Share

Chapter 3

" Bro kanina ka pa di mapakali jan..

May hinihintay ka ba?"

Tanong ni jake.

" No . Kelan ka mag aasawa jake?" justine ask him out of the blue.

" My goodness! " hindik at sindak ang reaksyon na pinamalas ni jake..

" ano ba namang klaseng tanong yan bro..hindi ko maimagine na isang araw may dadalaw dito at sabihin na buntis ako at ikaw ang ama !!Hihimatayin ako bro"

Walang reaksyon na nagtaas baba ang makakapal na kilay ni justine.. Saka humigod ng alak.

"bakit bro? May balak ka na??"

Tanong ni jake.

Naibuga ni justine ang alak ng masamid dahil sa sinabi ng kaibigan..

" No way!" bulalas nya.

Nagtatakang tinitigan lang sya ni jake,

" You're wierd bro, who is the lucky girl?"

" Damn it jake.. Shut up." tayo agad ni justine, kinuha ang jacket at naglakad paalis.

" walk out?  Joke lang naman yun, sineryoso nanaman.. Wirdo talaga "

Iling ni jake.

Pag kalabas ng bar deretso sa kotse si justine, nag drive papunta sa belle air.

Sakto naabutan nya pang nag aantay ng taxi si Angela.

Lumabas si justine sa kotse ,binuksan ang pinto sa tapat ng dalaga.

Nagulat pa si Angela ng makita sya..

" Get in" utos ni justine.

Nagtatakang pumasok sa kotse si angela.

" Badtrip ka ata?"

Umikot ang binata at pumasok sa driver seat.

Naamoy ni angela ang samyo ng alak mula sa binata.

" lasing ka" wika ni angela.

" No. " justine.

"ok. Bakit mo ko sinundo? May meeting ba tayo ulit?" angela.

" Gusto ko lang malaman mo na hindi kita pakakasalan."deretsang wika ni justine.

Natahimik sila.

May kirot na naramdaman si angela .

Oo walang sila, but it hurts to hear that words from this man. He makes her feel like she was the ugliest girl he ever met.

"Ok." sagot ni angela.

" Itigil mo yung kotse , Ibaba mo na ko dito" pigil ang inis na wika ni angela pero may conviction na mababanaag sa tinig nito.

Nagpreno bigla si justine, agad na bumaba si angela at pasalyang isinara ang pinto .

Nagulat si Justine sa inakto nito kaya hindi ito agad nakapag react.

Mabilis na humakbang palayo si angela.

Pinaandar muli ni Justine ang kotse.

" Hoy , sumakay ka nga .Para kang baliw jan." wika ng binata sabay bukas sa bintana nya ng makatapat sa dalaga.

" Ikaw ang baliw! Umuwe ka sa inyo.

Wag ka na sumunod. Siguraduhin mo lang na di ka na magpapakita sa kin."

Galit na wika ni angela.

" ah ganun , eh di bahala ka." sabay maniobra ni justine ng sasakyan paalis.

Nang makalayo sya at di na nya matanaw sa rear view mirror ang dalaga napaisip sya..

Pano kung ma rape yun?

Ma hold up?

Ma kidnapped?

Medyo madilim pa naman ang parteng yun at mapuno.

Parang tangang nag u turn sya para bumalik , pero ayaw nyang mag mukhang ewan baka isipin pa ng angela na yun na hindi nya ito kaya tiisin. Bago pa sya tuluyan mapansin itinigil nya ang kotse sa tabi.bumaba dun ,at inumpisahang mag lakad upang sundan ng tahimik ang babae ng hnd nito nalalaman para lang masigurado na makakauwe ito sa kanila ,at hindi sya masisi kung ano man ang mangyare dto.

Sobrang inis ni angela mangiyak ngiyak ito habang naglalakad.

"Yung Gagong yun! Akala nya yata ang gwapo nya !? Bwesit!..."

Nang masigurado ni Justine na ligtas na nakauwe na ang dalaga bumalik na ito sa kotse.

Dahil sa nangyareng yun hindi sila nakapag usap pa hanggang sa sumapit na ang huling araw ng paghihintay.

Sunday 8 pm

... Kinakabahan na si justine. Pag sinabi ni Juan Enrico Villafranca ,sinabi nya,hindi nya yun binabawi.

Hindi na mababago ang isip nun.

Its a do or die...

"What the fuck.."

justine cursed at the wind and for the 3rd time around ,he dial a number  again and again..

