwiran pa ako at mas malakas pa ang boses ko kaysa kay mommy. Mas nagmamatapang pa ako. Alam na alam kong hinuhusgahan na nila ako without knowing the full story. “Huwag mo akong pakinggan, mom. Hindi ako nagsasabi ng totoo. Maliwana
We have arrived at a great, vibrant flower field where a lot of workers have arrived to start the harvest. The workers are expertly gathering the flowers and putting them in baskets. They are very proficient and move swiftly. It looks like they're having a good time while they work. The air is filled with the sweet scent of the flowers, and the sun is shining brightly down on us. Nang biglang mawala sa paningin ko si Aragon, mukha akong tanga na pina-ikot-ikot ang ulo ko para lang makita kung nasaan siya at nang masilayan kung saan direksyon siya nandoon, bahagya akong ngumiti. The hell, bakit ko ba hinahanap ang presensya ng bwisit na lalaking ‘to. Aragon was sitting on the grass. May bag na nakapatong sa binti niya. Mga ilang segundo ko siguro siya tinitigan, ewan ko ba sa mga mata kong ito, siguro kailangan ko na magpatingin dahil ‘yung mata ko hindi na sumusunod sa akin. Meron na ‘atang pagtingin kay Aragon. Palitan ko na lang nang bagong mata. "Aragon, take Olive on a walk ar