Unexpected wedding
Alas-Singko ang ni-set na oras ng kasal nina Garrett Del Valle at Hope Valdez sa Amancio Hotel sa Makati. Alas-siete na ng gabi pero hindi pa dumadating ang nobyo. Samantalang si Hope ay mahigit Dalawang oras ng naghihintay. Kasama ang pamilya at mga bisita. Marami sa mga bisita ang naiinip na naghihintay, iyong iba ay umalis na rin. Nalulungkot siya dahil sa nangyayari ngayon sa kasal niya. May mga naawa at nakisimpatya, pero pakiramdam niya ay mas marami ang pinagtatawanan siya.
"You, see, I'm telling you. Hindi ka sisiputin ng mapapangasawa mo dahil siguro nalaman niya na isa ka lang alila!" Mataray na saad ni Monique, padaskul pa niyang hinalukipkip ang kanyang mga braso at inirapan siya nito.
Isang matalim na tingin lang ang isinagot nito sa kanya na agad din namang napansin ni Corry ang kanyang Step-Mother. Pinandilatan siya at masakit na tinignan.
"Hindi ka pa nga na ikakasal, mataray ka na! Wag kang pakasisiguro Hope!" mariing anas sa kanya ni Corry.
Tinignan lang niya ito at muling yumuko. Walang kahit na ano mang namutawing salita sa bibig niya. Mahigpit ang hawak niya sa gilid ng kanyang Trahe de buda. Dahil sa inis sa mag-ina. Kung tutuusin wala silang karapatan para itrato na parang hindi siya tao. At alilain dahil mga sampid lang sila, pero napaka duwag at walang awa ng kanyang Papa. Dahil hindi man lang siya nagawang kaawaan at ipagtanggol.
Sa kabila ng pang-aalipusta ng mag-ina sa kanya ay nag tiim-bagang na lang siya.
Sanay na siyang apihin ng mga ito, pero may mga panahon ding nasasaktan siya.
"Hilario! Mabuti pa siguro umuwi na tayo!Dahil siguradong hindi na sisiputin ng nobyo ang bastarda mong anak!" galit na turan ni Corry sa Papa niya, na ngayon ay nakatitig sa kanya. Madilim ang mukha, salubong ang kilay at maigting ang panga. Marahil ay iniisip niya ang malaking kahihiyan na maidudulot nito sa kanilang pamilya, kung hindi siya siputin ng nobyo, at siya ang sisihin kung nagkataon!
Marahan siyang nag-angat ng tingin sa Papa niya. Nasasaktan siya sa ganoong titig ng ama. Yumuko lang ito upang pigilin ang mga luhang kanina pa nais kumawala.
Mabigat na ang dibdib niya sa mga nangyayari. Pilit niyang pinipigilan ang sarili na 'wag bumigay dahil lalo lang siyang ka kawawain kung iiyak siya. Siputin man siya o hindi, dapat walang kahit maliit na butil ng luha ang malalaglag sa mga mata niya.
Alam naman niyang hindi siya magugustuhan ni Garrett. Dahil malayo ang agwat nila sa buhay.
Sino ba siya para pumayag si Garrett na ikasal sa kanya. Isa lang siyang di hamak na ordinaryong babae, na wala pang nararating sa buhay. At ipinagkakaila pa ng ama. Samantalang si Garrett ay Mayaman, gwapo, sikat at namamayagpag na sa larangan ng negosyo.
Sobrang nanliliit siya sa kanyang sarili. Masyado siyang naniwala na magugustuhan din siya ng lalaking matagal na niyang iniibig, na ni minsan ay hindi man lang siya nagawang tapunan ng tingin.
"Give way, I have to go!" inis na turan sa kanya ni Monique.
Walang pakundangan siyang itinulak dahilan ng pagka-salampak niya sa sahig.
Napangiwi pa ito sa sakit dahil naipit ang paa niya sa pagitan ng mesa at upuan.
Gano'n nalang ang gulat niya nang maramdaman niyang may malaking kamay na humawak sa bewang niya. At inalalayan siya sa pagtayo. Amoy niya ang mabango at nakakaakit na pabango ng lalaki. Unti-unting nilingon niya iyon. Gano'n na lang ang gulat niya nang makita ang gwapong mukha ni Garrett, na parang nililok ng magaling na skultor dahil sa pantay na pagkakatabas ng panga nito. Matangos din ang ilong na maihahalintulad sa ilong ng isang Koreano dahil sa manipis ito, kulay brown ang kanyang mga maninipis na labi, makakapal ang kilay at matalim ang makikislap niyang mga mata. Ilang beses siyang napa kurap-kurap. Hindi niya aakalaing sisiputin siya ng binata. Mabilis ang bawat pintig ng kanyang puso, nag-iinit ang buo niyang mukha, dahil sa presensya ng lalaki. Hindi niya akalain na sa gabing ito. Matutupad ang pangarap niyang mapangasawa ang lalaking matagal na niyang minamahal. At sa lahat ng mga nakamit niyang tagumpay ito ang pinaka-paborito niya.