Sa wakas ay sumagot rin ang may ari ng number..

"Yes ,This is Angela Dele Vega speaking."

" What the hell, kanina pa ko tumatawag.Why aren't you answering my call?" ubos na ang pasensya na wika ni justine.

" Im a busy woman, you know.. So kung may sasabihin ka nanamang walang kwenta ,I'll hang up."

Matapang na sagot ng dalaga.

" Don't you dare hang up , or I'll make your life miserable." banta ni justine.

" I'll pick you up. Jan ka lang at wag ka aalis jan."

Hindi alam ni angela ang dapat nyang maramdaman, bukas na ang kasal nya nakahanda na ang lahat .. Tapos na ang final fitting ng gown nya at ang mga seminars ..ang sakit na ng ulo nya .idagdag pa ang pabago bagong timpla ng justine na yun ,parang babae ,laging may pms parang nag reregla.

Naka file na ang leave ni angela..

One week iyon.Nasa loob na sya ng kwarto nya nakahiga..

Maya maya ay may kumatok sa pinto napa bangon si angela ng bumukas iyon..

A towering 6 footer man entered her room beside him is angela's mother..

" angela , narito si justine ..may sasabihin daw syang importante.."

Wika ng ina nya  saka iniwan na sila roon .

Agad na tumayo si angela upang sa ibaba sila at sa sala makapag usap.

Pero bago pa sya makalapit sa pinto inilock na ni justine ang pinto sa likuran nito ,saka nag wikang..

" lets just talk here.we need privacy.

Ayoko na magpaligoy ligoy pa.

I want you to run away from me."

" What??" narinig ni angela ng malinaw iyon, pero tama ba pagkakarinig nya..

" All expense on me." dugtong pa ng binata.

" wait wait wait.. Let me clarify things. Gusto mong hnd ako sumipot bukas??? Ganun ba?"

"EXACTLY." malinaw na sagot ni justine.

"Are you crazy ? , bukas na ang wedding .. bakit ako hindi sisipot . Ikaw ang may bad boy image dito , thats your escape plan?

bat di ikaw ang gumawa?!"

angela exclaimed .

" So you really want to be my wife?

You wanna be the bad boy's wife.. "

justine's clarification.

" Ofcourse not!"

mabilis na sagot ni angela.

"Then do it. All expense on me. Ako na ang bahala sa lahat , all you have to do is ran away from me."

he convinced her once more.

" nakakainis ka ! alam mo yun?" angela.

" deal? bilisan mo mag isip I still need to negotiate with someone else to help you out." justine.

Mas nagulo ang isip ng dalaga, naging mabait sa kanya si Juan Enrico Villafranca,wala syang sapat na dahilan para  gumawa ng ganitong bagay ..

"I can't do this.. " di mapakaling wika ni angela.

" You can, may sasakyan na haharang sa bridal car bukas, at kukunin ka, I will scedule a flight outside the country.Everything will be fine, ako na ang bahala sa mga maiiwan, just trust me." deretsong lahad ni justine ng plano nya.

" Hindi ko kayang gawin to..hindi kaya ng konsensya ko" angela.

" This is on me, all you have to do is cooperate. If we succeed bibigyan kita ng isang million.. Once I got my share.

Thats a promise. Kahit mag pirmahan na tayo ngaun."

" Seriously ,justine?

Hindi ko kelangan ng pera mo.

Sayong sayo na yan i*****k mo sa baga mo!" nabwesit sa huling sinabi ng binata na wika ni angela.

" Okay if you don't need the money,then fine.Just cooperate." Theres determination in his voice and his looks.

" I don't know what to say.."

Nagugulohan na wika ng dalaga.

" Cooperate or else , baka pagsisihan mo to buong buhay mo." huling linyang binitawan ni justine .

" take this with you.."

Abot nya ng isang bank card kay angela.

" whats this?" nagtatakang wika ni angela.

" you'll be needing that.. I' ll just send you the pin tomorrow."

Justine.

                                                                                        πŸ’˜Mr. & Mrs. V.

Everything is perfectly prepared , Justine was already dressed with an elegant tuxedo , He looks so divine and enegmatic with those pair of cold steel eyes .His hairstyle makes him look younger ,it was neatly cut.

Ilang importanteng tao lang ang imbitado ,mga business partners at close relatives lamang. Hindi lalampas sa 100 ang mga bisita.

Naroon si Rod ,ang bestfriend nya ..halatang pinagpapawisan pa..

