Share

Chapter 2

                                                                                          πŸ’˜  Something new

Naalimpungatan si Angela , dinig na dinig nya ang walang tigil na ring ng cellphone nya  kung kaya't kinapa nya iyon at wala sa loob na sinagot ang tawag ..

" Nakauwe ka na ba?" baritonong wika ng lalake sa kabilang linya.

Napaisip si angela at nasisilaw na inaninag ang screen ng cp upang malaman kung sino ang kausap nya ,

alas tres na ng madaling araw at may tumatawag na hindi nya kilala tanging number lamang ang nasa screen.

"ha? sino po ito?"  nagtatakang tanong ni angela , habang prinoproseso pa ng utak nya ang mga nangyayare. Hanggang sa naisip nya na baka si Bren iyon dahil ito ang naghatid sa kanya kanina at ibinilin pa nito na magtxt kung ok na ang lahat.

" Bren?, oo nakauwe na ko.. salamat sa paghatid kanina hindi na kita nai text kasi napagod ako kaya nakatulog na ko agad , pasensya na . Wag ka mag alala okay lang ako . Magpahinga ka na rin kasi sigurado napagod ka din."

Hindi nagsalita ang binata sa kabilang linya tahimik lamang ito ng ilang minuto . Kaya maririnig ang tugtug sa background nito.

maya maya ay sumagot ito..

" Sige." at nag end call na ito.

Napaisip si Angela , tila  nadismaya ata ang lalaki at pinatay na nito agad ang tawag.

Di bale kakausapin nalamang nya ito ng personal bukas..

🀫🀫🀫🀫🀫🀫🀫🀫🀫🀫🀫🀫🀫

Sa buong araw na iyon hindi nagkaroon ng chance si angela na makausap si bren kung kayat nawala na sa isip nya ang mga nangyare nung nakaraang gabi ..

Mabait si bren at gentleman bukod doon sobrang maalalahanin pa ito.

Palabas na si angela ng Bell air ng makasalubong nya si cathy ..

" Hey Angela, right? Im Cathy. How are you?" cathy.

" Yes, nice to see you again cathy, Im good , pauwe ka na rin ba?" ngiti ni angela rito.

" aha, Mag ta taxi ako, may sundo ka ba?"  tanong ni cathy.

" Wala eh , mag ta- taxi lang din ako" sagot ng dalaga.

"  Sumabay ka na sa kin" sulpot ni Justine sa Tabi nya. He's wearing black again . Standing Tall beside them and staring straight coldly to her.

Medyo nagulat si Angela , pero naka bawi rin ito..

" Justine, Anong ginagawa mo dito?"tanong agad ni cathy.

Tiningnan lang ni justine si cathy , he doesn't have an Idea about her and how did she know him.

" Let's go"  seryosong yaya nito kay angela. Napasunod na lamang ang dalaga dahil mukhang seryoso ito .

Hindi na nakapag paalam pa si angela kay cathy , Nang makaandar na ang kotse saka na nagsalita ang dalaga..

"Saan tayo pupunta?" tanong nito.

" Somewhere  we could have privacy." maikling sagot naman ni justine.

Hindi na nagtanong pa muli ang dalaga,  comportable itong nakaupo sa tabi nya habang nakasandal at nakabaling pasandal sa bintana ang ulo nito , Mas madalas pag nagkakaharap silang dalawa nauuwe sa bangayan ang usapan pero mukhang  pagod ata ito ngayon kaya tahimik , pinabayaan na lamang iyon ni justine.

" hoy babae, gumising ka na"  wika niya bago lumabas sa sasakyan  at nag labas ng vape.

naramdaman ni angela ang pag yanig ng sasakyan ng sumarado ang pinto sa tapat ng driver seat.

kinatok ni justine ang bintana sa tapat ni angela sabay nagbuga ng usok.

agad na nagising ang dalaga at lumabas sa kotse.

"asan tayo?" angela.

Nauna ng naglakad si Justine papasok sa loob ng Japanese resto bar , Sumunod naman agad si angela .

