Share

Chapter 6: I Think

Chapter 6

I Think...

Brenda's POV

Bago pa rin sa akin ang pakiramdam kapag nagkakatinginan kami ni Brandon at ang biglang pagwawala ng aking puso. Kahapon, pagkatapos ko siyang samahan sa locker niya ay nagpresenta siyang ihatid ako sa amin kahit okay lang naman na hanggang sakayan lang. Akala ko galit siya dahil sa masungit niyang mukha pero akalain mo 'yun?

Ang daling natapos ng araw at dismissal na namin ngayon sa hapon. Nagi-guilty nga ako kila Mike at Clinton dahil hindi na ako masyadong nakakasama sa kanila nitong mga nakaraang araw. 

Paano ba naman eh ang dami naming ginagawa. Nakasanayan ko na nga na sabay kaming pumupunta ni Brandon sa theater club.

"Bran! Hintay naman! H'wag ka namang magmadali, bro!"

Walang habas kong pinasok sa aking bag ang aking mga gamit at nagmadaling humabol sa kanya.

"Teka," inakbayan ko siya nang makahabol ako. Tumigil siya sa paglalakad dahil sa ginawa ko at hinarap ako ng may nakakunot na noo.

"Since when did you start to comfortably talk to me? As far as I remember we are not friends and we're not that close as classmates."

I pouted my lips while averting my gaze. Well, masama ba ‘yun?

"Hehe, well I assumed that we're friends. My problema, bro? Masaya akong maging kaibigan." I said with a big smile on my face.

Nakakunot pa rin ang noo niya na kinanguso ko. "H'wag mong sabihing galit ka pa rin dahil sa nangyari kaya tayo nagbo-volunteer ngayon. Nagtatago ka pala ng sama ng loob. Nako! Masama 'yan!" 

Tinapik ko ang kanyang balikat. "Stop that! I'm over it, okay? I just don't want to get associated with you, you're trouble, and don’t call me bro!"

Napahawak ako sa aking dibdib nang parang patalim na tumarak roon ang mga salitang kanyang binitawan.

"Ouch! Ang bias mo naman. Hindi mo man lang ba ako kikilalanin? Baka magbago ang isip mo. Sinabi ko nga 'di ba, masaya akong maging kaibigan, promise." Nag-puppy eyes pa ako sa kanya pero dinedma lang ako ng gago.

Tinalikuran niya ako at mabilis na naglakad. Nagmadali naman akong tumakbo para makahabol sa kanya. 

"Hoy! Ano ba?! Ayaw mo talaga akong maging kaibigan?!" pangungulit ko pa.

"Don't come near me! By the way we're late, better hurry." Pinanlakihan niya ako ng mata. Ang sungit talaga!

"Daan muna tayo sa canteen! Gutom na mga alaga ko. Please." Pinagmukha kong nakakaawa ang mukha ko sa harap niya.

"Ikaw na lang. I'll pass, I'm not hungry." He said with a stoic expression. 

Parang may tumulak sa’kin sa bangin nang marinig ang sagot niya na ‘yun.

Napanguso ako sabay hawak sa aking t’yan. "Pero gutom na talaga ako eh."

"Then go on your own." Malamig niyang turan na sa tingin ko ay seryoso talagang ayaw akong samahan.

"Hay, mamaya na nga lang." Saad ko sabay buntong hininga sa pagkatalo.

Binilisan ko na lang ulit ang aking lakad para makasabay sa bilis ni Brandon. 

He looks annoyed while looking at me by his side. Nginitian ko siya pero mas lalo niyang kinasimangot iyon. Akala siguro niya pinagtitripan ko lang siya. 

Hmp!

Nang makarating kami sa teatro ay napansin naming sobrang busy ng lahat. Nasa taas ng stage ang mga nagi-ensayo ng play, samantalang ang mga nasa likod naman ay busy para sa paggawa ng mga props.

"Bakit ngayon lang kayo?" Bungad sa amin ni Mina. Isa siya sa mga punong abala para sa mga props.

"Pasensya na, nag-extend si prof. No much choice." Saad ko.

"Reason accepted now go to work, bago pa kayo mabugahan ng apoy ni Dragona.

Nginuso niya ang president ng art club na busy sa ginagawa at utos ng utos sa mga kasama. Nakabusangot ang mukha nito na ano mang oras ay tila sasabog na sa galit.

"Thanks for the advice, Mina. I guess someone wake up on the wrong side of the bed." I whistled before I go to my post. Gano’n din ang ginawa ni Brandon.

Habang nagtatarbaho ay hindi ako makapag-concentrate. Clara, the president is bossing around kaya mas lalo akong hindi makapag- focus. 

Hindi rin nakakatulong ang pagwawala ng mga alaga ko sa t'yan. Damn! I'm really hungry. Nilibot ko ang aking tingin. Napatungo na lang ako sa kawalang pag-asa na makapag-break dahil sa sobrang busy ng lahat. Siguradong hindi ako papayagan kahit sandal lang. 