Si Fernanda na bestfriend ni angela na hindi mapakali kanina pa..

" Its 9am , where is she? " nagtatakang tanong ni rod.

" relax.." tugon ni justine.pasimple itong lumingon sa reaksyon ng ama nya na mababanaag na ang pag aalala sa mukha..

Angela should be there before 9am pero hanggang ngaun ay wala pa rin ito.

" Whats happening justine?

Where is your bride??" di na mapigilan ni rod ang magtanong kakaiba ang kilos ni justine kanina pa, ito lang ang relax at di nagaalala.

" Justine" tawag ng don sa anak..

" Have you tried calling angela? "

" Huh ? Why me? Baka naman nag back out na sya ..maybe she realize that she doesnt want to be married with someone like me"

He smirk.

Napatiimbagang ang ama..

" Hindi nya magagawa yan..

Wag ko lang malalaman na may ginawa kang kalokohan , or else Im telling you justine.." Banta ng kanyang Ama.

Nag kibit balikat lang si justine.

Saka hinayaan na magkagulo at magtanungan ng pabulong

Ang lahat.

" hey bro, what going on??" rod was really curious,theres something wrong he could definetely feel it.

Hinarap sya ni justine at hinila sa sulok ..

" I'll tell you bro..

She's not coming anymore, "confident na wika ni justine.

" what did you do bro?" rod can't believe it either.

" I told her to ran away from me,

Mamumuti ang mga mata nilang lahat but sorry she's not coming anymore.."

Natatawang iling ni justine.

Rod was horrified ,he was staring pass straight to him..

Kumunot ang noo ni justine at nagtatakang sinundan ang titig ni rod, and boom !! There was Juan Enrico Villafranca standing right next to him and looks like he heard everything he said because if not why he had to be

Fucking shouting at the top of his lungs  and furious ..

" You Bastard--!!!!?" hindi na naituloy na matanda ang sasabihin ng mapahawak ito sa sariling dibdib na parang naninikip iyo!!

Sa kabilang dako , hindi na nakatulog ng mahimbing si Angela.

9am maguumpisa ang seremonya at before 9am dapat naroon na sya sa chapel.. She was wearing a wedding gown worth hundred thousand pesos , it was a modern filipiniana design with lower neckline , it shows her cleavage and perfect curves at the right places.

Gulong gulo ang isip nya , nerbyos at kaba na nga ang nararamdaman nya..

Mas natakot pa sya ng biglang magpreno ang driver ng bridal car nya ,may nakaharang na puting van sa harap nito akmang bubuksan ng driver ang pinto para bumaba ..

" kuya wag ka baba please" awat ni angela..

" pero ma'am nakaharang kasi yung van, makikiusap lang ako"

Sagot ni manong..

Maya maya'y biglang may bumaba sa van mga naka maskarang lalaki agad nilang binuksan ang pinto ng kotse hindi na nakapalag ang driver nya,hinila siya ng isang lalaki palabas at binuhat palayo sa bridal car at sapilitang ipinasok sa van na puti.

Naiwan ang driver nya sa bridal car , habang tangay sya ng 3 lalaki.

"Anong kelangan nyo sa kin ,please wag nyo po ako sasaktan.." takot na pagmamakaawa ni angela.

" relax , " sagot ng isa sa mga yun..

" heres your ticket ." abot pa nito ng isang brown envelope.

Biglang napakunot ang noo ni angela..

"what??!, Si justine ba ang nagutos nito? " bulalas ni angela..

" This cant be.. , no way,no way.. I cant believe this..  Can we turn this back .We dont need to do this.."

Nag tinginan ang tatlo, at sumagot ang isa run

" Im sorry but we can't .. Hnd na tayo pwedeng bumalik."

" No , mali to. Mister, if we continue this at nalaman ni Don Enrico lahat tau mapapahamak.. That justine is not thinking straight." she exclaimed.

Tumunog ang cellphone ni angela..

It was fernanda calling her..

" hello  besh??"

" Girl, where are you?? nagkakagulo na dto .. Inatake sa puso si Don Enrico!! "

" what!? Oh my gosh ! Okay mister we really need to go back may nangyare masama kay don Enrico! Please abort this mission!"

Nagtinginan ang tatlong lalake na nakamaskara.

"kelangan ka namin ihatid ng ligtas sa airport miss.Now the next move ,will be all yours.Hindi na kami makikialam." maikling tugon ng lalakeng nakamaskara sa driver seat, ito marahil ang leader dahil ito madalas ang nagsasalita.

