THIS MUST BE A dream right? There was no way na naghihingalo si Izabella? There was no way that her skin was getting paler as the minutes passed?
Kinurot ni Freni ang sarili. Masakit. Which means totoo ang lahat ng ito. Izabella was really...dying.
Freni held her hand. Napakalamig nito kasinlamig ng yelo. Naglakbay ang takot sa buong katawan niya. “I-Izabella. Huwag kang magbiro ng ganyan. Sinabi ko naman hindi ba na huwag na nating patulan si Cedrick? You should have listened to me,” saad niya sa mahinang boses. “Ayokong mawala ka. Isa ka sa itinuring kong kapatid sa Ebrosirka,” mangiyak-ngiyak na wika niya.
Right at this moment, ipinagdasal niya na sana may kakayahan siyang manggamot. Sana hindi siya ordinaryong tao lamang na walang kapangyarihan. Sana Medisina na lang ang kinuha niya
NANG DUMATING sina Freni at Dax sa bahay ng huli, lantang-lanta na ang katawan niya. Hindi na niya maintindihan kung alin ang mas pagod sa kanya. Ang katawan niya ba o isipan.Nag-taxi na lang silang dalawa upang mabilis na makarating sa bahay nito. It was a fifteen minutes drive mula sa Released bar.Nagtatanong ang mga mata ng driver nang makita siya. Lalong-lalo na siya na duguan ang damit. Ngunit hindi na lang din ito nagkomento at pinaharorot ang sasakyan.Ebrosirka was like the human world. Para lang itong reflection ng mundo niya. May mga sasakyan din. Iyon nga lang sa mundo ng mga tao, walang super powers ang mga tao.Tahimik lang sila sa buong biyahe. Hindi n
"COME AGAIN?" tanong ni Freni kay Stephano. Baka nabingi lang siya at namali ng dinig.Sensing her worry, agad itong nagwika. "There is nothing to worry about. Everything is under control now. Pinarusahan ko na ang mga nag-aklas. Sa ngayon, matagal-tagal pa bago ulit iyon masundan. We made sure of that."So mas malaking parusa ang ginawa nito. "Anong klaseng parusa? How sure are you na matagagalan pa? Stephano. Baka nakagawa na ng isang army si Cedrick. And now that he was gone, baka may pumalit sa kanya na mas makapangyarihan pa. I saw with my own eyes na nahirapan din sa kanya si Sophia.”"Kamatayan ang ginawad ko na parusa, Freni. Sigurado akong naghahanda pa ang mga iyon sa muling paglusob.""Are you okay?" tanong ni Freni kay Stephano.
PARANG ISANG INA na nag-comfort si Freni kay Stephano. “Everything will be alright, Stephano,” gamit niya sa pahayag na sinabi nito sa kanya noon. “Lilipas din ang lahat ng ito. There is a time for everything. Baka sa ito ang time upang mag-grieve tayo bago mag-heal.”Siya na naman itong nag-co-comfort sa lalaki. Ganito naman dapat, hindi ba? You should always have each other's back. Kung may problema ang isa, dapat damayan ng isa. Hindi madaling sarilinin ang problema. Nakaka-stress. Nakaka-buang.“Hindi kita iiwan. Kahit na bumalik na ako sa mundo ko, nandito pa rin ako. You can contact me, Stephano. We can talk whenever I have my free time. Affordable lang naman ang internet connections. With all your money, sentimos lang iyan sa iyo.”She tried to joke to lighten the mood, per
ANONG GINAGAWA ng bata rito? Nagpaaalam ba ito kay Poh na lumabas? Kilalang protective ito sa anak kaya nagtataka siya kung bakit nakalabas ang bata. At in fairness. Walang chaperone na multo. Hindi niya rin nakita si Jasper na malapit sa bata.Kumaway ito kay Freni. Excited. Para bang inuutusan siya nitong sumama muna sila sa mga naglalaro ng saranggola.Eh, iyan naman ang ginagawa mo, hindi ba? Kahit na may importante kang gagawin?Nagsalubong ang kilay niya.The child looked normal today. Hindi ito nag-aapoy (which was part of his illusions). Maybe because he was out of the open, and he couldn't risk his identity among the people. Baka kung i-expose nito ang sarili, pag-interesan ng ba ang buhay nito since kilala ang ama
HINDI KAAGAD NAKAIMIK si Freni sa sinabi ng bata. “Anong pinagsasabi mo?” tanong niya rito.Lumabi ito. “Sasamahan nga kita papunta sa ikaapat na bantay,” balik nito sa sinabi nito. “Grabe naman, eh. Mukhang hindi ka naman nakikinig sa akin,” pagmamaktol nito.Ang bata-bata pa talaga nito. Masyado pang immature. Kulang na lang magdabog.“Bakit ikaw? Marami namang puwedeng pakiusapan para ihatid ako sa pang-apat na bantay?” reklamo niya.In short, nag-aatubili siyang ito ang sumama sa kanya. Mapaglaro ang batang ito. Baka manganib ulit ang buhay niya. Hindi nga rin niya alam kung na disiplina na ito ni Poh. Parang wala naman. Walang nangyari, eh.Akala niy
UMILING SI FRENI. There was no way na makikipaglaro ulit siya sa batang ito. Minsan na ring nanganib ang buhay niya sa batang ito, kaya bakit pa niya uulitin? Hindi pa siya nahihibang upang gawin iyon.“Ayoko sabi,” deklara niya. “Hanapin mo iyong duwende. Doon ka sa kanya makipaglaro, bata. Huwag ka na lang makulit, okay?”Lumabi ito. “Pangit ka na nga, ayaw mo pang makipaglaro sa akin. Sige na. Maglaro na tayo. Pangako. Iba itong lalaruin natin.”Napabuntong-hininga siya. “Mas enjoy ako ngayon sa pagmamasid sa dagat. Hindi mo ba nakita ang paglundag ng mga isda? Ayan oh!” bulalas niya. Klase-klase ang mga isdang naroroon. May iba't-iba ang kulay gaya ng bahaghari sa kalangitan. “May mga dolphins pa!” p
NAGDABOG ang bata saka umatungal ng iyak. Nagkikisay ito at humiga sa sahig. Ang lakas ng pag-iyak nito na kayang umabot hanggang dalampasigan na animo inagawan ng isang milyong peso.Nagpalinga-linga. The door was still closed. Walang sinuman ang kumatok sa pinto nila upang sabihing nakakabulaw sila.Right now, safe pa sila mula sa kahihiyang ibinigay ng batang ito.Mabuti na lang at hindi pa nila naagaw ng pansin ang atensyon ng ilang pahinante ng barko.Napa-facepalm siya.Nag-init ang magkabila niyang pisngi. Baka kung ano na ang isipin ng mga trabahante ng barko sa kanya oras na madiscover ng mga ito ang tantrums ng bata. Na i
HINDI MAIGALAW NI Freni ang katawan.A snake! A snake! A snake!She was hyperventilating. Ngayon lang siya nakakita ng malahiganteng ahas. Kasinlaki pa ng binti niya.She wasn’t able to identify its color due to the darkness of the place. Despite the absence of light, the snake was still able to locate her using the vibrations.What kind of snake was this? Sana hindi poisonous ang ahas na ito.“Hindi mo na kailangan magtanong, Freni! Gumalaw ka na, or else you will die!” ani ng isang parte ng utak niya.If only she had a dagger in her hand, she would try fighting it. Ang sarili lang niya ang makakatulong sa kanya. Nobody else.