Share

Chapter 4

His Love Letter

Pakiramdam ni Hope ay binugbog siya sa sakit ng kanyang katawan. Agad siyang napabalikwas nang makita ang dugo sa puting bedsheet. Hindi niya alam kung ano nararamdaman niya ngayon. Kung nagsisisi ba siya o hindi? Nagsisi ba siya talaga? Hindi! Kasi ito ang gusto niyang mangyari noon pa man. Napahawak siya sa kanyang labi nang maalala ang maalab na halik ni Garrett sa kanya kagabi. Hindi niya akalain na papansinin siya ni Garrett, she never thought that he would notice her and touch her. She close her eyes once again nang maalala ang nangyari sa kanila ni Garrett kagabi kung paano siya inangkin ng lalaki, she was so happy… happy that she never imagined she could be. Touching by the man she'd loved for a long time. Happy that she never had experienced since she was created to live in this world. Pero biglang napalitan ng matinding lungkot ang kaligayahan na iyon nang malala, ang mga sinabi sa kanya ni Garrett bago siya nito inangkin. They made s*x because he wants to get his prize, that prize was her. Kapalit ng pagpapakasal nila, kapalit ng pagsasalba niya sa kompanya ng Lolo niya, kapalit ng Sampung milyon, kapalit ng habang buhay niyang hindi pagpapakita. Dahil ayaw nito sa kanya, at hindi siya matatanggap ni Garrett habang buhay.

"Alam ko naman iyon, pero bakit pa ako umaasa?" anito sa sarili. Para siyang nabibingi sa sinasabi ng utak niya. Na ayaw sa kanya ni Garrett at hindi siya kailan man matatanggap nito. Na kahit dalhin man niya ang kanyang apelyido, hinding hindi pa rin siya magiging kanya. She have him pag-aari na niya dapat siya pero bakit ang hirap pa rin niyang abutin? His hateful words tattooed in her head. Mabilis niyang tinuyo ang mga luha sa kanyang mga mukha ng mapansin ang sulat na nakalapag sa side table. Alam niyang para sa kanya iyon dahil wala na man na si Garrett. Iniwan siya nito nang matapos siya, para lang siyang aso na pagkatapos ay tatalikuran at iiwan na lang ng basta. Na parang walang nangyari, na parang isang testing lang ang lahat. Buti pa ang aso maari pa silang magkita pagkatapos ng lovemaking. I mean... pagkatapos magparaus, pero siya malabo na. Sigurado na siya. That she will never see him again, dahil sabi ni Garrett na iyon ang una at huli nilang pagkikita. Nanginginig, nanlalamig at namamanhid ang mga kamay niya habang binabasa ang sulat ni Garrett na para sa kanya.

To my unwanted wife.

I don't want to see you again, make sure before I go home this five O'clock, you left from my house already, forget what happened last night kapalit lang iyon ng kasunduan natin, you are just a prize, your p*ssy for f*ck… I had sent you the Ten Million already in your account, I am sure that is enough for living. Forget that I am your husband, if I have to love and marry someone hindi katulad mo at lalong hindi ikaw iyon, you are not my type! Remember that. I hope I will never see your face again greedy! 

                               Garrett Del Valle

Parang dinudurog ang puso niya dahil sa mga sinabi ni Garrett sa sulat niya. Devastated is not enough to describe what she is feeling right now.

Napakuyom siya kanyang kamay.

"Alam ko namang hindi niya ako magugustuhan kahit kailan, sobra ba akong masamang tao para masaktan ako ng ganito? Kasalanan ko ba na mahalin siya?" Tumatangis na saad niya.

She wanted to stay, pero wala na siyang lugar. At hindi kailan man magkakaroon ng lugar ang isang tulad niya sa pamamahay ni Garrett. Masyado naman siyang umasa na pagkatapos nilang magpakalunod sa sarap kagabi ay magbabago ang tingin at damdamin sa kanya ng lalaki. She was wrong!

She don't have choice... but to leave and start a new life again. Alam niyang hindi gano'n kadali lalo na at wala na siyang pamilyang pupuntahan. Ayaw na niyang bumalik pa sa puder ng kanyang ama.

She never thought that her dream came true was just a nightmare. Isang malaking pagkakamali ang mahalin at itali ang sarili sa isang lalaking hindi siya matatanggap kailanman. 

Mugto ang kanyang mga mata, lutang ang isip na naglalakad sa kalsada. Patungo sa kawalan, hindi niya alam kung saan siya pupunta basta ang alam niya lang ay umalis sa bahay na iyon ni Garrett at hindi na muling magpapakita pa.

Iisang tao lang ngayon ang alam niyang pwedeng makatulong sa kanya. Si Sage ang Bestfriend niya. 

Walang wala siya ngayon. Kung meron man siyang pera, iyon ay ang five hundred pesos lang na nadala niya bago ang kasal nila ni Garrett. Hindi niya din kinuha ang passbook at ATM Card niya na pinagawa ni Garrett para sa kanya. Para saan pa para kunin niya iyon? Para lalo siyang mag mukhang despirada at mag mukhang pera? No way! Iyon ang itinatak niya sa isip niya. Na mabubuhay siya kahit wala ang sampung milyon ni Garrett. 