" Okay . " agad na napanatag si angela ,at napaisip .. Atleast hindi sya balak saktan ng mga ito. Okay na yun sa kanya.

" Thank you so much.." pagpapasalamat pa nya sa mga to.

She can take a taxi after that and travel back .

Ilang saglit pa ay nasa airport na sya ,pinagtitinginan sya ng mga tao dahil naka wedding gown sya.. Todo takip sya sa mukha nya at pumara agad ng taxi.Ayaw nyang may makakilala sa kanya na taga bell air ...

Mula sa rear view mirror,  hinubad ni syrahn riyuta ang maskara at sinundan lang ng tingin ang babaeng naka wedding gown na sumakay sa taxi .

"boss ,hahayaan lang ba natin sya?"

Tanong ng isang kasama .

" Our job is done. Ihahatid lang natin sya dto yun ang usapan." tugon ni syrahn.

Biglang nag ring ang cp niya ,si justine iyon..

" mission accomplished." agad na sagot ni syrahn sa kausap.

" Okay ,good. Make sure na makakaalis sya ok?" justine's instruction on the other line.

" She did, umalis na sya kanikanina lang pabalik sayo." matter of fact na tugon ni syrahn.

" What the Fuck?!!" nanlaki ang mga mata ni Justine sa sinabi ng kausap.

" What the hell ,bakit mo hinayaan umalis??"

" Hey ,let me remind you bro..

Ang usapan lang natin , I'll take him away from you and bring her in the airport- safe." paalala ni syrahn.

" what the hell ?! Im willing to pay for another transaction." agad na sagot ni justine.

" Ayoko na. I have enough. Talk to someone else .Anyway, congratulations bro.." malutong na halakhak ang kasunod nun galing kay syrahn.

Sa badtrip pinatayan nya ng tawag si syrahn.magkasalubong ang mga kilay nito,naka tiimbagang .He has those deadly stares on his eyes.

Niluwagan nya ang neck tie  at  nakasimangot na sumunod sa loob ng private room kung nasaan ang kanyang ama at nakahiga.

..what the fuck..

This will gonna be a big mess..

He felts sorry for this old man ,but he felts more sorry for himself..

Im going to be a dead meat when he gets up ,for sure..

Naputol ang pag iisip nya ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iluwa nito ang isang babaeng naka wedding gown,patakbo itong lumapit at paluhod na tumabi sa gilid ng kama ng ama nya.

" Ninong im sorry ,im sorry ,im sorry"

Paulit ulit nitong hingi ng patawad ,umiiyak pa ito at nanginginig.

Hawak nito ang kamay ng matanda.

what the hell are you doing here?

Di ba dapat nakaalis ka na."

He look at her intently.

Tumayo ang dalaga at pinahid ang luha gamit ang likod ng palad nito.

" How could you say that ,look what you've done?!

Ninong is lying unconscious here.. Anak ka ba talaga?? Why the hell you have to be this selfish???!"

There is a genuine concern and a sound of annoyance on her voice.

Nagtiimbagang ang binata ,sasagutin nya sana ito pero mas pinili nya nalang itong talikuran at iwan na roon.

Bago pa sya makalabas hinila nito ang braso nya..

" saan ka pupunta?!, you better admit your fault and say sorry to him.Wag kang lalabas sa kwartong to na parang wala kang pakialam kung anong mangyare sa kanya!"

He slowly turn his head and look at her, inuutusan ba sya nito?

Madilim ang mukha ng binata , pero sinalubong ni angela ang tingin nya hindi ito natatakot kahit masaktan pa sya kung sakali.he grab her arm..

" Alam mo ba kung anong ginagawa mo? Stop wasting your fucking concern to this old man, let me enlighten you woman.They are trying to offer you to the devil,myself.. Save your ass. Don't be a dumbass , Im giving you chances to ran away from me but you keep coming back.

You'll regret this later..."

Nakikita nya ang pagkabahala na gumapang sa mukha ng dalaga lalo pa ng paasik nitong binawi ang braso na hawak nya..

" Too late to turn back.." iling pa ng binata.

Bago pa sya makalabas ng kwarto , nagkamalay na ang ama nya ..

" Justine.." tawag nito.

Tumikhim si justine bago sumagot

" Dad,are you okay?"

" yeah sure " sagot nito saka napansin ang babaeng naka wedding gown..

" angela" umaliwalas ang mukha ng matanda.

