Share

CHAPTER 3

I had no clue of my destination, so I just kept on walking until I spotted a convenience store and quickly headed in that direction. Subalit hindi natuloy ang pagpasok ko sa loob nang makarinig ako ng batang umiiyak sa gilid ng eskenita at mukhang hindi ito nag-iisa, may sariling isip ang mga paa kong nagtungo sa gawing ingay na naririnig ko.

“Huwag po! Kailangan ko po ang perang ito..” Pagsusumamo ng bata.

“Ibigay muna! Kung ayaw mong masaktan pa.”

“Oo nga bata, magsimula ka na lang ulit. Ibigay muna kasi, pag ako nagalit pa babangasan kita sa mukha. Itong nagugutom na ‘ko! Bilisan mo!”

“Huwag po! Kailangan po ng nanay ko ang perang ito..”

Kumukulo ang dugo ko sa aking nakikita, inaagawan ng mga kalalakihan ang batang lalaki ng pera na mukhang kinita nito mula sa panlilimos. Hindi ko kayang tumayo lang rito at walang gawin, ayoko sa lahat ay makakakita ng mga inaapi.

“Hoy! Mga bakla, ano iyan?” Singhal ko upang tumigil ang mga ito.

Masamang bumaling ang mga ito sa kinaroroonan ko. Pero wala akong pakialam dahil wala namang namamatay sa mga tingin lang at hindi rin ako ang babaeng may kinatatakutan.

“Miss, alam mo imbis na mangealam ka sa amin. Bakit hindi ka na lang tumakbo at pabayaan kami, o baka naman gusto mo rin kaming bigyan ng pera? Mukha ka namang mayaman. Anong sa palagay mo?” Matabil ang dila na tugon ng isang lalaki na kasing payat naman ng tingting.

“Pre, hindi lang mayaman, parang yummy pa ‘yata ang babaeng ‘yan.” Segundang wika ng lalaking may hawak na isang segarilyo at walang sawang humithit. Adik p*****a!

Sumenyas ako sa batang lalaki na tumakbo at tumakas na habang nililibang ko pa ang dalawang lalaki.

“Tsk. Ang pera ay pinaghihirapan, mga malalaki na kayo dapat nagtatrabaho kayo imbis na nangongotong sa iba! At saka, bata pa talaga, ah?” Asik ko habang nakangisi ang aking labi dahil sa inis na nararamdaman ko. Wow, Olive, coming from you, ah?

Nakita kong nagpipigil nang tawa ang dalawang lalaki at hindi rin nagtagal ay sumabog ang tawa na kanilang pinipigil. Tumawa lang kayo ngayon, mamaya iiyak kayo sa akin.

“Pre! Nakatakas ang bata!” Bulalas ng isang lalaki na napansing wala na ang batang lalaki na kokotongan sana nila ng pera. “Intensyon mo ba ‘yon, babae ka?!”

“Matalino rin pala kayo. Of course. Tsk. Diyan na nga kayo.”

I was about to leave when two men, looking extremely irritated, stepped in my path with aggressive expressions.

"Hindi kami aalis hangga’t hindi namin nakukuha kung ano ang gusto namin," the taller man said.

Alam ko na ang kasunod nito, alam ko rin namang hindi nila ako palalagpasin nang ganon-ganon lang. Alam na alam ko ang mga adik na tulad nila ay lalaban kahit ano pa ang gender mo, sila kasi ang mga walang respetong tao.

“Akala mo ba, basta-basta ka namin paaalisin?” May sarkasmong sabi ng isang lalaki na kulang na lang liparin ng hangin sa payat. Hithit pa, boy.

“Wala akong panahon, sa walis tingting na katulad mo.”

“Aba’t!  Gago ka, ah! Birahin na natin ‘to!”

Umamba siya nang suntok at kada suntok niya ay tumatama lamang sa hangin dahil sinasalag ko ang bawat sugod niya. Hindi ko na sana papatulan, e. Kaya lang makulit, siya lang rin ang mapapagod sa ginagawa niya, mamaya niyan hikain pa ‘to.

“Puta!” Hinihingal na mura ng lalaki. “Napapagod lang ako sa’yo..”

