Share

Wag mo akong mahalin
Wag mo akong mahalin
Author: Lady-V

chapter 1

(SCARLETH POV)

Maaga akong ginising ni mama Lorna para makapaghanda na ako upang maaga kaming makapunta sa kanyang kaibigan. Hindi ko alam kong sino? At saan? Dahil ang mama ko ay maraming kaibigan klase-klaseng tao galing sa iba't ibang lugar galing. Naging kaibigan n'ya ang mga ito dahil sa pagsusugal ng kahit aning sugal sa casino. Adik sa sugal si mama kahit noon pang buhay ni papa. Habang nasa byahe kami muli namang sumagi sa isip ko ang buhay namin noon. Masaya at simple lang buhay namin noon. Kahit mahirap lang kami hindi naman kami hinayang magutom ni papa. Mabait at malihim ang papa ko yon ang pagkakilala ko sa kanya. Mula bata pa ako hangga't nag dalaga hindi n'ya sinasabi kay mama ang totoong trabaho n'ya ni minsan hindi n'ya naikwento kay mama ang tunay n'yang pagkatao.

Manong dito nalang kami, ito po ang bayad ko. Pagbasag ni mama ng katahimikan namin sa loob ng Jeep. Pinahinto ni mama sa isang gusali ang Jeep hindi ito pamilyar sa akin. Pero alam ko kong anong trabaho ang miron sa loob ng gusaling yon.

Mama ano po ang gagawin natin d'yan'? Kahit hindi mo po sahihin sa'kin kong saan tayo pupunta. Alam ko pong d'yan ang punta natin. Diba po? Agarang tanong ko sa kanya wala naman kasing ibang gusali ang nag open sa oras na yon. Kundi yong "MOMSHE CLUBHOUSE".

Diba sabi ko sa'yo tumahimik ka nalang kapag sumama ka sa'kin! Kahit d'yan man ang punta natin oh hindi? Hindi ko sinabing mag ingay ka.

Sabihin n'yo nalang po mama' tama nga ako noh?

Oo bakit papalag kana naman?

Mama naman ayaw ko pong pumasok d'yan natatakot po ako club po yan hindi n'yo po ba yan nakita? Sa mga naririnig ko maraming mga lalaki at mga adik ang pumopunta d'yan at may sumasayaw pang mga babaeng n*******d.

Ano ba Scarleth? Yan lang ba ang sasabihin mo? Aayaw ka? Hahayaan mo nalang bang kaawaan ako ng mga kaibigan ko? Mahirap na tayo Scarleth alam mo bang hindi pa alam ng mga amega ko na nag hirap na tayo? Mabilis ang pera dito hindi kana mahirapan pang maghanap.

Mama hindi naman sa ganon mahal kita at ayaw kong mapahiya ka pero wag naman po d'yan. Gagawin ko po ang lahat ng gusto mo basta wag lang po dito. Pagmamakaawa ko kay mama pero hindi n'ya ako pinakinggan sa halip pinagalitan n'ya pa ako.

Puro kalang kaartihan Scarleth noong ipapa-asawa kita kay "don paculdo" may paiyak-iyak ka pang nalalaman kasi matanda! Ayaw mo pa non mayaman hindi kana mahihirapan sa pera. Kong ako sa'yo gamitin mo ang utak mo wag yong puro ganda. Hindi na yan uso ngayon Scarleth isa pa mabibilang nalang ang mga tao dito sa mundo ang mahiyain. Kadalasan ang kakapal na ng mga mukha. Kaya ikaw dapat ganon karin kong ako pa sayo debali ng matanda basta maraming pera. Total hindi naman yon magtatagal mamamatay din yon. Dahil matanda na isipin mo nga kong mamatay s'ya. Saan ba mapupunta ang yaman n'ya? Hindi ba sa'yo dahil ikaw yong asawa! Wag kasi kabubuhan mo ang pinapairal mo Scarleth isip-isip din para mabuhay tayo.

Mas lalong ayaw ko naman dun mama, hindi ko masikmurang makasama ang taong yon kahit saglit lang sa buhay ko. Marami namang pagkakitaan yong malinis at marangal. Wala na bang malinis na trabaho sa'yo? Ito nalang ba talaga ang sulosyon sa problema natin? Mama anak n'yo po ako at dese-otso pa ako.

Wag mo akong pangaralan scarleth kong ayaw mong imodmod kita sa kinatatayuan mo ngayon? Ang lakas naman ng loob mong sagot-sagutin ako? Dahil din sa'yo nag hirap tayo. Baka nakalimotan mo Scarleth ikaw ang dahilan kong bakit wala na akong pera ngayon?

Sorry po! Pinapaalala ko lang po sa inyo na anak n'yo po ako mama. Ok lang po sa inyo ang mapahiya ako sa mata ng mga tao? Alam ko pong mabait kayo at mahal n'yo po ako please mama ayaw ko pong magtatrabaho dyan. Mag lalabada nalang kaya ako mama oh di kaya mag apply akong katulong? May pera din yon at marangal pa.