" Tito " maniyak ngiyak na lapit nito at hinawakan ang kamay nya..

" Im so sorry.. I was very late.. "

" its ok hija.. Its not too late"..

Nanghihinang ngiti ng matanda.

" may mga lalaking humarang ng van, hinatid nila ako sa airport at---"

Kwento ni angela ngunit pinutol iyon ng matanda..

" its ok ,ang mahalaga andto kana, I need not to investigate ,alam ko na kung bakit" he look sharply to his son ..

Bumuntong hininga si justine,

" Its on me.." pag amin nito.

Masama ang tingin na ipinukol ng matanda sa binata.baka kung malakas lang ito inupakan na sya.

" sorry po talaga tito, alam kong gusto rin sabihin ni justine yun sa inyo "

Pagkasabi nun ay nilingon nya si justine at hinintay na magsalita..

Pinandilatan sya ng mata ng binata at tinitigan ng masama..

" sabihin mo na" giit ni angela na napatayo at namewang sa harapan nya.

Mahabang usapan nanaman to kaya kesa magtalo nanaman sila..

" yeah like she said, its my fault,I ADMIT IT."

"And??" pilit ni angela..

" what else ??" naiinis na taas ng makapal nyang kilay

" And your sorry,right?" dugtung ng dalaga.

" yeah, like what she said, I apologize for that." napipilitang usal ng binata like it was the most awkard line he said.

Pagkasabi nun ay nakahinga na ng maluwag ang dalaga at di na galit.

" your forgiven. The wedding will went through this afternoon."

Anunsyo ng matanda.

Pasado alas 3 ng hapon nag umpisa ang wedding ceremony..

After a few hour Retouch the groom and bride is ready to walk the aisle after their vows.

Speaking of vows ,walang inihanda si justine dahil buong akala nya walang kasalang matutuloy ngaun.

Nasabi na ni angela ang vow nito ,

.fuck. its my turn..

He look at the ring hesitantly and look at her blankly and for the first time in his life he felt that unacceptable rumbling in his stomach ,nervousness,  awkwardness in front of this less than  hundred guest

Waiting for him to say his vow..

Lumunok sya at huminga ng malalim,

..what the fuck ..

" Take this as a symbol of  my loyalty, I will not promise to make you comfortable and happy but I will do the best way I can, as long as I am here ,I will keep you safe with me."

Hindi nya alam kung tama ba o ganun ba dapat e deliver ang vow pero yun lang ang pinaka honest na mapapangako nya.He can't lie, thats the best thing he could offer.

Mukhang tama naman ata ang sinabi nya kasi wala naman tumutol mula sa crowd kaya isinuot na nya ang singsing sa babae, when the priest announces to kiss the bride ,iniangat nya ang belo ni angela na nakatabing sa mukha nito nakatingin ito sa ibaba kaya hinawakan nya ang  baba nito at iniangat nya ang mukha ng magtama ang mata nila He felt something wierd in his stomach, pero ayaw nyang pansinin iyon..

So he gave her a quick peck of kiss on her lips .she saw her bite her lower lip, agad na nag iwas si justine ng tingin. He could feel something wrong on his chest with that view.

Humawak si angela sa braso nya,

Ang daming binubulong ng utak nya

He keeps cursing on his mind..

What the fuck, she's soft and fucking warm..

..shut the hell up fucking brain!!..

Sabay buntong hininga .

Ng maihagis na ng bride nito ang bulaklak mabilis nyang binukas ang pasenger seat para kay angela, at pumasok na rin sya sa driver seat. Pag pasok ay automatic na bumalik ang naka busangot na mukha nito.

The more he stay outside the more he needs to fake a smile , sinisenyasan sya kanina pa ng ama na ngumiti sya.

Hindi nya nilingon ang bride sa tabi nya, they are both silent..

Papunta sila sa reception nila  doon iyon gaganapin sa mansyon .

She froze and lost her mind ng itaas ni justine ang belo nya kanina at mabilis na halikan sya ng walang anu ano.

Wala sa sariling nakagat nya ang pang ibabang labi, humawak sya sa braso nito pababa dahil pakiramdam nya naninikip ang dibdib nya baka matumba sya. Hinayaan sya nitong kumapit ,ngumiti ito kaya ngumiti na lng din sya .. Lumapit ang kuya andre nya at kinamayan si justine,

" take care of her ,dont make her cry"

Babala nito, saka niyakap sya sa huli.