“Kasi naman, bakit ka sumusuntok sa hangin?” Nakangisi kong tanong. “O, siya. Maiwan ko na kayo. Salamat sa exercise na hindi nakakapagod.”

“Ahh!” Nilingon ko ang isang lalaki na medyo may laman na susugod sa gawi ko at may hawak itong kahoy, pero mabilis akong nakaiwas sa ginawa niyang paghampas. “Hindi ka na makakaligtas rito! Patutulugin ka namin ngayong gabi!”

“Mauna kang matulog.” Pagkasabi ko niyon ay malakas ko siyang binayagan dahilan kung bakit siya ngayon nakaluhod sa harapan ko at namimilipit sa sakit.

Nakangiwi ang lalaki at nabitawan niya ang kahoy. “Aray! Hayop kang babae ka! Mapapatay talaga kita!” Sa bawat pag-ngiwi niya katumbas niyon ang pag-ngisi ko sa kanilang dalawa.

“Jobert! Tawagin mo sila boss, tingnan natin kung makaalis ka pa ng buhay rito.”

Aba, aba, magtatawag pa siya. Napailing na lang ako sa pagsigaw nilang dalawa, imbis na maghintay ay naglakad ako paalis ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo nang salubungin ako ng isang batalyong kabataan at may dala silang mga kahoy. Fuck! Alam kong dehado ako sa dami nila pero wala na akong magagawa.

“Boss, siya ‘yung babaeng pakielamera!” Turo ni kuyang tingting sa akin. Crying baby pala ang mga ito, e. “Boss, kayo na po ang bahala sa kanya. Lumpuhin po natin ang babaeng ‘yan! Tingnan natin kung may tapang ka pa.”

Tinaasan ko sila ng kilay. “Crying baby, sumasali ka pa sa mga gang. Iyakin ka naman pala.”

“Woy! Ano bang problema mo sa mga bata ko, ah?” Mayabang na tanong ng isang lalaki na nakapamulsa, hinuha ko siya ang tinatawag na boss ng mga ito.

I just sighed heavily. “Bahala kayo.”

Nilampasahan ko silang lahat at malayo na ako sa kanila, sa pag-aakalang hinayaan na nila ako may kung anong tumama sa hita ko at sumikdi ang hapdi niyon, pakiramdam ko may nakatusok sa hita ko at hindi ako nagkamali. Pagbaling ko sa aking hita may nakatusok na stick. Shet! Ang sakit!

“Masakit ba?”

Nag-angat ako nang ulo at nakita ko ang lalaking binayagan ko kanina.

“Hindi pa natatapos diyan ang lahat. Sabi kasi ni boss, dalhin daw kita sa kanya. May isang bote ng alak roon, at ikaw ang pulutan.” Anito, sabay ngisi na kamukha ng demunyo. Hindi pala kamukha, siya na talaga ang pumalit kay satanas.

Kung sakali kayang magpabugbog ako para pag nakita ako nila mommy and daddy mag-alala sila sa akin. Maranasan ko man lang na maging concern sila sa akin pag nawala ako o magka-injury. Iiwan kaya nila ang trabaho para alagaan ako? Alam kong ang panget nang ganitong pag-iisip.

“Hey, bakit hindi ka nagsasalita? Tumatawag ka na siguro ng mga santo, ‘no?” Pukaw nitong lalaki na malakas ang loob purket nadaplisan niya ako. “Ito ang bagay sa’yo-”

Pumikit ako at hinintay ang paglatay ng kahoy sa katawan ko, ngunit ilang segundo pa ang lumipas wala akong natamong hampas. Sinubukan kong imulat ang aking kanang mata at nanlaki iyon nang makita kong may isang lalaki, naka-coat ito kaya hindi ko makita ang mukha niya. Nakahawak siya sa braso ng lalaking gusto akong hampasin ng kahoy at naaaninag ko kung paano ang pag-ngiwi nito sa sobrang sakit ng pagpilipit na ginagawa ng estrangherong lalaki sa braso niya, habang ang isang kamay nito ay nakatakip sa bibig ng lalaki upang mapigilan ang pagsigaw nito.

After a few seconds, the strange man let go of the man's arm and the man ran in another direction, screaming in pain. I was shocked at what he did and before I could even open my mouth to ask him what he had done, he grabbed me and pulled me away.