"Miss dito na po tayo!" Tila galit na saad sa kanya ng medyo matanda na ring driver. Hindi siya agad nakapagsalita dahil sa pagkabigla. Hindi na niya namamalayan na nakarating na pala siya sa bahay nila Sage.

Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago inabot ang bayad nito.

"Heto po bayad." 

Pinasadahan muna siya ng driver bago kinuha ang bayad niya. Tamad na umiling ang driver ng makita ang itsura niya. 

"Napaka ganda mo Neng, para sayangin mo ang buhay mo sa isang lalaki," saad ng driver sa kanya kasabay ng pag-abot nito sa barya. Napakunot naman siya ng noo dahil hindi niya aakalain na gano'n ang sasabihin ng driver. Para lang siyang manghuhula at tumpak siya agad sa sinabi niya.

Pagbaba niya ay agad niyang nakita si Sage sa labas ng bahay nila, na nakaupo at nakaharap sa laptop nito. 

Agad niyang pinindot ang doorbell. Mabilis na man na tumayo si Sage para pagbuksan siya. Isang mahigpit na yakap ang pambungad nito sa kanya. 

"Besty, kumusta? Bakit ganyan ang itsura mo? Para kang nawalan ng Sampung milyon ah?" nagtatakang tanong sa kanya ni Sage. Nang makita ang itsura nito, mugto ang mga mata at tila puyat na puyat ang itsura.

Kumunot ang noo niya at nakaramdam ng inis sa sinabi ni Sage. Bakit ba pareho na lang sila ng driver ng sinabi sa kanya?Tumpak na lang kasi sila sa kanilang hula. 

Huminga siya ng malalim, "Pwede bang dito muna ako sa bahay mo tumira, habang naghahanap ako ng trabaho ko Besty?" wika niya kay Sage. 

Napaatras at napa-simangot si Sage sa narinig niya. 

"Ayaw mo? Kung ayaw mo akong tulungan ayos lang naman sa akin," napipikon na saad niya dahil sa reaksyon ni Sage saka ito tumalikod.

Agad naman na hinawakan ni Sage ang kamay niya.

"Ano ka ba Besty, syempre gusto, gustong-gusto kitang tulungan kahit dito ka na rin habangbuhay." 

Kumumot nanaman ang noo niya.

"Habangbuhay ulit?" anito na parang wala sa sarili.

"Bakit? Anong problema sa habangbuhay, Te?" Pangiwing umatras ang mukha ni Sage.

Bumuntonghininga siya at tamad na umupo. Walang namutawing salita sa mga bibig. Ang mga luha niya lang ang nagsasabi kay Sage na may mabigat itong problema.

Agad na umupo si Sage sa tabi niya. "Anong nangyari?" malumanay na tanong nito.

Mariin siyang umiling "Akala ko, magiging masaya na ako, kasi naikasal na ako kay Garrett per—"

"What! Anong sabi mo nagpakasal ka sa badass na iyon! Sa isang jerk?! Kailan pa? Bakit hindi ko alam?!" Pagputol ni Sage sa sinabi niya na parang napaka imposible iyon. 

"kahapon," sagot niya.

"Oh, tapos, nag chuk-chakan kayo? Pagkatapos shupi kana? Go away na gano'n?!" naiinis na turan ni Sage sa kanya.

"Hi--hindi ko naman iyon, alam Besty eh, hindi ko—"

Hinagalpak ni Sage ang mesa. 

"Iyan ang sinasabi ko sayo, Besty, na wag kang pumayag na ikasal sa jerk na iyon, ewan ko ba kasi sa inyo? Lalo na doon sa Tatay mong mukhang money," pranka nitong agap sa kaibigan.

"Hindi ko naman alam Best, hindi ko akalain na ganito ang gagawin niya. Na sasabihan niya ako na hindi niya ako matatanggap kahit kailan," Iniabot niya ang sulat ni Garrett kay Sage.

Nanggagalaiti si Sage habang binabasa nito ang sulat ni Garrett sa kanya.

"Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon! Sa ganda mong 'yan! Sinabihan ka lang na hindi ka type! Bakit gano'n na ba siya ka gwapong hinayupak?!" Mura ni Sage. 

Gustong-gusto niyang ipaghiganti ang kaibigan. Pero hindi sila tulad ni Garrett na mayaman at makapangyarihan. 

"Anong plano mo ngayon?" malumanay na tanong sa kanya ni Sage.

"Maghahanap ako ng trabaho at magsisimulang muli. Ayoko ko nang bumalik pa kila Papa. At ayoko na rin na magpakita pa sa... Kay Garrett," sagot niya, kahit pa hindi alam kung paano ba talaga siya mag-uumpisa. 

"I'm with you Besty. Hayaan mo kakausapin ko iyong Boss namin at ipapasok kita sa kompanya. Sana lang hindi magbunga ang ipinutok niya sa'yo kagabi, ng lalaking iyon. Sabihin na nating gwapo pero wala siyang balls." Anas ni Sage, bahagya siyang napangiti sa sinabi nito sa kanya.

Pero kung sakali ngang magbunga ang isang gabi na iyon kakayanin kaya niyang maging ina? At harapin ang responsibilidad ng mag-isa?

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ninia Villanueva
Thank u Ms.A
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status