Infinite agony
Nakabibingi ang katahimikang nadatnan ni Garrett sa pag-uwi niya sa kanyang Penthouse. Dumiretso siya sa mini bar niya at agad na nagsalin ng alak at ice sa kanyang baso. Pabagsak siyang umupo sa couch at tamad na sumandal tila pagod na pagod ang itsura.
Wala siyang maayos na naiisip, buong araw na mainit ang ulo niya na parang may kung anong bumabagabag sa kanya.Napa-higpit ang hawak niya sa kanyang baso nang maalala si Hope ang babaeng pinakasalan niya. He hates her family at kahit kailan ayaw niyang may kahit isa na miyembro ng pamilya Valdez na mauugnay sa pamilya nila.He hates them so much, ang laki ng galit niya sa pamilyang iyon dahil sa kanila ay nawalan siya ng ina.10 years Ago
Matalik na magkaibigan ang pamilya Valdez at pamilya Del Valle, it seems like walang kahit anong bagay ang sisira sa magandang relasyon na iyon.Hanggang dumating ang isang pangyayari na nagdulot ng lamat sa relasyon ng pamilya Valdez at Del Valle.Isang araw bumisita ang Mama ni Garrett sa bahay nila Madam Corry ang pangalawang asawa ni Hilario na Papa ni Hope.Malakas at masigla ang Mama ni Garrett na pumunta doon, iyon ang kwento ng kanyang Yaya Bonita sa kanya.Nasa America siya noon at nag-aaral, wala naman daw naging sakit ang ina niya pagdating daw nito sa bahay nila ay bigla na lang itong nahilo at bumula ang bibig, the Dr. find out na lason ang ikinamatay ng ina.Nagsampa sila ng kaso dahil sa ginawang imbestigasyon nila.Pero mariing itinanggi ni Madam Corry na siya ang naglagay ng lason sa pagkain ng ina ni Garrett.Si Hope na noon ay Sampung taong gulang ang pinagbintangan dahil siya ang ang naghanda ng pagkain para sa ina ni Garrett.Pero hindi naniniwala ang kanyang Lolo Fernando na si Hope ang may kagagawan ng pagka-lason ng ina ni Garrett.Hindi na nila itinuloy na ipaglaban ang kaso dahil malaki ang utang na loob ng Lolo ni Garrett sa Lolo ni Hope.Mula din noon ang paboritong apo ni Senyor Romulo na si Hope ay itinakwil niya dahil siya ang itinuturong puno't dulo ng lahat.Mas pinaniwalaan nila ang sinasabi ni Madam Corry na si Hope nga ang may gawa.Sino ba naman kasi ang maniniwalang magagawa ni Madam Corry na lasunin ang ina ni Garrett gayo'ng malapit din sila sa isa't-isa.Pero si Senyor Fernando ay alam ang totoo, alam niyang hindi ginawa iyon ni Hope, kilala niya ang batang iyon mabait at mabuting bata. Dahil sa malaking utang na loob ni Senyor Fernando sa pamilya Valdez ay pumayag siyang aregluhin na lang ang kaso.Sa kabila ng nangyari ay hindi pa rin nagbago ang relasyon ng Lolo Fernando niya at si Senyor Romulo na Lolo ni Hope.They wanted to Fixed the argument between their family at tanging ang pagpapakasal lang ng mga apo nila ang nakikita nilang solusyon.Labis na tinutulan iyon ni Garrett pero wala siyang magawa kundi pumayag."Damn it! Ang daming babae diyan na pwede kong pakasalan doon pa sa pamilyang iyon ang napili niyo?!" Galit na sigaw niya sa kanyang Lolo Fernando."At kanino mo gusto? Sa mga walang dangal na mga tao? If you don't want to marry Hope then fine Garrett! Wala kang makukuha kahit piso sa yaman ko!" Banta ng Lolo niya.Mariin niyang pinaglapat ang kanyang mga bibig, mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang kamao dahil sa narinig."I've done so much with the Company para lang maging successful iyon, nag-aral ako ng mabuti para maalagaan iyon then ngayon kokontrolin niyo ako?! How many times have I told you?! I hate that family! Dahil sa kanila namatay ang Mama ko!""Hindi si Hope ang pumatay!" Giit ni Senyor Fernando.Lalo pang tumindi ang galit niya. He hates them wether ang babaeng pakakasalan niya ang pumatay o hindi! Ang rason niya ay parte pa rin iyon ng pamilyang pumatay sa Mama niya ang sobrang ikinagagalit niya ay namatay ang Mama nya dekada na ang nakalipas pero wala pa ring hustisya ang nakamit para sa