“Hey, sino ka ba-”

“Shut up. Just follow me.”  He said, and his voice sounded familiar to me. I think we've met somewhere?

Nang makalayo kami ay tumigil na siya sa pagtakbo at binitawan na rin niya ang kamay ko. Sa kagustuhan kong makita ang mukha niya inabot ko ang coat na may pa-sumbrelo sa ulo niya at mabilis ko iyong tinanggal, subalit mabilis niyang naibalik iyon sa ulo niya at hinawakan ang kamay ko. Puta, ninja ba siya? Ang bilis ng mga galaw niya.

"Troublemaker, just a kind warning. If you don't stop causing trouble, you're going to end up in a lot of trouble. Don't get yourself in any trouble you can't even handle." Tinanggal niya ang pagkakahawak sa aking kamay. “Ilagay mo sa lugar ang katapangan mo.” 

“Wait!” Pigil ko sa kanya nang akmang maglalakad na siya paalis. “Do I know you? Para kasing nagkita na tayo.”

“Hindi kita kilala.” Malamig ang boses na sabi nito sabay alis.

Kumirot ang sugat ko sa hita, kaya’t hindi ko na siya kinulit pa. Pabulong na lang akong nagpasalamat sa kanya. Ang ipinagtataka ko lang, paano niya nasabing troublemaker ako? Mababaliw na ako kakaisip! Aminado kasi akong troublemaker ako, pero ang nakakaalam lang ‘nun ay ang mga nasa school o mga kilala ako.

Lumingon ako kung saan ilang hakbang na lamang ay papunta na sa loob ng subdivision. Umakto ako sa harap ng mga guard na ayos lang ako, ayokong mapahiya, ‘no. Pagkatapos ko sabihing kaya ko ang sarili ko dahil nasa tamang edad na ‘ko, tapos malalaman nilang may sugat ako. Siguradong tatawanan ako ng mga ito.

“Hi, ma’am Olive.” Bati ng mga ito sa akin. As usual, pekeng ngiti ang ibinalik ko at iniiwasan ko ang aking mukha na mapangiwi sa sakit. “Asan po pala ang yosi?”

Naalala pa pala nila ang bagay na ‘yon. Pakingshet.

Kunot ang noo na humarap ako sa kanila. “Bukas na lang po. Ang sakit ng tiyan ko, natatae ‘yata ako sa kinain ko.”

“Luh! Sige po ma’am. Baka rito pa kayo magkalat.” Sabay na sabi ng mga ito.

Lumakad ako nang diretso na tila walang iniindang hapdi sa aking hita. Nang ako’y medyo malayo-layo na at saka ko lamang inilabas ang ngiwi sa aking mukha. Mabuti na lamang at malapit na ang aming bahay.

“Jusko, Olive! Anong nangyari sa iyo?!” Sinalubong ako ni Yaya Lena. Alalang-alala ito sa akin, na sana’y ganito rin sila mom and dad,  sa tuwing makikita nilang nasasaktan ako.

Sorry Yaya Lena. Bulong ko sa aking sarili. Mabilis akong dinaluhan ni Yaya Lena upang gamutin ang aking mga sugat na natamo.

***

HINDI ko maintindihan ang aking sarili habang nakasakay ako sa elevator patungo sa floor kung saan ang classroom namin. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mawaglit sa aking isipan ang lalaking tumulong sa akin kagabi, pakiramdam ko talaga nagkita na kami, e. Argh! Bakit ko ba iniisip ang bagay na iyon? Dahil ba gusto ko ulit siyang makita? Duh! It’s a no, no, no. Tumulong lang siya, wala nang iba.

“Miss Perez! Why are you late?”  

Shems, bakit si Ma’am Pelaez pa ang dadatnan ko. Bad mood na naman ang lahat.

“Good morning, ma’am. I’m sorry I’m late.” Walang buhay kong bati. Hindi ko kasi talaga gusto kung paano kami tratuhin ni Ma’am Pelaez, imbis na mabubuhayan ka maiinis ka pa.

She may not have malicious intentions, but her rude and belittling attitude towards everyone else is incredibly infuriating. Her tendency to belittle those around her is aggravating. A lot of people in the school are fed up with her, yet they stay quiet. I'm just holding back on her behavior because, even though I'm a spiteful b*tch, I know my limitations.

