Share

When Bad boy meets Angel (Tagalog)
When Bad boy meets Angel (Tagalog)
Author: Xacariuz

Chapter 1

Part I

" Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa, pinapunta ako dito ni General Villafranca para siguraduhin na matatanggap mo ang laman ng sulat na to."

sabay abot ng sulat ni atty. Khonner sa isang binatang nakaupo sa couch na nasa harapan nya.

Walang expression sa mukha nito na sinasalamin mismo ng mga mata nito.

"Ilang beses ko bang sasabihin , wala akong kasalanan"

paglilinaw ni Justine Villafranca.

Ang nagiisang anak ni General Juan Enrico Villafranca

"Menor de edad ang naka rambolan nyo , hindi yun isang biro , seryoso na ito justine. Malapit na mag retire si Don Enrico, hindi sa lahat ng oras maaayos nya ang mga gusot na napapasukan mo.."

litanya ni khonner,

"It wasn't my fault , they are the one who started that mess anyway"

walang kahit anong ekspresyon na makikita sa mukha at tono ni justine.

" Fine , but heres the main reason why I am here, YOU NEED TO GO HOME ASAP - as soon as possible , as in now."

rebelasyon ni khonner , dun lamang nagpakita ng totoong reaksyon si justine.

"What -No way!" he exclaimed.

"You know your dad better than anyone else Jaz, he wont let you get away with this ."

babala ni khonner.

" what if I won't?" nanunukat na balik ni justine.

" Alam mo ang sagot diyan ..

isipin mo nalang kung mawala sayo lahat ng meron ka ngayon."

deretsang sagot ni khonner.

7 years ago, sapilitan syang inilipat sa Australia ng sarili nyang Ama , doon kung saan sinabi nitong mas ligtas at malaya syang mamuhay ng normal.

17 years old sya noon, at ngayon kung kelan 24 na sya , saka sya nito pauuwiin sa Pilipinas?

seryoso ba ito?

Black mail ang paraan nito para

mapilitan syang umuwi...

Nagpapatawa ba sila?

Part II . 

Arrival

" Angela , nasa  study room si Don Enrico . Mabuti pa dumiretso ka na dun at sobrang busy nya baka umalis nanaman sya mamaya"  bilin ng  mayordoma .

" Sige po," ngiti ng dalaga bago umakyat pataas sa ikalawang palapad ng bahay kung saan naroon ang study room ng heneral .

" ah manang may ideya ba kayo kung bat po kaya ako kakausapin ng Don?"

" wala naman syang nababanggit na kahit ano iha, pero sa pagkakaalam ko  uuwe na si Justine, bukas o sa makalawa yata .. hindi ako sigurado eh" kwento ng 50 anyos na babae , mabait ito at mapagkakatiwalaan kahit na medyo matabil ito..

" Talaga po ba?" tila ayaw maniwala ng dalaga. ilang beses na rin kasi tinangka ng don na pauwiin ito pero hnd rin naman natutuloy, at walang sumisipot sa mga scheduled flight nito.

" aba malay natin diba? matuloy na talaga hahaha.. hay naku ang ganda ganda mo talagang bata ka ! ano bang ginagamit mo para hindi ka mag ka pimples??" tanong ng mayordoma , bagets pa rin kasi ito tingnan dahil wala pa rin itong anak at maganda pa rin ang katawan nito parang si carmi martin ... hindi tumatanda.

" kayo talaga manang binobola nyo nanaman ako,  alam nyo naman pong hindi ako mahilig maglagay nung kung ano ano sa balat ko dahil masyadong sensitibo  at madali akong mangati , mahihirapan lang si mama pag nagkasakit ako, saka alam mo tita Jane wala ka ng dapat ilagay pa kasi maganda ka na , hindi naman po kayo tumatanda" wika ni angela.

" ah talaga naman , pumapalakpak nanaman ang mga tenga ko , halika nga dito" niyakap nya ang dalaga ng mahigpit ..

