Share

Chapter 75

Devine

"Okay lang ba dito muna kayo nila Manang Josie? May bibilhin lang ako sandali. Babalik din ako agad." Si Sam. Hinaplos pa niya ako sa balikat. Nasa farm kami ngayon nila Zia. Hindi na sana ako sasama dahil maraming trabaho sa opisina ngayon. Pero sabi niya ay uuwi din kami bukas, gusto niya lang daw ipakita sa akin ang orchids farm nila. 

Tinanguan ko siya at tipid na nginitian. "Just relax your self..." Bilin pa niya. Malungkot akong tumango muli sa kanya. Hindi ko alam kung kailan ko ba kaya matatanggap na wala na talaga ang asawa ko. Ilang buwan na pero sariwa pa rin ang sakit. May mag pagkakataong nagiging malakas ako. Pero mas maraming pagkakataon ang nilalamon ako ng matinding kalungkutan. Miss na miss ko na si Garrett... Sobra. Kung pwede lang humiling ng kahit isang araw lang na mapuntahan ko siya sa langit gagawin ko. 

"Welcome to Medina Farm! Late na kitang na greet!'' Tatawa-tawang saad ni Zia sa akin. Pinagsalikop pa niya ang d

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status