Hibang ka ba? May madaling trabaho at di ka pa mahihirapan tapos ayaw mo? Gusto mo d'yan talaga sa trabahong mahihirapan ka pa kukunti naman ng sahod.

Hindi kaya ng sekmura ko ang mag trabaho d'yan alam kong pag-sasayaw ang papasukan ko mama. Alam n'yo naman pong hindi ako marunong at hindi mahiyain pa.

Wag mo akong dramahan Scarleth sa ayaw at sa gusto mo! Dito ka mag tatrabaho naintindihan mo?

Pero mama? Ayaw ko nga!!

Wala akong pakialam Scarleth Dahil din sa'yo namatay ang papa mo di ba? Dahil d'yan sa kaartihan mo noon.

'Di ko naman po sinasadya mama at ayaw ko pong mangyari yon kay papa, Diba po aksendente po ang ikinamatay ni papa?

Kong hindi ka nag kasakit noon hindi ka sana sinugod sa ospital ng tanga mong ama. 'di sana ako nag hirap ngayon, kaya kasalanan mo ang lahat wala kanang pagpipilian pa Scarleth lahat ng gusto ko dapat lang susundin mo' maliwanag?

Hanggang ngayon ako parin ang pinag-bintangan ni mama kong bakit namatay si papa. Kong hindi lang siguro ako masakitin noon 'di sana kasama pa namin si papa at hindi maghirap ang mama ko ngayon. Wala na akong nagawa sa gusto ni mama kahit ayaw kong pumasok sa club para sumayaw sa itablado. Wala na akong nagawa dahil kinaladkad na ako ni mama papasok sa club. Nang nakapasok na kami ni mama sa clubhouse nilibot ko agad ang paningin ko at masabi kong malaki din ito. Kahit umaga ay mga customer sila at legal ang kanilang club dahil nag babayad daw sila ng taks!!

Lorna ikaw pala? Ito na ba ang sinasabi mo sa akin? Kaano-ano mo? Anak mo? Pamangkin? Oh kamag-anak?

Anak ko Momshe Scarleth pangalan n'ya ano sa tingin mo? Panalo ba? Anak bumati ka sa kanya.

Hi po ma'am,

Maganda ka ija! Unang tingin ko palang sa'yo may ipagmamalaki kana masaya ako Lorna. Hindi ko man alam kong anong reaksyon ba dapat ang ipapakita ko sa baklang to. Napipilitan nalang akong ngumiti dahil kay mama.

Salamat po ma'am, mahinang sagot ko sa puri n'ya sa'kin.

Momshe ang itawag mo anak. Ika nga mama sa'kin pero hindi ko yon sinunod.

Kailangan pa ba yon mama?

Hayaan mo muna s'ya Lorna sabihin mo sa akin ang tungkol sa sarili mo para makilala naman kita. Pagsasalita ulit ng bakla sa'kin.

Scarleth Zamora ll po ma'am, at... hindi ko pa natapos ang sasabihin ko agad n'ya akong sinuway.

Aba mahiyain ka ija! Ayaw ko ng gan'yan dito simula ngayon alisin mo ang pagka-mahiyain mo. Halika nga lumapit ka sa'kin bilisan mo naman ang kilos mo. Ano ba naririnig mo ba ako?

Opo ma'am, pasensya na po.

Sige umikot ka bilis bilisan mo naman ang kilos hindi ka hihintayin ng mga customer mong matapos. Mag si-alisan na sila dahil ang bagal mong kumilos.

Bilisan mo nga d'yan Scarleth ano ba! Wag mo akong ipapahiya dito lagot ka talaga sakin makikita mo. Pagbabanta ni mama sa'kin sa tingin ko sa mama ko ngayon aminado na s'yang ibenta ako sa club na ito.

Sorry po' umikot nalang ako sa harap ng bakla para matapos na. Akala mo namang maganda s'ya kapal pa nang make up. Bulong ko sa sarili' habang umiikot sa harap nila mama.

Sumayaw ka bilis gusto kong makita kong marunong ka ba?

Ganito po ba? Tanong ko habang sumasayaw pero nag tatawanan lang sila ni mama dahil sa tigas ng katawan ko. Kahit anong gawin ko 'di sumasabay ang katawan ko talagang hindi ako marunong.

Ano ba yan lambutan mo naman ija para ka namang posting nakatayo lang. Alam mo kapag gan'yan ka sumayaw? Nako mag-sialisan ang customer natin ayusin mo nga.

Hindi po kasi ako marunong sumayaw ma'am. Paliwanag ko sa kanya 'di naman ako nag inarte talagang hindi ako marunong sumayaw.

Sige ganito nalang pasok ka na paturoan nalang kita kay Santa mamaya para may dating naman ang pag-sasayaw mo. Mag hubad ka nga lang muna gusto ko makita ang katawan mo.