Ang inexpect ng dalaga  "family meeting yun" pero nagulat sya ng  pumwesto ito sa pang dalawahang table lamang  ..

" asan sila?" tanong ni angela.

" who exactly are you looking for?" lingon ni justine sa paligid.

" Akala ko may family meeting e"

" seriously? , dederetsahin n kita .

We have  3 weeks to go before the wedding . Are you aware of that?" justine.

" So?" tanong ni angela sakto anjan na ang inorder ni justine na california rolls , tempura at salad..

" Hoy seryoso ka ba ??"  di makapaniwalang  tanong  ni justine. kasalukuyang sumusubo ng sushi ang dalaga..

" hindi ka apektado sa  kasal?

wala ka bang boyfriend, eh kung mag pabuntis ka kaya ?"

Munting ng maibuga ni angela ang nginunguya sa kaharap.

" Wala akong boyfriend at wala akong balak mag pa buntis noh! baliw ka ba?!

eh kung ikaw kaya ang mag girlfriend ng iba saka mo buntisin agad?"

suggestion ni angela.

" Hindi ako interesadong magka Pamilya. Kontento na kong ganito." blanko ang mukhang sagot ng binata.

πŸ˜’πŸ˜’πŸ˜’πŸ˜’πŸ˜’πŸ˜’πŸ˜’πŸ˜’πŸ˜’πŸ˜’πŸ˜’πŸ˜’πŸ˜’

" hanggang pagtanda mo? Mahirap kaya mag isa." sabat ni angela.

" what did you do last night?"

Deretsang tanong ni justine.

" ah sa saab' 8? Birthday ni Capt. Aj cedrick invited kami .. Ikaw ano ginagawa mo dun?"tanong ni angela.

" Thats my place to hang out. So hinatid ka ni bren kagabi?."

Kumpirma ni justine.

" oo , ako at si fernanda este fernan pala... Hinatid kami ni sir bren after the party.." paglalahad ni angela.

" Yun lang , san ka nya hinatid?" tanong muli ni justine.

" Sa bahay.. Bakit mo namn natanong?"  sulyap ng dalaga sa mukha ng kaharap na matamang nakatingin sa kanya.

"I called you last night. " justine.

Mejo natahimik si angela ,akala nya si bren ang tumawag last night para echeck sya kung nakauwe na sya,kung ganun ang nilalang na to sa harap nya ay may pakialam naman pala sa kanya.

Tumikhim si angela..

"ahemm.. So you care about me after all?"

"Don't flatter yourself, your not my type." prankang wika ni justine.

"Excuse me, the feeling is mutual!"

Inis na tugon ni angela sa kaharap.

                                                                                            πŸ’˜ Prep time😊

" Ofcourse, I want to make sure that everything is going well.How about the invitation? Okay Good..good.."

Habang palabas ng patio si justine ,dinig na dinig nya ang boses ng Don na may kausap sa cellphone nito.

Nang makita sya ng Don ay saglit itong tumahimik at senenyasan syang lumapit ,

"Okay , sunduin mo si angela  at pumunta kayo sa lugar na ito, after lunch.Clear?"

utos ng ama nya sabay abot ng business card na naglalaman ng phone number and location na sinasabi ng matanda.

" whats this? Pwede bang si angela nalang ang pumunta."  nagtatakang  wika ni justine.

" No.It should be the both of you.

That is a scheduled event .Don't be late or else ikaw ang magbabayad sa akin."

Babala ng ama nya,bago tuluyang umalis at iwan ang binata dun na wala ng ibang nai-usal kundi..

" I don't get this.. "

Hindi malinaw kay justine kung anong meron pero ginawa nya ang utos sa kanya . Bandang alas 2 ng hapon ng puntahan nya si angela .

Nagulat sya ng madatnan nyang bihis na ang dalaga at handa na ito  ..

"hijo ,maupo ka muna  gusto mo ba ng juice?" agad na tanong ng ina ni angela.