" hala , sige na at tumaas ka na para malaman na natin kung anong sasabihin ni Daddy Juan and only love ko"  biro pa ng mayordoma.

natatawang umakyat si  Angela pataas , at bitbit nya ang mga ngiting iyon pag pasok sa study room.

knock-knock!

" Don Enrico, si Angela po ito, papasok na po ako." paalam ni angela.

" Iha" tumayo ang don at sinalubong  ang inaanak.

" Mas gumaganda ka yata .." puna ng heneral.

" si tito talaga puro biro"  puna ng dalaga.

" kung buhay ang iyong ama , siguradong ganun rin ang sasabihin nya. Siya nga pala Congrats !

balita ko naka pasok ka na sa  trabaho."

bati ng don.

" Opo, Thank you po tito .. lahat naman po iyon dahil sa inyo." nahihiyang balik ni angela.

" No , Iha. Its all because of your determination to succeed.I am so proud of you. How i wish my son was just like you, marunong magpahalaga , marunong magsikap, maaasahan at higit sa lahat responsable."

and theres again the hidden disappointment at the last part of his statement.

" Don't worry dad, Im sure someday he will make you proud . Hindi pa ngayon kasi he is not yet ready pero malay natin bukas o sa makalawa, or maybe sa mga bagay na hindi natin ini expect na dun pala sya magaling . Im sure , he also have something where he is really good at. So please , dont be disappointed." she smiled .

And once more the room lightened up, kaya gustong gusto sya ng Don dahil meron lagi itong baong rainbow kasunod nya . She is always as cheerful as what she used to be kahit noong bata palang ito. She have those kindness and light in her heart na mababanaag mismo sa mukha nya.

" now its my turn to say Thanks,

You always make this old man happy"

magaan na wika ng don.

Pinaupo nya ang dalaga sa bakanteng silya saka ito bumalik sa pwesto nito.

" Iha I want to ask you a favor,

Can you accompany Justine for me?"

deretsong wika ng matanda.

" sasamahan ko po si justine, saan po tito?" tanong ni angela.

" Yes , darating sya ng 4 pm sa airport , if its ok for you , ikaw na ang sumalubong sa kanya. I have this classified meeting so I wouldn't be able to make it with justine. I hope he understand, Iha." wika ng Don.

" Sige po , tito. maiintindihan nya po yun, I' ll make sure of it ." assurance ng dalaga.

" Dont worry, Iha . I already gave jessy a call to make sure na hindi maaapektohan ang schedule mo sa Belle Air  bukas." reassurance ng don.

" ah Ok lang po tito, off ko po bukas." pagbibigay alam ni angela .

" Sana maging magkasundo rin kayo" hiling ng don.

" Hindi naman po siguro ganun kasama ang ugali ng anak nyo tito para magka problema sa ming dalawa hahaha.." biro pa ni angela.

Hindi na nagreact ang don, pero hindi na lingid sa kaalaman ng lahat sa bahay na iyon kung sino at ano si  Justine Villafranca. minsan pa nga naririnig nya kung paano ito pag kwentohan ng mga guards ng general.

kesyo may ginawa nanamang kalokohan ang binata, basagulero daw ito at walang balak sa buhay , palibhasa ay anak mayaman. Meron ding mga kwento kwento na kaya daw ito pinatira ng don sa Australia dahil sakit daw ito sa ulo ng ama , at laging na e expelled sa mga pinasukang private schools dito. Yung iba naman marinig lang ang pangalan ng binata ay nanginginig na sa kaba..

minsan nga feeling nya exaggerated masyado yung mga kwentong yun eh , Anong klaseng tao  sya?  mamatay tao ba yun?...

Pasado ala siete na ng gabi  ng makarating sa simpleng bahay nila,

naroon na ang dalawang kuya nito .. si andrew na gumagawa ng Lesson plan nito , habang nagkakape at si Anjo na mukhang paalis pa lang ng bahay dahil naka porma ito.

