Share

Chapter 35

-

Maayos kaming nakarating sa bahay. Hindi kami halos nag-usap na dalawa ni Jaxon sa buong biyahe. Ang kambal ang halos kausap niya at magiliw naman siyang sinasagot ng dalawa sa lahat ng tanong niya. Tulog na ang mga bata pagdating namin. Mukhang hindi pa tapos ni Sebastian ang kung ano mang problema sa site nila dahil sa buong biyahe ay hindi rin siya tumawag sa akin. Tahimik kaming pumasok na dalawa habang bitbit ni Jaxon ang tulog na si Malik. Nasa akin si Margaux na bagsak na rin katulad ng kakambal niya.

"Iaakyat ko na si Malik. Kaya mo ba si Margaux?" tanong pa niya sa akin.

"Ako na ang bahala sa kanya."

"Sigurado ka? Baka napapagod ka na."

Umiling ako bilang tugon. Nakasunod lamang ako sa kanya habang pareho kaming umaakyat sa ikalawang palapag ng bahay habang bitbit namin pareho ang mga anak namin. Pumasok siya sa kwarto ni Malik habang nasa kwarto naman ako ni Margaux. Mabilis ko lang na binihisan si Margaux habang tulog ito. Nang matapos ay lumabas na rin ako sa kwarto
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status