Share

Chapter 7

        It's 6:00 in the morning. Kahit puyat ng nagdaang gabi at weekend naman ay maaga pa ring gumising si Fritzene. Siya muna ang magbabantay sa Mini Mart ngayon. Magbabiyahe mamaya ang kanyang mga magulang patungo sa Baguio to celebrate their 18th wedding anniversary. They wanted her to join them ngunit aniya ay mas maigi na icelebrate ito ng mga magulang nang magkasama and enjoy each others company.

        "Morning Mom! Morning Dad!" bati niya sa mga magulang na kasalukuyang inihahanda ang kanilang almusal na luto ng kanilang kusinera na si Manang Matilda. Mabilis siyang humalik sa mga ito. "Happy Anniversary po."

        "Thank you dear. Hindi ba magbabago ang isip mo? Sigurado ka na bang dito ka na muna?" naniniguradong tanong sa kanya ng ina. Ipinagtimpla siya nito ng gatas at iniabot agad sa kanya. 

        Natatawang tumango siya sa ina. "Yes Mom. I'll just stay here. Ako na muna po ang bahala sa Mini - Mart. Sayang din po ang sales kung isasarado natin today. Besides, you need time together. Icelebrate nyo po ang anniversary nyo."

        "But we wanted you to be there with us. Mag - aalala lang kami kung hindi ka namin kasama anak." anang kanyang ama. Matamang itong nakatingin sa kanya.

        "Mom, Dad.. don't you worry. As I said, just enjoy your day. Nandito naman sina Manang Matilda eh. Sa tindahan naman, kasama ko sina Kuya Marco, ate Tinay at Mirriam." paninigurado niya sa mga magulang upang mapanatag ang kalooban ng mga ito.

        Walang nagawa na napabuntunghininga na lamang ang kanyang ama. "Okay. Just be safe anak. Call us if you need something."

        "Yes Dad!"

        Umupo na rin siya upang sumalo sa mga magulang sa masaganang almusal na nakahain sa hapag - kainan. 

        The perks of being the only daughter of a ship captain and a businesswoman. They showered her with so much love and she is very much sheltered. Pero dahil napalaki siya sa disiplina ng kanyang mga magulang, she grew up to be a good girl. 

****************

        Pagkatapos magsara ng kaha de yero ay nagsimula na rin si Fritzene na magligpit ng kanyang gamit. Maging ang mga kasamahan ay nagsisimula na ring magsara nang may dumating na lalaki sa tindahan. A man in his mid 50's. 

        Ang kanyang sulyap ay naging pagtitig. Para siyang nahipnotismo at ayaw maalis ng kanyang tingin dito. There was something in him that she can't explain.

        Maging ang nasabing mama ay ganoon din at walang kakurap - kurap na nakatitig sa kanya. 

        "Ma'am Fritz, magsasara na po ba tayo?" ang tanong ni Mirriam sa  sa kanya nang mapansin ang matandang lalaki sa loob ng tindahan na nagpabalik sa kanyang diwa sa kasalukuyan.

        "Ahmm.. Sir? Ano pong kailangan nila? We are about to close the store. I hope you don't mind po." magalang na sabi niya sa lalaki.

        Kumurap - kurap naman ito na wari'y natauhan din sa matagal na pagkatulala. She could tell na guwapo ito during his teenage days. 

        "Do you know a certain Cezar Tengco?" nag - aalangang tanong nito sa kanya.

        Marahan siyang tumango sa lalaki. "Yes po. I'm his daughter. Ano pong kailangan nila?"

        Nanlaki ang mata ng lalaki at samu't saring emosyon ang nagsalimbayan sa mukha nito. 

        Napakunot ang kanyang noo sa reaksiyon nito sa kanyang sinabi.

        'Weird.'

        "Ah.. eh.. n-nasaan ba sila? G-gusto ko sana silang makausap." Medyo nag i stutter na sabi ng mama sa kanya. 

        "Wala po sila dito eh. Nag out of town. Maybe you could go back po some other time kung talagang importante po ang inyong sadya." magalang pa na paliwanag niya. Hindi naman niya mayaya sa kanilang tahanan sapagkat wala naman doon ang sadya nito. Isa pa kabilin - bilinan ng kanyang ina na huwag magpapapasok nang iba at hindi niya kilala sa bahay nila.

        "Amm.. ganoon ba? S-sige. It's nice to meet you..?" 

        "Fritzene po.. Fritzene Tengco." aniyang inilahad ang kanyang kamay. "Kayo po?"

        "Ahmm... a-an old friend of your dad." 

        Mabilis na nakipagkamay sa kanya ang matanda bago nagpaalam sa kanya na wari'y may humahabol. 

        'Weird.'

          Nagkibit balikat na lang siya bago muling ipinagpatuloy ang pagliligpit ng gamit sa counter. Hindi na niya inabala pa ang sarili sa ibang bagay.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status