Dito po? Sigurado po kayo ma'am? Mama maghuhubad daw ako? Pag alalang tanong ko sa bakla.

Ano ba sa palagay mo ija? Club ito hindi simbahan kaya wag kang kumilos madre ha. Kaya bilisan mo na mag hubad kana para matapos tayo, ganito ba kabagal ang anak mo Lorna?

Pasensya ka na momshe! Kakausapin ko muna s'ya sandali lang po.

Mama ayaw ko po nahihiya po ako wag na po tayo dito ma.

Ano ka ba Scarleth labingwalong taon kana pero para ka paring bata d'yan. 'Di ka parin nakakaintindi mag hubad ka nalang tulad nang sabi ni momshe. Para makaalis na ako dito at makapunta sa mga kaibigan ko sige na hubad.

Nag hubad nalang ako at nag paikot ikot pa sa harap ng bakla at kay mama Lorna. Nakakahiya man 'di nalang ako pumalag pa ginawa ko nalang ang gusto nila. Sobra akong nahiya kay mama kasi di n'ya nakitang naghubad ako noon. Ngayon pa lang kaya nabaguhan lang akong mag hubad sa harapan n'ya. Ngiti naman ang mapapansin sa mukha ng baklang nag pahubad sa akin. Siguro ay nagustohan n'ya ang katawan ko.

Kahit matigas ang katawan mo ija. OK lang dahil panalo naman ang ka-sexyhan mo Scarleth mala cokacola body ang katawan mo. Ang sexy mo at ang boobs mo ang laki at ang hot mong tingnan Scarleth. Puri sa akin ni momshe 'di man sa pagmamalaki may katawan akong mala Marian revera.

Sigurado akong dadami ang customer ko sayo Scarleth. Agad naman akong nagpapasalamat sa kanya dahil sa mga puri n'ya.

Tama na yan anak sige na mag bihis kana dalian mo Momshe ang pinag usapan natin' nasaan?

Oo na Lorna 'di ka talaga makapag hintay noh? Kung dilang maganda at sexy tong anak mo? Hindi kita pag bibigyan sa pakiusap mo mabuti at nagustohan ko anak mo. Ito pera mo 10,000 yan walang labes walang kulang yan.

Ay salamat momshe, wow kita muna anak may pera agad tayo nag hubad at sumayaw kalang. May sampong libo na ako nakakatuwa naman may panggamit na ako sa casino nito. Kong ganito ba lagi Scarleth sigurado magkakasundo tayo.

Nakahawak kalang ng pera bigla kang bumait. Hindi mo man lang tinatanong kong ok lang ako?

Oh bakit? Ano na namang drama ang gusto mong marinig ha? Tatanungin kita nahihirapan ka ba? Kahit pawis nga mahiyang lumabas sa katawan mo e. Maarte kalang sige aalis na ako momshe kayo na po ang bahala sa kanya. Aalis na ako bye makakalaro na naman ako nito ohhhhhh!!

Mama pano naman ako? Nakahawak kalang ng pera nakalimotan mo na ako. Pinapatunayan mo lang talaga hindi ako mahalaga sa'yo.

Anong paano ka? Bayad kana oh kita mo tong pera ikaw to kaya d'yan ka na. Bawal kanang sumama sa akin pakabait ka dito at galingan mo pa para dadami pa pera ko.

Wala kana talagang inatupag kundi kaibigan at pagsusugal mo. Kahit ako na anak mo nakuha mong ibenta para lang sa luho mo. Patawarin n'yo po ako lord sa pag-payag kong mag trabaho dito lalo na po ang mama ko. Naiintindihan ko ang mama ko kong bakit s'ya nagka gan'yan. 50 years old na s'ya pero parang bagets parin s'ya sa isip n'ya. Kaya hindi ko nalang sinusuway ang gusto n'ya aawayin lang n'ya ako kapag ginawa ko yun. Mabait at maalaga naman s'yang ina sa akin pero nag bago s'ya nong nawala si papa wala na kasing nag bibigay ng pera sa kanya. Siguro isa din yon sa dahilan kong bakit galit s'ya sa akin ngayon. Dati kasi pinagbigyan s'ya lagi ni papa wala s'yang pakialam kong ano mang pinag-gagawa ni mama habang wala s'ya. Busy si papa sa trabaho kaya wala na s'yang panahon alamin at suwayin ang mama ko sa pagsusugal n'ya.

At si momshe ang may ari ng club na papasukan ko. Sa tingin ko ay 48 years pa ito sa narinig ko tungkol dito sa club n'ya ay sampung taon na itong nakatayo dito sa tundo. June 14 2000. Hindi lang ito na club ang pagmamay-ari nila mayroon pa sa Makati City dalawang club daw ang pagmamay-ari ni momshe doon. Kaya kilala s'yang takbuhan ng mga babaeng mababang lipad kong tawagin. Hindi man magandang pakinggan nabilang narin ako sa mga babaeng bayaran.

ABANGAN..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status