" salamat na lang pero mejo late na kami.." wika ni justine .

Sya namang labas ni angela sa pinto ng bahay.

" Ma , alis na po kami." paalam ng dalaga saka lumapit kay justine.

Mejo nagulat ang binata , bihis na pala si angela.

" Sige , mauna na ho kami." justine.

" O sya mag ingat kayo sa pictorial nyo, at paki ingatan si angela please.."

Pakiusap ng ale kay justine.

Hindi agad naka pag salita ang binata.

"ah- opo."

Habang nagmamaneho si justine ,hindi nya lubos  maisip yung narinig nya kanina.. pictorial??

Pagdating sa venue.

Kompirmado.

Pictorial nga!

Tapos na syang ayusan , nakasuot na sya ng three piece suit. Sa kabila ng kapogian nya ito na yata ang pinaka uncomfortableng oras ng buhay nya.

Pakiramdam nya nasasakal sya sa necktie nya.

Lumabas si angela sa dressing room ,

Nakasuot ito ng gown ,napaka ganda nito  sa suot na damit.. Saglit na natulala si justine nakalimutan nya na ang sasabihin para asarin ito ngunit agad din nakabawe at tumikhim.

Sinabihan sila ng photographer na pumwesto  si justine sa likuran ni angela at yumakap ito sa bewang  habang nakapatong ang baba sa balikat ng dalaga, kelangan nila mag face to face habang nakangiting nakatingin sa isat isa.

Mas matangkad si justine  kaya kelangan nya mag bent ng kunti, ng  pumwesto ang binata at ipalibot ang braso sa bewang ni angela,  nakaramdam ng pagka ilang ang dalaga.Nagka stiff neck sya bigla parang ayaw na nyang kumilos at lumingon sa gilid dahil ramdam na nya ang hininga ng binata sa gilid ng pisngi nya..

" misis ,pumihit ka sa kaliwa mo ,then smile" instuction ng photographer.

Wala sa isip naPumihit sa kanan ang dalaga..

Agad na umangat ang isang kamay ni justine at pinihit paharap sa kanya ang mukha ni angela.

" Sa akin ka lumingon, dito ang kaliwa." sita ni justine sa kanya.

Pilit napalingon si angela sa mukha ng lalake,kitang kita ni justine ang gulat  sa mata ng dalaga,and her expression ..It was priceless.

Napa awang ang labi nito at ang inosenteng mukha nito ay nagbigay ng hindi maipaliwanag na kalam sa sikmura ng binata.He suddenly had an idea to kiss her but he resisted.

Nakita ni angela ang tingin na ipinukol ni justine sa labi nya na mas nagpakaba sa dibdib nya dahilan para mamula sya.

Ngumiti ng nakakaloko ang binata,

Dahil dun hindi na naririnig ni angela ng malinaw ang sinasabi ng photorapher.Gustong gusto nya ng itulak ito pero di nya magawa..

" Smile daw, bingi ka ba?" sita muli ni justine sa kanya.

Napalitan ng pagkainis  ang pagka-ilang na nararamdaman ng dalaga.

Tatlong shots lang at lumipat sila ng venue, nakasimangot itong pumasok sa dressing room para magbihis.

Hindi nagustohan ni justine ang naramdaman nya kanina ,may dulot na kaba sa kanya yung ideyang  baka napansin iyon ng dalaga.Tila nakakahiya ,pero nag e enjoy syang asarin ito mas lalo.Tuwing nakikita nya itong inis na inis o namumula sa badtrip pakiramdam nya yun ang pinaka mahalagang trophy ng tagumpay na natanggap nya.

Ang pangalawang shoot nila ay naka leather jacket ng itim si justine, habang naka white gown si angela at naka angkas sa likod na tila runaway bride with justine.

Effortless ang badboy look ni justine..

Litaw na litaw at malinaw ang concept ng pangalawang shoot.

Lumipat sila sa isang set up na tila party ang tema, may cake at puro pastel colors lahat ng naroon..

