Share

31

"Sinundan mo ba ako?!" Gulantang kong tanong at tinulak siya palayo sa akin.

"What? No."

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Hindi ako naniniwalang hindi niya ako sinundan hanggang dito sa beach. Paano nalaman ng kumag na 'to na nandito ako?!

"Bakit nalaman mong nandito ako, ha?!"

"Alam ko lang—"

"Sinundan mo nga ako!" Pagputol ko sa sinabi niya.

Inirapan ko siya pero ngumisi lang siya sa akin.

"Nauna ako dito dumating. Baka ikaw itong sumusunod sa akin,"

Nalaglag na lang ang panga ko sa sinabi niya. Wow! Talaga lang ah?! Ako pa talaga itong naghahabol sa kanya? Ang kapal nga naman ng pagmumukha ng kumag na 'to.

Habang nakatitig kay Sammuel ay naalala ko na lang bigla 'yong unknown number na nagtext sa akin kagabi.

'See you tomorrow...'

What the?! Hindi kaya si Sammuel 'yong nag text sa akin?!

Tumalim ang titig ko kay Sammuel. "Ikaw 'yong nag text sa akin kagabi 'no?!"

Kinagat niya ang labi niya tsaka sinuklay ang buhok na sinasayaw ng hangin.

"Bingo!" Humagikhik siya.

Umi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status