Share

Chapter 3

False nightmare

'Wag kang kakabahan, wag kang kakabahan,' iyon ang paulit-ulit na binubulong niya sa kanyang sarili. 

Gustong-gusto niyang makita, mahawakan, makausap, halikan at yakapin si Garrett pero may something sa kanya na parang natatakot siya. Dahil na rin sa nakita niyang trato sa kanya ni Garrett kanina.

"Ma'am pasok na lang po kayo," magalang na saad ng bodyguard sa kanya saka binuksan ang pinto. 

"Salamat Manong?" Iniabot niya ang kamay niya na agad din namang tinanggap ng lalaki.

"Jun po Ma'am," nakangiting sagot nito.

Ngumiti muna siya bago muling nagsalita, "Maraming salamat Manong Jun."

"Walang ano man Ma'am, pasok na po kayo baka naghihintay na si Sir," malumanay na tugon ni Manong Jun. Sa tono niya pa lang para na siyang sobrang nirerespeto nito.

Tumango siya at pumasok din agad. 

Nalula siya sa ganda ng loob, kulay glittery brown ang kulay ng wall at nakakalula ang kinang ng mala diamanteng aranya na nakasabit sa ceiling. Kulay cream ang couch na naroon. Nakakatakot hawakan ang kahit na ano mang bagay na naroon. Dahil tila daang libo ang halaga ng bawat na nakikita ng mga mata niya, baka milyon pa nga.

"Are you done, staring at the whole house?" malamig na boses ni Garrett ang nagpahinto sa paghanga niya sa magandang loob ng bahay. 

Tila naging madalim na langit ang ceiling. Dahil sa takot na dala ng tinig na iyon ni Garrett.

Imbes sana na masiyahan siya, dahil mag-asawa na sila. Pero bakit ang pakiramdam niya ay nagsisisi na siya. 

"So, what do you want to ask me, aside saving your Grandfather's company and aside from Ten Million?"

Kumunot ang noo niya. Dahil hindi niya alam ang pinagsasabi ni Garrett sa kanya. 

"Wa---wala ako-" Naputol ang sasabihin niya nang magsalita si Garrett.

"Hmft..." Inis na ngumisi si Garrett. 

"Ang tibay mo din no? Pakakasalan ko na nga ang babaeng hindi ko naman gusto nag demand pa ng husto!"

"Teka, ano bang pinagsasabi mo? Wala akong hinihiling sa'yo. Wala akong alam sa sinasabi mo," naguguluhang sagot niya sa lalaki. Para siyang nilalatigo sa puso sa mga sinabi ni Garrett sa kanya.

Tumayo si Garrett at dahan-dahan na naglakad palapit sa kanya, madilim ang mukha, salubong ang kilay at matalim ang tingin. Kung nakakamatay lang ang titig niya baka kanina pa siya bumulagta sa harap nito.

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya, natatakot siya dahil sa paglapit ni Garrett sa kanya. 

Dala ng takot ay unti-unti siyang humakbang patalikod hanggang sa sumandal siya sa pader. 

Malalakas ang paghinga niya at nanghihina na rin ang mga tuhod niya.

Hindi niya akalain na ang tinuturing niyang tagumpay. At pinaka-paborito niyang nakamit sa lahat na pagpapakasal niya kay Garrett ay ganito. Katakot-takot at masahol pa sa araw-araw na pang aalila nila Monique sa kanya. 

Ang akala niyang langit kapag nagpakasal na sila ni Garrett ay isa pa lang impyerno!

"Tell me, bakit ka pumayag na magpakasal tayo, when you don't want anything?!" galit na tanong ni Garrett sa kanya, para itong lobo na gutom, at sa anumang oras ay sasakmalin ang bihag niya. Mahigpit ang papulupot na paghawak ng lalaki sa bathrobe niya. Ramdam din niya ang mainit nitong paghinga.

Kumapit siya sa hawak pa rin ni Garrett na bathrobe niya. Yumuko siya at inilalayo ang mukha niya sa lalaki. 

"Harapin mo ako," mahina pero nanggagalaiti na utos nito. 

Unti-unti siyang nag-angat ng mukha, natatakot na suwayin ang lalaki dahil baka ibalibag siya nito.

"Tell me!" He snarled. 

"Dahil mahal kita!" Sigaw niya.

Unti-unting tumulo ang luha niya at kumuyom ang mga kamay niya. Sising-sisi siya sa pagpapakasal niya kay Garrett. Oo. Alam niyang hindi siya gusto ni Garrett dahil ni minsan sa loob ng apat na Taon ay hindi man lang siya pinansin ng lalaki. Pero hindi naman niya akalain na ganito pala ang kahihitnan niya.

Inis na ngumisi ang lalaki at para bang napaka imposible ang sinabi niya dito. 

"Ni hindi mo nga ako kilala at hindi rin kita kilala, mahal na ako?!"