May mga baloons sa paligid..

At pinagsuot sya ng flowy dress  pumasok si justine sa set na naka hawak ng red roses at baloons

Ang aliwalas nitong tingnan dahil pastel color at hindi black ang suot nito,naka ayos din ang buhok nito at ang boyish tingnan..

Kinunan sila ng shot kung saan parehas nilang hawak ang cake at nakatitig sila sa isat isa habang nakangiting parang mga bata.

Pag katapos nun Inutusan silang magkulitan sa set habang naka roll ang video..

Agad na na kumilos si justine at pinahiran ng chocolate icing ang pisngi si angela, sabay agaw at taas

Ng cake para hindi iyon maabot ng dalaga. Sa inis ni angela pinisil nya ang magkabilang pisngi ni justine ng sobrang higpit ..

" Araaaayyy!"

Agad na inilapag ni justine ang cake , tumakbo si angela ngunit bago pa sya makalayo ay nahaklit na sya sa bewang ni justine.

" ang sakit nun ,humanda ka ngaun.."

Banta nito.

Nagtatawanan ang buong set  sa kanila..

"Cut, ok na po" wika ng photographer.

Inapakan ni angela ang sapatos ng binata .At matamis itong nginitian bago ito tinalikuran.

Namilipit sa sakit si justine at patalon talon na pumunta ng dressing room nya.

" bwesit talaga.. Pati buhok ko may icing ! " paghihimutok ng dalaga.

Matapos ang pictorial , binati sila ng congratulations ng mga staff dun. Pareho silang award winning kung umarte .Parang totoo talagang magkasintahan sila sa harap ng camera..

Pag pasok sa kotse.

"and the best actress award goes to .. Angela Dela Vega!!" asar ni justine.

" wow ha, akala mo ba hindi ko napansin kanina!? Sumisimple ka , chinachansingan mo ko!" sikmat ni angela.

" Excuse me- baka ikaw , and one more thing ,hindi kita gusto!"

Sagot agad ni justine ,habang deretso ang tingin sa kalsada.

" Ah talaga ba?, kung totoo yan bakit ka pumayag magpakasal sa kin?"

Angela.

"  Sino namang may sabing payag ako?" harap ni justine sa kanya.

Seryoso  at  casual lang ang expression ng mukha nito.

" Kung hindi, bakit pa tayo aabot sa pre nup??" angela.

" Si Dad lang ang may gusto nito. Akala mo ba pabor sa kin to? "

deretsahang sinabi ni justine.Sabay biglang preno nito ng sasakyan.Halos masubsob si angela sa harap ng kotse.

Magkasalubong ang kilay na Kumilos ang binata palapit sa kanya,

Akala ni angela ay sasaktan na sya nito , ngunit inabot lang nito ang safety belt at kinabit.

" Damn this crazy woman.." bulong ni justine sabay andar uli ng sasakyan.

Tumahimik na sa loob ng kotse ,at hindi na muli nagsalita si angela.

Hanggang sa  eksaktong 6:30pm  na ng maihatid nya ito sa kanila.

Hindi na nagtagal si justine at umalis rin agad.

πŸ˜‰πŸ˜‰πŸ˜‰πŸ˜‰πŸ˜‰πŸ˜‰πŸ˜‰πŸ˜‰πŸ˜‰πŸ˜‰πŸ˜‰πŸ˜‰πŸ˜‰

Pag labas ng kotse pabalibag na sinarado ni justine ang pinto , sabay sindi ng yosi at sandal sa sasakyan..

Naka park sya ngayon sa harap ng Sa'ab 8 ,ang bar na pagmamay ari ni syrahn..

Minsan lang sya mag yosi kapag talagang stress out sya at  kelangan nya marelax.

Ilang hithit buga ang ginawa nya bago tuluyang pumasok sa loob, naroon si jake dahil dj ito dun ,

" Hey , you look ... Pogi as usual" litanya ni jake.

Buntong hininga lang ang tugon ng binata. Kanino nya ba sasabihin na ikakasal na sya ??