" Bunso bat ngayon ka lang, ginabi ka na ah? , ano na meet mo na ba ang future brother in law ko?" salubong  ng kuya anjo nya.

Nagmano ang dalaga sa ina saka dumiretso sa sofa at naupo.

" wala kuya, hindi pa dumarating yung lalaking para sa kin" biro ni angela saka sila nagtawanan na mag Kuya.

Tumikhim ang ginang at makahulugang binigyan ng matalas na tingin ang pangalawang anak.

" ah mama, una muna ko may raket ako e, pero uuwe ako agad 2 hrs lng naman daw" paalam ni anjo , free lance model kasi ito. paminsan minsan ay may mga  komokontrata rito , at sideline na rin.

I.t graduate ito pero iba ang linyang pinasok nito , sa halip mag trabaho sa office mas pinili nitong maging gym instructor .

" hindi ka ba maghahapunan? kumain muna tayo bago ka umalis."

puna ng Ginang.

"naku , busog pa ko ma , isa pa ayoko mag mukhang bloated sa pictorial kaya mamaya nalang ako pag dating." sagot ni anjo saka tuluyan na nagpaalam.

" Ingat kuya!

-ah ma , galing pala ako kila Don Enrico.Kinausap nya po ako kanina.."

kwento ng dalaga.

Agad na naalerto ang ginang ng malaman na kinausap na pala ito ng Don.

"nabanggit na rin ba nya sayo?"

"Opo mama, uuwe na daw po si justine at  Ako nga daw po ang susundo sa kanya.." dagdag ni angela.

Nanatiling nakatingin ang ginang sa kanya na tila may hinihintay pa kung may kasunod pa itong sasabihin , tila napigil nito ang hininga ng malamang pauwe na si justine , mukhang nagulat din ito.

" Bat ganyan yung reaksyon mo ma?"

nagtatakang tanong ni angela.

" wala wala. . uuwe na pala si justine?kung ganun ah eh di maganda , wala na bang ibang nabanggit ang Ninong mo?"

kinakabahang tanong ni  Aling Amelia.

"yun lang naman ma ,bukas ko daw po sasalubungin sa airport" ngiti ng dalaga.

4 o'clock pm , Friday.

Belle Air International Airport

She was wearing  a plain shirt and jeans.Susunduin lang naman nya si justine  so she decided to wear something simple yet comfortable .

The last time she saw justine is when she was just 13 years old at that time ,sa pagkakatanda nya

nasa college na ito.

Matangkad ito at maputi ,siguro naman   makikilala nya ito pag nakaharap nya muli. . although hindi pa sila nakapag usap kahit minsan.

Tiningnan nya ang wristwatch at napansin na 4:10 pm na ..

nakakapagtaka naman at wala pang dumadaan na Justine Villafranca  sa harap nya.

May hawak syang signage na may nakasulat na pangalan ng Binata.

" welcome home  Justine Villafranca!"

para makita sya agad nito.

Inikot nya sa paligid ang tingin , Isang binatang naka suot ng Itim na shirt, may kahabaan ang hairstyle nito , looking straightly to her , with a pair of steel cold eyes. Hindi ito nakasimangot pero hindi rin naka ngiti.

Bigla nitong Ibinaba sa harapan nya ang isang malaking traveling bag.

" Wheres the car?"  he ask with a poker face expression.

"ha?" nalilitong tingala ni angela sa kanya.

" whatever , just bring that to the car."

di na nag- abala pang wika ng lalaki , saka sya nilampasan habang iniwan nitong nakalapag sa sahig ang isang bag .

Did he just talk to me like im just a piece of shit..?

saka lang nag sink in kay angela kung anong nangyayare.

"EXCUSE ME?!" she manage to tell the guy  ..

" who do you think you are? Hindi mo ko maid."

Tumigil ang binata sa paghakbang, he slowly turn to her..

" I am Justine Villafranca."

he said with a deadly serious tone, sabay  baba ng tingin sa signage na hawak nya.

