Share

CHAPTER 4

When the bell for recess sounded, my classmates all began to make their way to the cafeteria. I stayed behind as I had no intention of joining them. The break period is still about an hour long. Hinintay kong makalabas ang lahat pero si Reyes mukhang walang balak lumabas kaya naman tumayo na ako para sana lumabas nang humarang siya sa daraanan ko at magkasiklop ang mga kamay niya na parang nahihiya at may gustong sabihin.

“May kailangan ka?” Tanong ko agad sa kanya.

“Sa-salamat pala kanina..” Anito.

“No, problem.”

Ngumiti siya na parang katulad ng isang anghel na walang kasalanan.

“Pwede bang-”

“Hindi pwede.” Direkta kong tugon. Alam ko may pagka-rude pero umiiwas na ako sa mga tao na kunwari ay makikipag-close. May trust issues na ako. Pagkasabi ko niyon, nilagpasan ko na siya ngunit pinigilan niya ako sa pamamagitan nang paghawak sa aking braso.

“Pwedeng makipagkaibigan?” Nag-aalangan niyang tanong. “Kung.. Kung okay lang sa’yo.”

“Ayoko ng kaibigan.” Diretso kong sagot.

“Bakit?”

“Bakit ba ang daming mong tanong?”

Yumuko siya dahil sa pagsusungit ko. Hindi ko naman intensyon sungitan siya kaya lang hindi ako sanay makipag-usap sa mga akala mo hindi makabasag pinggan. Mahirap makipag-usap sa mga mukhang inosente tapos ako? Gago, ‘di ba? Mamaya ma-impluwensyahan ko pa siya, edi kasalanan ko pa.

“I’m sorry. Pero hindi naman kita pipilitin-”

“I don't want friends because I used to have a lot of them, but they all betrayed me. Gets muna ba? Kung gets muna, aalis na ako.” Paliwanag ko sa kanya at mabilis na umalis ng room.

Totoo naman ang mga sinabi ko sa kanya. Marami akong itinuturing na totoong kaibigan noon. We were always together in the craziness, and we always had each other's backs. We were the best of friends. We had an unbreakable bond. But that ended when I found out they had been lying to me this whole time. I felt like there was no one left to trust. I found out they had been making up stories just to get back at me. I felt like they had betrayed me and left me alone in the world. I was so hurt that they could just throw away our friendship like that. They had bet on me and made me look like a fool for the sake of a man I like.

Dumiretso ako sa coffee shop. There was a huge line at the counter, and the cafeteria was crowded. Pumila ako at tiningnan ang oras. May kalahating oras pa naman ako at kung hindi man abutin, hindi na lang ako papasok sa sunod sa subject. Cutting yarn? Yeah.

I usually ordered black tea or macchiato and one slice of vanilla cake. Nakatingin lang ako sa paligid habang naghihintay na umandar ang pila. Nang ako na ang nasa counter sinabi ko na ang mga orders ko. After I ordered, sakto na mayroong grupo na umalis kaya naman mabilis akong pumewesto baka maagawan pa mahirap na.

In the cafeteria, there are a bunch of people gathered in groups, exchanging stories while they eat. They seem so confident about what their future holds, with them already planning out their college courses. Me, on the other hand? I'm still not sure what I want to pursue. I'm still trying to figure out my life's direction. Sana oll, ‘di ba? Wala pa ako sa stage ng pag-iisip kung ano ba talaga ang gusto kong kuhain. Kung gugustuhin ko bang mag-college. Malay natin magbago pala ang isip ko.

“Look who's here.” Napalingon ako sa grupo ng mga babaeng walang kwenta. Alam ko na ‘to, e. Gulo na naman ang habol ng mga ito sa akin.

Hindi ako umimik bagkus ay ipinagpatuloy ko ang pagkain sa aking masarap na vanilla cake. Ayokong masira ang mood ko nang dahil lang sa grupong ito. Si Dianna kasi ang pinaka-leader nila sa grupo. Nags-sponsor ang pamilya nila rito sa school at ang mga aliporis niya ay mga kilala rin ang pamilya. But who cares? They just elevate my level of stress, so I don't even care about people like them. 

“Pwede bang bilisan mo diyan? Nag-iisa ka lang naman.” Umiring pa ito na akala mo ay siya ang nagmamay-ari ng cafeteria. Pero wala pa rin akong balak kausapin ang mga katulad nila at wala ako sa mood para makipagtalo kaya pinagbigyan ko na ang mga m*****a.

Mahirap talagang makisama. Kaya ako, mas pinipili kong mag-isa. Alam ko na naman kasing kinatatakutan rin ako ng iba dahil troublemaker daw ako, meron namang hate na hate ako dahil panggulo daw ako. Pero wala akong pakialam sa mga sinasabi nila behind my back. I can stand by myself. Friends don't matter to me at all.

***

NAGISING ako, nakita ko mula sa binatana na madilim na ang kalangitan. Matagal-tagal pala akong nakatulog. Pagka-uwi ko galing school, sinabi ni Yaya na ngayon daw ang uwi nila mom and dad galing sa business travel at tamang-tama dahil sem-break namin ng isang linggo kaya pwede ko silang mayaya na mag-bonding. Inunat ko ang aking mga braso at natigilan ako nang tumama ang aking braso sa isang matigas na bagay. Bumaling ako sa bagay na iyon at halos lumuwa ang aking mga mata ng makita ang isang malaking regalo na nakapatong sa kama, katabi ko. Hindi ko man lang napansin ito.

Maya-maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto at mula roon, iniluwa ng pinto si mom and dad. Mabilis akong napabalikwas nang bangon at malalaki ang mga matang tumingin sa gawi nila mommy and daddy.

“Mom, Dad!” Parang batang dumamba ako sa mga ito. “Yes! Nandito kayo..”

“Of course, baby. We promise to you. Nagpaalam kami ng daddy mo sa company kaya ang namamahala ngayon doon ay ang iyong Tito Nelson at Tita Doris.” Malambing na tugon ni mommy habang hinahawi ang magulo kong buhok na tumatabing sa aking mukha.

“Kaya, magbihis ka na, anak. We are about to leave. Also, pack some clothes because we'll be in the province for a week.” Anang boses ni daddy na pumukaw sa aming dalawa ni mom.

Kumunot ang noo ko. “Province? Mag-out of town tayo?”

“Basta, Anak. Malalaman mo pag nandoon na tayo.”

“Okay po.” Sagot ko, bago lumapit kay Daddy at niyakap ito, sabay halik naman kay Mommy na kadalasan kong gawain pag naglalambing ako sa kanila. “Mag-aasikaso na po ako.”

Hindi mawaglit ang ngiti sa aking mga labi. Finally! Makakasama ko sila mom and dad for one week sa isang lugar. Walang trabaho na abala para sa aming bonding bilang pamilya. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status