Matalim na tingin ang iginawad ng lalaki kay Monique bago nito in-offer ang braso kay Hope.
"Hold on to my arm," Utos nito sa kanya.
Napalunok at lalong kinabahan si Hope sa sinabi ng binata. Nanginginig ang kamay niyang humawak sa braso nito.
Samantalang si Monique ay laglag ang panga, habang pinagmamasdan ang ginawang pagtulong ni Garrett kay Hope. Hindi nito akalaing ang lalaking matagal na niyang pinapantasya ang siyang mapapangasawa ni Hope.
Lalo pa itong tinubuan ng mas malaking galit kay Hope. Dahil ang lalaking matagal na nitong gustong makuha ay mapupunta lang kay Hope ng gano'n gano'n lang!
Hindi mapirmi ang bawat pintig ng puso ni Hope habang hawak niya sa braso si Garrett. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking mahal niya ay mapapangasawa niya. Labis-labis siyang nag papasalamat, dahil sa wakas ang halos gabi-gabi niyang panaginip ay matutupad na. Ang kasama niyang maglakad ang lalaking mahal niya patungo sa altar.
Maikling seremonya lamang ang ginawa ng Pari para sa kasal nila.
"Now, I pronounce you Husband and Wife, you may now kiss the bride." Mariin siyang napapikit nang marinig ang sinabi ng Pari. Pakiramdam niya ay may grupo ng banda ang tumutugtog sa loob ng dibdib niya. Dahil sa malakas na pintig nito, lalo na nang itaas ni Garrett ang kanyang belo at hinagkan siya sa pisngi. Naamoy niya ang mainit at mabango na hininga ng binata. Pero bigla siyang nakaramdam ng hiya at lungkot. Dahil akala niya ay sa labi niya ito hahalikan. Masyado na naman siyang umasa.
Matapos ang kasal nila ay agad na hinila siya ni Garrett palabas sa reception.
Mahigpit ang hawak nito sa kamay niya, nakaramdam siya ng takot sa inaasal ni Garrett, pero wala siyang magawa kundi sundan na lang ito.
Tumigil sila sa harap ng yellow Maybach na sasakyan ng Lalaki. Mabilis na umikot ito at umupo sa may driver seat. Wala naman siyang imik at pinapanood lang ang ginagawa ng lalaki.
Ilang sandali pa ay bumaba ang salamin ng bintana.
"Get, in the car," mariing utos nito sa kanya. Napalunok siya at hindi agad gumalaw.
Kumunot ang noo ng lalaki at nagsalubong ang kilay.
"I said get in the car now!" iritadong turan nito sa kanya.
Tinanguan lang niya lang ito at agad na binuksan ang pinto sa may backseat at pumasok. Nanginginig ang mga kamay niya at tila ba nanlalamig siya alam niyang hindi siya gusto ng lalaki pero hindi naman niya aakalaing ganito siya itatrato nito.
Yumuko lang siya at hindi nagawang lingunin ang lalaki. Isang malakas na buntonghininga ang narinig niya mula sa harapan, bago umandar ang sasakyan. Inaliw na lang niya ang sarili sa panonood sa mga nadadaanan nilang stablisyemento.
Ilang sandali pa ay tumigil din ang sasakyan sa harap ng isang elaganteng hotel.
"Go, down and follow me," iritadong boses ng lalaki. Mabilis niyang binuksan ang pinto at bumaba.
Halos patakbo na siyang maglakad dahil hindi man lang siya hinintay nito. Sumasakit na ang lalamunan niya, gusto niyang umiyak sa sitwasyon niya.
Halos buhatin na niya ang buo niyang suot dahil sa may kabigatan ito.
Pinagtitinginan din siya ng mga tao. Nahihiya siya at nasasaktan pero ipinagsawalang bahala na lang niya ang pakiramdam niyang iyon.
Agad din namang bumukas ang elevator nang makapasok sila sa loob.
"Get inside first," turan ni Garrett sa kanya. Agad din naman niyang sinunod ang utos nito.
Wala silang kibo sa isa't-isa hanggang sa makarating sila sa 10th floor.
Agad na may sumalubong sa kanila na isang babaeng naka pencil skirt ng itim at puting long sleeve. Kasama nito ang dalawang lalaking naka suot ng tuxedo na na kulay itim at puti ang panloob na long sleeve.
