Share

Chapter 2

Her identity

Tahimik lang na sumunod si Hope sa babaeng nagpakilala na sekretarya ni Garrett. 

Maayos naman ang naging pakikitungo nito sa kanya. Kaya medyo gumaan ang pakiramdam niya. Hindi pala lahat ng tao ay ayaw sa kanya.

Dinala siya sa clothing area na may iba't-ibang mamahaling brand. Pinapili siya ng mga gusto niya. Kumuha lang siya ng dalawang piraso na bra, tig dalawa na panty, tig dalawang skinny na maong na pantalon, at tig dalawang t-shirt, sapatos at tsinelas na tig isang pares. 

Marami siyang magagandang pagpipilian, pero iyon lang ang nagustuhan niya. Hindi din naman kasi siya nagsusuot ng maiikling dress at mga high heels. Iba siya sa mga babaeng tipo ni Garrett. 

"Is that enough Ma'am?" magalang na tanong ng babae sa kanya. 

Tipid lang siyang ngumiti na sinabayan ng kanyang pagtango.

"Ma'am, kunin niyo po ito at suotin n'yo mamaya. Kapag ihahatid na kayo sa kwarto ni Sir," ani ng babae at inabot sa kanya ang hawak nitong pink na sleep dress at puting bathrobe.

Kimunot ang noo niya at nakaramdam ng bahagyang kaba. Nanginginig ang mga kamay na kinuha iyon mula sa babae.

Napansin naman ng babae ang panginginig ng kanyang kamay kaya napangisi ito.

"S--saan ang bathroom d--dito? Gusto ko sanang mag-shower muna. Kanina pa ako nangangati sa suot ko," nahihiyang tanong niya sa babae. Kanina pa niya gustong itanong ang pangalan nito, pero pinangungunahan siya ng hiya. 

"This way, Ma'am," magalang at Nakangiting sagot sa kanya ng babae. At itinuro pa nito ang gawi papunta sa banyo.

"Salamat," sagot niya. Dali-dali siyang nagtungo sa bathroom.

Pagbukas niya ng pinto ay nalula pa ito sa laki at ganda ng loob. May malaking salamin na nasa tapat ng jacuzzi bathtub, may mga sabon din na pang babae na nasa malaking cabinet, na nasa mismong tapat din ng bathtub.

Dahan-dahan niyang inilapag ang susuotin niyang ibinigay sa kanya ng babae kanina.

Sandali siyang natulala at napa-titig sa sarili sa salaming nasa harap niya. Suot pa rin niya ang trahe de buda. Ang nagpapaalala sa kanya na kasal na siya. Kasal na sa lalaking mahal niya pero hindi siya tanggap. Kung lumipas man ang maraming taon at meron pa rin ang trahe de budang suot niya ngayon. Kayang-kaya niyang idetalye ang bawat nangyari sa buong araw… sa araw ng kasal niya. Hindi niya maiwasang malungkot nang maalala ang trato sa kanya ni Garrett ang asawa niya. Ni hindi man lang nagtanong ang lalaki tungkol sa pagkatao niya. Kahit pangalan lang sana. Sa mga tauhan pa niya nito ipinagawa. Hindi man lang siya nito trinato na asawa o kaibigan o babae, dahil hindi siya naging gentleman. Ni hindi nga niya nagawang pagbuksan siya ng pinto sa sasakyan kanina. Ni hindi din siya hinintay sa paglalakad. Nalulungkot siya ng sobra dahil ibang-iba ang trato ni Garrett sa kanya. Kumpara sa mga babaeng nakikita niya dati na kasama nito. Ang mga babae niya, I should say. Malungkot siyang nagpakawala ng buntonghininga. Dahil iniisip niyang isa siyang stranger sa asawa niya, samantalang siya alam niya ang halos buong pagkatao ni Garrett. Maliban sa totoong ugali nito. Na una pa lang ay ipinakita na sa kanya ang pagka-disgusto nito. Mariin siyang napalunok at naluha habang pinagmamasdan ang sarili sa malaking salamin. Aanhin niya pa ang milyong pera kung hindi naman siya matanggap ng asawa. Aanhin niya pa ang tumira sa mala-palasyong Mansyon, kung hindi naman siya kayang mahalin ng asawa niya. Walang kwenta ang pagiging isa niyang Reyna kung hindi siya mahal ng Hari. 

"Masyado ka na naman kasing umasa," malungkot na saad nito sa kanyang sarili.

Kasabay ng malalim na buntonghininga. 