“Sit down, Miss Perez.” Mahinahon na sabi nito na mabilis ko namang sinunod.

Wala akong itinuturing na kaibigan, wala rin akong pinagkakatiwalaan maliban kay Yaya Lena at sa mga magulang ko, wala nang iba kundi ang sarili ko. Hindi ako nakikipag-hangout or bonding sa iba, pero kilala ko naman ang mga classmates ko lalo na pag oras ni ma’am Pelaez. Haha. Ako ang nangunguna at pasimuno sa classroom para lang hindi kami maging badmood pag oras na niya.  

“Miss Reyes! You’re late again!” Sigaw nito na nakapagpatigil sa aming lahat.

“Ma’am, I’m sorry po sadyang nagkaroon lang po ng-”

“I don’t need your explanation! I need your parents right now!”

“Pero-”

“No, buts!” Mataas ang boses na sabi nito. “Maybe you forgot you were a scholarship recipient, and people like you should not break the rules. You have no right to explain because you just have your brain. If you break the rules, you will lose your scholarship and you will be kicked out of school.” 

“I’m sorry Ma’am, hindi na po mauulit. Nagka-emergency lang po-”

“Binigyan ba kita nang pahintulot na magpaliwanag?!” Putol na naman niya sa paliwanag ni Reyes at parang sinisilihan ang puwet kong sumagot dahil sa aking mga narinig.

“Mag-usap tayo sa office-”

“Ma’am Pelaez. I have a video here on my phone.” Segunda ko habang iwinawagayway ang cellphone na hawak ko dahilan kung bakit tumigil siya sa pagsasalita at balingan ako nang matatalim na tingin.

“So what?” Matapang na sagot nito.

I smiled devilishly. “Ise-send ko ito sa principal at papupuntahin ko si Mom and Dad para mag-report na nambubully ka ng mga studyanteng scholar.”

“You’re a b*tch.” Komento nito.

“I'm a b*tch when you're in front of me. I'm not afraid to admit it. I'm a b*tch because I know what I want and I go after it. I'm a b*tch because I'm not afraid to speak my mind. I'm a b*tch because I know my worth.” Buwelta ko sa sinabi niya.

“Sumusobra ka na, Miss Perez!” She exclaimed. “Hindi purket kilala at may kapit ang pamilya mo aasta kang ganyan! Baka nakakalimutan mo, tinagurian kang troublemaker rito dahil puro sakit ng ulo ang dulot mo sa school na ito.”  

Ngumisi ako para mas mainis siya. “Mas sumosobra ka. Just one click, masisira ang buong pangalan mo. Magbago-bago ka naman, ma’am. Aminado naman akong pareho tayo ng ugali. Ang pinagkaiba lang ay estado sa buhay at mas basura ang iyong pag-uugali.”

Dahil sa sinabi kong iyon, kitang-kita ko kung paano mas lalong namula sa galit si ma’am. Alam kong pikon na pikon na siya at handang manakit ano mang oras, pero bago mangyari iyon sisiguraduhin kong siya ang magiging dehado. Kaya hindi lumalaban ang mga scholar students dahil takot silang matanggalan ng scholar pag hindi sila pinaniwalaan, pwes, ibahin nila ako. I am willing to fight for what I believe is right. I absolutely hate anyone who is cowardly and does not stand up for themselves. I will never back down from a fight, no matter how big or small. Everyone should have the courage to stand up for what is right. 

Ipinaikot ko ang cellphone na hawak ko sa aking kamay at nang-aasar na ngumisi sa kanya para ipamukha sa kanyang hindi ako mag-aatubiling i-send ang video sa principal. Ang kapal ng mukha niyang magmatapang, tsk.

“Fine! Let’s have a deal.” She said in a calm voice.

Kabado yarn?

I rolled my eyes. “Hmm.. It’s depend kung i-aacept ko.”

“Lahat kayo ay ipapasa ko ng buong sem. Kahit hindi na kayo gumawa ng mga activities, projects or any kind of performance task. Deal, Miss Perez? At least, wala na kayong iisipin sa subject ko.” Pag-ooffer niya.

Isang malaking ngisi naman ang iginanti ko sa kanya bago sumagot. “Okay. Deal.”

Fixed Deal.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status