Share

Chapter 7: Slow Motion

Chapter 7

Slow motion

Brandon's POV 

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang buhat si Delos Santos papuntang clinic.Hindi ko mapigilan ang pag-aalala sa lagay niya dahil sa lakas ng pagkakatama ng noo niya sa props na may halong metal kanina.

"Nurse, paki asikaso po!" Nilapag ko siya sa pinakamalapit na higaan at mabuting agad naman siyang dinaluhan ng nurse at sinuri ang ulo niya.

"Anong tumama sa ulo niya?"

"Tumama po ang noo niya sa metal prop namin, nurse." Kinakabahan kong turan.

"D’yan ka na muna sa labas maghintay. Gigising din siya." Tumango na lang ako habang hindi napapanatag na palakad lakad sa harap ng pinto.

"Brandon! Is she okay?" Tiningnan ko ang mga bagong dating. It’s Mina with the art club President, Ms. Clara. 

"Ginagamot pa siya sa loob."

"Sana okay lang siya." Bulong ni Ms. Clara. Napatango na lang ako at pinipilit na pakalmahin ang aking sarili. I don’t know why I’m so worried.

'Gusto mo kasi' Napailing ako sa biglang pumasok sa isip ko.

No! Hindi ko na siya gusto simula nung makasalamuha ko na ang walang habas na bunganga at ugali niya. 

Nakaka-turn off. She is better when she's silent.

'Really?' Shut up mind! Sita ko sa pakialamero kong isip.

Fifteen minutes pass ay pinapasok na kami ng nurse.

"Ok na po siya." Inporma ng nurse. Eh, bakit hindi pa po siya gumigising?" Nag-aalala kong tanong.

"Bumabawi lang siya ng lakas 'wag kayong mag-aalala. Kung gusto niyo naman makasigurado ay pumunta na lang kayo sa hospital." 

"Alright." I sigh in relief.

"Oh, by the way. Paki lagay na lang itong hot compress sa noo niya para mabawasan ang pamamaga."

"Salamat po."

"Walang ano man." She said and disappeared in the door.

Lumapit ako sa kinahihigaan ni Delos Santos at dinampian ng hot compress ang noo niya.Tsk! Ang engot kasi hindi nag-iingat!

Habang dinadampian ko ang noo niya ay biglang may malalakas na boses mula sa labas na bigla na lang sumugod sa loob.

"Nasaan ang tropa namin?!" I look outside and found several male students.

My forehead crest with the commotion they’re making. Tropa? Baka nagkamali sila ng pinuntahan.

Sinuri ko ang mukha ng dalawang lalaki sa aking harapan. They look suspicious in their uniforms. More like trouble for me.

"Delos Santos, anong nangyari sayo, tol!?" Nagulat ako nang lumapit sila kay Brenda. 

"Sino kayo?" Tanong ni Ms. Clara.

"Mga kaibigan po kami ni Santos." Sagot ng isa.

"Sino bang may gawa nito sa kanya?! Ang lakas ng loob! Sabahin niyo kung sino para maturuan namin ng leksyon!" someone said while cracking his knuckles. 

"Aksidente ang nangyari kaya hindi kayo dapat maging bayolente." Saad naman ni Mina.

"Abay! Pinagtatakpan niyo pa!" Sigaw ng isa na may pa talsik laway pa. I recline to avoid it.

"A-Ang lakas ng boses mo C-Clinton, M-Mahiya ka naman!" 

Lumapit ako kay Brenda. She’s awake! Natigil sila sa pag-iingay sa mahinang sigaw na ‘ yun. I look so worried seeing her cup his head.

Brenda's POV

Ang una talagang bumungad sa akin ay ang maingay na boses ni Clinton. My gahd! Walang konsiderasyon ang damolag!

"Tol, ayos ka lang ba? May masakit ba sa katawan mo? Saan ka tinamaan? Baka naman humarang ka? Naririnig mo ba ako? Hindi ka ba mamatay?" sunod-sunod naman na tanong ni Mike halatang nagpa-panic.

"Gago!" pinalo ko ang braso niya para matauhan ang gago.

"Alam mo bagay talaga sayo 'yang pangalan mo eh. Parang kang si Mike Enriquez, ang dami mong tanong! Pwede isa isa lang? Nahihilo ang kalaban eh, literal." Narinig ko ang pagtawa ni Clinton kasunod ng sinabi ko

"Hehe, sensya, tol. Nabigla lang." sinamaan ko siya ng tingin.

“Hindi bagay sa’yo mag-panic oy! Pangit ng mukha mo!” biro ko na kinanganga niya. Nalukot ang mukha niya dahil doon. Ang sarap talaga asarin ng mokong.

Nilibot ko ang aking tingin sa kanila, "Ayos lang ako mga, tol. Bakit ba kayo nandito? Disturbo lang kayo sa pagpapahinga ko eh." Reklamo ko pero deep inside—I’m touch.

"Wow hiyang-hiya naman kami, tol. Kami na nga itong nag-alala sa'yo."

"Salamat ng malaki ah? Okay na? Umalis na nga kayo. Lalo ka na Clinton, ang laki-laki ng boses mo nakakaistorbo ka baka sabihin nilang may masamang taong nakapasok."

"Judgmental." Mabilis na akusa ni Clinton sabay irap.

"Wow, naka-english. Kinagwapo mo? Alis!" I motion them to go out.

"Oo na,'wag ka ng magsayang ng energy. Magkukusa na kami, nakakahiya naman sa'yo. Buti nga may malasakit pa kami." Pagdadarama ni Clinton habang palabas.

"H'wag kang mag-drama hindi bagay sa'yo!" Pahabol ko.