" si rod?" hanap ni justibe sa kaibigan nila..

" ah gusto mo tawagan ko para pumunta sya dto?? " alok ni jake.

" wag na , ako na lang.. " sabay labas ni justine ng phone at dial..

Iniwan na muna sya ni jake para kumuha ng maiinom nila..

"I dont know how to say this..

But Im getting married bro"...

Pagkarinig ni Rod ng bungad na yun,

Mabilis pa sa alas cuatro na sumunod si rod dun.

" hey bro.. Are you kidding me?!"

Mahinang tanong ni rod pag ka kita sa kanya.

Naka apat na bote na ito ng alak pagdating nya.

"Atin lang to ,tandaan mo yan" hila ni justine sa kwelyo ni rod.

Halatang may tama na ito.

"Oo . Pero  how was that bro , nabuntis mo ba?" rod.

" No , I dont even know her.."Justine.

"okay , I need to see this girl.."rod.

" Angela Dela Vega .."

Bigkas ni justine sa pangalan ng dalaga..

Mga bandang alas 11 na ng mag boluntaryo na si rod na ihatid si justine sa kanila. Mahaba habang usapan eh..

Φ€€€€€€€€€Φ€€€€€€€€€Φ€€€€€€€€Φ

" Miss Angela," tawag pansin ni bren sa dalaga..

"Captain, kumusta po?" ngiti ni angela.

" ah ayos lang , pauwe ka na din ba?"

Bren.

" Opo eh.." angela.

" Sumabay ka na sa kin, sabay rin naman tayo ng sched." anyaya ni bren.

" nakakahiya naman po e.."

" No its okay.. Saka isa pa dadaanan ko rin si Belle yung kapatid ko jan sa school malapit dto , kaya sabay ka lang sa min ,"

" sure po kayo? Baka kasi maka abala ako"

" No.. Tara na" bren insisted.

Dumaan sila sa East U ,sumakay ang isang dalagang mala labanos sa puti,

Ngumiti ito ng makita sya..

" ay hello po:)" bati ng dalaga ...

" ah miss Angela , si belle .. Bunso namin." pakilala ni bren.

" hi belle, Im Angela." ngiti ni angela .

Tiningnan ni belle ang kuya nya at ngiting ngiti ito ng malapad.

" ate , sama ka po ba sa amin??

Punta po kami ni kuya sa mall e.."

Yaya ni belle.

" belle.. " sita ni bren sa kapatid. Wala naman silang usapan na mag mall ngaun, anong pinagsasabi nito..

" ah eh naku naka uniform pa kasi tayo eh.." nag aalangang tugon ni angela.

" ok lang ate , pareparehas naman tayong naka uniform eh😊, kuya sige na ... Sama na tayo , di ba manonood tayo ng avengers end game. Sabi ng mga classmate ko maganda daw yun 3hrs.." pilit ni belle.

" She must be tired at work ,belle.."

Tugon na lamang ni bren para matigil na ang kapatid.

" ate please-please,pretty please?" pag mamakaawa ni belle kay angela..

" ah  sige sige , " hindi na makahindi na wika ni angela.

" Yes! See that kuya , I made her say Yes, how about you kuya? What can you say..." malapad ang ngiti nito na tili inaasar pa sya..

" Okay then pero hindi 3 hrs dahil baka makaabala naman tayo , Pasensya ka na sa kapatid ko .."

Hingi ng paumanhin ni bren sa dalaga.

Katabi ni bren si belle sa front seat, hindi pa ito nakuntento at lumipat ito sa back seat pata makatabi si angela.

Matabil talaga ito, at pwedeng pwede itong mag host ng talkshow sa sobrang daldal at bibo nito mag kwento.Walang isang oras ay natanong na nito lahat ng tungkol sa dalaga paglabas ng kotse tila bestfriends na sila ni angela..

Ate Angela na ang tawag nito sa dalaga.

" kuya , let's go to greenwich..

Lets order  pizza..

