Share

CHAPTER 1

“MISS Olive, bumalik ka rito!”

Umalingawngaw sa buong ground ng school ang isang napakalakas na sigaw dahilan para kumaripas ako nang takbo. Habang tumatakbo, bigla akong bumangga sa kung sino kaya napahinto ako sapagkat nalaglag ang hawak kong walis tambo. Akmang sisinghalan ko ang epal na nakabangga ko ng mapagtanto kong student officer pala iyon.

Dali-dali kong pinulot ang walis tambo at saka umakto ng normal at naglakad ng normal na para bang wala akong ginawang kaguluhan ngayong araw na ito. Pagkatapos, nagpatuloy ako sa pagtakbo ng malagpasan ko ang student officer na walang kamuwang-muwang sa ginawa ko. Luminga-linga muna ako sa paligid para maghanap ng ibang daraanan. Dahil kapag dineretso ko lang, siguradong marami ang nakaabang at mahaharang ako ng dalawang guard.

Maya-maya pa, nakakita ako ng isang silid at pagpihit ko ng doorknob biglang bumukas ang pinto. Sa sobrang pagkataranta mabilis akong pumasok sa loob.

Nakahinga ako ng maluwag nang makitang walang ibang tao sa silid maliban sa isang lalaki na nakayuko sa desk at mukhang natutulog. Iba ang uniform nito, sinubukan kong silipin ang logo sa uniform nito at napag alaman kong college student na ang lalaki.

Ano naman kaya ang ginagawa nito sa National High school? Samantalang college student na pala ito. Nasa 4th year high school pa lamang ako at wala akong balak mag-aral ng college dahil waste of time ang pag-aaral sa ganoong kahabang panahon. Pahahawakin rin naman ako nila mommy and daddy ng kumpanya, bakit ko pa kailangan mag-ambisyon, ‘di ba?

“Nasaan na ba ang pasaway na batang iyon?!”

I heard a group chatting outside and eventually realized they were guards and student officers, they were tirelessly trying to chase me.

‘Ano ba kasi ang masama sa ginawa ko? Nag-party lang naman kami sa loob ng room dahil walang teacher. Kahit kailan talaga ang kj ng mga matatalino, hays!’ Pag kausap ko sa aking sarili, habang pinapakinggan ang mga ito.

Pagkalipas ng ilang minuto nawala ang kumpulan sa labas, nabagot ako magtago sa ilalim ng desk. Kaya naman gumapang ako ulit palabas at saka umupo sa desk katabi ng lalaki. Tinitigan ko ito sandali, at agad na nagtaka dahil natutulog pa rin siya sa kabila ng pang-titrip ko sa kanya. Ipinatong ko ang siko sa likod nito pero hindi pa rin gumigising ang binata.

Patay na ‘yata ‘to, e!

“Alam mo bang masama ang matulog na parang mantika?” Pilyang sabi ko at saka ngumisi na parang may nabubuong kalokohan sa isip ko. “Ayaw mo talagang gumising, Kuyang college student?” Kumuha ako ng marker sa drawer sa may harap ng blackboard at pumunit ng papel sabay lapit muli sa binata.

‘Tulog mantika ako’ Isinulat ko sa papel. Hihihi. Ayan ang napapala ng mga manhid!

Pagkatapos, dahan-dahan ko nang idinikit iyon sa likod ng lalaki gamit ang nakita kong scotch tape sa may drawer. Nang makuntento ay dumistansya na ako ng kaunti sa kanya bago tumayo at sumilip sa labas. Lumawak ang ngiti sa labi ko nang makitang walang tao sa hallway. Siguro sumuko na sila, buti naman..

Kinuha ko na ang walis tambo na dala-dala ko kanina pa. Hindi ko nga rin alam kung bakit nadala ko ang walis tambo na ito, siguro dahil sa pagkataranta kanina. Useful naman ‘to, kasi nakatakas ako kanina.

Bitbit ang walis tambo na lumapit ako sa binata upang silipin itong muli. “Hays.. Grabe ka matulog. Tulog mantika hindi ko tuloy makita ng buo ang mukha mo-”

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napatigil ako sa pagsasalita at nanlaki ang mga mata sabay ngiti. “Hi, Kuya Ernesto! Gusto mo uminom ng tubig?” Agad akong humarap sa pinto, bago sunod-sunod na dumating ang mga students officer.

“Miss Olive! Ikaw na bata ka talaga, nandito ka lang pala, sumuko ka na dahil tinawagan na namin sina Mr and Mrs. Perez. Kaya huwag ka na tumakbo at gumawa ng panibagong kalokohan..” Pakiusap ni Kuyang Ernesto na guard rito sa school, na kanina pa humahabol na sa akin, parang walang kapaguran. Tagaktak na ang pawis nito at hinihingal pa.

“Kuya Ernesto, susuko naman ako, e. Kaya lang hinahabol ninyo ako.” Pangangatwiran ko.

Napahawak si Kuya Ernesto sa sintido niya dahil sa naging katwiran ko. “Paanong hindi ka namin hahabulin, tumatakbo ka!”

Huminga ako ng malalim, bago ulit sumagot. “Kuya Ernesto, pwede bang pakawalan mo na lang ako? Tapos babalik ako ng tahimik sa room-” Bigla akong tumigil sa pagsasalita nang makitang tumayo ang binata na natutulog lang sa desk kanina.