"Matagal na kitang gusto!" Katwiran niya, alam niyang nakakahiya pero iyon ang totoo. 

Binitawan ni Garrett ang damit niya, pero hinawakan nito ang baba niya at inangat, saka ipina-harap sa kanya. 

Mariin siyang tinitigan ni Garrett. Hindi maitatanggi ng lalaki na maganda siya pero hindi niya ito tipo.

"Maganda ka, pero hindi kita gusto!" Patulak nitong binitawan ang mukha niya.

"Alam ko... alam ko hindi mo ako gusto, dahil kung gusto mo talaga ako... sana noon pa nakita mo na ako, pero hindi..." Tumulo ng tuluyan ang mga luha niya. 

"Iyon naman pala! Bakit pumayag ka pang magpakasal tayo? Sinadya kong magpa-late ng ilang oras dahil akala ko aalis ka na! Damn it! Nandoon ka pa rin! Gano'n ka ba talaga ka despirada?!" Sigaw ni Garrett sa kanya. Nagtatagis ang bagang niya sa galit.

"Hinintay kita dahil mahal kita," agad na pagbawi niya.

Lalong umigting ang panga ni Garrett sa narinig niya.

"Stupid! Lintik na pagmamahal iyan! Katangahan!"

"Totoo! Mahal kita!" Umiiyak sa sagot niya.

"Pwes! Nagkamali ka ng taong Minahal mo! I never loved woman! Love doesn't exist for me! I just f*ck them! F*ck you!" Sigaw ni Garrett sa kanya. Those words is squizzing her heart.  

Sobrang dinudurog ang puso niya sa mga narinig niya kay Garrett. Taliwas sa alam niyang pagkatao ni Garrett ang nakikita niya ngayon. She fell in love with him Four years ago, dahil nakita niya kung paano itrato ni Garrett ang mga babaeng kasama niya. She always admired him dahil napaka-gentleman niya. Masyado siyang umasa dahil akala niya ay ituturing din siyang parang Reyna ni Garrett. Akala niya ay itatrato din siya ni Garrett. Tulad sa mga babaeng nakita niyang nakasama niya. Nagkamali siya. She was just a trash for him, nothing to him. How could she loved such man na hindi din pala siya kayang mahalin. Kung krimen ang mahalin siya, then she was guilty? Dahil bakit kailangan niyang masaktan ng ganito? Kasalanan niya ba ang mahalin siya? 

Bakit ba kasi nagmadali siya sa bawat desisyon niya!

"K---kung hi---hindi mo ako kayang tanggapin? Pu---pwede bang umalis na lang ako?" nauutal na tanong niya. Na sinamahan ng pag-iyak. Hindi niya alam kung papaano siya magsisimulang muli. Wala na siyang pamilyang dapat pang balikan. She promised herself na Pagkatapos ng kasal niya kay Garrett. Iyon na ang huling araw na aapihin siya ng mag-inang Corry at Monique. She has nowhere to go. 

Gumalaw ang mga panga ni Garrett sa narinig niya. "You think, makakaalis ka dito ng ganun-ganun lang?" inis sa saad sa kanya ng lalaki.

Napanganga siya. She was puzzled. 

"Parang awa mo na, Garrett... Wag mo na man akong saktan. If you don't want me. P--pwede naman i-annull ang kasal natin diba?" Pagmamakaawa niya. Masakit para sa kanya ang sabihin iyon, ang bitawan ang lalaking mahal niya. Pero kung iyon ang makakapagpasaya sa kanya ay ibibigay niya. 

"Ang lakas din ng loob mo! At ikaw pa ang may ganang magsabi ng Annulment! Hindi na kailangan! You just get out of my life!Dalhin mo ang apilyedo ko, pero wag kang umasa na magiging sayo ako! For now I just have to get my prize!" Mahigpit na hinawakan ni Garrett ang mga balikat niya.

Napayakap siya sa kanyang sarili. "Please, Garrett... 'wag mo namang gawin sa akin ito," Pagmamakaawa niya.

Ngumisi lang ang lalaki at mataman na pinagmasdan ang katawan niya.

He look tipsy at ngayon pa lang ay sabik na sabik na siyang angkinin siya.

"Come on, slut... you love me right? You love me..." anito. Hinawakan siya nito sa kanyang batok.

"No, please," Umiiyak na pagsusumamo niya.

Ngumisi si Garrett. 

"You're f*cking, sexy babe," bulong nito habang dinidiin ang katawan nito sa katawan niya.

Wala siyang nagawa kundi ang tahimik na umiyak. Akala niya magiging masaya siya sa gabing ito, hindi pala.

It was a hell night for her, her nightmare. Not her dream every night! Kabaliktaran lahat ng panaginip niya ang nangyayari ngayon sa kanya.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Eva Bernabe
beautiful story
goodnovel comment avatar
Ninia Villanueva
Nice story
goodnovel comment avatar
Mulan
it seems interesting story...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status