For a split second , natigilan sa paghinga ang dalaga , gumapang ang init ng ulo nya papunta sa pisngi nya dahilan para mejo mamula sya sa inis at hiya. Hindi na nya pwedeng bawiin pa ang mga nasabi nya so she just walk away and told him to follow after her , nasa harap ng entrance ang service car na susundo sa kanila.

Part III. 

The Pact

Simula ng dumating sya sa mansion .. hindi pa nya nakakausap ng matino ang ama nya, he was too busy to his work. In the morning , bago pa sya magising naka alis na ito sa bahay. In the evening , pag dating nya sa bahay nagpapahinga na ito .

Its just like the old times , he does not have enough time for him.

Sub 8 , 9 o'clock pm.

The bar was so crowded , pagpasok mo pa lang dinig na dinig na ang ingay at hiyawan. Deretso sa Vip room si justine , nakita ng bouncer ang gold card nya kaya pinagbuksan sya agad ng pinto ,

sa loob ng vip room naroon ang mismong may ari ng bar si SYRAHN RIYUTA, ang 28 years old na half japanese.

Napatingin ang lahat ng binatang naroon pagpasok ni justine.

" Just!" sigaw ni agad ni jake.

" welcome home , bro!" tumayo agad si Rod para akbayan sya.

" so its real , nandito ka nga talaga sa pilipinas?" di makapaniwala at natatawang wika ni syrahn.

" what brings you here?"

" I can't believe it myself too" sagot rin ni justine.

" ok so kelan ka pa dumating bro?"

tanong ni rod.

"just yesterday" sagot ni justine.

" alright , this calls for celebration!

bro ipapakilala kita sa mga chicks dito , they are all generous and awesome!"

umpisa na ni jake.

" Damn, babaero ka pa rin" justine remarked.

" Don't tell me loyal ka pa rin kay angela- Oops !" hindi naituloy ni jake ang litanya , everyone keep silenced.

Justine look at him sharply ..

" ok ok , I underatand , im sorry , I shouldn't have mentioned her name."

kamot ni jake sa ulo.

Angela Belmonte is justine's first Love.

who was married now to another man,

justine was very affected that he didn't want to hear that name again.

isang katok sa pinto ang bumasag sa eksena nila. pumasok ang isang bantay at may binulong kay syrahn.

" what the hell bro, may mga uniformed men sa labas , hindi kaya pinapasundo ka na ng Dad mo??"

babala ni syrahn kay justine.

" are you kidding?!" tayo ni justine,

that old man is being hilarious again.

mabilis pa sa alas kwatrong lumabas sya sa emergency exit at nagdrive pabalik sa mansyon.

Naabutan nya ang Amang nasa sala , naka uniporme pa ito .

" Gabi ka na. " sita agad ng ama nya pag pasok nya sa pinto.

" Im old enough to handle myself." sagot ng binata.

" we'll thats good to hear then, because thats what I thought too.. thats why I think you are ready for bigger responsibilities , am I right?"

wika ng Don.

" Ang ibig ba sabihin nun , malaya na ko gawin ang mga gusto ko?" He clarified.

" Haven't you heard about your uncle Reynold ? . He is ill, you need to double time growing up your senses . Your good days are done. Get yourself ready you have to be trained , do an internship with your mom's company."

deretsong sabi ng ama nya.

" Internship?" natatawang ulit ni justine ..

" I can't . Hindi ako interesado sa kompanya nila .. besides Uncle Rey has heirs too, bakit di nya ipamana sa mga anak nya ang posisyon."

" correction, "heiress" puro babae ang anak ng tito mo , the eldest is just 18 years old . how can you say that?

Kung buhay ang mommy mo , she won't be happy to see you like that."

pigil ang galit ng Don ng ilabas ang mga salitang iyon.

" But I can't. Just Find somebody else." iling ni justine.

" If you can't then give me a Grandson who can do it." matigas na wika ng ama nya.