Pagkatapos ay naglinis na siya ng kanyang katawan, hindi na rin siya nagsayang pa ng oras. Mabilis siyang natapos at ini-suot ang bigay kanina ng babae. Nanlaki pa ang mga mata nito nang makita ang sarili. Tila hindi na niya makilala ang sarili niya. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nagsuot ng ganito ka-ikling damit na halos buong hita na niya ang makita. Saktong-sakto naman sa kanya ang suot niya, bagay na bagay sa maputla niyang kutis at sa magandang hubog ng kanyang katawan. Lalo siyang nagmukhang inosente. Para siyang isang anghel, maamo ang mukha, ang brownish at medyo kulot niyang buhok ay dumagdag pa sa kagandahan niya. Nang mapansin na medyo malaswa ang suot niya ay agad niyang pinatungan ng bathrobe. Kapag kuwan ay lumabas na ito sa bathroom at muling pinuntahan ang sekretarya ni Garrett. 

"Tapos na ako," mahina at malumanay na saad niya, sa babaeng naka-talikod at may inaayos na mga papel sa mesa. Agad na hinarap siya ng babae. Natulala pa ang babae nang makita siya nito. Lalo kasi siyang gumanda nang matanggal ang makapal niyang make up, ni hindi din halos makilala ang itsura niya kanina. Dahil sa hindi maganda ang make up na ginawa sa kanya. Si Corry kasi na Step-Mother niya ang pumili ng mag me-make up sa kanya at binilin ang kinuha niya na gawing parang matanda ang itsura ni Hope. Gusto niyang umangal noon pero mas pinili niyang manahimik dahil ayaw niya ng gulo.

Nang mapansin ang reaksyon ng babae ay agad niyang kinapa ang mukha niya. Lumaki pa ang mga mata niyang nagtanong."Ma---may, dumi ba ako sa mukha?" hiyang tanong niya.

Napangising umiling ang babae,

"Wa---wala Ma'am ang ganda-ganda niyo po kasi, hindi ko akalain na malayong mas maganda kayo kung walang Make-up," agap ng babae na hindi mapirmi ang mga matang nakatitig sa magandang mukha niya.

"Ikaw din ang ganda-ganda at ang bait mo pa," Nakangiting sagot niya.

Nginitian siya ng babae. "So let's start ma'am?" Saad ng babaeng sekretarya. Kumunot ang noo niya. She looks confused. "Start? What?" Malumanay pero naguguluhang tanong niya sa babae.

"I just need to get your personal information for your bank account ma'am. As ordered by President Garrett," magalang na paliwanag ng babae. Nakaramdam siya ng lungkot at kirot sa puso niya. Dahil kung itrato siya ni Garrett ay parang isa lang siyang kliyente. Hindi na siya sumagot pa at umupo na lang. Hinintay na tanungin siya ng babae.

Inilapag ng babae ang isang papel at umupo ito sa tapat niya. She gave her a sweet smile before she proceeded to the questions. "So, what is your name Ma'am?" malumanay na tanong ng babae saka nito inihanda ang ballpen to take down.

"Devine Hope Valdez."

"Your Age?"

Pinamulaan siya sa mukha at atubiling sumagot. "T--tu--twenty," Napikit pa siya ng mariin. Nahiya siya dahil pakiramdam niya ay sobrang bata pa niya na ikasal sa edad na Twenty.

Napasinghap ang sekretarya sa sagot niya. Kaya lalo pa itong nakaramdam ng hiya at uminit ng husto ang mukha niya.

"Ah, malayo ang agwat niyo kay Sir," saad ng babae, bago nito isinulat sa papel ang sagot niya. Gusto niya sanang itanong ang pangalan ng babae, pero sa tuwing susubukan niya binabalot siya ng hiya. Gusto din sana niya'ng itanong kung ilang taon na si Garrett. Pero nahihiya siya baka kasi isipin ng babae na nagpakasal siya ni hindi man lang niya alam, kung ilan ang edad ng asawa niya? Bumuntonghininga siya akala niya ay alam na niya ang lahat tungkol sa lalaki pero hindi pa pala.

Sinagot naman niya lahat ng tanong sa kanya. Nang matapos sila ay may tinawagan ang babae sa telepono nakatingin pa ito sa kanya, nang nagsalita ang babae sa linya. "Yeah, were done." Iyon lang naman ang narinig niya, saka ibinaba na ng babae ang telepono.

Ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto. At pumasok ang kaninang dalawang lalaki na bodyguard ni Garrett, na sumundo sa kanila sa elevator. "Let's go Ma'am," magalang na saad sa kanya ng isa sa kanila. May katabaan ang lalaki at kayumanggi ang kulay.

Natulala siya. Naghahari ang takot at kaba sa dibdib niya "Sa--- saan niyo ako dadalhin?" nagtataka niyang tanong. Sinulyapan pa niya ang babae kanina. Nginitian naman siya nito.

"Kay Sir Garrett po Ma'am," sagot ng lalaki sa kanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status