"Take her, with you at sukatan niyo siya ng damit. Get her name and make her a bank account. Transfer Ten Million on her account, pagkatapos niyang magbihis bring her to my room. May paguusapan kami." Mariing utos ni Garrett sa mga tauhan niya.
Hindi niya lubos akalain na gano'n kayaman ang asawa niya. Napalunok pa siya nang sabihing bigyan siya ng Sampung milyon. 'Isa na akong milyonarya' na-e-excite na sinasabi ng isip niya.
"Okay Boss," halos sabay-sabay na sagot ng mga tauhan ng lalaki.
Pagkatapos ay naglakad na ito palabas ng elevator at deri-deritsong naglakad patungo kung saan ang penthouse niya na hindi man lang siya nililingon.
Her identityTahimik lang na sumunod si Hope sa babaeng nagpakilala na sekretarya ni Garrett.Maayos naman ang naging pakikitungo nito sa kanya. Kaya medyo gumaan ang pakiramdam niya. Hindi pala lahat ng tao ay ayaw sa kanya.Dinala siya sa clothing area na may iba't-ibang mamahaling brand. Pinapili siya ng mga gusto niya. Kumuha lang siya ng dalawang piraso na bra, tig dalawa na panty, tig dalawang skinny na maong na pantalon, at tig dalawang t-shirt, sapatos at tsinelas na tig isang pares.Marami siyang magagandang pagpipilian, pero iyon lang ang nagustuhan niya. Hindi din naman kasi siya nagsusuot ng maiikling dress at mga high heels. Iba siya sa mga babaeng tipo ni Garrett."Is that enough Ma'am?" magalang na tanong ng babae sa kanya.Tipid lang siyang ngumiti na sinabayan ng kanyang pagtango."Ma'am, kunin niyo po ito at suotin n'yo mamaya. Kapag ihahatid na kayo sa kwarto ni Si
False nightmare'Wag kang kakabahan, wag kang kakabahan,' iyon ang paulit-ulit na binubulong niya sa kanyang sarili.Gustong-gusto niyang makita, mahawakan, makausap, halikan at yakapin si Garrett pero may something sa kanya na parang natatakot siya. Dahil na rin sa nakita niyang trato sa kanya ni Garrett kanina."Ma'am pasok na lang po kayo," magalang na saad ng bodyguard sa kanya saka binuksan ang pinto."Salamat Manong?" Iniabot niya ang kamay niya na agad din namang tinanggap ng lalaki."Jun po Ma'am," nakangiting sagot nito.Ngumiti muna siya bago muling nagsalita, "Maraming salamat Manong Jun.""Walang ano man Ma'am, pasok na po kayo baka naghihintay na si Sir," malumanay na tugon ni Manong Jun. Sa tono niya pa lang para na siyang sobrang nirerespeto nito.Tumango siya at pumasok din agad.Nalula siya sa ganda ng loob, kulay glittery brown ang kulay ng wal
His Love LetterPakiramdam ni Hope ay binugbog siya sa sakit ng kanyang katawan. Agad siyang napabalikwas nang makita ang dugo sa puting bedsheet. Hindi niya alam kung ano nararamdaman niya ngayon. Kung nagsisisi ba siya o hindi? Nagsisi ba siya talaga? Hindi! Kasi ito ang gusto niyang mangyari noon pa man. Napahawak siya sa kanyang labi nang maalala ang maalab na halik ni Garrett sa kanya kagabi. Hindi niya akalain na papansinin siya ni Garrett, she never thought that he would notice her and touch her. She close her eyes once again nang maalala ang nangyari sa kanila ni Garrett kagabi kung paano siya inangkin ng lalaki, she was so happy… happy that she never imagined she could be. Touching by the man she'd loved for a long time. Happy that she never had experienced since she was created to live in this world. Pero biglang napalitan ng matinding lungkot ang kaligayahan na iyon nang malala, ang mga sinabi sa kanya ni Garrett bago siya nito inangkin. They m
Infinite agonyNakabibingi ang katahimikang nadatnan ni Garrett sa pag-uwi niya sa kanyang Penthouse. Dumiretso siya sa mini bar niya at agad na nagsalin ng alak at ice sa kanyang baso. Pabagsak siyang umupo sa couch at tamad na sumandal tila pagod na pagod ang itsura. Wala siyang maayos na naiisip, buong araw na mainit ang ulo niya na parang may kung anong bumabagabag sa kanya.Napa-higpit ang hawak niya sa kanyang baso nang maalala si Hope ang babaeng pinakasalan niya. He hates her family at kahit kailan ayaw niyang may kahit isa na miyembro ng pamilya Valdez na mauugnay sa pamilya nila. He hates them so much, ang laki ng galit niya sa pamilyang iyon dahil sa kanila ay nawalan siya ng ina.10 years AgoMatalik na magkaibigan ang pamilya Valdez at pamilya Del Valle, it seems like walang kahit anong bagay ang sisira sa magandang relasyon na iyon.Hanggang dumating ang isang pangyayari na nagdulot ng lamat sa relasyon ng pamilya