" What ?" he smirk at the man infront of him, " How could I possibly do that?"

" Marry Angela De La Vega." sagot ng General.

" And If I don't?" nanunukat na tingin ni justine.

" i'll spare you a week to find the right girl you want, If you can't show me anyone , Expect your wedding day done and settled with in a Month.

You will or else ni piso wala kang madadala pag labas mo sa pamamahay na to. Hindi ako papayag na magkaroon ng bastardong suwail sa loob ng sinasakupan ko.Do or Die."

seryoso at walang kurap na babala ng General sa binata.

Pinagmasdan ni Justine ang pag alis ng ama.He is Dead serious , theres no way that he is going to marry that woman .

Not a girl named Angela , again.

Belle Air International Airport.

5 o'clock pm.

" Angela ! Kumusta na meet mo na ba si Papa J? nakita ko sya nung Arrival , ang super duper awesome!" makapigil hiningang kwento ni fernan, flight attendant din ito.

" papa J? sinong artist, singer ba?" tanong ni angela sa baklang kasama.

" Papa J , di kilala?? Yung Pamangkin nung may ari nitong Belle air, Yung anak ng Ninong mo!?" putak ni fernan.

" hmp. wag mo na ipaalala ..

Napaka rude ng taong yun, hindi gentle man , hindi mabait, Suplado , walang modo-" hindi natapos ni angela ang linya ng pigilan sya ni fernan.

"Ang tanong Gwapo di ba?" taas kilay ni fernan.

" Hindi!" sagot agad ni. angela sabay hawi sa kamay ng bakla.

" bitter ka ateng.." akusa ni fernan.

" Pagkamalan ba naman akong maid at kargador ng luggage nya" masama ang loob na sagot ni angela.

"hahaha ,hindi ka kasi siguro maganda kahapon .. dapat nag ayos ka man lang, syempre galing ng australia lumipat ng japan , for sure nasanay sya na puro magaganda at nakapostura ang kaharap nya. yan napagkamalan ka tuloy na maid.hahaha" tawa ni fernan.

" akala ko pa naman hindi totoo yung mga sabi sabi na may attitude sya, my goodness totoo pala." disappointed na tugon ni angela.

After work deretso na sa bahay si Angela.

" mama, andito na po ako" sabay tabi ng dalaga sa heels nya sa shoe rack.

kasalukuyang nasa kusina ang ina nya , lumabas ito na may hawak na kape.

" kumain ka na riyan" bilin ng ginang.

" busog pa po ako ma" wika ng dalaga saka naupo sa sofa katabi ang ina .

Yumakap ito sa tapat ng tiyan ng ginang tulad ng lagi nitong ginagawa noong bata pa ito..

" oh , bakit .. may e k- kwento ka ba?" agad na tanong ng ina . Sa twing ginagawa kasi iyon ng dalaga kadalasan may kwento itong malungkot o masaya.

" ma , naiinis pa rin po ako kay justine. napaka yabang nya e, akala mo naman ang gwapo gwapo ."

nung nakaraang araw pa bukambibig ni angela ito.

"kelangan natin sya intindihin, maaga sya nawalan ng mama, malayo rin sya kay don enrico nung lumaki , hindi din madali ang dinanas nya dun. Nasanay na siguro sya mag isa kaya hindi sya ganun kagaling makisama." paliwanag ng ginang.

" pero nawala rin naman si papa .."

katwiran ng dalaga.

Biglang tumikhim ang ina ,

hinaplos ang buhok ng dalaga.

" nak , may dapat kang malaman..

Ang papa mo at si don Enrico , may kasunduan sila noon. kapag nagkaanak ng babae ang dad mo , ipagkakasundo nila ito , at Ipapakasal." pagtatapat ng mama nya.

kumalas ang dalaga at napatitig sa Ginang.

" Ma , joke ba yan?" kinakabahang tanong ng dalaga.