"baby sis.." Buhat pa ng kuya anjo nya.

" bro sayo na to ,wag mo na ibabalik sa min" harap ni anjo sa groom nya.

"Hindi na talaga."sagot nito at

Seryosong kinamayan lang ito ni justine.

Biglang tumigil ang kotse kayat naputol ang iniisip ni angela ,lumingon sya kay justine.

"Lets go," nauna na itong bumaba at pinagbukas sya ng pinto.

Sabay silang pumasok sa mansyon at naupo sa pwesto nila may mga naroon na rin , binati sila ng mga tauhan sa mansyon

Lalo na sila tita jane ang mayordoma.

" Angela , ang ganda ganda mo" puno ng paghanga na wika nito.

"salamat po" ngiti ni angela.

" sir justine ,gwapong gwapo ah" tudyo ni manong bert ang driver nila.

He just smirk  as a response.

Kasunod nun ay ang pagdating nila fernanda at rod. Lumpit ito sa kanila .

Fernanda is wearing a three piece suit also he looks so manly ..lumapit agad ito kay angela at mahigpit na niyakap ang dalaga .

Nahagip ni angela ang tingin na pinukol ni justine sa kanila ni fernanda ,habang kausap nito si rod .

He was looking to them sharply o baka imagination nya lang yun.

Kinakamusta sya ng baklang kaibigan ng biglang lumapit sila rod..

"Congrats Mrs.Angela Villafranca"

Bati ni Rod..at kinamayan sya tinanggap nya iyon

" By the way Im Rutherford fuentes, Rod for short bestfriend ako ni justine. You look like Catriona gray."

Puri nito sa kanya.

"Thank you po , " ngiti nya dito ,

" enjoy yourself rod .. You must be hungry "

Rod smiled at her, nakakahawa ang ngiti ng dalaga , pag baling nya kay justine hindi maipinta ang mukha nito.

" hey don't be jealous bro.. Kinongratulate ko lang "..

" Fucker ,Im not jealous." mas sumimangot ito.

Natawa nalang si rod. Mas maganda ito sa inaasahan nya.. Why the hell he cant appreciate that? Is it because he is not over yet with Angela Belmonte  his ex.

The program went well, they entertained all their guest as much as possible , nang mapagod at makapwesto ay nakita ni angela ang buti alak hnd na sya nag abala pang tingnan kong ano yun basta ng malasahan nyang may tamis iyon nagustohan nya ang lasa inunti unti nya iyon hanggang sa di na nya namalayan na wala na pala itong laman..

" my goodness it tastes good ,I need another bottles of this .." natatawang wika ni angela.

" hey , sis arr you okay?" lapit ni anjo..

" ofcourse bro ,could you please open this for me? " abot niya ng wine dto binuksan iyon ni anjo at ibinalik sa kanya thank you..

" dahan dahan lang , wag mong damihan ,tikman mo lang ok?"

Paalala ng kuya nya

" yes ,thank you kuya"  malapad na ngiti ng dalaga..

Bandang 6pm na ng lumapit si justine sa kanya , they need to travel papuntang tagaytay may resthouse sila dun ..Yun ang instruction ng ama nya.3 days sila dun.

" Hey , we need to go its 6pm , it will be a 3hrs long drive so get up and Lets move " lapit sa kanya ni justine.

" Okay" tiningala sya ni angela ,her face look red..

" what the hell, anong ginawa mo?"

Dumako ang tingin nya sa dalawang bote ng wine sa tabi nito.

" Your drunk" pag kuwan ay sabi ng binata.

Agad na tumayo ang dalaga at muntik ng mabuwal sa kinatatayuan .. Hinawakan sya agad ni justine.

" Damn.. Yan na nga ba sinasabi ko e."

Tiimbagang ni justine.

Inalalayan na sya nito papunta sa bridal car , nakapag paalam na din sila..angela's mom and bro's keep on telling him to take care of her.

Pinaalala ng ama nya na mag ingat sila sa byahe..

" and one more thing, I need my heir."

Tiningnan nya ng masama ang don saka walang imik na umalis at pinaandar ang kotse.

Habang nag da drive ,kung ano anong tumatakbo sa isip nya..

Inunahan pa syang maglasing ng babaeng ito , habang sya hindi pwede malasing kasi mag da drive pa sya.

Ano ng mangyayare ngaun sa kanya ,he is 24, and married with this woman na hindi naman sya interesado .

Ni hindi nga sila magkasundo .