kanya."Fine Garrett! You still have your cousin Sam." mababang saad sa kanya ni Senyor Fernando.Matalim niya itong nilingon!"Nababaliw ka na ba Lo?! Ako ang nag hirap sa kompanya mo! Sa kanya mo lang ibibigay?! Dahil lang sa p*tang-in*ng babaeng iyon?!" Singhal niya.Malakas na bumuntonghininga ang kanyang Lolo. "Fine, hindi kita mapipilit kung ayaw mo," kalmadong sagot ng Lola niya. "Pero wag mong asahan na may mamanahin ka pa.""Fine! Pakakasalan ko siya! Satisfied?! Pero sa isang kundisyon! Kapag hindi ko naabutan doon ang babae na iyon, walang mangyayaring kasal and the company will still be mine!" Kondisyon niya."Be late for only two hours, kung hindi mo sinipot si Hope sa oras na iyon, alam mo na ang mangyayari, kilala mo ako Garrett!" Banta ng kanyang Lolo."Fine!" Malakas niyang sinipa ang upuan sa harap niya dahil sa galit. No one could understand him, pero sinisiguro niya na hindi kailanman magiging masaya ang babaeng pakakasalan niya sa piling niya. Napakadali lang para sa Lolo niya na patawarin ang pamilya Valdez dahil manugang lang naman nito ang Mama niya.He almost don't attend his own wedding but no way to let go the company na pinaghirapan niya, ang masakit pa ay ang daming kondisyon ng Lolo niya.Galit siya dahil kailangan pa niyang tulungang iahon ang kompanya ng Lolo ni Hope. Tanging nakikita niya lang na paraan para gumanti at ang pahirapan ang asawa niya. Pero hindi niya ugaling manakit ng babae so he have to make her a sex slave, pero may pait sa puso niya kung pahirapan niya ng gano'n ang babae.Tao pa rin siya at marunong maawa.The only way na nakikita niyang paraan para hindi mapahamak sa kamay niya si Hope is to force her to go away.He had seen Hope before minsan sa birthday party ng pinsan niyang si Sam.Sam was Hope childhood, dalagita na noon si Hope pero lutang na ang taglay nitong ganda. He admitted na nabighani din siya nito but then he learned na isang siyang Valdez at siya ang tinuturong lumason sa ina niya noon, naniniwala naman siya sa Lolo niya pero hindi pa rin sapat iyon para tumanggap siya ng kahit sinong Valdez.Isang marahas na buntonghininga ang pinakawalan niya kasabay ng pagtagay niya ng alak sa baso niya.********************
"Oh? Bakit hindi ka pa tulog?" Si Sage na kunot noong pinagmamasdan si Hope, hawak pa rin kasi niya ang sulat ni Garrett na walang ibang laman kundi ang mga masasakit na salita."Iyan ka na naman, hindi mo naman kailangan ipilit ang sarili mo sa jerk na iyon," saad nitong muli.Malumbay na bumuntonghininga si Hope kasabay ng mga luha niya sa tuwing maalala niya kasi ang mga sinabi ni Garrett sa kanya para siyang nasasakal, hindi niya alam bakit sukdulan ang galit sa kanya ni Garrett dahil wala naman itong alam na masamang ginawa niya.Napa-higpit siya ng hawak sa sulat ni Garrett sa kanya.It's too much, sobra na ang sakit, all her life, she suffered. Naalala pa niya noong itinakwil siya ng pinaka-paborito niyang tao sa lahat ang Lolo Romulo niya dahil pinagbintangan siya sa kasalanang hindi naman siya ang may gawa. She feels unloved, trinato siyang iba. Nakapag-aral siya pero pinaghirapan niya, kung kailan alam niyang lalaya na siya sa tanikala ng kahapon, isang bagong madilim at malamig na kulungan na naman ang pinaglagyan sa kanya. She was tired sawang-sawa na siyang umiyak at masaktan. She can't bear it anymore, the infinite agony that was buried in her heart. "Lilipas ang panahon pero hindi ang sakit, Tatandaan ko lahat kung paano niya ako ibinasura!" umiiyak na saad niya, sobra na ang sakit na dala-dala niya, ang bigat-bigat na. Pakiramdam niya sinu-solo na lang niya ang parusa ng mundo."Tama na iyan, ano ka ba, maawa ka naman sa sarili mo, sige ka baka malaglag iyang hybrid na sperm na itinanim sa iyo ng jerk mong asawa, sayang naman mahirap nang maka ulit doon," may panunuya at pabirong turan