“Ah, Mr. Hudson. Salamat pala at itinuro mo kung saan nagtatago ang batang ‘to.” Pag kausap ni Kuya Ernesto sa lalaki na ngayon ay tinatanggal ang idinikit kong papel na may nakasulat pang. ‘Tulog mantika ako’

Napapitlag ako sa gulat at napalingon sa lalaki. “Papaano-”

“Tinext niya kami at sinabing nandito ka sa loob ng exclusive study room, na para lamang kay Mr. Hudson.” Sabat ni Kuya Ernesto.

Hindi makapaniwala na tumingin muli ako sa binata. “Traydor ka! Purket ba tumapak ako sa exclusive room na ito kenemerot magsusumbong ka na?!”

Lumapit na ang mga student officers na nakisali sa paghabol sa akin kanina at hinawakan ako sa magkabilang braso upang hindi na ako makatakas. Daig pa kriminal ‘to, ah!

Akmang aalis ang binata ng makaisip ako ng revenge, sinubukan kong patirin siya gamit ang isa kong paa, ngunit matibay ang tuhod nito at hindi man lang natinag o nadapa sa ginawa ko. Sa sobrang inis ko sinigawan ko siya kahit nakatalikod na ang mokong na ito.

“Hoy! Traydor na lalaki! Gusto mo bang magreklamo sa ginawa kong kalokohan sa’yo? Tara magharap tayo sa guidance!” Paghahamon ko.

Humarap ito sa akin na walang emosyon ang mukha. “No, I don't want to get involved with a person like you. You always think you're right, and you're always trying to start arguments with people. I don't need that kind of stress in my life.” Segunda ng lalaki, bago tuluyang naglakad paalis. Ang kapal ng mukha!

“Hoy! Bastos ‘yang bibig mo, ah!” Gusto kong pumalag para habulin ang lalaking iyon subalit marami na ang umaawat sa akin. Tumaas ang dugo ko dahil sa sinabi niya. Gusto ko tuloy manapak!

Wala akong nagawa, kundi ang sumama sa mga ito patungo sa guidance. Halos sa isang linggo, nakakailang pasok na ako ng guidance, minsan nga natutulog na lang ako habang kinakausap ng guidance counselor. Pasok sa isang tenga, labas sa kabilang tenga. Ganoon lang naman ang gawain ko rito.

“Miss Perez, it's you again-”

“Ma’am, nag-party lang naman po kami sa loob ng room habang walang teacher. Pinasaya ko lang po ang mga kaklase ko dahil bagsak sila sa subject ni ma’am Pelaez. Alam kong malungkot sila, at ayokong magmukhang sementeryo ang section namin.” Pangunguna ko at hindi man lang binigyan ng pagkakataon na makapagsalita ang guidance counselor.

Maging ako naman ay bagsak sa subject ni ma’am Pelaez, pero wala akong pakialam.

Pumikit ang guidance counselor, hudyat na nagpipigil lamang itong bulyawan ako. “I contacted your parents, but they are busy.” Bungad ng guidance counselor sa akin. “Kailangan ko silang makausap tomorrow, pwede ba ‘yon?” Dagdag pa nito.

I rolled my eyes before responding. “Ma’am, wala po akong magagawa. They are always busy with their business, siguradong ang makakasama ko bukas ay si Yaya Lena. Kayo ulit ang mag-uusap bukas.” 

The school counselor shook her head. “Miss Olive. Bakit mo ba ginagawa ang mga ‘to? Do you want to get your parents' attention? Kung ayan ang dahilan mas lalong kailangan-”

“Ouch! Ang sakit ng tiyan ko, ma’am!”

Ito na naman siya sa mga tricks niya. Kapag ang isyu sa parents niya ang topic, palagi siyang gumagawa nang paraan upang lumihis, ito ang unang pagkakataon na gagawin niya ang ganitong eksena. Madalas kasi ay umaarte siya at kunwaring umiiyak para palampasin ang kalokohang ginawa niya. Sana gumana..

“Are you tricking me again, Miss Perez?”

“No-no, ma’am! Masakit po talaga ang tiyan ko!” Giit ko habang nakapilipit ang dalawang kong braso sa aking tiyan para mas epektibo ang pag-arte ko.

Kainis, dapat maniwala siya dahil sayang ang pag-arte ko, ‘no. Ayokong bini-bring up nila ang usapan o isyu sa mga magulang ko. Una sa lahat, wala silang alam sa nararamdaman ko kaya lubayan nila ako sa kakatanong.

“Ernesto! Tumawag ka ng nurse sa clinic!” Natataranta na utos ng guidance counselor sa guard na si Kuya Ernesto.

“Okay po, ma’am!” Kaagad naman itong tumalima sa utos kasama ang guidance counselor. 

I heaved a sigh of relief when she was gone. It was always a pain having to deal with her. 

Gustong kong matawa sa reaksyon ng mga ito, subalit kailangan kong magpigil dahil ayaw kong makulong sa guidance at pag-usapan ang relasyon ko sa mga magulang ko. Aminado naman akong marami akong kalokohan pero hindi naman ako masamang tao, ‘no.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status