Paano naman nya bibigyan ng apo si Juan Enrico kung wala naman syang nararamdaman dto.

Pasimple nyang sinulyapan ito ,tulog na tulog pa.

Matagal na syang di nagkaka nobya ,

7 taon na ang lumipas,at sobrang nasaktan sya  .. Naka tanim na sa utak nya na walang permanente sa mundo.

After what happen to the marriage of her mom and dad,  at sa kanila ni angela belmonte . Hindi na nya alam kung maniniwala pa ba sya na may nag e stay pa sa mundo.

Maraming tsismis tungkol sa kanya..

Trouble maker?. Hell not true.

Gulo ang lumalapit sa kanya.

Cheater? .definetely No.

He is a loyal one.

Hindi rin totoo na babaero sya ,hindi sya pumapatol kahit kanino. He has a very refined taste when it comes to women. he never flirt to anyone kahit ng iwanan na sya ni angela belmonte.

He never forgot her ,kahit alam nyang may anak na ito ngaun. His Love for her turns to hatred but he couldn't hate her , kaya ayaw nyang makita ito dahil baka magmakaawa pa syang bumalik ito sa kanya kahit alam nyang mali dahil pagmamayari na ito ni wolfe Allegre.

..fuck you wolf allegre..

Mura nya sa isip nya.

Its quarter to nine pm when he arrives at tagaytay.

Mabilis sya magpatakbo ng sasakyan.

He is a really good driver,thats a fact.

Maybe because he is an effin good drag racer.

Una nyang ibinaba ang mga maleta nila , at ipinasok sa loob ng resthouse ,

Malinis na sa loob ang nakakapagtaka lang sa tatlong kwarto isa lang ang bukas may mga security code ang pinto. maindoor lang at yung kwarto nya dati ang natatandaan nya ang code.

..damn ,I'll call dad later ..

Mayamaya ko na poproblemahin to..

Bumalik sya sa kotse..

Kinatok ang bintana sa tapat ng dalaga na tulog.

Nang hindi ito magising binuksan nya na ang pinto at akmang bubuhatin ito.

" what are you doing , I can walk" pigil nito sa kanya , mukhang mejo nahimasmasan na ito.

" thats good kung ganun ,lumabas ka na jan " layo ni justine dto.

Paglabas ng dalaga nawalan ito ng balanse ,sumabit ang belo nito kung saan at natanggal kaya kasabay ng pagbagsak nya sa sahig natanggal ang pagkakapusod ng buhok nya.

Tiningnan lang sya ni justine sa sahig.

" Ano? kaya pa miss independent?"

"aray ko ang sakit .." bangon nito saka gegewang gewang na tinanggal ang heels..

Sa gulat nya ay bigla syang  binuhat ni justine.

" Ang bagal !" tila ubos na ang pasensya na wika ni justine at mabilis na naglakad papasok, sinipa ang pinto ng rest house pasara at dinala sya sa kwarto at parang gamit na binagsak sa malambot na kama.

Bigla itong bumangon na tila naduduwal ,

Agad tinakpan ni justine ang bibig ng dalaga gamit ang sariling kamay ,

" wag jan sa kama!" babala nito saka giniya ito papunta sa banyo..

Sumuka ito ng sumuka sa harap ng bowl..

Nakasandal ang binata sa frame ng pinto at binabantayan lang sya.

" bakit ka kasi naglasing?"

Natatawang tanong ni justine.

"oh my God" d***g nito dahil babaliktad na ang sikmura nito kakasuka.

" maligo ka para mahimasmasan ka, tapos magkape ka .." suhestyon ni justine sa kanya.

Pumunta saglit sa kusina ang binata at ini on ang coffee maker.

Saka binalikan ang dalaga sa banyo.

" maligo ka na, maghahanap ako ng damit na kasya sayo"

Muling lumabas ang binata at kumuha ng maluwag na tshirt , boxer ,twalya at toothbrush ,sa sarili nyang maleta para ipahiram sa dalaga.

Naka salampak pa rin ito sa sahig ..

Napakamot na sa ulo si justine at inayos ang bathtub pinuno ng tubig at naghanda ng bubble bath.

Binuhat nya ang dalaga at inilubog ito dun ,tanging ulo at balikat lang ang nakalabas sa dalaga kaya maingat nyang binaba ang zipper ng gown nito at tinanggal iyon inilapag nya sa tabi.

Basang basa ang gown nito at sobrang bigat..