Ngayon lang ako nanghinayang na hindi pa ako dumaan sa canteen kanina. 

Argh! I rub my tummy while returning my gaze to what I'm doing.

Habang nagpipinta ng banner ay mga pagkain ang laman ng utak ko. Cheese burger, hotdog buns, mais, gulaman, fishball, barbecue, and spaghetti.

Yum! I want to stuff my mouth right now hanggang mabusog ako.

Fuck! Bakit hindi pa kami nagliligpit? May balak ba silang mag-extend? Kinabahan ako sa ideyang ‘yun.

Nooooo!!!

Nanlaki ang aking mga mata sa aking naisip sabay sapo sa aking tiyan. Hindi pwede, mamamatay ako! 

Natigil ako sa pagwawala sa aking isip nang may sumulpot na sweetcorn sa aking harapan na may kasamang bottled juice. 

Napangiti ako ng malaki. Tiningnan ko kung sino ang nag-abot at mas lalo akong nagulat at napangiti na galing pala iyon kay Brandon. 

Nakatingin siya sa ibang direksyon with his cold stare pero hindi mo maipagkakaila na caring din pala siya kahit hindi halata. Ayaw pa lang maging kaibigan.

"Salamat. Wala na akong ibang sasabihin dahil gutom na talaga ako. Pero bakit mo ako binilhan nito?" Kunot ang kanyang noo na lumingon sa akin.

"Akala ko ba wala ka ng ibang sasabihin?"

"Curious is me po." Nakita kong tumaas ang sulok ng kanyang labi. He almost smile.

"Obvious ba? Nakakarindi ang tunog ng t'yan mo. Satisfied? Now shut up and eat."

"Ang sweet naman. So, this means that we're friends now?" Sinamaan niya ako ng tingin sa narinig. Napakagat ako ng labi. I ruined my chance!

"Just saying, man! Want some?" bawi ko kaagad. Kumain na lang ako baka magbago ang isip niya. Bawiin pa ‘tong kinakain ko. No way!

Habang kumakain ay napatingin ako sa pwesto ni Brandon. Nakamasid ako sa kanya nang napansin ko ang pagkabalisa niya habang tumitingin sa iba't ibang direksyon. 

Napakunot ang aking noo sa ginagawa niya. Mukha siyang tanga! Napatakip ako ng aking bibig dahil sa pagpipigil ng tawa.

"Parang hyena, tang'na! Haha." I blurted between my laughter.

Hindi ko na napigilan ang aking tawa at napagulong na ako sa aking pwesto.

"Anong problema, Delos Santos? Pinagtatawanan mo ba ang gawa ko?" Nahinto ako sa kakatawa nang binigyan ako ng masamang tingin ng aking katabi. 

One whole shiiit of paper naman oh!

"Hindi, hindi ikaw ang pinagtatawanan ko." Mabilis kong depensa at iling.

"Then who?!" Omg! Na offend ko siya! Shit!

"No one. May bigla lang kasing pumasok sa isip ko. Hehe, sensya na."

Sinamaan niya ako ng tingin bago bumalik sa ginagawa niya na parang hindi naniwala sa sinabi ko. Napakagat labi naman ako. Bad trip!

Pagkatapos kong maubos lahat ng binigay sa akin ni Brandon ay umalis ako sa pwesto ko para itapon and bote at plastic na pinaglagyan ng sweetcorn.

Nagpagpag ako ng kamay pagkatapos habang naglalakad pabalik sa aking pwesto. 

Dahil sa pagka-okupado sa ginagawa ay hindi ko namalayang may mga nagbubuhat pala ng props na dumaan sa aking harapan.

"Brenda, iwas!!!" napalingon ako sa sumigaw pero huli na nang makaramdam ako ng matigas na bagay na tumama sa aking noo.

"Araaay!!" sigaw ko sa gulat at sakit. The impact of my head with the edge of the metal prop cause a loud thud. It caught everyone’s attention.

"Brenda?!” hiyaw nila. Bago pa may makalapit sa akin ay nabuwal na ako sa aking kinatatayuan. "Dios ko! Dalian niyo, dalhin niyo siya sa clinic!" 

Hindi ko na alam kung sino iyong sumigaw at mga lumalapit sa akin. Nagdidilim na ang aking paningin dahil sa hilo at para akong nakakita ng mga bituin.

"Delos Santos gising! Ako na ang magdadala sa kanya sa clinic!" Saad ng boses na puno ng pag-aalala. That voice, kilala ko ang boses na 'yun. 

"Obvious ba? Nakakarindi ang tunog ng t'yan mo. Satisfied? Now shut up and eat."

Kay Brandon?! Naramdaman ko na lang na umangat ang aking katawan. Ang sarap ng init ng yakap ng taong bumuhat sa akin kasama ng malakas na tibok ng kanyang puso. Para akong henehele.

I think… I should sleep. Maybe it is just a dream? I’ll wake me up later then, I'm tired.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status