Share

30

Tulala akong pumasok sa apartment, napalingon ang mga kaibigan ko na nasa sala nanonood ng pelekula sa tv.

"Anong nangyari?!" Tumakbo palapit sa akin si Maika, nag-aalala.

"Anong nangyari sa'yo?! Umiyak ka ba?" Sunod na nagtanong si Vien.

"Si Sammuel ang naghatid sa'yo?" Si Clouie na nasa likoran ko, lumabas pala siya sa apartment.

"Anong ginawa ni Sammuel sa'yo?" Hinila ako ni Vien papunta sa sala at pinaupo sa sofa.

Nasa harapan ko silang lahat ngayon, nag-aalala sa akin.

Tinignan ko sila isa-isa, namuo na naman ang luha sa mga mata ko.

Nag-ulap ang paningin ko.

"M-Magpo-propose na si Sammuel sa girlfriend niya," bumiyak ang boses ko.

Traydor. Sinabi ko na kanina na hindi ako iiyak aa harapan ng mga kaibigan ko. Sinabi kong ayaw kong ipakita sa kanilang mahina ako.

"Bakit ka nasasaktan? 'Di ba naka move on ka na?" Lumuhod si Maika sa harapan ko.

Kumirot ang puso. "P-Paano ang anak ko?" Mangiyak-ngiyak kong tanong sa kanilang tatlo.

"Hindi naman kasi 'yan ang problema, eh
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status