She is trying to forget"Mabuti pa itapon mo na lang iyang sulat niya sa 'yo, nakakainis! Sa tuwing makikita kita iyan na lang ang laging hawak mo, kundi kita nakikitang umiiyak, nakatulala ka, iisang shot pa lang iyang ginawa niya sa'yo paano na lang kung marami na, eh di mas masasaktan ka, mabuti na iyong maagang hiniwalayan ka noh, kaysa ang paasahin niyang mahal ka niya Besty," mahabang turan ni Sage sa kanya, medyo masakit siyang magsalita, sabi nga nila a true friend will stab you in front and hurt you with the truth.Malumbay na bumuntonghininga si Hope. she was so devastated at mas malala pa doon. She has nobody but Sage alone ang nag-iisang tao na mahal na mahal siya."Hindi, ko naman ipinipilit ang sarili ko sa kanya, kung ayaw niya ako okay lang, tatanggapin ko.''"Sus… tatanggapin eh, kahapon mo lang sinabi sa akin na tatandaan mo lahat ng ginawa niya sa'yo, alam mo minsan nalilito ako sa'yo Best, akala ko uumpisahan mo nang
Parking in the parking lot."Garrett! Ano ba! Bitiwan mo ako!" Sigaw niya.Mahigpit na mahigpit ang pagkakahawak ni Garrett sa kamay niya. Maigting ang kanyang mga panga, his eyes were burning, his teeth were gritted. Marahas siyang hinila nito palabas sa bar.Wala naman na siya dapat karapatan at pakialam sa kanya dahil in the first place siya ang nagpalayas sa kanya sa bahay niya. Siya din mismo ang nagsabi na wag na siyang magpakita pa sa kanya. Wala naman siyang ginawa na masama sa kanya, sinabi lang naman niya ang totoo pero alam niya ba na nandoon siya sa loob ng bar nang ipagsigawan niyang wala siyang itlog?"Garrett… ano ba! Bitawan mo ako nasasaktan na ako!" pagmamakaawa niya kay Garrett.Pero parang bingi lang ito. Walang narinig dahil hindi nagbabago ang maigting na hawak nito na kamay niya na ngayon ay mainit at mahapdi na.Hinila siya ni Garrett hanggang sa parking Area. Nasa madilim na bahagi ang sasakyan nito at medyo mal
Napasapo sa ulo si Hope ng magising ito. Sinuyod niya ng tingin ang kabuoan ng malaking kwarto. Doon ay nakita niyang kalalabas ni Garrett sa banyo nakabalabal lang ito ng puting tuwalya.Halata ang maumbok na gitna nito, napakusot siya ng mata at napalunok. Masusi niyang pinagmasdan ang tindig ni Garrett hindi niya maikakaila na ang buong katauhan ni Garrett ay napaka perpekto, gwapo, sexy at hot. That every woman is dying to make love with."What are you looking at? Wanna make sex again?!" malamig na boses ni Garrett na tila nang-uuyam.Marahan siyang umiling at nag-iwas ng tingin."Clean yourself and get dress. May bisita tayo mamaya.'' iritadong utos ni Garrett sa kanya.Napakunot siya ng noo may puwang sa puso niyang hindi na siya paalisin ni Garrett."H--hindi mo na ba ako paaalisin?" may takot at pag-aalala sa tanong.Nagsalubong ang kilay ni Garrett sa kanya at pinamaywangan siya."I don't want you here! Only my L
HIS REASON."Garrett, since we are all here I want you to read this document iyong malakas na maririnig ng asawa mo," Utos ni Don Fernando kay Garrett. Kasabay ng pag-abot nito ng papel.Nagsalubong ang makakapal na kilay niya, umiigting ang panga niya dahil pakiramdam niya'y ginagawa siyang parang bata ng kanyang Lolo.Padabog niyang inabot ang papel sa Don, pansin ni Hope ang madilim na mukha ni Garrett, ang galit at inis. Natatakot din siya dahil panigurado niyang pagkatapos ng pag-uusap nila ngayon ay masasakit na salita at pang-iinsulto na naman ang aabutin niya kay Garrett."What are you waiting? Basahin mo na!" Matigas na utos ng Don malapit na din itong mainis sa apo. Inilang ulit na nilingon ng Don si Hope, banaag nito ang matinding takot at lungkot."Read Garrett!" Ulit ng Don."Fine!" Pabalang na sagot niya. Padabog niyang itinaas ang papel sa higpit ng hawak niya'y halos mapunit na ang gilid nito."Sumasang-ayon ako sa lah