ni Sage sa kanya. Ayaw niyang laging siniseryoso na lang ni Hope ang problema.She is trying to forget"Mabuti pa itapon mo na lang iyang sulat niya sa 'yo, nakakainis! Sa tuwing makikita kita iyan na lang ang laging hawak mo, kundi kita nakikitang umiiyak, nakatulala ka, iisang shot pa lang iyang ginawa niya sa'yo paano na lang kung marami na, eh di mas masasaktan ka, mabuti na iyong maagang hiniwalayan ka noh, kaysa ang paasahin niyang mahal ka niya Besty," mahabang turan ni Sage sa kanya, medyo masakit siyang magsalita, sabi nga nila a true friend will stab you in front and hurt you with the truth.Malumbay na bumuntonghininga si Hope. she was so devastated at mas malala pa doon. She has nobody but Sage alone ang nag-iisang tao na mahal na mahal siya."Hindi, ko naman ipinipilit ang sarili ko sa kanya, kung ayaw niya ako okay lang, tatanggapin ko.''"Sus… tatanggapin eh, kahapon mo lang sinabi sa akin na tatandaan mo lahat ng ginawa niya sa'yo, alam mo minsan nalilito ako sa'yo Best, akala ko uumpisahan mo nang
Parking in the parking lot."Garrett! Ano ba! Bitiwan mo ako!" Sigaw niya.Mahigpit na mahigpit ang pagkakahawak ni Garrett sa kamay niya. Maigting ang kanyang mga panga, his eyes were burning, his teeth were gritted. Marahas siyang hinila nito palabas sa bar.Wala naman na siya dapat karapatan at pakialam sa kanya dahil in the first place siya ang nagpalayas sa kanya sa bahay niya. Siya din mismo ang nagsabi na wag na siyang magpakita pa sa kanya. Wala naman siyang ginawa na masama sa kanya, sinabi lang naman niya ang totoo pero alam niya ba na nandoon siya sa loob ng bar nang ipagsigawan niyang wala siyang itlog?"Garrett… ano ba! Bitawan mo ako nasasaktan na ako!" pagmamakaawa niya kay Garrett.Pero parang bingi lang ito. Walang narinig dahil hindi nagbabago ang maigting na hawak nito na kamay niya na ngayon ay mainit at mahapdi na.Hinila siya ni Garrett hanggang sa parking Area. Nasa madilim na bahagi ang sasakyan nito at medyo mal
Napasapo sa ulo si Hope ng magising ito. Sinuyod niya ng tingin ang kabuoan ng malaking kwarto. Doon ay nakita niyang kalalabas ni Garrett sa banyo nakabalabal lang ito ng puting tuwalya.Halata ang maumbok na gitna nito, napakusot siya ng mata at napalunok. Masusi niyang pinagmasdan ang tindig ni Garrett hindi niya maikakaila na ang buong katauhan ni Garrett ay napaka perpekto, gwapo, sexy at hot. That every woman is dying to make love with."What are you looking at? Wanna make sex again?!" malamig na boses ni Garrett na tila nang-uuyam.Marahan siyang umiling at nag-iwas ng tingin."Clean yourself and get dress. May bisita tayo mamaya.'' iritadong utos ni Garrett sa kanya.Napakunot siya ng noo may puwang sa puso niyang hindi na siya paalisin ni Garrett."H--hindi mo na ba ako paaalisin?" may takot at pag-aalala sa tanong.Nagsalubong ang kilay ni Garrett sa kanya at pinamaywangan siya."I don't want you here! Only my L
HIS REASON."Garrett, since we are all here I want you to read this document iyong malakas na maririnig ng asawa mo," Utos ni Don Fernando kay Garrett. Kasabay ng pag-abot nito ng papel.Nagsalubong ang makakapal na kilay niya, umiigting ang panga niya dahil pakiramdam niya'y ginagawa siyang parang bata ng kanyang Lolo.Padabog niyang inabot ang papel sa Don, pansin ni Hope ang madilim na mukha ni Garrett, ang galit at inis. Natatakot din siya dahil panigurado niyang pagkatapos ng pag-uusap nila ngayon ay masasakit na salita at pang-iinsulto na naman ang aabutin niya kay Garrett."What are you waiting? Basahin mo na!" Matigas na utos ng Don malapit na din itong mainis sa apo. Inilang ulit na nilingon ng Don si Hope, banaag nito ang matinding takot at lungkot."Read Garrett!" Ulit ng Don."Fine!" Pabalang na sagot niya. Padabog niyang itinaas ang papel sa higpit ng hawak niya'y halos mapunit na ang gilid nito."Sumasang-ayon ako sa lah