"Nak , kahit labag ito sa kalooban ko , kelangan nating tumupad sa kasunduan, naging mabait at mapagbigay sa atin ang don. Pinag tapos nya kayo at hindi nya tayo pinabayaan gaya ng pangako nya sa papa mo . Ngayong nariyan na si justine , baka ano mang oras sabihin na rin ng don iyon sayo . Maging handa ka sana .." pagtatapat ng ina nya.

" Ma , matagal nyo ng alam to lahat?

ako na lang ba ang di nakakaalam?

bat ngaun nyo lang sinabi sa kin ma?"

sunod sunod na tanong ng dalaga.

tumango ang ginang .

Hindi makapaniwala si Angela , hindi nya alam kung anong dapat nyang maramdaman. Tumayo sya at pumasok agad sa kwarto.

halo halong emosyon ang nararamdaman nya . maraming tanong sa isip nya ..

alam rin kaya ito ng justine na yun?

kung alam ito ni justine , pumayag kaya to?

bakit nagawa yun ng papa nya?

Part IV.

Dance floor Demi Gods

" Captain Bryan Del Mundo!" tawag ni cedrik sa lalaking naka suot ng uniform ng isang piloto.

the man stop walking and look back at him..

"Capt. Cedrik ventura , what can i do for you?"

" Sama ka , birthday ko mamaya e, wala akong kasama magcelebrate" imbita ni cedrik.

Isang hindi pamilyar na mukhan ang nahagip ng matalas na tingin ni Bren, Isang babaeng naka white blouse, shes wearing a scarf , a clear indication that she's probably working here also..but a new face obusedly..

" bren" tawag  pansin ni ced, saka sinundan ng tingin ang babaeng tila pinagmamasdan nito.

" ah , thats Angela Dela Vega ."

Ngumiti ng tipid si bren,

" You know her?"

"Ofcourse naman yes! Ako ang captain nila sa cabin, alam mo naman maganda   at pogi lahat ng cabin crew ko" proud na wika ni ced.

" Excuse  me , miss"  tawag ni bren sa dalaga ng tumapat ito sa kanila .

medyo nakalampas na ang dalaga pero tumigil ito.. " Good morning captain! what can I do for you?"  balik agad ni angela.

" check your buttons, lady" babala ni bren , saka naglakad na paalis.

agad naman humabol si ced kay bren at kumaway na lamang kay angela.

Yumuko si angela at agad na inayos ang bukas na butones sa tapat ng dibdib nya. Medyo masikip kasi ang uniform na yun sa kanya kaya minsan kumakalas . Malamang idagdag nya ito sa listahan ng embarrassing moments nya.

"hey bessy! you heard that? sabi ni capt. Ced invited tayo sa birthday celebration nya mAmaya after work."

tuwang tuwa na lapit ni fernanda.

" kanina ka pa ba jan?" tanong ni angela.

" di naman masyado , nakasalubong ko lang naman sila capt. del mundo at ced" . sagot ni fernanda.

mabilis lumipas ang buong maghapon mga bandang 8 ang usapan nilang oras para magkita kita sa isang lugar na nabanggit ni Ced.

Sabay na dumating si Ced at Bren sa venue , kasunod si Cathy Landers at ellie.

" hey , bro remember that song ?"

tukoy ni ced sa tumutogtog na musika.

its a song from Yin yang entitled  

" dangerous".  Throwback dance hits ang mga tugtog.

"hahaha  we used to dance with that during our highschool days bro"paalala ni ced.

napangiti lamang si bren.

tumingin sya sa paligid lumawak na ang saab'8 , ilang panahon na rin simula ng huli syang napunta dito.

Samantala sa kabilang dako..

Vip lounge , Saab'8.

8:00 pm.

mula sa taas kitang kita ni justine mula sa pwesto ang mga tao sa ibaba , nakaharap sila sa entrance kayat tanaw nya mula dun ang mga pumapasok at lumalabas ..habang abala si jake sa pagpapakilala ng babaeng hindi naman sya interesadong makilala.