..fuck this is so heavy ,how could she  wear this and walk gracefully in the isle..

Inabot nya ang shampoo at nilagyan ang buhok nito.

She was half asleep in the tub , kung nasa tamang wisyo ito malamang

Magwawala ito.

Inabot nya ang  shower head at itinapat sa ulo ng dalaga binanlawan iyon.

" hey ,its your turn ,mag banlaw ka na.."..tapik nya sa pisngi nito .

Nagbukas ito ng mata ,at tiningnan sya..

Pinilit ni justine na wag mag isip ng kung ano anu.

But the idea of her under the bubble bath in two piece of under garments make him feel more uncomfortable.

Again there something going on inside his stomach, making him feel sort of excitement and anticipation..

..putangina mo ,wag ngayon !

Mura nya sa sarili.

..hindi ka manyak!

Napalunok sya sa isipin na yun.

" labas na muna ako ,magbihis ka na pagkatapos mo .

Yung damit mo nilapag ko sa kama, tawagin mo ko kung kelangan mo ng tulong ko "

Saka mabilis na lumabas ito at ni lock ang pinto ng banyo.

Pumunta sya sa kusina at nagsalin ng kape sa tasa .. Mga 30 minutos sya naghintay dun ..

Tinanggal na nya ang neck tie nya at  naalala nyang tawagan ang ama para tanungin ang code ng ibang kwarto pero alas 12 na pala ng hating gabi paano nangyaring di man lang nya namalayan ang mabilis na paglipas ng oras.

Maya maya ay  narinig nya ang papalapit na hakbang sa kusina awtomatikong dumako dun ang  tingin nya , It was her . Isinuot nito ang grey na tshirt ,pumabot iyon sa hita ng dalaga natatapan ang suot nitong boxer short.

Awtomatikong dumapo sa tapat ng dibdib nito ang mata nya, wala itong suot dun dahil halata ang hugis ng dibdib nito.

" Nandto ka pala , thank you . Sa pag asikaso sa kin", namumula pa ang mga pisngi nito, dulot ng pag inom .

" Pagbibigyan kita ngaun, pero bukas maniningil ako." sagot ni justine.

Sabay abot ng kape sa kanya.

Tumayo ito at umalis sa harapan nya,

Hindi nya alam kung saan ito nag punta pero malamang mag aayos na rin ito ng sarili.

Inabot ni angela ang kape at ininom iyon. Lasing sya pero nasa katinuan sya, naalala nya lahat ng ginagawa ni justine ,hindi lang sya makaangal dahil sobrang antok sya..pero hindi naman nito pinagsamantalahan ang estado ng pagiisip nya kanina.

Kaso biglang bumalik nanaman ang pagkasuplado nito.

Matapos nyang ikutin ang loob ng resthouse  nagdesisyon na syang bumalik sa kwarto ,3 pala ang kwarto roon.. Kaso yung dalawa nakasarado..

Tanging yung kwarto na pinang galingan nya kanina ang bukas.

Pagpasok nya isinarado na nya ang pinto at pinatay ang ilaw. Saka lumapit sa side drawer na tabi ng kama para e on ang lamp shade na kulay kahel ang liwanag.

Akala nya Sya lang mag isa sa kwarto

Kaso biglang bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa nun ang lalaking nakasuot lang ng boxer at lumapit sa kama.

" Dito ka matutulog?" agad na tanong ni angela.

" malamang kwarto ko to e" sagot ni justine.

Gumalaw ang kama ng pumwesto ito.

Sa tabi nya.

"Lights out ,pwede?"

"Hindi pwede" sagot naman ni angela.

"Pwede ,wag kang makulit." he insist.

"Ayoko ng madilim" pigil sa kanya ng dalaga.

His dark brows arched  automatically at her..

"afraid of the monsters ,Miss Dela Vega?---  Oh wait! akin ka na pala misis Villafranca."

Akma syang  lalapit dito para halikan sana ito ng mabilis pero agad itong kumilos para patayin ang ilaw kaya hindi nag succeed ang plano nya.

" o hayan ,patay na .Matulog ka na!"

Sabay  tulak ni angela sa kanya palayo.

He chuckled ,and go back to his  proper place.

"Do you want me to do something for you?" tanong nya sa dalagang katabi.

" wala!Inaantok na ko." inis na sagot nito.

"Are you sure?" nakangisi ang binata sa dilim.

Hindi na sumagot ang katabi basta nalang nilagay nito ang unan sa pagitan nila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status