Hindi mapakali si Hope, hindi magawang pakalmahin ang sarili niya. Matapos ang tagpo nila ni Garrett, ibang-iba ang trato ng lalaki sa kanya. Pero nabawasan na rin ang mga bagay na gumugulo sa isip niya. Ang rason na matagal na niyang gustong malaman, kung bakit sobrang kinagagalitan siya ni Garrett.Ang sobrang gumugulo na naman ngayon sa isip niya ay ang hustiya na dapat niyang makuha, hustiya sa pagkamatay ng Mama ni Garrett at hustiya para sa kanyang sarili, dahil sa bintang ng kasalanan na kailan man hindi niya ginawa, kasinungalingan na sumira sa masaya nilang relasyon ng Lolo niya, kasinungalingan na nagpahirap sa kanya, kasinungalingang umagaw sa kanya ng karapatan, kasinungalingang sumira sa buo niyang pagkatao, kasinungalingang gumapos sa kanya sa kalungkutan. Na hanggang ngayong nasa tamang edad at pag-iisip na siya ay nagpapahirap pa rin sa kanya. Hanggang kailan siya mananatili sa gaanong anyo? Na tingin ng mga tao ay isa siyang kriminal? Hanggang kaila
"Sigurado ka ba talaga sa gagawin mo Best?" tanong ni Sage habang nagda-drive. Papunta sila sa bahay ni Aling Brenda upang hingin ang tulong niya. Gustong buksan muli ni Hope ang kasong pagpatay kay Ma'am Adel. She knew na hanggang hindi nila nakukuha ang hustisya sa pagkamatay ng Mama ni Garrett, hindi din niya makukuha ang hustisya para sa sarili niya.Malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya bago nilingon si Sage."Oo. Best kung hindi ko ito gagawin, walang magbabago. Iyon at iyon pa rin ang tingin sa akin ng mga tao, kriminal pa rin ako sa mata nila."Nilingon siya ni Sage, kita nito sa mga mata niya ang pait at bigat na dala-dala niya."Paano kung ayaw pa rin niyang magsalita?" Halos ibulong na niya iyon dahil sa pag-aalangan.She don't want Hope to feel hopeless. But she have to know, what would be their next plan kung hindi mag-work out ang gagawin nila."Sana nga, mag-salita na siya. Sana maawa na siya sa akin, all my lif
"Sigurado ka ba talaga sa gagawin mo Best?" tanong ni Sage habang nagda-drive. Papunta sila sa bahay ni Aling Brenda upang hingin ang tulong niya. Gustong buksan muli ni Hope ang kasong pagpatay kay Ma'am Adel. She knew na hanggang hindi nila nakukuha ang hustisya sa pagkamatay ng Mama ni Garrett, hindi din niya makukuha ang hustisya para sa sarili niya.Malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya bago nilingon si Sage."Oo. Best kung hindi ko ito gagawin, walang magbabago. Iyon at iyon pa rin ang tingin sa akin ng mga tao, kriminal pa rin ako sa mata nila."Nilingon siya ni Sage, kita nito sa mga mata niya ang pait at bigat na dala-dala niya."Paano kung ayaw pa rin niyang magsalita?" Halos ibulong na niya iyon dahil sa pag-aalangan.She don't want Hope to feel hopeless. But she have to know, what would be their next plan kung hindi mag-work out ang gagawin nila."Sana nga, mag-salita na siya. Sana maawa na siya sa akin, all my life bina
And I can't stand the pain...And I can't make it go away...No I can't stand the pain...How could this happen to me?I made my mistake. Got no where to run. The night goes on as I'm fading away.I'm sick of this life, I just wanna scream!How could this happen to me?Mariing napapikit si Hope at di na napigilan ang luhang bumagsak sa kanyang mga mata. That song's is reminding her the life she have.As she close her eyes a million of pains, torturing her heart. The lies... The selfishness, and cruelty of this world."Hindi mo na man kailangang piliting itama ang nakaraan kung hindi na talaga kaya..." malumanay na saad ni Sage sa kanya."Ang sakit... bakit kailangan ako pa? Ano bang nagawa kong mali. Bakit pa ako naging tao kung puro pasakit na lang ang pinagdadaanan ko!" humahagulgol na sagot.Isang makabuluhang buntonghininga ang pinakawalan ni Sage. Inihinto niya ang sasakyan sa gilid ng daan. Sa tapat mismo&n