Isang pamilyar na pigura ang dumating .Isang babaeng tansya niya ay nasa 5'6 ang tangkad , sakto ang pangangatawan , bagsak ang makintab nitong buhok at maganda ang hugis ng mukha nito ..  tila nakita na nya ito , hnd nya lang matandaan kung kelan at kung saan .

Lumapit ito sa isang grupo na nasa couch . Anim silang lahat na naroon, tatlong lalaki at tatlo rin na babae.

Nakipagkamay ito sa mga naroon, napaismid si justine ng mamukhaan ang isang lalaki sa grupong yun.

Kung di sya nagkakamali , naroon si bren .

" I like your taste bro , do you want me to introduce you with that girl?"  pagbubulontaryo ni jake , nakatingin ito sa dakong tinitingnan nya din.

" you must be mistaken ,bro.

thats bren , my cousin" pagkaklaro ni justine.

" aww  akala ko pa naman pareho tayo ng nakita.." paninigurado ni jake.

"ok girls , have fun here ..and whats important here is make sure to make my friend feel comfortable and satisfied.." bilin ni jake sa dalawang magagandang dilag saka tumayo at umalis.

pinabayaan lamang sya ni justine.

Bumaba si jake.

dumaan sa table nila bren , nakipag kamay sa lahat ng kasama nito kabilang na ang dalagang tinutukoy niya kanina.

pagkatapos ay bumalik ito sa orihinal nitong pwesto , bilang disc jockey or "dj" ng bar na iyon nilapit nito ang bibig sa mic at nag announce.

" Ladies and gentleman , good evening ! alright if you have some request feel free and ofcourse I would like to greet the beautiful lady out there miss Angela Dela Vega , this song is for you!"

Remix of  Wild thoughts  by dj khaled ft. rihanna.

Nag sayawan ang mga nasa dance floor.

"whooo!" sigaw ni ced .

" hey come on lets dance" yaya ni ced sa kanila . tumayo sila cathy at ellie ganun din si fernanda. nanatili si bren at angela sa upuan.

" hey bro , tara" pilit  pa nito kay bren.

ngunit hindi nagpatinag ang dalawa.

" ahm , excuse me sir mag  c- cr lang ako" paalam ni angela.

" go ahead , but next time just call me bren lalo na kung nasa labas lang tayo" paalala ng binata.

" ah nakakahiya naman po , pero cge po" sagot ng dalaga saka nagpaalam na pumunta saglit sa ladies room.

Tumayo si Bren susundan nya sana si Angela para samahan ito sa ladies room , baka kasi makasalubong ito ng lasing o lokoloko..

Ngunit na stranded sya sa gitna ng dance floor tinapik sya ng isang lalaking nag b- break dance , mukhang nasa gitna sya ng dance showdown ng di nya namalayan.

" Im sorry .." hingi ng paumanhin ni bren , ngunit isang malakas na BOOOOOOOO!! ang hiyaw ng mga naroon na nag aabang.

Isang matagal nang kaugalian  doon ang dance showdown , hindi iyon maaring tanggihan . kaya't napa kamot nalang sa sentido si bren at natawa  , ano pa nga ba ang magagawa nya?

itinaas nya hanggang siko ang longsleeve na suot saka binuksan ang unang 2 butones ng damit upang makagalaw  ..

Naghiyawan ang buong  crowd ng ihagis nya ang neck tie at humataw sa indayog ng SWALLA  ni jason derulo na pinapatugtug ni dj Jake.

Ang rules ay  kelangan mong tumapik  o sumayaw sa tapat ng taong gusto mong hamonin upang ipasa ang momentum ng sayaw at  ng maka exit sa eksena.  Ngunit lumayo ang mga tao at kasalukuyan syang nasa loob ng bilog na pinapalibutan ng mga ito ,

hinahanap nya si Ced ngunit di nya ito mahagilap , hanggang sa makita nya ang isang pamilyar na mukha sa itaas na nakatunghay sa kanya ..