"Magkabukol ka sana!" Banat niya.

"Pakyu!"

"Hello, may tao pa dito." Napalingon ako sa pinangalingan ng boses.

"Nandito pala kayo. Pasensya na sa mga 'yun, mababait naman sila eh. Maingay nga lang." Nakangiti kong sabi.

"It's fine, are you feeling well now? Hindi ka na ba nahihilo?" Tanong ni Ms. Clara.

"Okay na ako wala na kayong dapat ipag-alala. Salamat pala sa pagdala niyo rito sa'kin." Sambit ko na malaki ang ngiti.

"Nako! Hindi ka dapat samin magpasalamat, kay Brandon. Sa kanya ka magpasalamat. Nako kung nakita mo lang ang mukha niya kanina. Akala mo boyfriend kung makapag-alala." Saad ni Mina na parang... kinikilig?

Napatingin ako kay Brandon na agad namang nag-iwas ng tingin.

"It's nothing special ok? 'Hwag kang maniwala sa kanila. They're just exaggerating things." Depensa nito sa malamig na boses.

"Pero feeling ko totoo ang sinabi nila." Bigla siyang napatikhim at yumuko sa panunukso ko. Oooy, huli!

"Isipin mo ang gusto mong isipin hindi naman kita mapipigilan." Irap niya. Napatunganga na lang ako sa sinabi niya. Wala talaga siyang kapaki-pakialam sa mundo. Umiling ako sa pagkatalo.

"Mukhang okay ka naman, Brenda. Mauna na kami at tatapusin pa namin 'yung ibang props. Magpagaling ka." Tinanguan ko si Ms. President.

“Sige lang po, pasensya na ulit.”

"Alis na kami." Sabay nilang paalam ni Mina.

"Salamat ulit."

"Walang ano man." Mina nodded.

Nang makalabas sila ay biglang binalot ng nakakabinging katahimikan ang paligid.

Nakatingin lang sa harap ang aking mga mata iniisip kung bakit hindi pa umaalis si Brandon. Dahil hindi ko na kaya ay ako na ang naglakas ng loob na magsalita.

"Salamat sa pagdala mo sa'kin dito, Bran." I sincerely said. The idea of him worriedly took me here made my heart quiver in glee.

"You're welcome." Maikli niya sagot. Muli na naman kaming natahimik.

"O-Okay na yata ako. U-Uwi na 'ko.” Saad ko sabay tayo. I need to escape before I’m out of breath with his dominating presence. 

Sinubukan kong tumayo mag-isa, ngunit pagtayo ko ay bigla akong nahilo. 

"Ingat!" Maagap na nasalo ako ni Brandon sa kanyang bisig. Kasalukuyang siyang nakahawak sa aking bewang gamit ang braso bilang alalay.

Napatingin ako sa kaniya at parang biglang nag slow motion ang paligid nang magkatagpo ang aming mga mata namin. Nakatitig lang ako sa nakakahipnotismo niyang mga mata habang nakahawak pa rin siya sa akin.

Our faces are inches away from each other at para akong nawawalan ng hangin dahil doon. Shit! Ang landi ko namang tomboy kuno!

"Is everything ok?" Tanon ng nurse. Natulak namin ang isa't isa nang biglang pumasok ang nurse.

"O-Okay lang po. P-Pwede na po ba akong umalis? Sa bahay na po ako magpapahinga para tuoly-tuloy na." mabilis kong saad na nauutal pa.

"Sure, pwede ka ng umalis. Please take care." Tugon ng nurse na mukhang hindi naman nag-isip ng masama sa nakita. Naisip ko tuloy, si Principal lang talaga ang malisyosa sa school na’to. Ang conservative ni Tandang Sora niyo!

"Okay po." Sinubukan ko uling tumayo pero biglang sumakit ang noo ko at parang mahihilo na naman ako.

Aish! Paano ako makakauwi nito? I heave a sigh and pouted.

"Sumakay ka na sa likod ko. Hihahatid na kita sa inyo." Napatingin ako kay Brandon na nag-alok niyon. Namalayanan ko na lang na nasa harap ko na pala siya.  

"H'wag na. N-Nakakahiya naman sa'yo mabigat pa naman ako." Ang lalaking ‘to talaga! Bibigyan yata ako ng heart attack!

"I insist, h'wag ng matigas ang ulo parang kaya mo namang maglakad." Those words made me feel special for an unknown reason. Ngayon ko lang ‘to naramdaman sa iba.

"Hoy! Anong ginagawa mo?" Nagulat ako nang hinawakan niya ang kamay ko at pinayakap iyon sa leeg niya sabay buhat sa akin.

"H'wag kang mag-inarte. As if we have a choice." I can imagine his grumpy face saying it. Biglang uminit ang pisngi ko sa ginawa niya. Shit! Nararamdaman ko na naman ‘to.

To be honest, sa movie ko lang nakikita ang mga ganito. So this is the feeling of being carried in someone’s back. Parang sasabog ang puso ko sa libo-libong pakiramdam na hindi ko mapangalanan.

"Kumapit ka ng mabuti." Napapikit ako, his voice is comforting me. Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap ng braso ko sa kanya. Lalong nagwala ang puso ko sa ginawa niyang iyon. 

Nagsimula na siyang maglakad. Hindi ko napigilang mapangiti. I rest my head on his shoulder at naamoy ko ang napakabango niyang amoy.

Shit! Hindi ka kasi kumapit ng mabuti puso eh. Sinabihan kana ayan tuloy nahulog ka! Babalikan na lang kita kung nasaan ka man. D’yan ka na lang muna at susulitin ko muna ang pakiramdam na ‘to.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status