At chichen, spaghetti, and mac cheese" yaya nanaman nito kakapasok lang nila sa mall.

" Okay , lets eat first.. " game naman na wika ni bren. Pinagbuksan nya ng pinto ang mga babae ..

" ladies first.." mwestra pa nito  na unang pinapasok sila.

Mabait at mahaba ang pasensya ni Bren ,hindi ito katulad ng ibang lalake na kilala ni angela. Maalaga ito sa kapatid at mapagmahal na kuya, responsable rin ito dahil dadaanan pa nito si belle sa school.

Bihira nalang ang mga ganitong lalake sa panahon ngaun.

" kuya ,can we go to watsons?

Ate angela lets go to watsons..please?"

Mukhang alam talaga ng kapatid nya kung anong ibabala sa nakakatandang kapatid upang mapapayag ito.

" Belle ,slow down .. Okay, she just came from work.She is tired.."

Paalala ng kuya nya..

"ah sige lang ,okay lang .." tugon naman ni angela.

After dining dumaan sila saglit sa watsons  ..

Bumili lang ng perfume spray ang dalagita , kumuha ito ng dalawa dahil bibigyan daw nya ang ate angela nya..

Pag dating sa counter kinuha ni bren ang item , at binayaran ito.

Saka sila dumiretso sa sinehan at nanood ng movie.

Bandang 9pm na rin natapos ang pinapanood nila .Una nilang hinatid si Angela sa bahay nito ...

Bumaba agad si bren upang pagbuksan ng pinto ang dalaga.

" bye, ate Angela! ,Sama ka uli sa amin next time ate😊"

Paalam ni belle bahagya pa nitong inilabas ang ulo sa bintana at kumaway.

" Pasensya na dito sa kapatid ko, at thank you sa pag sama sa amin." wika naman ni bren..

" naku thank you din po  sa dinner at sa oras  sir.." pasalamat ni angela.

Hinintay na muna ng magkapatid na makapasok si angela sa loob bago tuluyang kumilos..

" Ang ganda nya, .." conclude ni belle.

" Pogi naman ako ah"  sabat ni bren.

" Pero mas magaling ako sayo.

Aminin mo ,you owe me one,kuya."

Kansyaw ni belle.

"Bayad na, nag watsons ka pa nga e.

Anyway Good Job!"

Tugon ni bren saka pinaandar ang kotse.

€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€

Mabilis na lumipas ang mga araw

Palapit na din ng palapit ang petsa na gusto nilang lagpasan.

" nak , final fitting ng gown mo mamaya.. " paalala ng ginang sa bunsong anak..

Saglit na natigilan si angela sa pagsubo ng pagkain .

Napaisip ito bigla ..

Isang linggo nalang pala ang natitira at ikakasal na sya.

Pero hindi pa rin nag sisink in sa kanya ang mga nangyayare.

" Opo ma.." sagot nya lang.

" Bride of the year.. " tudyo ng kuya anjo nya.

"Wag ka matakot angela, mabait naman si justine. Siguradong secured ang kinabukasan mo sa kanya." panatag ng kuya Andre nya.

" hala bunso, san ang honey moon nyo?" tanong ni anjo.

Honey mooon??!

Seryoso ba ito?

" walang honeymoon, mama si kuya anjo iniinis nanaman ako." kinabahan bigla si angela sa idea na yun.

" pwede ba namang may kasal walang honey moon??" sagot ni anjo.

" Anjo, itigil mo na nga yan. Mamaya hindi pa sumipot yan sa kasal nya e" sita ni andre.

" wag nyong tinatakot ang kapatid nyo." saway ng mama nila.

" sigurado mag kakaroon ako ng poging pamangkin ,magmamana sa kin" dagdag pa ni anjo.

Hindi na lamang iyon pinansin si angela, mukha namang tama si andre ..isa pa hindi naman sya type ni justine at lagi nya iyong sinasabi sa kanya. Sa papel lang sila kasal.

Wala syang dapat ikabahala.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status