Itinuro ni Bren ang binata sa Itaas tumingin lahat sa dakong yun , ..

Umarko ang kilay ng binatang nakatunghay sa itaas .. saka tinaggap ang hamon na iyon ,

"lets acknowledge the presence of our captain pilot BRen , an alumni of EU and a former dancer of Sub Urban . . now lets watch out for the one and only  Justine Villafranca, also an alumni and a former dancer of  Dark Moontale."

intro ni jake sa dalawa.

hindi na nakakapagtaka na halos taga East U ang naroon, kasi malapit ito sa unibersidad na iyon kaya halos tambayan at hide out na ito ng mga estudyanteng may active night life lalo na at byernes pa.

Naghiyawan ang mga babae ng ihagis nito ang white Baseball cap nito ,

lalong nag ingay ng humataw at gumalaw na ito sa dance floor.

Nang matapos ang sayaw,

halos malakas na tilian ng mga babae ang maririnig sa loob ng bar , nagtaka si angela  habang naglalakad pabalik sa pwesto nila , ngunit Isang binata ang humarang sa daraanan nya sana,

sa tangkad nito napatingala ang dalaga , amoy alak ito , pinipilit sya nitong isayaw pero sobrang lasing na ito kaya nag aalangan na napaatras si angela , ngunit hinila sya ng lalaki at halos yapusin na sya nito ngunit naiharang nya ang kamay sa pagitan nila at pilit na inilalayo ito..

maingay sa loob at medyo madilim kaya hindi nya alam kung anong gagawin nya, wala atang makakapansin

sa kanila para tulungan sya .!?

Isang malakas na pwersa ang biglang humila sa lalaki , at  isang malakas na

lagabaggg!!! ng bigla itong tumilapon at bumunggo sa table na may mga tao . nagsigawan ang mga nakakita.

Sa gulat ni angela , she gasp with shock and unable to speak at first , kitang kita nya kung pano sinuntok ng binatang naka itim ang lasing na iyon , humakbang ito at hinila si angela palayo dun.

" You killed him?!!" hysterical na wika ni angela.

"Your exaggerating, he was knocked down but his not dead, not yet ."

kalmadong sagot nito.

" I can't believe this, my goodness , napurohan mo sya  , oh my .. napurohan mo ba sya??"

hnd makapaniwala si angela sa ginawa nito.

" seriously? after what he has done to you?" tugon lng ng binata .

waitβ€”β€” that. voice??

napaisip si angela , sounds so familiar.

" Angela !" bren called out ng mahanap si angela , "we've been looking for you.."

napalingon silang dalawa kay bren,

" uh justine ?"  bati ni bren sa binata .

boom..!

yun eh sabi na nga ba pamilyar ang boses nito .naalala agad ni angela ito.

"magkakilala po kayo?" nagtatakang tanong ni angela.

" ah yes.. We're batchmates" sagot ni bren.

" Yeah right, Nice to see you again, Una na ko .."wika ni justine  sabay shake hands kay bren , tinapunan nya ng makahulugang sulyap si angela bago tuluyan umalis.

Mga bandang alas dose na ng tuluyang  magpasya sila fernand at angela na kapwa umuwe na, nagboluntaryo si bren na ihatid sila para makauwe sila ng ligtas at maayos .

Naunang bumaba si fernand dahil madadaanan lamang ang bahay nito, kung kaya naman naiwan na lamang sa loob ng kotse sila angela at bren.

habang tinatawid ang mga daan tumutugtug ang stereo ng sasakyan ng binata inabot nya ito upang hinaan.

" ok ka lang?" tanong ni bren ,

" ok lang po sir" sagot ni angela.

" bren na lang, East U ka rin ba?" tanong muli ni bren.

" ah opo, pasensya na nasanay na kasi ako sa sir" paumanhin niya.

" fresh grad ka diba?" bren.

" Yes po." angela.

" so  that means , ahead ako ng 3 years sayo" bren.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status