Share

Chapter 55

Devine

''Honey... Are you okay?'' Halata sa boses ni Garrett ang pag-aalala nang katukin niya ako sa loob ng bathroom.

Nagpakawala muna ako ng buntonghininga bago binuksan ang pinto. May higit kalahating oras na siguro ako dito sa loob. Nahihiya kasi akong lumabas, iniisip ko rin na baka malalaking tao ang bisita ni Garrett. Baka kasi kung ano ang isipin nila sa akin.

''Umalis na ba ang bisita mo?'' Alanganing tanong ko kay Garrett. Sandali kong pinasadahan ang mukha niya. May kaunting lipstick nga sa may bandang baba niya at sa kanang pisngi niya. Madali lang iyong mahalata dahil sa maputi siya.

Nagkamot siya ng kanyang batok at sandaling nilingon sa may living area. Hindi ko makita kung meron pa siyang bisita dahil hindi pa ako tuluyang nakalabas. Nakaharang kasi siya sa may pintuan.

''Hindi pa hon...'' Ngumiti siya sa sinagot niya sa akin.

Kumunot naman ang noo ko. Dahil bakit kailangan pa niya akong tawagin dito kung meron pa naman siyan

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status